Share

Kabanata 3

Author: Georgina Lee
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-16 22:13:49

"Sir Hakim, tumawag po si Mr.Galvez para ipaalam na pumapayag na ang panganay niyang anak na pumalit sa kasal na inaalok mo," anunsyo ni Sheryl, ang personal assistant ni Hakim.

Tumigil ang pag-ikot ng baso na nasa kamay ni Hakim bago dahan-dahan na napatingin sa babaeng nakatayo sa harapan niya.

"Then process the papers immediately tomorrow and send it to them personally. Pagkatapos makapirma ng marriage documents si Miss Galvez, dalhin mo siya agad dito sa mansion," walang emosyon niyang turan.

"Hindi niyo po ba siya pupuntahan ng personal?" Tanong ni Sheryl.

Anong klaseng kasal ba ang magpapadala lang ng marriage documents sa bride. Ano yun? Business contract?

"There's no need for that. I have paid you enough to do the job so you must perform it."

Kinagat ni Sheryl ang pang-ibaba niyang labi at bahagyang napatungo. "Sige po, Sir Hakim. Bukas na bukas din ay pupuntahan ko ang mga Galvez."

Hakim nodded. "You may leave."

Dali-dali namang umalis sa kinaroroonan ni Hakim si Sheryl at agad na inasikaso ang lahat ng papeles na kakailanganin para bukas.

Halos alas diyes na ng umaga nang makauwi si Vesper sa bahay ng kanyang mga magulang mula sa hotel. Kabababa palang niya ng sasakyan nang makita niya ang kanyang ina na mabilis na naglalakad patungo sa gawi niya.

"Mommy—"

Natigil siya sa pagsasalita nang mabilis nitong hinaklit ang kanyang braso. "Where the hell have you been, Vesper! Kaninang umaga pa ako tawag ng tawag sa'yo pero hindi mo sinasagot ang cellphone mo!" Galit nitong asik.

Bahagya siyang napangiwi dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. "Hindi ko napansin."

Pagdating niya sa hotel kagabi, hindi na siya nag-abala pang tingnan ang kanyang cellphone. Wala siyang ibang nais gawin kundi ang magpahinga at magkaroon ng katahimikan kahit saglit lang.

"Palagi mo nalang talaga kaming binibigyan ng sakit sa ulo, Vesper!"

Nangunot ang kanyang noo. "Hindi po kita maintindihan, Mommy. Wala naman akong ginagawang masama."

"Mr.Barcelona's personal assistant is already here. Kaninang alas otso pa siya nandito at hinintay ka! Nakakahiya, Vesper! Baka akalain ni Mr.Barcelona na wala kang maayos disiplina!" Gigil nitong sambit.

Mas lalo pa siyang nalito. "Ano pong ginagawa ng personal assistant ni Mr.Barcelona dito?"

Huminga ng malalim ang kanyang Mommy Daisy ay seryoso siyang tiningnan. "She had brought the papers already. Kailangan nalang ang signature mo nang sa ganun maproseso na agad ang marriage documents at magiging mag-asawa na kayo ni Mr.Barcelona."

Hindi naman siya agad nakapagsalita. Though Mr.Barcelona is known to be rich, hindi din naman siya umaasa ng bonggang kasal knowing it's just an arranged marriage, but can't she have a proper ceremony at least?

Sa ginagawa ng lalaki ay daig pa nila ang may business transaction.

Dahil malalim ang iniisip niya, hindi na niya namalayan pa na inakay na pala siya ng kanyang ina papasok sa loob ng mansion.

Nang makarating sila sa study room, bumungad sa kanya ang kanyang ama na nakaupo sa swivel chair nito. Habang sa harapan ng mesa, may isang babaeng sa hula niya ay lampas kwarenta na ang edad kasama ang dalawa pang lalaki na nakaformal suit.

"Pasensya na sa delay, Miss Sheryl. Ito kasing anak ko eh."

Masuyo namang ngumiti ang babae. "It's okay. No problem, Madam Daisy."

The next minutes became overwhelming to her. Pumasok siya sa bahay ng kanyang mga magulang kani-kanina lang na single at sa isang iglap lang ay may asawa na siya.

"Now that you are officially Mr.Barcelona's wife, mahigpit niyang bilin na kailangan mong sumama sa amin pabalik sa bahay niya."

Gulat siyang napatitig sa personal assistant ni Mr.Barcelona. "Sinasabi mo bang kailangan ko ng lumipat ngayong araw din?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Tipid na ngumiti ang babae bago tumango. "Yes, Miss Vesper."

Hindi siya agad nakasagot. Grabe. Bakit parang nagmamadali naman yata ang lalaking napangasawa niya?

"Don't worry, Miss Sheryl, I'll tell my maids to pack my daughter's belongings nang sa ganun ay maisama niyo na siya," magiliw na wika ng kanyang Mommy Daisy.

Pinili niyang hindi na umimik pa. Nagpaalam nalang muna siya sa mga ito na lalabas sa opisina ng kanyang Daddy para personal na tumulong sa pagliligpit ng mga gamit niya.

Akmang paakyat siya sa hagdan nang makasalubong niya si Vienna na may nanunuyang ngiti sa labi. "I heard you got married... alone. Oh well, paano nga naman pala makakapunta ang mapapangasawa mo gayong lumpo nga pala siya," anito sa nakakalokong boses.

Huminga siya ng malalim bago walang emosyon na sinalubong ang titig ng kanyang kapatid. "Are you done? Kasi kung wala ka ng sasabihin, aakyat na ako."

Vienna scoffed. "Wow. You've got some nerve to dismissed me huh? I heard you went to see Claude last night. You must be very broken hearted kaya pumayag kang magpakasal nalang sa isang lumpo."

Walang buhay siyang ngumiti. "You're right. I'm broken hearted and I did see Claude last night to break up with him. He's all yours now. Good Luck on having him," aniya at nilampasan na ang babae.

Dumiretso siya sa kanyang silid at tumulong na sa pag-eempake.

"Please take care there, Vesper. Mamimiss ka namin," maluha-luhang bigkas ng kanyang ina at niyakap pa siya.

Hindi naman siya tumutugon at hinayaan lang ang babae. Vienna immediately approached them too and joined the hug.

"Mamimiss kita Ate. Don't forget to visit us, okay?" Humihikbi nitong bigkas.

She didn't bother to respond. She's too exhausted to deal with her family as of a the moment. Marahan niyang inalis ang braso ng dalawa saka umatras ng dalawang hakbang.

"I will be taking my leave," malamig niyang turan at hindi na hinintay pa ang sagot ng mga ito.

She immediately rode on the car that's waiting for her at hindi nagtagal, binaybay na nila ang daan patungo sa bahay ng lalaking napangasawa niya.

Habang nasa byahe siya ay panay ang pagtulo ng kanyang mga luha. They must be celebrating her departure as of the moment.

"Nandito na tayo, Miss Vesper," boses ni Sheryl na pumukaw sa kanyang atensyon.

Napakurap-kurap siya at napagtantong huminto na pala ang sasakyan sa isang napakalawak na bakuran. Tumango siya at pilit na nginitian ang babae.

"Okay. Bababa na ako."

Tumango lang ito at naunang lumabas ng sasakyan. Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pintuan sa kanyang tapat saka bumaba ng kotse.

Bumungad sa kanya ang isang matayog at napakalaking mansion. Their house is already big but it can't be compared to Mr.Barcelona's mansion.

Inilinga niya ang tingin sa kabuuan ng lugar hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa bungad ng mansion kung saan may isang lalaking nakaupo sa wheelchair habang nakatingin sa kinatatayuan niya.

He must be the one her family is telling her. The crippled billionaire, Hakim Atticus Barcelona…

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marrying the Crippled Billionaire (Barcelona Bastards 4)   Kabanata 5

    Nang gabing iyon ay halos hindi siya makatulog. Parang hindi parin siya makapaniwala na may asawa na siya. Asawang hindi man lang niya lubusang kilala.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago dahan-dahan na bumangon sa kama. Kahit paman wala siyang maayos na tulog, maaga parin siyang nagising dahil iyon ang nakasanayan niya noong nasa bahay pa siya ng kanyang mga magulang.Pagbaba niya sa dining area, bumungad sa kanya ang tahimik na dining table. Nakahanay na ang masasarap na pagkain pati narin ang mga kasambahay subalit hindi niya nakita si Hakim."Good morning, Miss Vesper. Halina po kayo at kumain na," magiliw na wika ni Manang Ynes na kakapasok lang ng dining hall.Pilit siyang ngumiti. "Salamat po," aniya at naupo na sa bakanteng silya.Sumulyap siya sa maraming pagkain bago nag-angat ng tingin sa ginang. "Ako lang ba ang mag-isang kakain?"Napakurap-kurap naman ang ginang subalit maya-maya pa'y mukhang nakuha din naman nito agad ang nais niyang ipakahulugan."

  • Marrying the Crippled Billionaire (Barcelona Bastards 4)   Kabanata 4

    Subalit bago paman siya makapaglakad patungo sa lalaki, tumalikod na ito gamit ang automatic wheelchair at pumasok sa loob ng mansion.Naiwan naman siya sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin sa papalayo nitong bulto hanggang sa mawala ang lalaki sa kanyang paningin."Miss Vesper, pasok na po tayo sa loob," untag ni Sheryl sa pananahimik niya.Bahagya siyang napapitlag. "O—okay."Pumihit siya para sana kunin ang kanyang mga gamit subalit nabitin sa ere ang kanyang mga kamay nang makitang buhat-buhat na iyon ng mga tauhan sa mansion ni Mr.Barcelona."Sila na po ang bahala sa mga gamit ninyo," nakangiting wika ni Sheryl nang mapansin ang naging reaksyon niya.Tumango siya. Iminuwestra naman ni Sheryl ang daan papasok sa loob ng mansion kaya't nauna na siyang maglakad. Pagdating niya sa loob, bumungad sa kanya ang malawak na kabuuan ng mansion. Kung tutuusin daig pa niyon ang isang museum sa laki.Isang may edad na babae ang lumapit sa kanila at bahagyang yumuko para magbigay galang.

  • Marrying the Crippled Billionaire (Barcelona Bastards 4)   Kabanata 3

    "Sir Hakim, tumawag po si Mr.Galvez para ipaalam na pumapayag na ang panganay niyang anak na pumalit sa kasal na inaalok mo," anunsyo ni Sheryl, ang personal assistant ni Hakim.Tumigil ang pag-ikot ng baso na nasa kamay ni Hakim bago dahan-dahan na napatingin sa babaeng nakatayo sa harapan niya."Then process the papers immediately tomorrow and send it to them personally. Pagkatapos makapirma ng marriage documents si Miss Galvez, dalhin mo siya agad dito sa mansion," walang emosyon niyang turan."Hindi niyo po ba siya pupuntahan ng personal?" Tanong ni Sheryl.Anong klaseng kasal ba ang magpapadala lang ng marriage documents sa bride. Ano yun? Business contract?"There's no need for that. I have paid you enough to do the job so you must perform it."Kinagat ni Sheryl ang pang-ibaba niyang labi at bahagyang napatungo. "Sige po, Sir Hakim. Bukas na bukas din ay pupuntahan ko ang mga Galvez."Hakim nodded. "You may leave."Dali-dali namang umalis sa kinaroroonan ni Hakim si Sheryl at ag

  • Marrying the Crippled Billionaire (Barcelona Bastards 4)   Kabanata 2

    "A—ano?"Tila bumagsak ang isang bomba sa kanyang harapan nang matapos bitawan ng kanyang ama ang mga katagang sinabi nito."You heard me," malamig nitong turan. "You will be marrying Hakim Barcelona. He may be a cripple but he's a wealthy businessman too like Claude. Maganda para sa negosyo natin ang pagsasama ninyong dalawa."Pakiramdam niya sinabuyan ng asido ang kanyang sikmura. Daig pa niya ang ibinenta ng kanyang mga magulang sa isang lalaki para lang sa negosyo nito."No. Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko kilala!" May diin niyang tanggi."At bakit naman hindi? This is your chance na makatulong sa Velmont, Vesper. Mag-isip ka nga. Malakas ang impluwensya ng pamilyang iyon. Makakatulong ka sa pamamahala ni Vienna sa kumpanya natin," matatag namang wika ng kanyang ama.Sunod-sunod ang naging pang-iling niya. "Kahit na ano pa ang sabihin mo, Dad. Hinding-hindi ako magpapakasal gaya ng nais mo!" Aniya at patakbong lumabas sa silid ni Vienna."Vesper! Bumalik ka dito!" Siga

  • Marrying the Crippled Billionaire (Barcelona Bastards 4)   Kabanata 1

    "Anong ibig sabihin nito, Vienna?" Nanginginig ang boses na tanong ni Vesper.Hawak niya ang ilang larawan kung saan kitang-kita si Vienna na lumabas ng hotel kasama ang kanyang boyfriend na si Claude Valderama.Pinukol siya ni Vienna ng isang tamad na titig bago sumagot. "What do you think, Ate? Are you that dumb to still ask me what that photos mean?" Sarkastiko nitong sagot.Nangunot ang kanyang noo kasabay ng ilang beses niyang paglunok para maalis ang bikig sa kanyang lalamunan. Nasanay na siya na kinukuha ni Vienna ang lahat mula sa kanya, from her personal room, her jewelries, her clothes, and even the company. Subalit hindi niya lubos aakalain na pati ang lalaking mahal niya, aagawin din nito mula sa kanya."Vienna naman! Claude is my boyfriend! Paano mo nagawa sa'kin to?" Puno ng pagpipigil niyang bigkas.Bumangon si Vienna mula sa pagkakahiga sa kama nito at taas noong humarap sa kanya. "Why don't you ask Claude kung bakit nagawa niyang magtaksil sa'yo?""I am talking about

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status