"Ano sa tingin mo Dad?" Untag ni Kevin sa kanyang ama.Magkasama silang nakaupo ngayon sa study table para pag-usapan ang tungkol kay Levine. Both of them are humiliated within a day at hindi man lang sila nakabawi kahit kaunti.Damn that cold hearted beast!Hindi lang siya nito pinahiya, pati pera niya nadamay pa! At hindi niya mapapatawad ang lalaki kahit pa sabihin na magkadugo silang dalawa!Mataman namang pinagmasdan ni Riku ang mga larawan na nagkalat sa ibabaw ng kanyang mesa. Kani-kanina lang ay ipinadala iyong ng tauhan na napag-atasan niyang magmanman sa mga kilos ni Levine.At hindi niya lubos na inaasahan ang nakikita niya. Levine in a wedding festival? Hindi lang iyon, may kasama pa itong isang babae sa naturang booth at nagsusukat ng damit pangkasal!Kahit na naging palihim ang pagkuha ng larawan, hindi naman siya nagkakamali sa tauhan na nakuha niya. The shots are still clear at kitang-kita ang mukha ng magaling niyang pamangkin kasama ang babae nito.Mataman niyang pin
Imbes na sumakay ng sasakyan ay magkahawak-kamay silang naglakad-lakad ni Drake habang naghahanap ng restaurant kung saan sila kakain hanggang sa mapadaan sila sa isang ginaganap na wedding festival.Sa hindi sinasadya ay tila nahihipnotismo si Graciella na napatingin sa mga wedding booth kung saan malayang nakakapili ang mga babae ng bridal gown para sa isang photoshoot.Napatingin naman si Drake sa naging reaksyon ni Graciella. Kita niya ang pagningning sa mga mata nito habang nakatitig sa mga damit. Maya-maya pa'y isang ideya ang pumasok sa isipan niya."Do you want to try?" Untag niya sa pagkatulala nito.Napapitlag naman si Graciella nang magsalita si Drake. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago umiling. "Hindi na."Huminga ng malalim si Drake bago siya hinila palapit sa naturang event. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay pero hindi siya nito hinayaan. Binayaran ni Drake ang ticket para makapasok sila sa loob.Nang makita ni Graciella ang nakahanay na gown s
Pero sa kabila ng nakikita niyang reaksyon ni Drake ay masigla siyang ngumiti bago iminuwestra ang antique shop na nasa harapan nila. "Galing ako sa loob para tumingin ng mga relics na makakatulong sa script ng palabas sa Isolde Pictures na gagampanan ko."Napatingin din si Drake sa antique shop subalit hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. "Ganun ba? Sinong kasama mong nagpunta dito?"Natigilan siya sa tono ng pananalita ni Drake pero maya-maya lang, hindi na niya napigilan pa ang sarili na matawa hanggang sa nauwi sa isang hagikgik. Ni hindi na nga niya alintana na napapatingin na sa kanila ang mga taong napapadaan.Pinaningkitan ni Drake ng mga mata si Graciella. He was controlling himself not to burst out despite the growing emotions he felt inside his heart tapos tatawanan lang siya ng babae?!"What's funny, wife? I'm asking you kung sino ang kasama mo dito kanina? You even seemed so happy while talking to him. Hindi ka naman ganyan sa iba," masungit niyang wika.Sa
Napatingin din si Owen sa dalawang tao na nasa harapan ng antique shop bago niya nilingon si Master Levine na nakaupo sa backseat. Nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi nang makita ang reaksyon ng kanyang boss. Bakas ang galit sa mga mata nito. Kung nakamamatay man ang tingin, sigurado siyang kanina pa nalagutan ng hininga ang lalaking kasama ni Mrs.Yoshida!Masaya namang nakikipagkwentuhan si Graciella kay Arman habang palabas sila ng antique shop. Sobrang dami niyang natutunan ng araw na iyon."Kung sakali na kailangan mo ng inspirasyon para sa mga pelikula na sasalihan mo sa hinaharap, you can come here in this shop," kaswal na wika ni Sir Arman.Agad namang napatango si Graciella. "Gagawin ko po yan sa susunod. Maraming salamat nga po pala."Tipid na ngumiti si Sir Arman bago umiling. "You don't have to thank me. I'm just also helping you for the better progress of our project. Isa pa magaan ang loob ko sayo. Alam mo yung parang matagal na kitang kilala kahit na ilang araw pala
Ipinagmaneho siya ni Arman papunta sa isang antique shop gaya ng sabi nito. Nang makarating sila sa destinasyon nila ay agad nitong ibinida sa kanya ang lugar."This what they call the Antique Street. Hindi ko man masasabi na one hundred percent real ang mga nasa loob but they are our long-time partner. Sa tuwing may kailangan kaming props sa pelikula namin, sa kanila kami kumukuha kaya malaki ang tsansa na matututo ka sa kanila."Napagtanto ni Graciella na totoo nga ang sinasabi ni Sir Arman sa kanya kanina. Karamihan sa mga props at costumes na kailangan para makumpleto ang settings ng pelikula na balak gawin ng isang production management ay naroon lahat.Napasinghap sa paghanga si Graciella habang inililibot ang tingin sa lugar. Naroon ang iba't-ibang antique shelves, porcelain bottles, glass cups, alchemy furnaces at kung anu-ano pang antigong bagay mula sa iba't-ibang panig ng mundo.Nang makita ng may-ari si Arman ay agad itong lumapit sa lalaki. "Magandang araw po Mr.Isolde,"
Bago paman makasagot si Graciella, isang boses na ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses, nakita niya si Sir Arman na naglalakad papunta sa gawi nila."That is not how Isolde Pictures should work, Olive," malamig nitong turan.Agad namang namutla ang mukha ni Olive kasabay ng kanyang pagkataranta. "Mr.President... Nandito pala kayo," aniya at hilaw na ngumiti.Isang malamig na titig ang ipinukol ni Arman sa babae bago ito muling nagsalita. "Tama si Graciella, Olive. Apex Production's drama is a commercial secret and so was ours. At kahit na may malaman kang sikreto nila, hindi natin sila pwedeng gayahin. That's plagiarism. And it's not good for our company."Nag-init ang mukha nj Olive dahil sa pagpakapahiya. Tumango naman si Graciella bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Arman. "That's right. Kahit na napakaraming screen writers sa industriya, halos hindi naman magkakapareho ang obra ng lahat. Matagal kung pag-isipan ang buong script ng