"Tumahimik ka!" Pinanlisikan ni Brittany ng mga mata si Kimmy pero hindi naman nagpaawat ang huli.
"At bakit ako tatahimik? Nagsasabi lang ako ng totoo!"
Nakakuha na ng atensyon sa mga naroon ang sagutan nina Kimmy at Brittany. Agad namang lumabas mula sa opisina nito ang manager nilang si Sir Marlou.
"Anong nangyayari dito?" Masungit nitong tanong. Bakas sa mukha ng lalaki ang disgusto sa mga nangyari.
Mabilis siyang humakbang sa unahan at itinago sa likuran niya si Kimmy para protektahan ito. Problema niya ang bagay na ito kaya dapat lang na siya ang humarap sa dalawa.
"Sir Marlou, ako po ang nakabenta ng sasakyan kani-kanina lang. Bakit bigla niyo pong ibibigay kay Brittany ang credit ng mga pinagpaguran ko?"
Nakapamewang na humarap sa kanya si Sir Marlou. "Graciella, si Brittany ang unang nilapitan ng mag-asawa kanina. Kumain lang sandali si Miss Lorenzo sinulot mo na agad ang kliyente niya. Kung may nandaraya man dito, ikaw yun at hindi si Brittany."
Puno ng kumpyansang humarap si Brittany sa kanilang dalawa habang nakatayo ito sa likuran ng manager nila. "Sir Marlou is right, Graciella. Pero kung hindi ka talaga kumbinsido, why don't you try checking the CCTV footage?" Maarte nitong sambit.
Habang nakatitig sa dalawa, alam na alam na niya kung ano ang nangyayari.
Nirekomenda siya ng dati niyang kliyente sa mag-asawa na bumili ng van sa kanya kanina. Nang malaman ng dalawa na wala siya, tinawagan siya ng mga nito at hinintay na makarating sa Dynamic bago ito pumili ng sasakyan.
Tapos ngayon aakuin lang ng walang hiyang Brittany na ito? At kinukunsinti naman ng magaling nilang manager!
Tumikhim si Sir Marlou para kunin ang atensyon nila. "I hope this matter will end here right now, Miss Santiago. Palalagpasin ko ang insidenteng ito ngayon dahil sa maganda mong performance noong nakaraan."
Pinukol ni Graciella ng isang malamig na titig ang kanilang manager bago siya muling nagsalita. "So, ibibigay niyo po talaga kay Brittany ang credits ng sasakyan na naibenta ko ngayon?" Paninigurado niya.
Bahagya namang kinabahan si Marlou nang makita ang ekspresyon sa mga mata ni Graciella. Nasanay siya sa kalmado at maamo nitong mukha. Hindi niya inaakala na may tinatago palang tapang ang dalaga. Subalit bago paman siya makapagsalita ay tinalikuran na siya ni Graciella at naglakad paalis.
Mabilis namang sumunod si Kimmy kay Graciella. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang nakakalokong tawa ni Brittany na mas lalong nakadagdag sa kanyang inis.
"Narinig mo ba yung tawa niya, Graciella? Parang di natin alam kung bakit kinakampihan siya ni Sir Marlou. Ang lakas ng loob niyang sabihin na kaya ka lang nakakabenta ay dahil sa itsura mo samantalang siya ay katawan ang ginagamit niya para maging paborito siya ng manager natin. Ang kapal talaga ng mukha!" Nanggagalaiting sambit ni Kimmy.
"Isa pa, kung hindi lang biglang dumating yang si Sir Marlou dito sa Dynamic, ikaw na dapat ang manager eh," dagdag pa nito.
"Shh, baka may makarinig sayo. Kahit na galit tayo kay Sir Marlou, hindi parin dapat tayo magbitaw ng mga maselang kataga laban sa kanya," awat ni Graciella sa dalaga.
Huminga ng malalim si Kimmy para pakalmahin ang sarili nito. "Okay. Hindi na pero sumusobra na talaga sila. Bakit di natin subukang magreport sa General Manager?"
Marahang umiling si Graciella. "Balita ko galing din sa taas si Sir Marlou kaya wala paring silbi kung magsusumbong tayo sa General Manager."
"So kakalimutan nalang natin ang nangyari ngayon?"
Kalimutan?
Lihim na napaismid si Graciella. Bagama't wala siyang sinasabi, hindi ibig sabihin ay wala siya gagawin. Magpapatalo ba siya!?
Wala siyang interes kay Sir Marlou at maging kay Brittany. Ayos lang naman sa kanya ang magaspang nitong pag-uugali pero ang pigilan siya ng mga ito na kumita ng malaki, ibang usapan na yun!
Kapag pinigilan ka ng isang tao na kumita ng pera ay para ka narin nitong pinapatay!
Nagpasalamat si Brittany at agad na sumandal sa balikat ni Sir Marlou. Ipinulupot naman ng huli ang braso nito sa malambot at maliit na bewang ni Brittany pero ang mga mata nito ay nanatili sa direksyon ni Graciella.
Marami ng dumaan na babae sa buhay niya at hindi na naiiba pa si Brittany sa mga ito pero iba parin talaga ang ganda ni Graciella. Wala itong katulad.
Narinig niyang galing sa probinsya si Graciella at hindi maalwan ang buhay ng mga magulang nito kaya hindi niya inaakala na kayang magpalaki ng mga magulang ng dalaga ng isang napakaganda at marangal na babae.
Kaya naman ginawa niya ang lahat para mahirapan si Graciella. Hinayaan niya si Brittany na nakawin ang mga pinaghirapan ng dalaga para lumapit ito sa kanya. Nang sa ganun, hindi na siya mahirapan pang paamuhin ito at mapasakamay niya ang kagandahan nito.
Pero ang hindi niya inaasahan ay ang makatanggap siya ng tawag dalawang araw ang lumipas matapos ang sagutan nina Graciella at Brittany.
It was a call from the immediate boss of Dynamic Corporation.
At pinagalitan siya kung paano niya dinadala ang mga tauhan niya!
Nang mapagod ito na pagalitan siya ay sinamantala niya ang pagkakataon para itanong dito kung saan nito nalaman ang bagay na iyon.
"Bakit? Natatakot ka na? Isa sa mga tauhan na under sayo ang nagpadala ng complaint letter kay Master Levine at ang big boss mismo ang nagsabi sakin!" Galit parin nitong asik. "Kung hindi ko pa pinakiusapan si Master Levine, malamang wala ka na sa posisyon mo ngayon!" Dagdag pa nito.
Napalunok siya.
Master Levine?
Ang bagong may-ari at namamahala ng Dynamic Group of Companies!
Pakiramdam niya tinakasan siya ng dugo sa mukha. Hindi niya aakalain na didiretso si Graciella sa CEO ng Dynamic.
Paano kaya nakilala ni Graciella si Master Levine? Ano kaya ang koneksyon ng dalawa? Hindi kaya...
Mabilis niyang ipinilig ang kanyang ulo. Kilala niya si Master Levine. Kapag nagalit ito at hindi nagustuhan ang trabaho niya, maari siya nitong tanggalin at hindi lang iyon, siguradong hindi na siya makakahanap pa ng matinong trabaho sa buong Pilipinas!
"Ayusin mo ang gusot na ito Marlou at mag-ingat ka na sa susunod," anito bago pinatay ang tawag.
Sa nanginginig niyang mga binti, agad niyang tinawagan si Brittany para ibalik kay Graciella ang lahat ng files na kinuha nito sa dalaga.
Naguguluhan si Brittany sa nangyayari. At dahil ayaw niyang isauli ang mga iyon kay Graciella ay nagmatigas siya pero ang hindi niya inaasahan, sinigawan siya at pinagalitan ni Marlou dahilan para mapilitan siyang sundin ang gusto ng manager nila.
"Hmm, I think kulang pa ito ng dalawa," ani Graciella habang isa-isang sinusuri ang mga files na ibinigay ni Brittany sa kanya. "Bukas ibigay mo sakin ang kulang Brittany," dagdag pa niya habang may munting ngisi sa labi.
Halos maglabasan na ang litid sa leeg ni Brittany sa sinabi niya. "You bitch! Sino ka ba sa akala mo, ha? Asawa ng CEO ng kumpanya? Sinuswerte ka rin no? Wala na akong kulang at lalong wala na akong dapat na isauli sayo!"
"That bítch!" Nanggagalaiti niyang sigaw at walang pag-aalinlangan na inihampas sa sahig ang hawak niyang baso.Agad namang nakakuha ng atensyon ng ina ni Beatrice ang ingay ng pagkabasag. Nang makarating siya sa kinaroroonan ni Beatrice ay mabilis niyang niyakap ang dalaga sa takot na baka saktan na naman nito ang sarili."Anong nangyayari sayo, hija?" Nag-aalala niyang tanong."Mommy... Bakit ba ang bwisit Graciella na iyon ang pinakasalan ni Levine. Bakit hindi ako?" Humagulgol nitong sambit.Walang ideya si Mathilda tungkol sa kasal ni Levine. Hindi rin niya alam ang tungkol kay Graciella. Kung hindi pa nabanggit sa kanya ni Oliver ang lahat, hindi pa niya malalaman."Stop cursing that Graciella woman, Beatrice. Hindi ba't siya ang nagligtas sayo mula sa mga kidnappers? Isa pa, kahit na hindi natin lubusang kilala ang babaeng yun, hindi natin mababago ang katotohanan na asawa siya ni Levine."Huminga ng malalim si Mathilda bago hinawakan ang magkabilang pisngi ni Beatrice at pinah
Nang kumunekta ang tawag niya sa kabilang linya, agad naman iyong sinagot ni Oliver. "Graciella. I'm glad you called. Kumusta ang pakiramdam mo?" Agarang bungad ni Oliver.Naalala niyang may sugat ito noong nasa ospital ang babae at marahas pa itong hinila ni Levine palayo sa kanya. Hindi lang siya nakapagreact dahil wala naman siyang karapatan kumpara sa asawa nito."Ayos lang ako, Sir Oliver," kaswal na sagot ni Graciella.Nakahinga ng maluwag si Oliver. "Mabuti naman kung ganun. Oo nga pala, napatawag ka. Sigurado akong may importante kang sadya sa akin."Kahit na nakakausap na niya si Graciella, ramdam niyang hindi parin siya itinuturing na kaibigan ng babae. Medyo malayo parin ang loob nito sa kanya kaya sigurado siyang hindi ito tatawag para makipagtsismisan sa kanya.Napangiti naman si Graciella. Talagang matalino din si Oliver. "Naalala niyo po ba noong huli tayong nag-usap sa telepono? Tumawag po ako para sa katuparan ng bagay na nais kong hilingin sa iyo."Agad namang napata
Dahan-dahan na iminulat ni Graciella ang kanyang mga mata. Bahagya pa siyang napasinghap nang mabungaran niya ang mukha ni Drake na nakatunghay sa kanya."Good morning," bati nito sa paos na boses."G—good morning," aniya at nahihiyang sumubsob sa dibdib nito.They've done it again last night. Hindi niya alam kung bakit nahihiya pa siya eh maraming beses na naman nilang inulit ang nangyari.Narinig niya ang mahinang tawa ni Drake at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. "Are you shy?"Hindi siya sumagot bagkus ay hinigpitan pa ang yakap kay Drake. Nasa ganun silang posisyon nang makarinig sila ng pagring ng cellphone. Napasulyap siya sa kanyang telepono at napagtantong kay Drake iyon."May tumatawag sayo," ungot niya sa lalaki nang mapansin na hindi man lang ito gumalaw sa pwesto nila, ni lingunin ang cellphone nito."Hayaan mo yan. Gusto ko pang mahiga," kaswal na sagot ni Drake.Magmula ng bata pa siya, ang pagpapakatakbo na ng kumpanya ang iniisip niya. Bawat araw ay nagsisipag siya
Unti-unting napapikit ang kanyang mga mata kasabay ng kanyang panghihina. Ni hindi na nga niya namalayan na gumapang na pala si Drake paakyat at nagpantay na ang mukha nila."Hindi kapa pwedeng matulog, wife. Wag kang madaya," anito sa mapaglarong boses.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na sumalubong sa kanyang paningin ang namumulang mga labi ni Drake."Pagod na ako, Drake," nakanguso niyany sambit.Hindi naman siya nagsisinungaling. Talagang napagod siya kahit na wala naman siyang ibang ginagawa kundi tanggapin ang ipinalasap nitong sarap sa kanya.Umangat ang sulok ng labi nito bago lumuhod sa harapan niya. Pinanood niya ang kanyang asawa na kasalukuyang naghuhubad ng suot nitong damit hanggang sa tumambad sa kanya ang matipuno nitong pangangatawan.Naglakbay ang kanyang mga mata sa kabuuan ni Drake hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa naghuhumindik nitong pagkalalàki. Ilang beses siyang napalunok dahil bigla nalang nanuyo ang lalamunan niya."Are you
Mabilis na bumalikwas ng bangon si Drake at agad na humarap kay Graciella. Kaswal lang din siyang humiga ng maayos at tinakpan ng kumot ang buo niyang katawan."Umalis na sila?" Tanong nito sa nagniningning na mga mata.Napailing nalang si Graciella. Hindi niya inaasahan na may pagkachildish pala si Drake sa kabila ng personalidad na meron ang lalaki. Siguro totoo nga ang mga nababasa niya na lumalabas ang ugali na hindi mo naman madalas na maipakita sa iba kapag kasama mo ang taong mahal mo."Tinutukso ka lang daw nila dahil alam nilang ayaw mo na nandito sila," tugon niya.Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ni Drake. "Then pwede na nating ituloy?"Agad naman siyang umingos. "Anong itutuloy? Hindi ba't ayaw mo dahil inaantok ka na? Pwes matulog ka na Drake. Hindi maganda sa taong kagagaling lang sa ospital ang nagpupuyat."Imbes sundin ang sinabi niya ay agad siyang niyakap ng lalaki. "Wala naman akong sakit. Kahit na madaling araw na ako matutulog walang problema—""Sayo ba
Agad na nagningning ang mga mata ni Celestina sa narinig. "Talaga, hija? Ayos lang ba yun sayo?" Naninigurado nitong tanong."Oo naman po. May isang extrang silid itong bahay," tukoy niya sa kanyang kwarto.Agad namang napapalakpak si Grandma Celestina sa narinig. "Aba'y kung ganun, dito nalang tayo matulog ngayong gabi, sweetheart. Ayos lang ba yun sayo, Drake?" Baling pa nito sa asawa niya.Kung gaano kasaya si Grandma Celestina, ganun naman kabusangot ang mukha ni Drake. Hindi talaga itinago ng lalaki ang disgusto sa mukha nito na ikinatawa niya."Wag po kayong mag-alala, Grandma. Ayos lang po kay Drake na dito kayo matutulog ngayong gabi."Naunang pumasok sa kanyang silid si Drake. Hindi niya alam kung nagmamagandang loob lang ba ang asawa niya o sinasadya talaga nitong sa apartment nila patulugin ang lolo at lola niya para bitinin siya. Alinman sa dalawa ang rason, pareho namang hindi nakakatuwa ang resulta.Daig pa niya ang naparusahan. He just wanted to spend a quality time with