Mas lalo lang na nandagdagan ang kuryosidad ni Garett tungol sa kasal ng kanyang kapatid nang hindi makasagot si Graciella sa mga katanungan niya.
"Hayaan mo na ang kapatid mo, Garett. Malaki na yan at alam na niya ang ginagawa niya sa buhay," singit ni Cherry, ang asawa ng kanyang Kuya Garett.
"Tama si Ate Cherry, Kuya, kaya huwag ka ng masyadong mag-alala sakin," sang-ayon niya sa kanyang hipag.
"Pero sa kabilang banda, dapat parin na nagpaalam ka kay Mama Thelma tungkol sa biglaan mong pagpapakasal para mapag-usapan ninyong mabuti kung tama ba ang desisyon mo o hindi," bigla nitong kambyo sa nauna nitong pahayag.
Lihim siyang napaingos. Ano bang dapat nilang pag-usapan? Para hindi siya nito payagan at tuluyan siyang ipakasal sa matandang lalaki na gusto nito para sa kanya kapalit ng pera?
"Alam mo kasi tayong mga babae, ilang taon lang tayong bata at kapag nagkaedad tayo, wala na… Hindi katulad ng mga lalaki, habang pataas ng pataas ang edad, pataas din ng pataas ang value nila. Isa pa, sabi ni Mama Thelma, mayaman daw ang lalaking nais niyang ipakasal sayo. Dapat ay yun nalang. Sigurado akong magiging marangya pa ang buhay mo," pagpapatuloy pa ni Cherry.
Pinili nalang niyang hindi sumagot at makipag-argumento. Simula ng maliit pa sila, ang kanyang ina ang boses ng bahay nila. At ang lalaking anak ang paborito ng mga magulang nila dahil ito ang nagdadala ng apelyido ng buong angkan habang ang mga babaeng kagaya niya ay ibebenta lang rin sa ibang pamilya sa murang halaga.
Akala niya ay may nagawa siyang mali sa kanyang ina noon kaya naman ginawa niya ang lahat para maipagmalaki siya nito na hindi naman nangyari. Pagkatapos niya ng high school ay pinilit siya nitong magtrabaho sa factory.
Nang hindi siya pumayag ay pinalayas siya nito sa bahay nila. Naranasan niyang tumira sa lansangan hanggang sa makahanap siya ng extrang trabaho sa karinderya para may pangkain siya. Muntik na siyang matigil sa pag-aaral niya sa college, mabuti nalang at may tiyahin siyang umampon sa kanya sa loob ng dalawang taon habang pasikreto siyang binibigyan ng kanyang kapatid ng pera na inipon nito.
Mabuti nalang at nakakuha siya ng scholarship kaya't nakapagpatuloy siya sa pag-aaral hanggang sa makagraduate siya at nakahanap ng maayos na trabaho.
Naalala pa niya kung paano nainggit ang mga kaibigan niya sa katawan niya dahil kahit anong kain niya, hindi siya tumataba. Ang hindi nila alam, payat siya dahil sa malnutrisyon. Tapos ngayon, balak pa talaga siyang ipakasal dahil lang sa pera.
Mukhang wala na talagang pag-asa na magbago ang kanyang ina.
Kaya naman ang kapatid niya lang itinuturing niyang pamilya. Sumusuporta parin naman siya sa mga magulang niya dahil kahit papaano, tumatanaw siya ng utang na loob dito. Kung hindi dahil sa mga ito, wala siya sa mundong ibabaw ngayon. Pero hangga't doon lang ang kaya niya at hindi niya kayang sundin ang iba pang kagustuhan ng mga ito.
Nang mapagtanto ni Cherry na hindi niya makukumbinsi si Graciella na magpakasal ay naiinis siyang umalis sa salas at iniwan ang magkapatid.
Pagkaalis ni Cherry ay agad na ginagap ni Garett ang kamay ni Graciella. "Huwag mo ng pansinin ang sinabi ng Ate Cherry mo."
Tipid namang ngumiti si Graciella sa kapatid. "Don't worry, Kuya. Kasal narin naman ako. Wala na silang magagawa pa tungkol doon."
Tiningnan ni Garett si Graciella bago ang marriage certificate nito. Bumuntong hininga ito bago may kinugot ba card mula sa pitaka nito at iniabot sa kanya.
"Kuya…"
"May laman na kaunting pera yan Graciella. Inipon ko talaga yan bago ako nag-asawa. Para sayo yan. Hinanda ko yan sakaling darating ang araw na mag-aasawa ka na para may magamit ka. Isipin mo nalang na regalo ko iyan sayo," masuyo nitong bigkas.
Mabilis siyang umiling at akmang isasauli niya kay Garett ang ATM card pero hindi nito iyon tinanggap.
"Kunin mo na yan. Mas magandang may extra kang pera ngayong nag-asawa ka na. Hindi man yan ganun kalaki pero mas mainam parin na may mahuhugot ka kung may nais kang bilhin."
Agad na namuo ang luha sa kanyang mga mata. Ang bait-bait talaga ng kuya niya.
"Huwag mo narin dalasan ang pagbibigay ng pera kay Mama. Mag-ipon karin ng para sayo. Ako na ang bahala sa kanya kapag may kailangan siya. May pamilya ka na. Baka hindi magustuhan ng asawa mo kapag lagi kang nagpapalabas ng pera lalo't bagong kasal lang kayo at marami pang gastusin," pagpapatuloy nito.
Hindi na siya nakatiis pa at yumakap na sa kanyang kapatid. "Thank you so much Kuya…"
Napangiti naman si Garett. Halos lahat ng pera sa pamilya nila ay sa kanya napunta at walang ibinigay ni isang kusing kay Graciella. Hindi niya maatim na ipagkait sa kapatid niya ang parte nito.
Tinapik nito ang kanyang likuran at hinaplos ang kanyang buhok. "Sana magiging masaya ka sa bago mong pamilya, Graciella. Wala akong ibang hiling kundi ang kaligayahan mo."
Tuluyan ng napaluha si Graciella. Alam niyang nagsikap din ang kapatid niya para may magandang buhay itong maibibigay sa pamilya nito kaya naman noong nagkaroon na siya ng trabaho, hindi niya nakakaligtaan na bigyan din ito ng pera bilang pagtanaw ng utang na loob sa kusang pag-aalaga at pagsuporta nito sa kanya.
Hindi niya aakalain na ngayong nagpakasal siya, may itinabi itong pera para sa kanya. Hindi man siya maswerte sa mga magulang, sobrang swerte naman niya sa kapatid niya…
"That bítch!" Nanggagalaiti niyang sigaw at walang pag-aalinlangan na inihampas sa sahig ang hawak niyang baso.Agad namang nakakuha ng atensyon ng ina ni Beatrice ang ingay ng pagkabasag. Nang makarating siya sa kinaroroonan ni Beatrice ay mabilis niyang niyakap ang dalaga sa takot na baka saktan na naman nito ang sarili."Anong nangyayari sayo, hija?" Nag-aalala niyang tanong."Mommy... Bakit ba ang bwisit Graciella na iyon ang pinakasalan ni Levine. Bakit hindi ako?" Humagulgol nitong sambit.Walang ideya si Mathilda tungkol sa kasal ni Levine. Hindi rin niya alam ang tungkol kay Graciella. Kung hindi pa nabanggit sa kanya ni Oliver ang lahat, hindi pa niya malalaman."Stop cursing that Graciella woman, Beatrice. Hindi ba't siya ang nagligtas sayo mula sa mga kidnappers? Isa pa, kahit na hindi natin lubusang kilala ang babaeng yun, hindi natin mababago ang katotohanan na asawa siya ni Levine."Huminga ng malalim si Mathilda bago hinawakan ang magkabilang pisngi ni Beatrice at pinah
Nang kumunekta ang tawag niya sa kabilang linya, agad naman iyong sinagot ni Oliver. "Graciella. I'm glad you called. Kumusta ang pakiramdam mo?" Agarang bungad ni Oliver.Naalala niyang may sugat ito noong nasa ospital ang babae at marahas pa itong hinila ni Levine palayo sa kanya. Hindi lang siya nakapagreact dahil wala naman siyang karapatan kumpara sa asawa nito."Ayos lang ako, Sir Oliver," kaswal na sagot ni Graciella.Nakahinga ng maluwag si Oliver. "Mabuti naman kung ganun. Oo nga pala, napatawag ka. Sigurado akong may importante kang sadya sa akin."Kahit na nakakausap na niya si Graciella, ramdam niyang hindi parin siya itinuturing na kaibigan ng babae. Medyo malayo parin ang loob nito sa kanya kaya sigurado siyang hindi ito tatawag para makipagtsismisan sa kanya.Napangiti naman si Graciella. Talagang matalino din si Oliver. "Naalala niyo po ba noong huli tayong nag-usap sa telepono? Tumawag po ako para sa katuparan ng bagay na nais kong hilingin sa iyo."Agad namang napata
Dahan-dahan na iminulat ni Graciella ang kanyang mga mata. Bahagya pa siyang napasinghap nang mabungaran niya ang mukha ni Drake na nakatunghay sa kanya."Good morning," bati nito sa paos na boses."G—good morning," aniya at nahihiyang sumubsob sa dibdib nito.They've done it again last night. Hindi niya alam kung bakit nahihiya pa siya eh maraming beses na naman nilang inulit ang nangyari.Narinig niya ang mahinang tawa ni Drake at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. "Are you shy?"Hindi siya sumagot bagkus ay hinigpitan pa ang yakap kay Drake. Nasa ganun silang posisyon nang makarinig sila ng pagring ng cellphone. Napasulyap siya sa kanyang telepono at napagtantong kay Drake iyon."May tumatawag sayo," ungot niya sa lalaki nang mapansin na hindi man lang ito gumalaw sa pwesto nila, ni lingunin ang cellphone nito."Hayaan mo yan. Gusto ko pang mahiga," kaswal na sagot ni Drake.Magmula ng bata pa siya, ang pagpapakatakbo na ng kumpanya ang iniisip niya. Bawat araw ay nagsisipag siya
Unti-unting napapikit ang kanyang mga mata kasabay ng kanyang panghihina. Ni hindi na nga niya namalayan na gumapang na pala si Drake paakyat at nagpantay na ang mukha nila."Hindi kapa pwedeng matulog, wife. Wag kang madaya," anito sa mapaglarong boses.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na sumalubong sa kanyang paningin ang namumulang mga labi ni Drake."Pagod na ako, Drake," nakanguso niyany sambit.Hindi naman siya nagsisinungaling. Talagang napagod siya kahit na wala naman siyang ibang ginagawa kundi tanggapin ang ipinalasap nitong sarap sa kanya.Umangat ang sulok ng labi nito bago lumuhod sa harapan niya. Pinanood niya ang kanyang asawa na kasalukuyang naghuhubad ng suot nitong damit hanggang sa tumambad sa kanya ang matipuno nitong pangangatawan.Naglakbay ang kanyang mga mata sa kabuuan ni Drake hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa naghuhumindik nitong pagkalalàki. Ilang beses siyang napalunok dahil bigla nalang nanuyo ang lalamunan niya."Are you
Mabilis na bumalikwas ng bangon si Drake at agad na humarap kay Graciella. Kaswal lang din siyang humiga ng maayos at tinakpan ng kumot ang buo niyang katawan."Umalis na sila?" Tanong nito sa nagniningning na mga mata.Napailing nalang si Graciella. Hindi niya inaasahan na may pagkachildish pala si Drake sa kabila ng personalidad na meron ang lalaki. Siguro totoo nga ang mga nababasa niya na lumalabas ang ugali na hindi mo naman madalas na maipakita sa iba kapag kasama mo ang taong mahal mo."Tinutukso ka lang daw nila dahil alam nilang ayaw mo na nandito sila," tugon niya.Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ni Drake. "Then pwede na nating ituloy?"Agad naman siyang umingos. "Anong itutuloy? Hindi ba't ayaw mo dahil inaantok ka na? Pwes matulog ka na Drake. Hindi maganda sa taong kagagaling lang sa ospital ang nagpupuyat."Imbes sundin ang sinabi niya ay agad siyang niyakap ng lalaki. "Wala naman akong sakit. Kahit na madaling araw na ako matutulog walang problema—""Sayo ba
Agad na nagningning ang mga mata ni Celestina sa narinig. "Talaga, hija? Ayos lang ba yun sayo?" Naninigurado nitong tanong."Oo naman po. May isang extrang silid itong bahay," tukoy niya sa kanyang kwarto.Agad namang napapalakpak si Grandma Celestina sa narinig. "Aba'y kung ganun, dito nalang tayo matulog ngayong gabi, sweetheart. Ayos lang ba yun sayo, Drake?" Baling pa nito sa asawa niya.Kung gaano kasaya si Grandma Celestina, ganun naman kabusangot ang mukha ni Drake. Hindi talaga itinago ng lalaki ang disgusto sa mukha nito na ikinatawa niya."Wag po kayong mag-alala, Grandma. Ayos lang po kay Drake na dito kayo matutulog ngayong gabi."Naunang pumasok sa kanyang silid si Drake. Hindi niya alam kung nagmamagandang loob lang ba ang asawa niya o sinasadya talaga nitong sa apartment nila patulugin ang lolo at lola niya para bitinin siya. Alinman sa dalawa ang rason, pareho namang hindi nakakatuwa ang resulta.Daig pa niya ang naparusahan. He just wanted to spend a quality time with