Maagang pumasok si Lily sa Almeda Corporation, bitbit ang laptop, tumbler, at natitirang dignidad na muntik nang maubos dahil sa alarm niyang limang beses niyang snooze.“Good morning, corporate slaves!” masiglang bati niya sa sarili habang pumapasok sa office.Napatingin sa kanya ang ilang empleyado.“Sorry,” bulong niya. “Good morning, future billionaires na underpaid.”“Miss Barrameda.”Napapikit si Lily.Ay, putek. Kilala ko ang boses na ’yan.Dahan-dahan siyang lumingon.Nakatayo sa likuran niya si Henry Almeda, suot ang dark gray suit at ang ekspresyong parang may personal siyang galit sa buong mundo.“Good morning, Sir,” bati niya, sabay ngiting pang-corporate.“You’re early.”“Thank you, Sir. I try my best.”“Is that so? Then perhaps you can explain why the report I requested yesterday is still incomplete.”Nawala ang ngiti ni Lily.Ah, okay. Hindi pala good morning. Good luck pala.“Sir, I submitted the revised report at six fifteen yesterday afternoon. I also sent a copy to
Última actualización : 2026-10-25 Leer más