Share

Chapter 5

#MTDC05: Finally Home

"Woah! There are tall buildings anywhere, Mommy! And… and there are many, many cars too!"

Halos mabali na ang leeg ni Melody habang tinitingila ang mga nagtataasang gusali na nadadaanan ng Uber na sinasakyan namin. She looks really excited seeing new things.

I smiled. She grew up seeing nature. Mga magagandang tanawin ng kalikasan ang palagi niyang nakikita sa New Zealand, kaya ganito siya kung umasta ngayong nandito na kami sa Pilipinas. I seldom brought her out from home before. Siguro dahil sa sobra kong abala kaya hindi ko siya nailalabas noon.

"Hindi ka ba naiinitan, Melody?" tanong ni Manang Anding habang kandong ang bata.

"Ka... ko... k-konti," she replied, trying to talk in Tagalog, which made me laugh.

Simula noong sinabi ko na uuwi na kami sa Pilipinas, she urged me to teach her Tagalog language. Sabi niya kasi na gusto niyang magkaroon ng maraming kaibigan dito kaya dapat marunong daw siyang mag-tagalog. Hindi ko nga alam kung saan niya nakukuha ang mga ideyang gano'n lalo pa at mag-a-apat na taon pa lang siya.

Melody is a clever child. She's eager to learn things. She's very observant kaya hindi siya nauubusan ng kuryosidad. Mabuti na lang talaga at nandiyan si Manang Anding para tulungan akong ipaliwanag sa kaniya ang mga bagay-bagay.

"Where will we live, Mommy? Are we gonna live with Lala?"

Saglit akong tumingin kay Manang Anding. She simply smiled at me.

"No, baby. Mommy bought a new house. We're going to live in our new house. Isn't that great?"

She suddenly pouted. "But I thought we're living with Lala..." She crossed her arms over her chest. Ilang beses akong napailing. Para talagang matanda kung umasta ang batang 'to.

"Lala will visit us more often, baby. Don't worry," I assured her.

"Why can't we live with her? You told me that Lala's house is huge! Why can't we live there?"

Bumuntong-hininga ako. How should I tell her about her Lolo? That he doesn't want us here?

"M-Mommy's gallery is nearer to our new house, Melody. We can't live in Lala's house because it's far from Mommy's work. Do you understand, baby?"

She continued pouting, but later on, she nodded her head.

"Okay, I'll tell Lala to live with us, then."

Hindi na lang ako nagsalita pa. Kapag si Melody ang kausap ko, palagi akong nauubusan ng sasabihin. I sighed, then shifted my gaze to the busy road outside.

***

Nang masiguro kong tulog na si Melody, agad akong nagpaalam kay Manang Anding na pupunta sa gallery na kasalukuyan kong pinapatayo.

When I arrived at the site, I could see that it's almost done. A smile slowly formed in my lips. This is it. After all the years of doubts and pushbacks, I am now making my dream into reality.

Sobrang saya sa pakiramdam…

I stayed there for about an hour. Binilhan ko na rin ng mga pagkain ang mga construction workers kaya malalaki ang mga ngiti nila habang nagpapasalamat sa ‘kin.

Nang umalis na ako, hindi ko mapigilang mapangiti. Iba talaga kapag Pinoy na ang lagi kong nakakausap. Iba ang pakiramdam kapag nandito sa bansang kinalakihan ko.

My original plan was to meet my mother after the site visit, but she suddenly called and told me that she’ll visit our house instead. Kaya imbis na umuwi ay nagpunta muna ako sa grocery para mamili ng pwedeng lutuin.

Abala ako sa paghahanap ng mga sangkap ng lulutuin kong Chicken Curry nang biglang may lumapit sa ‘kin.

“Hello po!”

Huminto ako sa pagtutulak ng cart at nginitian ang babaeng teenager na lumapit sa ‘kin. “Yes?”

“Uhh, sorry po, pero kanina ko pa po kasi kayo tinitingnan. Familiar po kasi kayo. Uhh... ikaw po ba si Miss Symphony? ‘Yung painter po?”

Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. I then nodded, which made her almost jump on her position. Halata rin ang excitement sa mukha niya.

“Oh my God! I’m a fan po! Palagi ko pong binibisita ang I*******m niyo. Sobrang gaganda po ng mga paintings niyo!” Halos pumalakpak na siya habang nagsasalita kaya bahagya akong natawa.

“Shh! Baka mapagalitan tayo,” I whispered, while my forefinger was placed in front of my lips. She nodded, excitement still evident in her eyes.

“Miss Symphony, pwede pong magpa-autograph?”

“Sure!”

Saglit niyang hinalungkat ang bag niya, pero nagulat ako nang imbis na papel ang ilabas niya ay iyong IPhone 12 Pro Max ang inilahad niya sa ‘kin. “Wala po pala akong dalang papel. Dito na lang po sa likod.” She smiled awkwardly. Ako naman ay hindi alam kung pipirmahan ba ang  likod ng cellphone niya o hindi. Nanghihinayang ako, puti pa naman ang kulay no’n.

“U-Uh, sigurado ka ba?” tanong ko pa sa kaniya, pero hindi pa man umaabot ng tatlong segundo ay agad siyang tumango ng ilang beses.

Kahit nagdadalawang-isip ay pinirmahan ko na lang ang IPhone niya. Pagkatapos no’n ay nag-request siya ng selfie namin kaya pinagbigyan ko na. Bago siya umalis ay hiningi ko muna ang email address niya. For my first ever fan who approached me here, I should give her a gift. I think, a painting is enough.

Nagpatuloy na akong mag-grocery hanggang sa may taong kumuha sa atensyon ko. Kagaya ko ay mukhang gulat rin siyang makita ako. Seeing his face suddenly took away my breath. Pero nang sandaling nagsimula siyang maglakad palapit sa direksyon ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Symphony…” he uttered my name. Hindi ko alam kung anong gagawin. Ni hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita. His eyes traveled down, then I noticed his forehead creased. “Why are your hands trembling?”

Dahil sa sinabi niya ay agad kong tiningnan ang mga kamay ko. Goodness! It’s indeed shaking! Mabilis kong binitawan ang hawakan ng push cart at itinago ang kamay ko sa likod. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya muling tiningnan.

“R-Red… anong g-ginagawa mo dito?”

May lalong kumunot ang noo niya. It was as if he heard something that he didn't want to hear from me. Is he… still mad?

“Ako dapat ang nagtatanong niyan sa ‘yo. Anong ginagawa mo dito? Alam ba ng Papa mo na nandito ka?” The way he asked those questions, I feel that he’s worried. Or maybe not?

Umiwas ako ng tingin tsaka napalunok. Alam niya pala ang nangyari noon? But my family didn’t tell anyone about what happened to me. Ah, magpinsan nga pala ni Wesley.

“I’m here for good. I’m starting my own business here,” I said, instead of answering his questions.

“Alam ba ni Wesley?” Muling naibalik ang tingin ko sa kaniya. Palaging pinupukaw ang galit sa puso ko kapag naririnig ko ang pangalan niya. Until now, I couldn’t forget how he treated me before.

“No,” I sternly said. “And I’m not planning to. Besides, he doesn’t have to know that I’m here.”

Nanatiling nakatitig sa ‘kin ang mga seryoso niyang mata. “But how about your child?”

I was suddenly caught off guard. Then I remembered what my mother told me when I was still in New Zealand.

‘It feels like there’s an empty space in me that can’t be filled with anything else aside from knowing my father. Hahayaan mo bang maramdaman din ‘yun ng anak mo?’

Mariin akong napapikit. Not now… hindi pa ako handang makilala ng anak ko ang tatay niya. I don’t want her to know how cruel his father is.

“I… I-I got miscarriage. W-Wala akong anak, Red.” I tried meeting his gaze, but I failed. Pilit kong tinatagan ang sarili ko. “It’s… nice to meet you again. But I have to go now. Magkikita pa kami ni Mama.” Hindi ko na siya hinintay na magsalita at iniwan na siya.

Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay hindi na nawala sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Red. I tried to brush off that thought and focused on our meal. Nasa hapag na kaming apat; si Mama, si Melody, ako, at si Manang Anding. Like the usual, Melody was talking non-stop, almost ignoring her food. Si Mama naman, tuwang-tuwa habang nakikinig sa apo niya. It’s a beautiful site to see. Them, in one frame, is a perfect scenery to me.

“Why are you alone Lala? Where is Lolo? Why didn’t he come here? Is he busy?”

Dahil sa sunod-sunod na tanong ni Melody ay pareho kaming natigilan ni Mama. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa ‘kin habang mukhang nahihirapan sa isasagot. I nodded at her, then I cleared my throat.

“Lolo’s out of town, Melody. He’s a very busy man. He always goes to different places. You know his work, right?” I lied.

Melody shifted her gaze, and stared at me for almost a minute. It was as if she’s trying to catch my lies. I pinched her nose to divert her attention. She scrunches her nose before she gazes back to her Lala. Nakahinga ako ng maluwang dahil doon.

Nagbuntong-hininga ulit ako habang iniisip kung gaano na karaming kasinungalingan ang nasabi ko sa anak ko. Though it was a white lie, but still, my conscience is bothering me.

Lumipad kami pabalik dito na walang alam si Papa. Maybe he was just too busy that he lost his track of me. He’s now on his second term as the Congressman, so no doubt that he has too much on his spoon.

Nakaramdam ako ng lungkot habang pinapanood si Melody. My daughter’s too precious. She’s adorable and bubbly. It’s sad that her own grandfather doesn’t like her. Ni isang beses ay hindi nagpakita si Papa sa anak ko. Ni kausapin siya sa tawag ay hindi niya nagawa. Siguro nga, sobrang laki ng galit niya sa ‘kin kaya pati si Melody ay nadadamay.

Poor Melody… I wished that one day, she’ll have a happy family far from complications.

***

The day of my gallery’s opening has finally came. Maaga akong nagising dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Ni hindi na nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag-iisip ng mga mangyayari sa arts exhibition mamaya.

My paintings in New Zealand arrived yesterday so I was so busy arranging them to my gallery. I also invited some of the young and underrated painters here in our town to display their artworks. Wala lang, gusto ko lang tumulong para makilala sila ng mga tao. I want them to feel that someone supports their passion. Ayokong maramdaman nila ang naramdaman ko noon.

Hindi ko na sana isasama si Melody, pero bigla siyang nagka-tantrums. Palagi niyang sinasabi na nagsasawa na siya na laging nasa bahay lang. Wala naman akong ibang magawa kung ‘di pagbigyan ang gusto niya. Isinama ko na lang din si Manang Anding para magbantay sa kaniya.

“You stay close to Nana Anding, Melody. There’s a lot of people here, so you should stick with Nana. Do you get me?” She pouted, looking annoyed.

“You already told that many, many times, Mommy! Melody understand!” reklamo niya habang nakanguso pa rin.

Bahagya akong yumuko at pinunasan ang pawis niya. “I’m sorry, okay? Mommy’s just worrying.”

May sasabihin pa sana ako kay Melody nang tawagin na ako ng isa sa mga kinuha kong organizers. “Miss Symphony, the event will start in five minutes,” sabi niya kaya tumango ako.

“Okay, just a second,” sagot ko at muling tumingin kay Melody. “Remember what Mommy said, okay? Be a good girl to Nana.” Tumayo na ako ng maayos at nagpaalam na sa kanila.

The event started with a ribbon cutting ceremony. Pagkatapos no’n ay nagsimula na ang exhibition. Maraming mga kilalang pintor ang dumalo at binati ako. Ni hindi na nga ako magkandaugaga sa pag-entertain sa kanila. Marami ring mga tao ang nagpapa-picture sa ‘kin. Pakiramdam ko tuloy, artista ako.

“Miss Symphony!” One of the famous painter in the region called and walked his way to me. I gave him a smile. Isa siya sa mga iniidolo ko noong college pa lang ako. Palagi rin akong dumadalo sa mga exhibitions niya noon. I even bought one of his paintings before.

“Mr. Nicolas! Thank you for attending my event.” I offered a handshake which he willingly took.

“It’s a pleasure, Miss Del Martin. Congratulations for this successful event.” He smiled. “I wonder how proud your father is to you. Kaya ba nawala ka ng ilang taon para dito?”

In an instant, my lips formed into a thin line. But I immediately plastered a smile. “Well, I hope he is. He’s been very busy serving our province.”

“He’s so lucky to have such a successful daughter like you, Miss Symphony. It must’ve felt so good to have a child who knows how to stand on their own feet.” Mahina siyang natawa habang naiiling.

Magsasalita pa ulit sana ako nang biglang lumapit si Manang Anding na mukhang namumutla. Agad na kumunot ang noo ko. Nagpaalam muna ako kay Mr. Nicolas bago ko binalingan si Manang Anding.

“’Nay, okay lang po ba kayo? Bakit po kayo namumu-- nasaan po si Melody?” My heart began thumping fast. Bakit hindi niya kasama si Melody?

“’Nak, s-si Melody… n-nawawala…” My breathing hitched. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. I instantly look around, while tears are starting to form on both sides of my eyes. Goodness! Ang daming tao dito. Saan ko siya hahanapin?

“M-Manang, saan po siya nawala? Bakit po siya nawala? ‘Di ba po ang sabi ko ‘wag niyo po siyang ihihiwalay sa inyo?”

I’m starting to feel anxious.

“Bigla kasi siyang humiwalay sa ‘kin nung pagkuha ko ng tumbler niya. Bigla siyang tumakbo tapos hindi ko na siya mahanap,” paliwanag niya habang nanunubig na rin ang mga mata.

Napahilamos ako sa mukha. Saan ko siya hahanapin ngayon? “Wala po ba siyang sinabi kung saan siya pupunta? Baka naman nagpunta sa CR? O b-baka nandito si Mama? Baka nakita niya?”

“Wala ‘nak. Bigla na lang talaga siyang tumakbo.”

“Saang direksyon po ba tumakbo?” I frustratedly asked.

“Doon.” Tinuro niya ang gawi kung saan mismong naka-display ang mga paintings ko. Agad kong pinuntahan ang direksyong ‘yun habang binabalewala ang mga taong tumatawag sa ‘kin. I don’t care if they’ll think that I’m rude. All I care right now is my daughter.

I am close to crying while scanning the place, but I stopped moving when I heard Melody’s voice.

“My Mommy made that one! And that’s me when I was still a baby. Mommy loves to draw. How about you, mister?”

Sinundan ko ang boses niya hanggang sa huminto ako sa harapan ng painting na ginawa ko noong sanggol pa lang si Melody. I was about to call her, but I suddenly froze on my position when I recognized the man she’s talking with.

“I’m not really into paintings, but I’d love to meet your Mommy. She’s a great painter. By the way, I’m Wesley. How about you?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status