Share

03 : Civil Wedding

Kabanata 3

Civil Wedding

Walang humpay ang luha ko habang nag-aayos. Lalu nang makita ang braso na may pasa galing sa pagkakahawak ni Dad kahapon sa funeral.

Ngayon ko lang din napansin na medyo namumula ang baba ko. Si Dad pa rin nito. Gamit ang kolerete ay nilagyan ko ang mga pasa upang hindi mahalata.

Tatlong katok galing sa aking pintuan, alam kong wala nang atrasan ito. Walang makakasalba sa akin. Hindi katulad sa libro na mayroong Prinsipe ang tatakbo papunta sa'yo at ibubulong na huwag mag-alala dahil magiging maayos rin ang lahat.

"Yulara, your father is waiting for you. Come down now." Boses ni Faith.

I simply wipe my tears.

Bumuntong-hininga ako at isinukbit ang Chanel kong shoulder bag. At nang buksan ko ang aking pintuan, si Franciline ang bumugad sa akin. Nakasimangot at ang mga kamay ay nasa likod.

Itanagilid ko ang aking ulo.

"What's that?

She pouted and glared at me.

"Just a little souvenir." At ipanikita niya sa akin ang isang white stuffed toy with a voice recorder. "Listen to that if you're alone, Yulara."

Tumikhim ako at nagbabadya na naman ang mga luha. Iniwas ko na lamang ang tingin sa aking kapatid at nagkunwaring may kukunin sa bag.

"Let's go down na, Dad's waiting." Aniya.

Tumango ako at nauna na niya akong iwan. I smiled a little. I've known Franciline forever and she doesn't want other people to see her true self, it's like she's hiding something. But I understand her, because that's her safe haven just like mine, it's being able to write, it's my safe haven.

Pagbaba namin ay si Faith at mga kapatid ko na lang ang nag-aabang.

"Nasa kotse na si Abraham." Ani Faith.

Hindi ako kumibo at nilingon ang mga kapatid na hindi maipinta ang mga mukha. Tanging haplos lang ang kaya kong gawin sa kanila. Hindi na ako nagsalita pa, dahil kung gagawin ko iyon, siguro tutulo lamang ang mga luha ko.

Pagkalabas ko ay si Manong Jeff ang nakita ko, naghihintay sa labas ng kotse kung nasaan si Dad.

Doon ko napag-isip na I'm no longer allowed to drive.

Pinagbuksan ako ni Manong ng pintuan kung nasaan nakaupo ang ama. At nang makapasok ang Driver ay nawindang agad ako sa sinabi ni Dad.

"Sa Manila City Hall tayo."

"Dad!"

"You're now 18, hija. So, don't worry." He gave me a creepy smile.

"No! I'm still a student! Dad! Hindi mo ito magagawa sa akin." Frustration filled my body.

"Drive, Jeff." Utos niya sa kay Manong Jeff na agad naman itong sinunod

"Dad! Please! Manong Jeff, stop the car. Ayoko! Ayoko!" Sigaw ko sa loob ng kotse.

"Dad! Dad! Manong! Ihinto niyo ito! Plea-"

Nahinto ang pagsigaw ko nang isang malutong na sampal ang natamo ko galing sa mga kamay ni Dad.

Halos hindi ako makahinga.

"You will marry a Sanjorjo even if it's against your will! I am your father and I only want what's best for you." He said with his baritone voice.

Tears dripped down to my cheeks.

"Wipe off your tears, you shall impress the Sanjorjos, darling." Malambot niyang sinabi. Kung ganitong tono lang ang palagi niyang gagamitin, hindi ko aakalaing masamang ama siya.

Nawawalan man ng lakas ay pinunasan ko pa rin ang mga luhang walang katapusan.

At kahit labag sa aking kalooban ay bumaba pa rin ako nang makarating kami sa Manila City Hall. Pagkababa ko ay agad ko nasulyapan ang isang asul na Bugatti Divo katabi ng aming SUV. Napalunok ako, this is Kai's dream car. It is indeed beautiful. The owner of this car is living the best life. I'm so envious even to think of it.

"Ano pa bang titunganga mo diyan, Yulara. Come on already!" Inis na nagbabadya sa boses ng aking ama.

With a heavy heart, I still follow my father to go inside of the Manila City Hall.

Wala na ba talaga akong pag-asa?

Napahinto ako nang bigla nag vibrate ang aking cellphone. Kinuha ko agad ito sa loob ng aking bag upang mawala nang kaunti ang takot at galit ko kay Dad.

I got an Email from the University I applied for.

I read it silently and to my surprise-

"Congratulations! It is with great pleasure that I offer you..."

Halos tumalon ako sa tuwa, simula nang mawala ang Mommy ito na siguro ang pinakamagandang balita ang natamo ko.

Next month na ang pasukan at hindi na ako makapaghintay, gusto ko nang tumakas sa magiging asawa ko.

Agad kong tinext ang Kambal. We applied with the same University, kahit iba't-ibang courses ang gusto ay magkasama pa rin kami.

Pero tila hindi pangmatagalan ang kasiyahang iyon nang makarating kami sa Mayor's Office. 

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa loob. Namamawis ang mga kamay ko at ang aking utak ay naghahanap ng paraan upang makatakas subalit huli na ang lahat.

Pagpasok namin sa Mayor's Office ay agad nahagip ang aking mga mata ang isang binatang nakatayo sa harap ng malaking mesa ng Mayor.

Matangkad ito at madilim ang tingin sa aming banda. Gusto ko pa sana siyang ilarawan pang mabuti kaso nagsalita ang aking ama.

"Mr. Sanjorjo." Maligaya niya itong binati at nakipagkamayan.

Napa-iwas ako ng tingin, ang madilim niyang tingin sa akin ay mas lalu pa itong umitim. Hindi ako sigurado pero ang presensya niya ay may dalang kulimlim, kulimlim na tila nakasanayan ko na.

Tumikhim ang aking ama at lumingon siya sa akin.

"Mr. Sanjorjo, this is my daughter Yulara." Dad spread his arms to come near them with a smile on his face.

This makes you smile, Dad. This makes you happy when you sell your daughter to a mere stranger.

Dahan-dahan akong nag lakad palapit sa kanila. Hindi ko mawari pero ang eksistensya niya ay parang nakasalamuha ko na noon.

"Ah, by the way... Where's your parents, Mr. Sanjorjo? Or your relatives?" Tanong ni Dad na siyang pagbaling niya rito.

Huminga ako nang malalim nang naiwala niya ang titig sa akin.

"Dice..." Anito.

Agad akong napaangat sa lalaki. Dice?

"You can call me, Dice." Small smile rose into his bow-shaped lips.

Tumawa ang aking ama "Yes, ofcourse Dice. But anyway... Where's your parents? Hindi ba sila dadalo?"

"They're out of town for some business and it will take weeks before they come home, Mr. Grandeza."

Tumawa ulit ang aking ama, hindi ko alam kung ano ba ang nakakatawa sa sinabi ni Mr. Sanjorjo.

"I see, but please drop the formality already. Please call me Tito or Daddy if you like." Dad smirked at him.

Napailing na lamang ako.

"Right." Ani Mr. Sanjorjo.

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa labi niya. Bumalik lang ang kaluluwa ko sa lupa nang hilahin ako ni Dad.

Napaigtad ako sa sakit sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Masamang tingin ang natamo ko sa kanya. At nang lumipat ang tingin sa Sanjorjo ay malaki na ang ngiti.

"Let's start, Mayor." Si Dad, with his voice full of excitement.

Nakatulala lang ako the whole ceremony. Na-alarma lang ako nang marinig ang pinaka-tanyag na linya.

"You may now kiss the Bride." Masayang asal ng Mayor.

Napalunok ako at nilingon ko ang aking ama na tuwang-tuwa sa mga pangyayari. Syempre plano niya ito, kung sino man ang magiging masaya sa pighati ko, ang aking ama na iyon. Pumalakpak pa ito at naghihintay ng halik galing sa amin ni Sanjorjo.

At nang walang ano-ano'y, isang tampal nang halik ang natamo ko sa kanya. Halos mawalan ako ng hininga. Hindi naman ito ang unang beses na may kahalikan ako, mas grabe pa nga iyong iba kompara sa tampal niyang halik. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang reaksyon ko sa kanya.

I lift my face to see him but suddenly he avoids my gaze.

Bigla nalang uminit ang pisngi ko at ngayon ko lang ulit nasilayan ang mukha niya sa malapitan. Matangos ang kanyang ilong, nakadepina pa ito lalo ng nakatagilid siya sa akin. From his nose, I went up and find his eyebrow curve so perfectly. Binalik ko ulit ang paningin ko sa kanyang ilong, hindi nakakasawang tingnan ito. Hindi ko na namalayan bumaba na ang paningin ko sa kanyang labi, iyang labi ang humalik sa labi ko. Mapupula ito and it became redder when he licked his lips from his tongue.

Lumapit sa amin si Dad. Siya lang ang witness namin. Walang kasama si Mr. Sanjorjo. At kung bakit, wala akong ideya. Kahit nasa ibang bansa ang magulang, magtatanong ka pa rin kung kahit kaibigan o kapatid ay wala siyang kasama. Nahihiya ba siya? Dahil napaka walang kwenta ang rason kung bakit niya ako papakasalan?

It's the worst wedding.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dian Noopga Selacro
update pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status