Itinago ni Graciella ang ATM card na binigay ng Kuya niya, hindi para gamitin iyon kundi para itabi kung sakaling mangangailangan ng tulong ang kapatid niya sa hinaharap.
Nang tuluyan ng tinanggap ni Graciella ang ibinigay ni Garett ay hindi nito mapigilan ang sarili na mapangiti dahil sa tuwa. "Kapag may oras ka, huwag mong kalimutang ipakilala sakin ang lalaking pinakasalan mo."
Pilit na ngumiti si Graciella. "Hayaan mo, Kuya. Sasabihan ko siya na bibisita kami dito sa susunod."
Sumapit ang alas singko ng hapon. Nagpaalam na si Graciella sa kanyang kapatid lalo na at susunduin pa nito ang kanyang pamangkin sa eskwelahan. Hindi narin siya nagtagal, lalo pa't mukhang hindi parin maganda ang loob ni Cherry sa kanya.
Pero kahit hindi sila magkasundo ni Cherry, hiling pa rin niya ang maayos na pagsasama nito kasama ang kapatid niya. Wala ng mas sasaya pa sa magkakasundong pamilya.
Nang makaalis siya sa bahay ng Kuya ay dumiretso na siya sa pharmacy. Unang pagbubuntis niya ngayon at halos wala siyang ideya kung ano ang dapat niyang gagawin. Nagsearch pa siya sa internet kung ano ang mga dapat niyang bilhin para magiging malusog ang anak niya.
"Ang ganda-ganda niyo po Ma'am. Sigurado akong magmamana sa inyo ang magiging baby ninyo," magiliw na papuri ng pharmacist nang magbayad na siya.
"Salamat," nahihiya niyang sambit.
Hindi niya inaasahan ang papuring iyon mula sa isang estranghero.
Nang makaalis siya ng botika, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kanyang scooter. Mukhang ngayon palang nagsync in sa kanya ang mga nangyari. Wala sa sarili siyang napahaplos sa manipis niyang tiyan. Sino bang mag-aakala na may dinadala na siyang sanggol sa kanyang sinapupunan?
Nasa ganung kaisipan siya nang tumunog ang kanyang telepono. Nang sagutin niya iyon ay ang kanya palang kliyente na nais bumili ng bagong sasakyan.
"Sige, papunta na ako…" Aniya bago pinatay ang tawag.
Day-off niya dapat ngayon pero dahil nagdadalantao na siya, kailangan niyang kumayod para may pambili siya ng gatas at iba pang kakailanganin ng anak niya sa hinaharap, agad siyang nagtungo sa kanyang pinagtatrabahuan niya para asikasuhin ang kliyente niya.
Nagtapos siya sa kursong accounting.
Noong nag-aaral pa siya ng highschool, iyon ang indemand na kurso kaya naman, yun ang kinuha niya, subalit nang makagraduate na siya, sobrang dami na ring accounting graduate na gaya niya. Isa pa ay kailangan niyang magtake ng board exam kung gusto niyang makakuha ng mataas na posisyon sa trabahong papasukan niya.
Pero nang makapagtapos siya ay hindi siya nakapagtake ng exam dahil may kamahalan iyon. May mga utang pa siyang binabayaran dahil sa pag-aaral niya.
Kaya naman naisipan niyang pumasok bilang sales associate sa Dynamic Wheels lalo na at malaki ang commission na nakukuha niya. Mabuti nalang at sanay siya sa trabaho mula ng maliit pa siya kaya hindi siya nahihirapan nang magsimula siya sa Dynamic. Thanks to her experience.
Dalawang buwan na ang nakalipas nang makuha ng Dynamic Group of Companies ang Dynamic Wheels. Balita niya ay bago narin ang CEO ng naturang kumpanya. Pagkatapos ng ilang reporma, isa na ang Dynamic Group sa pinakamayamang kumpanya sa bansang Pilipinas. Malaki ang naging positibong epekto nito sa Dynamic Wheels na pinagtatrabahuan niya na ipinagpasalamat niya.
Pero kasabay ng pagbabago ng management ng Dynamic Wheels, may bago din silang manager. Mahigpit na patakaran ang ipinatupad nito. Kailangan nilang makabenta ng higit sa sampung sasakyan sa loob ng isang buwan para sa mas malaking sahod at sandamakmak na bonus at commission.
Kaya naman hindi siya mag-aaksaya ng panahon at palalampasin ang pagkakataon na makabenta.
Halos kalahating oras lang ang itinagal ng transaksyon at agad na siyang nakabenta. Mabilis nang lumapit sa kanya si Kimmy, ang baguhan niyang kasamahan na nagsimula dalawang buwan na ang nakalipas.
"Grabe ka talaga Graciella. Biruin mo yun. Nakabenta ka kaagad ng kotse na isa't kalahating milyon ang halaga sa loob lang ng kalahating oras!" Puno ng paghanga nitong bulalas.
Napangiti naman si Graciella.
"Marami kasing customer ang walang ideya sa kotse. Tanungin mo lang sila kung bakit sila bibili ng sasakyan. Konting salestalk lang yan. Gaya kanina, kakapanganak palang ng babaeng kasama ng bumili. Kaya naman yung malaking SUV Van ang inoffer ko para magamit nila sa hinaharap lalo na kapag bumiyahe silang magpamilya," kaswal niyang paliwanag.
Napatango-tango naman si Kimmy. Sana pala ay nagdala siya ng notebook para mailista niya ang tip na ibinigay ni Graciella at makabenta din siya ng marami.
Ilang sandali pa'y lumitaw sa harapan nila ang isang babae na nakasuot pa ng maikling palda na hapit na hapit sa katawan nito—ang kasamahan nilang si Brittany.
Isa-isa silang tiningnan ni Brittany bago umismid. "Let me guess, nandito ka na naman Kimmy para purihin si Graciella at naghihintay ng mga tip kung paano makabenta gaya niya… Huwag ka ng umasa dahil kung tutuusin, bumibili lang naman ang mga customer natin sa kanya dahil sa itsura niya."
Imbes na mainis sa sinabi ni Brittany ay ngumiti pa si Graciella. "Thank you Brittany. I will take it as a compliment for my beauty," kaswal niyang turan.
Nagpunta siya doon para kumita at hindi para sa mga walang kabuluhang bagay at argumento na hindi naman siya kikita.
Tila hindi naman natuwa si Brittany sa sinabi ni Graciella. Pinukol niya ng isang malamig na titig ang babae bago ngumisi. "Oo nga pala Graciella, sabi ni Manager Lucas na itransfer mo sakin ng mga papeles ng sasakyan at information ng buyer na naibenta mo kani-kanina lang."
Agad na tumigas ang ekspresyon sa mukha ni Graciella.
Hindi na nakatiis pa si Kimmy at agad na pumagitna sa dalawa. "Pangatlo mo na yan ah! Bakit mo kukunin ang mga papeles? Si Graciella ang nakabenta ng sasakyan, Brittany tapos nanakawin mo na naman sa kanya?!"
"That bítch!" Nanggagalaiti niyang sigaw at walang pag-aalinlangan na inihampas sa sahig ang hawak niyang baso.Agad namang nakakuha ng atensyon ng ina ni Beatrice ang ingay ng pagkabasag. Nang makarating siya sa kinaroroonan ni Beatrice ay mabilis niyang niyakap ang dalaga sa takot na baka saktan na naman nito ang sarili."Anong nangyayari sayo, hija?" Nag-aalala niyang tanong."Mommy... Bakit ba ang bwisit Graciella na iyon ang pinakasalan ni Levine. Bakit hindi ako?" Humagulgol nitong sambit.Walang ideya si Mathilda tungkol sa kasal ni Levine. Hindi rin niya alam ang tungkol kay Graciella. Kung hindi pa nabanggit sa kanya ni Oliver ang lahat, hindi pa niya malalaman."Stop cursing that Graciella woman, Beatrice. Hindi ba't siya ang nagligtas sayo mula sa mga kidnappers? Isa pa, kahit na hindi natin lubusang kilala ang babaeng yun, hindi natin mababago ang katotohanan na asawa siya ni Levine."Huminga ng malalim si Mathilda bago hinawakan ang magkabilang pisngi ni Beatrice at pinah
Nang kumunekta ang tawag niya sa kabilang linya, agad naman iyong sinagot ni Oliver. "Graciella. I'm glad you called. Kumusta ang pakiramdam mo?" Agarang bungad ni Oliver.Naalala niyang may sugat ito noong nasa ospital ang babae at marahas pa itong hinila ni Levine palayo sa kanya. Hindi lang siya nakapagreact dahil wala naman siyang karapatan kumpara sa asawa nito."Ayos lang ako, Sir Oliver," kaswal na sagot ni Graciella.Nakahinga ng maluwag si Oliver. "Mabuti naman kung ganun. Oo nga pala, napatawag ka. Sigurado akong may importante kang sadya sa akin."Kahit na nakakausap na niya si Graciella, ramdam niyang hindi parin siya itinuturing na kaibigan ng babae. Medyo malayo parin ang loob nito sa kanya kaya sigurado siyang hindi ito tatawag para makipagtsismisan sa kanya.Napangiti naman si Graciella. Talagang matalino din si Oliver. "Naalala niyo po ba noong huli tayong nag-usap sa telepono? Tumawag po ako para sa katuparan ng bagay na nais kong hilingin sa iyo."Agad namang napata
Dahan-dahan na iminulat ni Graciella ang kanyang mga mata. Bahagya pa siyang napasinghap nang mabungaran niya ang mukha ni Drake na nakatunghay sa kanya."Good morning," bati nito sa paos na boses."G—good morning," aniya at nahihiyang sumubsob sa dibdib nito.They've done it again last night. Hindi niya alam kung bakit nahihiya pa siya eh maraming beses na naman nilang inulit ang nangyari.Narinig niya ang mahinang tawa ni Drake at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. "Are you shy?"Hindi siya sumagot bagkus ay hinigpitan pa ang yakap kay Drake. Nasa ganun silang posisyon nang makarinig sila ng pagring ng cellphone. Napasulyap siya sa kanyang telepono at napagtantong kay Drake iyon."May tumatawag sayo," ungot niya sa lalaki nang mapansin na hindi man lang ito gumalaw sa pwesto nila, ni lingunin ang cellphone nito."Hayaan mo yan. Gusto ko pang mahiga," kaswal na sagot ni Drake.Magmula ng bata pa siya, ang pagpapakatakbo na ng kumpanya ang iniisip niya. Bawat araw ay nagsisipag siya
Unti-unting napapikit ang kanyang mga mata kasabay ng kanyang panghihina. Ni hindi na nga niya namalayan na gumapang na pala si Drake paakyat at nagpantay na ang mukha nila."Hindi kapa pwedeng matulog, wife. Wag kang madaya," anito sa mapaglarong boses.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na sumalubong sa kanyang paningin ang namumulang mga labi ni Drake."Pagod na ako, Drake," nakanguso niyany sambit.Hindi naman siya nagsisinungaling. Talagang napagod siya kahit na wala naman siyang ibang ginagawa kundi tanggapin ang ipinalasap nitong sarap sa kanya.Umangat ang sulok ng labi nito bago lumuhod sa harapan niya. Pinanood niya ang kanyang asawa na kasalukuyang naghuhubad ng suot nitong damit hanggang sa tumambad sa kanya ang matipuno nitong pangangatawan.Naglakbay ang kanyang mga mata sa kabuuan ni Drake hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa naghuhumindik nitong pagkalalàki. Ilang beses siyang napalunok dahil bigla nalang nanuyo ang lalamunan niya."Are you
Mabilis na bumalikwas ng bangon si Drake at agad na humarap kay Graciella. Kaswal lang din siyang humiga ng maayos at tinakpan ng kumot ang buo niyang katawan."Umalis na sila?" Tanong nito sa nagniningning na mga mata.Napailing nalang si Graciella. Hindi niya inaasahan na may pagkachildish pala si Drake sa kabila ng personalidad na meron ang lalaki. Siguro totoo nga ang mga nababasa niya na lumalabas ang ugali na hindi mo naman madalas na maipakita sa iba kapag kasama mo ang taong mahal mo."Tinutukso ka lang daw nila dahil alam nilang ayaw mo na nandito sila," tugon niya.Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ni Drake. "Then pwede na nating ituloy?"Agad naman siyang umingos. "Anong itutuloy? Hindi ba't ayaw mo dahil inaantok ka na? Pwes matulog ka na Drake. Hindi maganda sa taong kagagaling lang sa ospital ang nagpupuyat."Imbes sundin ang sinabi niya ay agad siyang niyakap ng lalaki. "Wala naman akong sakit. Kahit na madaling araw na ako matutulog walang problema—""Sayo ba
Agad na nagningning ang mga mata ni Celestina sa narinig. "Talaga, hija? Ayos lang ba yun sayo?" Naninigurado nitong tanong."Oo naman po. May isang extrang silid itong bahay," tukoy niya sa kanyang kwarto.Agad namang napapalakpak si Grandma Celestina sa narinig. "Aba'y kung ganun, dito nalang tayo matulog ngayong gabi, sweetheart. Ayos lang ba yun sayo, Drake?" Baling pa nito sa asawa niya.Kung gaano kasaya si Grandma Celestina, ganun naman kabusangot ang mukha ni Drake. Hindi talaga itinago ng lalaki ang disgusto sa mukha nito na ikinatawa niya."Wag po kayong mag-alala, Grandma. Ayos lang po kay Drake na dito kayo matutulog ngayong gabi."Naunang pumasok sa kanyang silid si Drake. Hindi niya alam kung nagmamagandang loob lang ba ang asawa niya o sinasadya talaga nitong sa apartment nila patulugin ang lolo at lola niya para bitinin siya. Alinman sa dalawa ang rason, pareho namang hindi nakakatuwa ang resulta.Daig pa niya ang naparusahan. He just wanted to spend a quality time with