LOGIN“Bea, honest question. Mukha ba akong mayaman?”
Napahinto si Bea sa pag-inom ng iced coffee at sinipat ang kaibigan mula ulo hanggang paa. “Gusto mo ba ng honest answer o sagot na hindi makakasira ng friendship natin?” “Ang aga-aga, gusto mo nang manakit.” “Girl, nagtatanong ka kung mukha kang mayaman habang nakatayo tayo sa harap ng karinderyang utang mo pa ang huling dalawang order mo.” “Una sa lahat, hindi ako umutang. Nagpa-credit ako.” “Pareho lang 'yon!” “Hindi. Ang utang, may emotional damage. Ang credit, may business relationship.” Napailing si Bea. “Diyos ko, sana talaga yumaman ka para may pambayad ka na sa lahat ng utang mo.” “Don't worry. Kapag billionaire na ako, ikaw ang personal assistant ko.” “Talaga?” “Oo. Ikaw ang taga-check kung may natitira pang pera sa wallet ko.” “Gaga!” Sabay silang nagtawanan habang naglalakad papasok sa campus. Pero bago pa sila makarating sa building nila, may isang boses na naman silang narinig. “Well, well, well. Look who's trying to upgrade her lifestyle.” Napapikit si Lily. Lord, wala pa po akong almusal. Bakit may free entertainment na agad? Nakatayo sa harap nila si Cassandra Villareal, kasama ang dalawang kaibigang tila mga bodyguard nitong hindi binabayaran. Mula sa sapatos ni Lily hanggang sa bagong floral dress nito, mapanuri itong tumingin. “New dress?” tanong ni Cassandra. “Akala ko ba wala kang pera?” Ngumiti si Lily. “Meron na. Bakit? Gusto mong manghiram?” “Please. I wouldn't be caught dead wearing something like that.” “Good. At least may isang bagay tayong pagkakasunduan. Ayokong may patay na nakadikit sa akin.” Napasinghap si Bea. “LILY! Seven-thirty pa lang!” “What? Maaga akong gumigising para sa pangarap ko. Hindi para sa kabastusan niya.” Namula ang mukha ni Cassandra. “I'm just saying, maybe you should stop pretending you're someone you're not. One cheap dress doesn't make you rich.” Tumango si Lily na para bang may natutuhang mahalagang aral. “Correct. At isang mamahaling bag doesn't make you intelligent. Look at us, learning things together.” May ilang estudyanteng napalingon. May isa pang napahawak sa bibig para pigilan ang tawa. Cassandra glared at her. “Don't get too confident, Barrameda. Hindi lahat ng bagay nabibili ng pagiging palaban.” “Alam ko. Kaya nga hindi kita binibili. Hindi ko afford ang headache.” Hinila ni Bea si Lily palayo bago pa magkaroon ng second round. “Girl, one day, papatayin ka talaga ng bibig mo.” “Hindi puwede. May OJT pa ako.” “Mag-a-apply ka na ba?” “Oo. At kapag natanggap ako, babayaran ko na lahat ng utang ko.” “Pati sa akin?” “Isa-isa lang. Huwag kang demanding.” --- Sa classroom, ibinalita ng professor nila ang tungkol sa internship program. “Your OJT is an important part of your professional development,” paliwanag nito. “Choose a company where you can learn, grow, and gain practical experience.” Agad na itinaas ni Cassandra ang kamay. “Sir, what about Almeda Corporation? I heard they're accepting interns.” “Yes. They're one of the companies on our partner list. However, the selection process is competitive.” Napatuwid ng upo si Lily. Almeda Corporation. Isa iyon sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa. Matagal na niyang gustong makapasok sa isang prestigious company para magkaroon ng experience sa corporate world. “Sir, how do we apply?” tanong niya. “Submit your résumé and requirements through the official recruitment process. Passing students will be invited for an interview.” Nagsimulang maglista si Lily. Hindi siya papayag na palampasin ang pagkakataong iyon. Napansin siya ni Cassandra at ngumisi. “You're applying there?” Lumingon si Lily. “Hindi, naglilista lang ako ng mga restaurant na gusto kong kainan.” “I'm serious.” “So am I. May problema ba sa reading comprehension mo?” “Almeda Corporation isn't some small business where anyone can get hired.” “Good thing internship ang ina-applyan ko, hindi pagiging anak ng may-ari.” Napatawa ang ilan nilang kaklase. Cassandra rolled her eyes. “My family knows people in high places. I can probably get in without going through all that trouble.” “Congratulations! Gusto mo ba ng certificate?” “What?” “Certificate of Connections. Frame natin para may achievement ka rin.” “Lily!” “Cassandra!” Sabay silang napatingin sa professor na nakatayo na sa harapan. “Both of you, enough.” “Yes, sir,” sagot ni Lily, sabay ngiti. Pagbalik ng professor sa lesson, yumuko si Bea sa tabi niya. “Girl, kapag natanggal ka sa school dahil sa bibig mo, ako ang unang dadalaw sa kulungan.” “Thank you. Dalhan mo ako ng chicken nuggets.” --- Pag-uwi ni Lily, agad siyang nag-update ng résumé. Inayos niya ang educational background, skills, at mga karanasan niya sa part-time jobs. Hindi man marangya ang buhay niya, marami siyang natutunan sa pagdiskarte. She knew how to communicate, solve problems, manage her time, and work under pressure. At higit sa lahat, marunong siyang makisama kahit sa mga taong gusto niyang itulak sa swimming pool. Pagkatapos niyang isumite ang application, binuksan niya ang messaging app niya. May bagong message si H. H: How was your day? LILY: May announcement sa school. OJT applications are open. H: That's good. Have you chosen a company? LILY: Almeda Corporation. Matagal bago sumagot ang lalaki. H: That's a good choice. LILY: Talaga? May kilala ka ba roon? H: Something like that. Napakunot ang noo ni Lily. LILY: Huwag mong sabihing ikaw ang CEO. H: Why? LILY: Kasi kung ikaw ang CEO, kawawa naman ang employees mo. H: That's harsh. LILY: I'm just being honest. Sabi nila, terror daw ang boss doon. Kapag nagkamali ka ng comma sa email, baka ipa-security ka na palabas. H: Maybe he simply has high standards. LILY: Wow. Defender ka talaga ng mga salbahe. Baka naman kamag-anak mo siya? H: You could say that. Napanganga si Lily. LILY: WAIT. TOTOHANAN?! H: Calm down. LILY: HINDI AKO KALMADO! Baka ikaw pala ang may-ari ng kumpanya! H: I'm not the owner. LILY: Okay, good. Kasi kung ikaw ang boss ko, mag-a-apply akong personal assistant para araw-araw kitang inisin. Sa kabilang panig ng lungsod, napailing si Henry Almeda habang nakangiti sa cellphone. Hindi niya alam kung bakit, pero nakakaaliw ang ideya na ang babaeng nagbibigay sa kanya ng kapayapaan sa gabi ay handang guluhin siya sa opisina. H: And what makes you think you'd qualify as my assistant? LILY: Excellent communication skills. Problem-solving. Multitasking. Very professional. H: Anything else? LILY: Maganda ako. Napatawa si Henry. H: That's your qualification? LILY: Hindi. Bonus na lang 'yon. Package deal ako. H: Good luck with your application, Lily. Napangiti ang dalaga. LILY: Thank you, H. Kapag natanggap ako, libre kita ng virtual high five. H: I'll look forward to it. --- Kinabukasan, habang naglalakad si Lily papunta sa library, nakatanggap siya ng email. SUBJECT: OJT APPLICATION — ALMEDA CORPORATION Napatigil siya sa gitna ng hallway. Binuksan niya ang email at mabilis na binasa ang nilalaman. Dear Ms. Lilian Barrameda, We are pleased to inform you that your application has passed the initial screening. You are invited to attend the final interview. Nanlaki ang mga mata niya. “BEA!” Napalingon ang mga estudyante sa paligid. “BEA, TANGINA, MAY INTERVIEW AKO!” Mula sa kabilang dulo ng hallway, tumakbo ang kaibigan niya. “ANO?!” Ipinakita ni Lily ang email. Pagkabasa ni Bea, napasigaw rin ito. “GIRL! KAPAG NATANGGAP KA, LIBRE MO AKO NG FOOD TRIP!” “Unli rice!” “DEAL!” “Pero kapag hindi ako natanggap, ikaw ang magpapautang sa akin.” “AYOKO NA! BAWIIN NATIN ANG CELEBRATION!” Nagtawanan silang dalawa. Hindi nila alam na sa mismong oras na iyon, nasa executive office ng Almeda Corporation ang lalaking kausap ni Lily gabi-gabi. Binabasa ni Henry ang listahan ng mga aplikanteng iimbitahan sa final interview. Huminto ang tingin niya sa isang pangalan. Lilian Barrameda. He leaned back in his chair, a small smile forming on his lips. “So, Miss Barrameda,” bulong niya. “You want to annoy me every day?” Kinuha niya ang ballpen at itinabi ang résumé nito para sa interview panel. “Let's see how you handle your first real challenge.” Hindi alam ni Lily na malapit na niyang makilala ang lalaking tinatawag niyang Mr. No-Face. At hindi rin alam ni Henry na sa unang pagkikita nila, maaaring siya ang unang lalaking gugustuhin ni Lily na sapakin gamit ang résumé nito.Alas-sais na ng gabi nang matapos si Lily sa trabaho.Buong hapon siyang naging abala sa pag-aayos ng initial proposal para sa campaign na Every Child Deserves a Home. Maganda ang naging takbo ng meeting nila, pero hindi mawala sa isip niya ang presensiya ni Adela Reyes.Lalo na ang sinabi nitong gusto siyang makausap tungkol sa isang bagay na hindi naman tungkol sa campaign.Habang nag-aayos siya ng gamit, nag-vibrate ang kaniyang phone.Henry: Are you done with work?Lily: Almost. Why?Henry: I'll pick you up. Let's have dinner.Napangiti siya.Lily: Okay. Give me ten minutes.Henry: Take your time.---Pagkalipas ng ilang minuto, nakita ni Lily ang sasakyan ni Henry sa labas ng building.Pagbukas niya ng passenger door, agad siyang sinalubong nito ng ngiti.“Hi.”“Hi. Long day?”“Very. Parang hindi pa ako nakaka-recover sa bakasyon, may panibagong project na agad.”“That's work.”“Thank you sa reminder, Mr. Obvious.”Napatawa si Henry.“Where do you want to eat?”“Anything. Basta m
Maagang pumasok si Henry sa opisina nang araw na iyon. May ilang dokumentong kailangan niyang suriin bago magsimula ang sunod-sunod na meeting. Ngunit higit sa mga business reports, may isang bagay na matagal nang naghihintay ng kaniyang atensiyon.Ang tungkol kay Adela Reyes.Nasa harap niya ang isang brown envelope na ipinadala ng kaniyang private investigator. Ilang araw na rin niyang ipinag-uutos kay Jason na tiyaking makakakuha sila ng mas malinaw na impormasyon tungkol sa matandang babaeng nakita ni Lily sa charity gala.Kumatok si Jason bago pumasok.“Good morning, sir.”“Good morning. May update na ba?”Tumango si Jason at inilapag ang tablet sa mesa.“Yes, sir. We received additional information about Adela Reyes.”Agad na iniangat ni Henry ang tingin.“Go ahead.”“Based sa records na nakuha ng investigator, ilang taon nang may koneksiyon si Adela Reyes sa iba't ibang charitable institutions. Kabilang doon ang mga organisasyong tumutulong sa mga orphanage at abandoned childre
Unang araw ng trabaho matapos ang Christmas break.Maagang dumating si Lily sa Sterling Communications. Bitbit niya ang kaniyang laptop, handbag, at isang maliit na paper bag na naglalaman ng mga pasalubong mula sa Tokyo.Pagpasok niya sa office, agad siyang sinalubong ni Marco.“MANAGER LILY!”Napalingon siya at napailing.“Good morning din sa iyo, Marco. Kailangan ba talagang isigaw?”“Of course! Welcome back! Kumusta ang Tokyo?”“Masaya. Nakakapagod, pero worth it.”“May pasalubong ba ako?”Napatingin si Lily sa kaniya.“Good morning muna. Hindi pasalubong agad.”“Good morning, beautiful manager! May pasalubong na ba ako?”Napatawa si Lily at inilapag ang paper bag sa desk.“May maliit akong something para sa inyo. Pero huwag kayong mag-agawan.”Agad lumapit ang ilang kasamahan nila.“Wow! Thank you, Lily!”Isa-isang inilabas ni Lily ang mga cute na keychain na binili niya sa Tokyo. May maliliit na pusa, stars, sakura flowers, at iba pang makukulay na disenyo.“Para sa akin, ito!”
Huling araw na nila sa Tokyo, at ayaw ni Lily na sayangin ang bawat minuto.Maaga silang umalis ng hotel dahil may espesyal na plano si Henry. Dinala niya sina Lily, Emily, at Lucas sa isang winter resort kung saan maaari silang mag-enjoy sa snow at subukan ang skiing.Pagkababa pa lang nila sa sasakyan, halos mapatalon si Lily sa tuwa.“OH MY GOSH! SNOW!”Napatawa si Henry habang pinagmamasdan siyang tumingin sa paligid.“First time?”“Obviously! Henry, tingnan mo! Totoong snow!”Pumulot siya ng kaunting niyebe at hinawakan iyon sa palad.“Ang lamig!”“That's what snow does,” natatawang sagot ni Henry.“Alam ko nga! Gusto ko lang maranasan!”Si Lucas naman ay abalang-abala sa paggawa ng maliit na snowball.“Ate Lily! Look!”Inihagis nito ang snowball sa direksiyon niya, pero hindi umabot at bumagsak lamang sa tabi ng sapatos nito.“Hindi ako natamaan!” natatawang sabi ni Lily.“Again!”“Lucas, huwag mong gawing target si Ate Lily,” saway ni Henry.“Uncle, play tayo!”“Later. Put on y
Pasko na sa Tokyo. Malamig ang simoy ng hangin sa labas, at kumikislap ang mga Christmas lights sa paligid ng lungsod. Sa mga tindahan ay may mga dekorasyong pula at ginto, habang maririnig sa ilang café ang mga awiting pamasko na nagbibigay ng init sa kabila ng lamig ng panahon. Para kay Lily, kakaiba ang Paskong ito. Hindi siya nasa Pilipinas. Wala siya sa maliit na apartment na ilang buwan pa lamang niyang tinatawag na tahanan. At higit sa lahat, hindi niya ginugol ang araw na ito nang mag-isa. Nasa isang eleganteng restaurant sila ngayon, kasama sina Henry, Emily, at Lucas. Sa malaking bintana sa tabi ng kanilang mesa, tanaw ang mga ilaw ng Tokyo. May maliit na Christmas tree sa sulok at mga kandilang nagbibigay ng malambot na liwanag sa bawat mesa. “Ang ganda rito, Tita,” sabi ni Lily habang pinagmamasdan ang paligid. “I'm glad you like it, anak,” sagot ni Emily. “I wanted us to have a special Christmas dinner.” “Special talaga,” singit ni Lucas. “May cake ba?” Napatawa s
“ATE LILY! Bilis! Baka maubusan tayo!”Napatawa si Lily habang hinahabol si Lucas na halos tumakbo papunta sa isang tindahan ng mga laruan.“Lucas, hindi naman mauubos ang lahat ng laruan sa mundo!”“But I want to see them first!”“Grabe, parang may hinahabol na deadline!”Nasa likuran nila si Henry, hawak ang dalawang paper bag habang nakangiting pinagmamasdan ang magtiyahin at magpamangkinn na tila mas bata pa sa tatlong taong gulang ang kaniyang pamangkin kapag kasama si Lily.“Lucas, slow down,” paalala niya. “Hindi tayo nagmamadali.”Huminto ang bata at lumingon sa kaniya.“Uncle, si Ate Lily ang nagsabi na bilisan ko!”Napatingin si Lily kay Henry.“Excuse me! Ang sabi ko, bilisan natin dahil excited ako. Hindi ko sinabing tumakbo ka na parang may nanalo sa raffle!”Nagtawanan silang tatlo.Sa kanilang ikalawang araw sa Tokyo, nagpasya silang bumisita sa isang shopping district na puno ng mga tindahan, café, at makukulay na display. Kasama nila si Emily, na tuwang-tuwa sa bawat







