Mag-log inNang gabing iyon ay halos hindi siya makatulog. Parang hindi parin siya makapaniwala na may asawa na siya. Asawang hindi man lang niya lubusang kilala.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago dahan-dahan na bumangon sa kama. Kahit paman wala siyang maayos na tulog, maaga parin siyang nagising dahil iyon ang nakasanayan niya noong nasa bahay pa siya ng kanyang mga magulang.Pagbaba niya sa dining area, bumungad sa kanya ang tahimik na dining table. Nakahanay na ang masasarap na pagkain pati narin ang mga kasambahay subalit hindi niya nakita si Hakim."Good morning, Miss Vesper. Halina po kayo at kumain na," magiliw na wika ni Manang Ynes na kakapasok lang ng dining hall.Pilit siyang ngumiti. "Salamat po," aniya at naupo na sa bakanteng silya.Sumulyap siya sa maraming pagkain bago nag-angat ng tingin sa ginang. "Ako lang ba ang mag-isang kakain?"Napakurap-kurap naman ang ginang subalit maya-maya pa'y mukhang nakuha din naman nito agad ang nais niyang ipakahulugan."
Subalit bago paman siya makapaglakad patungo sa lalaki, tumalikod na ito gamit ang automatic wheelchair at pumasok sa loob ng mansion.Naiwan naman siya sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin sa papalayo nitong bulto hanggang sa mawala ang lalaki sa kanyang paningin."Miss Vesper, pasok na po tayo sa loob," untag ni Sheryl sa pananahimik niya.Bahagya siyang napapitlag. "O—okay."Pumihit siya para sana kunin ang kanyang mga gamit subalit nabitin sa ere ang kanyang mga kamay nang makitang buhat-buhat na iyon ng mga tauhan sa mansion ni Mr.Barcelona."Sila na po ang bahala sa mga gamit ninyo," nakangiting wika ni Sheryl nang mapansin ang naging reaksyon niya.Tumango siya. Iminuwestra naman ni Sheryl ang daan papasok sa loob ng mansion kaya't nauna na siyang maglakad. Pagdating niya sa loob, bumungad sa kanya ang malawak na kabuuan ng mansion. Kung tutuusin daig pa niyon ang isang museum sa laki.Isang may edad na babae ang lumapit sa kanila at bahagyang yumuko para magbigay galang.
"Sir Hakim, tumawag po si Mr.Galvez para ipaalam na pumapayag na ang panganay niyang anak na pumalit sa kasal na inaalok mo," anunsyo ni Sheryl, ang personal assistant ni Hakim.Tumigil ang pag-ikot ng baso na nasa kamay ni Hakim bago dahan-dahan na napatingin sa babaeng nakatayo sa harapan niya."Then process the papers immediately tomorrow and send it to them personally. Pagkatapos makapirma ng marriage documents si Miss Galvez, dalhin mo siya agad dito sa mansion," walang emosyon niyang turan."Hindi niyo po ba siya pupuntahan ng personal?" Tanong ni Sheryl.Anong klaseng kasal ba ang magpapadala lang ng marriage documents sa bride. Ano yun? Business contract?"There's no need for that. I have paid you enough to do the job so you must perform it."Kinagat ni Sheryl ang pang-ibaba niyang labi at bahagyang napatungo. "Sige po, Sir Hakim. Bukas na bukas din ay pupuntahan ko ang mga Galvez."Hakim nodded. "You may leave."Dali-dali namang umalis sa kinaroroonan ni Hakim si Sheryl at ag
"A—ano?"Tila bumagsak ang isang bomba sa kanyang harapan nang matapos bitawan ng kanyang ama ang mga katagang sinabi nito."You heard me," malamig nitong turan. "You will be marrying Hakim Barcelona. He may be a cripple but he's a wealthy businessman too like Claude. Maganda para sa negosyo natin ang pagsasama ninyong dalawa."Pakiramdam niya sinabuyan ng asido ang kanyang sikmura. Daig pa niya ang ibinenta ng kanyang mga magulang sa isang lalaki para lang sa negosyo nito."No. Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko kilala!" May diin niyang tanggi."At bakit naman hindi? This is your chance na makatulong sa Velmont, Vesper. Mag-isip ka nga. Malakas ang impluwensya ng pamilyang iyon. Makakatulong ka sa pamamahala ni Vienna sa kumpanya natin," matatag namang wika ng kanyang ama.Sunod-sunod ang naging pang-iling niya. "Kahit na ano pa ang sabihin mo, Dad. Hinding-hindi ako magpapakasal gaya ng nais mo!" Aniya at patakbong lumabas sa silid ni Vienna."Vesper! Bumalik ka dito!" Siga
"Anong ibig sabihin nito, Vienna?" Nanginginig ang boses na tanong ni Vesper.Hawak niya ang ilang larawan kung saan kitang-kita si Vienna na lumabas ng hotel kasama ang kanyang boyfriend na si Claude Valderama.Pinukol siya ni Vienna ng isang tamad na titig bago sumagot. "What do you think, Ate? Are you that dumb to still ask me what that photos mean?" Sarkastiko nitong sagot.Nangunot ang kanyang noo kasabay ng ilang beses niyang paglunok para maalis ang bikig sa kanyang lalamunan. Nasanay na siya na kinukuha ni Vienna ang lahat mula sa kanya, from her personal room, her jewelries, her clothes, and even the company. Subalit hindi niya lubos aakalain na pati ang lalaking mahal niya, aagawin din nito mula sa kanya."Vienna naman! Claude is my boyfriend! Paano mo nagawa sa'kin to?" Puno ng pagpipigil niyang bigkas.Bumangon si Vienna mula sa pagkakahiga sa kama nito at taas noong humarap sa kanya. "Why don't you ask Claude kung bakit nagawa niyang magtaksil sa'yo?""I am talking about







