Share

Chapter 2

Author: Katie Alcos
last update publish date: 2026-10-25 16:07:28

“Bea, kapag namatay akong mahirap, ilibing mo ako sa mamahaling kabaong.”

“Bakit? Para sosyal ang bangkay mo?”

“Para kahit sa kabilang buhay, mayaman ang aura ko.”

Napailing si Bea habang pinapanood ang kaibigan niyang abalang naglalagay ng powder sa mukha gamit ang maliit na salamin.

Monday morning sa university, at gaya ng dati, ang unang problema ni Lilian Barrameda ay hindi ang quiz nila sa Economics.

Kundi ang natitirang pera sa wallet niya.

May one hundred eighty pesos pa siya. Kailangan niyang pagkasyahin iyon hanggang Friday, bayaran ang natitirang renta sa kuwarto, at mag-ipon para sa mga gastusin sa OJT.

“Girl, kumusta na ang mysterious sugar daddy mo?” bulong ni Bea.

Napalingon si Lily.

“Hoy! Hinaan mo ang boses mo. Gusto mo bang malaman ng buong campus na may business meeting ako?”

“Business meeting? Akala ko ba sugar daddy?”

“Same thing. May negotiation, may terms and conditions, at posibleng may financial benefits.”

“Gaga! Hindi ka ba natatakot? Malay mo, serial killer pala 'yan!”

“Kung serial killer siya, sana serially siyang magpadala ng pera.”

“LILY!”

“Ano? At least may contribution siya sa economy.”

Napahampas si Bea sa balikat niya.

“Ang kapal talaga ng mukha mo!”

“Thank you. Pinaghirapan ko 'to.”

Bago pa makasagot si Bea, tumunog ang cellphone ni Lily.

H: Good morning, Lily.

Napangisi ang dalaga.

LILY: Good morning. May mukha ka na ba today?

H: No.

LILY: Grabe ka naman. Ilang taon ka nang naka-off cam? Baka pati front camera mo, nag-resign na.

Ilang segundo bago dumating ang sagot.

H: You're always this talkative?

LILY: Hindi. Minsan tulog ako.

Napatawa siya nang mahina.

H: I see.

LILY: Ikaw? Always this mysterious?

H: Yes.

LILY: Baka naman government secret ka. CIA? FBI? Mafia?

H: Would you prefer a mafia boss?

LILY: Depende. May benefits ba?

Napatakip ng bibig si Bea nang mabasa ang huling message.

“GIRL! Wala ka talagang takot!”

“Bakit? Hindi naman ako nanghihingi ng kidney.”

“Paano kung bigla kang hingan ng picture?”

“Eh di picture ng pusa ko ang ibibigay ko.”

“Wala ka ngang pusa!”

“Exactly. Mysterious din siya.”

Muntik nang mahulog si Bea sa upuan sa kakatawa.

---

Pagkatapos ng klase, dumiretso si Lily sa library. May research paper silang kailangang tapusin, at kahit gusto niyang magpahinga, hindi puwedeng pabayaan ang grades niya.

Scholarship ang isa sa pinakamalaking sandata niya para makapagtapos.

Wala siyang balak sayangin iyon dahil lang sa pera.

Habang nagta-type siya sa laptop, muli siyang nag-message kay H.

LILY: Can we talk about the arrangement?

H: Of course.

Huminga nang malalim si Lily bago nagsimulang mag-type.

LILY: I want to be clear about my boundaries. I can offer my time and companionship through chats and calls. But I won't send intimate photos, and I'm not comfortable meeting in person. At least, not now.

H: Understood. Anything else?

LILY: You don't get to control my clothes, friends, studies, or personal life. Hindi ako binibili.

Matagal bago sumagot ang lalaki.

H: I never intended to control you.

LILY: Good. Kasi kahit sampung beses mo akong bayaran, hindi pa rin kita magiging principal.

Napailing si Henry sa kabilang panig ng screen.

Nasa loob siya ng private office niya, nakaupo sa likod ng malaking mesa na gawa sa mamahaling kahoy. Katatapos lang ng meeting niya, at ilang minuto na siyang nakatitig sa cellphone.

Sa business world, sanay siyang sinusunod.

Isang salita lang niya, gagalaw ang buong departamento. Isang tingin lang niya, tatahimik ang mga executive.

Pero ang babaeng ito?

Kahit hindi pa niya nakikita nang personal, pakiramdam niya ay kailangan niya ng extra patience para lang makipag-usap dito.

And strangely enough, he liked it.

H: What allowance do you expect?

Napakagat sa labi si Lily.

Ito na.

The moment of truth.

Hindi siya mahilig magpanggap na hindi mahalaga ang pera. Mahirap siya, at wala siyang balak magpaka-martir para lang masabing marangal ang pamumuhay niya.

Pero hindi rin siya desperada para tanggapin ang kahit anong kondisyon.

Nagbigay siya ng halagang makatwiran para sa oras na ilalaan niya, kasama ang malinaw na usapan tungkol sa kanilang arrangement.

Ilang sandali pa silang nagpalitan ng mensahe hanggang sa magkasundo sila.

H: That works for me. I'll send your first allowance tonight.

Nanlaki ang mga mata ni Lily.

LILY: Wait. For real?

H: Yes.

LILY: Hindi ba kailangan ng blood sample? Birth certificate? NBI clearance?

H: Why would I need those?

LILY: Ewan ko sa 'yo. Baka bigla mong sabihin, membership f*e muna bago allowance.

Napailing si Henry habang natatawa.

H: I don't need your money, Lily.

LILY: Good. Kasi ang pera ko, pang-Jollibee lang.

H: Noted.

Napangiti si Lily.

Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, parang may kaunting puwang ang dibdib niya para huminga.

Hindi nito ibig sabihing mawawala na ang lahat ng problema niya. Hindi nito ibig sabihing magiging madali na ang buhay niya.

Pero kahit papaano, may pagkakataon siyang mabawasan ang bigat na pasan niya.

At hindi niya iyon ikahihiya.

---

Gabi na nang makauwi si Lily sa inuupahan niyang kuwarto.

Pagod ang katawan niya, pero bago pa siya makapagpalit ng damit, tumunog ang cellphone niya.

Bank notification: You received a transfer.

Napaupo siya sa gilid ng kama.

Tinitigan niya ang screen.

Then she checked it again.

“PUTANGINA!”

Mayamaya, kumatok ang kapitbahay niya sa dingding.

“Hoy! Anong nangyari diyan?!”

Sumigaw si Lily pabalik.

“WALA! MAYAMAN NA AKO!”

“Tumahimik ka nga!”

“INGGIT!”

Agad niyang tinawagan si Bea.

“BEA! BEA! MAY PERA NA AKO!”

“Magkano?!”

Sinabi niya ang halagang natanggap niya.

Natahimik ang kaibigan niya nang ilang segundo.

“Girl... bayaran mo muna ang renta mo. Tapos groceries. Pamasahe. School expenses. Huwag mong ubusin sa shopping.”

“Alam ko, mama.”

“At huwag kang magtiwala agad. Hindi dahil nagpapadala siya ng pera, ibig sabihin safe na lahat.”

Napahinto si Lily.

“Alam ko, Bea. Hindi ako tanga.”

“Hindi ko sinasabing tanga ka. Sinasabi kong mag-ingat ka.”

Bumuntong-hininga si Lily.

“Okay. Promise. Boundaries first.”

Pagkababa ng tawag, agad niyang hinati ang pera sa isip niya. Renta, pagkain, pamasahe, at savings.

Walang luho. Walang mamahaling bag.

Pero may isang bagay siyang bibilhin.

Isang bagong dress.

Hindi para kay Cassandra.

Kundi para sa sarili niya.

Dahil deserve rin naman niyang magkaroon ng magandang bagay paminsan-minsan.

---

Alas-diyes ng gabi, nagsimula ang unang mahabang video call nila ni H.

Gaya ng dati, si Lily ang nasa camera. Si H naman ay nanatiling itim ang screen.

“Okay,” bungad niya. “Since may financial transaction na tayong naganap, may importanteng tanong ako.”

H: What is it?

“Pangit ka ba?”

Natigilan si Henry.

Then he laughed.

A deep, genuine laugh that no one in his office had heard that day.

H: Why would you ask that?

“Curiosity. Baka naman may reason kung bakit ayaw mong magpakita.”

H: Would it matter if I were unattractive?

Nag-isip si Lily.

“Honestly? Hindi naman. Hindi ko naman balak pakasalan ka.”

Hindi na naman napigilan ni Henry ang tumawa.

“Pero kung kamukha mo si Voldemort, at least gusto kong may emotional preparation ako.”

H: You're unbelievable.

“Thank you. Limited edition ako.”

H: So you wouldn't care about my appearance?

“Hindi ko sinabing gano'n. Kung guwapo ka, bonus. Kung hindi, character development.”

H: And what do you look like in your imagination?

Ngumisi si Lily.

“Forty years old. Kalbo. May tiyan. Naka-sando. Tapos may collection ng electric fan sa bahay.”

H: That's oddly specific.

“Experience.”

H: What experience?

“Wala. Pero parang ikaw 'yong tipo.”

Sa kabilang screen, napatingin si Henry sa sarili niyang repleksiyon sa madilim na bintana.

Forty years old.

Not bald.

Definitely not wearing a sando.

And certainly not collecting electric fans.

Pero mas pinili niyang manahimik.

H: You should sleep. You have classes tomorrow.

“Wow. May curfew? Sugar daddy ka ba o guidance counselor?”

H: Someone has to make sure you get enough rest.

Napahinto si Lily.

Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang lambot sa paraan ng pagsagot nito.

“Fine. Good night, Mr. No-Face.”

H: Good night, Lily.

“Sweet dreams. Sana panaginipan ko mukha mo para malaman ko kung worth it ang allowance.”

H: I'll try not to disappoint you.

Natawa si Lily bago pinatay ang camera.

Pagka-disconnect ng tawag, napangiti si Henry sa katahimikan ng kanyang opisina.

Hindi niya alam kung ano ang mas delikado.

Ang pagiging komportable niya sa babaeng hindi pa niya nakikita nang personal...

O ang katotohanang gusto niyang malaman kung ano pa ang kayang gawin nito para mapangiti siya.

Samantala, humiga si Lily sa kama at niyakap ang unan.

“Good night, rich stranger.”

Hindi niya alam na sa kabilang dulo ng tawag ay isang lalaking kayang bilhin ang halos lahat ng bagay sa mundo.

Maliban sa isang bagay.

Ang tiwala ng babaeng unti-unti nang pumapasok sa buhay niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying my Sugar Baby   Chapter 78

    Alas-sais na ng gabi nang matapos si Lily sa trabaho.Buong hapon siyang naging abala sa pag-aayos ng initial proposal para sa campaign na Every Child Deserves a Home. Maganda ang naging takbo ng meeting nila, pero hindi mawala sa isip niya ang presensiya ni Adela Reyes.Lalo na ang sinabi nitong gusto siyang makausap tungkol sa isang bagay na hindi naman tungkol sa campaign.Habang nag-aayos siya ng gamit, nag-vibrate ang kaniyang phone.Henry: Are you done with work?Lily: Almost. Why?Henry: I'll pick you up. Let's have dinner.Napangiti siya.Lily: Okay. Give me ten minutes.Henry: Take your time.---Pagkalipas ng ilang minuto, nakita ni Lily ang sasakyan ni Henry sa labas ng building.Pagbukas niya ng passenger door, agad siyang sinalubong nito ng ngiti.“Hi.”“Hi. Long day?”“Very. Parang hindi pa ako nakaka-recover sa bakasyon, may panibagong project na agad.”“That's work.”“Thank you sa reminder, Mr. Obvious.”Napatawa si Henry.“Where do you want to eat?”“Anything. Basta m

  • Marrying my Sugar Baby   Chapter 77

    Maagang pumasok si Henry sa opisina nang araw na iyon. May ilang dokumentong kailangan niyang suriin bago magsimula ang sunod-sunod na meeting. Ngunit higit sa mga business reports, may isang bagay na matagal nang naghihintay ng kaniyang atensiyon.Ang tungkol kay Adela Reyes.Nasa harap niya ang isang brown envelope na ipinadala ng kaniyang private investigator. Ilang araw na rin niyang ipinag-uutos kay Jason na tiyaking makakakuha sila ng mas malinaw na impormasyon tungkol sa matandang babaeng nakita ni Lily sa charity gala.Kumatok si Jason bago pumasok.“Good morning, sir.”“Good morning. May update na ba?”Tumango si Jason at inilapag ang tablet sa mesa.“Yes, sir. We received additional information about Adela Reyes.”Agad na iniangat ni Henry ang tingin.“Go ahead.”“Based sa records na nakuha ng investigator, ilang taon nang may koneksiyon si Adela Reyes sa iba't ibang charitable institutions. Kabilang doon ang mga organisasyong tumutulong sa mga orphanage at abandoned childre

  • Marrying my Sugar Baby   Chapter 76

    Unang araw ng trabaho matapos ang Christmas break.Maagang dumating si Lily sa Sterling Communications. Bitbit niya ang kaniyang laptop, handbag, at isang maliit na paper bag na naglalaman ng mga pasalubong mula sa Tokyo.Pagpasok niya sa office, agad siyang sinalubong ni Marco.“MANAGER LILY!”Napalingon siya at napailing.“Good morning din sa iyo, Marco. Kailangan ba talagang isigaw?”“Of course! Welcome back! Kumusta ang Tokyo?”“Masaya. Nakakapagod, pero worth it.”“May pasalubong ba ako?”Napatingin si Lily sa kaniya.“Good morning muna. Hindi pasalubong agad.”“Good morning, beautiful manager! May pasalubong na ba ako?”Napatawa si Lily at inilapag ang paper bag sa desk.“May maliit akong something para sa inyo. Pero huwag kayong mag-agawan.”Agad lumapit ang ilang kasamahan nila.“Wow! Thank you, Lily!”Isa-isang inilabas ni Lily ang mga cute na keychain na binili niya sa Tokyo. May maliliit na pusa, stars, sakura flowers, at iba pang makukulay na disenyo.“Para sa akin, ito!”

  • Marrying my Sugar Baby   Chapter 75

    Huling araw na nila sa Tokyo, at ayaw ni Lily na sayangin ang bawat minuto.Maaga silang umalis ng hotel dahil may espesyal na plano si Henry. Dinala niya sina Lily, Emily, at Lucas sa isang winter resort kung saan maaari silang mag-enjoy sa snow at subukan ang skiing.Pagkababa pa lang nila sa sasakyan, halos mapatalon si Lily sa tuwa.“OH MY GOSH! SNOW!”Napatawa si Henry habang pinagmamasdan siyang tumingin sa paligid.“First time?”“Obviously! Henry, tingnan mo! Totoong snow!”Pumulot siya ng kaunting niyebe at hinawakan iyon sa palad.“Ang lamig!”“That's what snow does,” natatawang sagot ni Henry.“Alam ko nga! Gusto ko lang maranasan!”Si Lucas naman ay abalang-abala sa paggawa ng maliit na snowball.“Ate Lily! Look!”Inihagis nito ang snowball sa direksiyon niya, pero hindi umabot at bumagsak lamang sa tabi ng sapatos nito.“Hindi ako natamaan!” natatawang sabi ni Lily.“Again!”“Lucas, huwag mong gawing target si Ate Lily,” saway ni Henry.“Uncle, play tayo!”“Later. Put on y

  • Marrying my Sugar Baby   Chapter 74

    Pasko na sa Tokyo. Malamig ang simoy ng hangin sa labas, at kumikislap ang mga Christmas lights sa paligid ng lungsod. Sa mga tindahan ay may mga dekorasyong pula at ginto, habang maririnig sa ilang café ang mga awiting pamasko na nagbibigay ng init sa kabila ng lamig ng panahon. Para kay Lily, kakaiba ang Paskong ito. Hindi siya nasa Pilipinas. Wala siya sa maliit na apartment na ilang buwan pa lamang niyang tinatawag na tahanan. At higit sa lahat, hindi niya ginugol ang araw na ito nang mag-isa. Nasa isang eleganteng restaurant sila ngayon, kasama sina Henry, Emily, at Lucas. Sa malaking bintana sa tabi ng kanilang mesa, tanaw ang mga ilaw ng Tokyo. May maliit na Christmas tree sa sulok at mga kandilang nagbibigay ng malambot na liwanag sa bawat mesa. “Ang ganda rito, Tita,” sabi ni Lily habang pinagmamasdan ang paligid. “I'm glad you like it, anak,” sagot ni Emily. “I wanted us to have a special Christmas dinner.” “Special talaga,” singit ni Lucas. “May cake ba?” Napatawa s

  • Marrying my Sugar Baby   Chapter 73

    “ATE LILY! Bilis! Baka maubusan tayo!”Napatawa si Lily habang hinahabol si Lucas na halos tumakbo papunta sa isang tindahan ng mga laruan.“Lucas, hindi naman mauubos ang lahat ng laruan sa mundo!”“But I want to see them first!”“Grabe, parang may hinahabol na deadline!”Nasa likuran nila si Henry, hawak ang dalawang paper bag habang nakangiting pinagmamasdan ang magtiyahin at magpamangkinn na tila mas bata pa sa tatlong taong gulang ang kaniyang pamangkin kapag kasama si Lily.“Lucas, slow down,” paalala niya. “Hindi tayo nagmamadali.”Huminto ang bata at lumingon sa kaniya.“Uncle, si Ate Lily ang nagsabi na bilisan ko!”Napatingin si Lily kay Henry.“Excuse me! Ang sabi ko, bilisan natin dahil excited ako. Hindi ko sinabing tumakbo ka na parang may nanalo sa raffle!”Nagtawanan silang tatlo.Sa kanilang ikalawang araw sa Tokyo, nagpasya silang bumisita sa isang shopping district na puno ng mga tindahan, café, at makukulay na display. Kasama nila si Emily, na tuwang-tuwa sa bawat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status