Share

Kabanata 230

Author: Georgina Lee
last update publish date: 2026-09-26 20:45:54

Inabot ni Chantal ang kamay ni Direk Mateo at buong-pusong nakipagkamay dito.

"Maraming salamat po sa tiwala, Direk. Pangako po, ibubuhos ko ang buong makakaya ko para sa pelikulang 'to."

"I have no doubt, Chantal. You were made for this," nakangiting ganti ng direktor bago maingat na inilagay ang isang kopya ng kontrata sa kanyang briefcase.

Habang nag-uusap pa nang kaunti si Direk Mateo at si Knoxx tungkol sa mga legal stipulations at timeline ng shooting, naramdaman ni Chantal ang marahang p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 248

    Kinaumagahan, pagkatapos ng mabilis na almusal sa hotel suite, inakay na ni Marco si Chantal pabalik sa sasakyan para umuwi sa mansyon. Walang pumasok sa isip ni Chantal kundi ang makapagpahinga nang tuluyan sa kwarto at malayo sa ingay ng media.Pagdating nina Chantal at Marco sa mansion, hindi nakaligtas sa kanya ang sobrang tahimik na paligid. Halos wala siyang nakikitang mga tauhan at bodyguards na pakalat-kalat sa buong bakuran gaya ng nakasanayan niya."Marco... bakit parang sobrang tahimik naman yata?" nagtatakang tanong ni Chantal habang pinagbubuksan siya nito ng pinto ng kotse.Bahagyang ngumiti si Marco, ang kanyang kamay ay nanatiling nakaalalay sa bewang ng babae. "Go inside and see for yourself."Napalingon siya sa lalaki. Bakit pakiramdam niya ay may nais ipakahulugan ang sinabi nito?Subalit natigil siya sa pag-iisip nang, paghakbang pa lamang ni Chantal sa loob ng grand foyer, biglang sumabog ang malalakas na torotot at masasayang hiyawan ng mga tao sa loob."CONGRATU

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 247

    Napatigil si Marco. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata sa matinding pagkagulat. Umawang pa ang kanyang mga labi at tila hindi agad maiproseso ng kanyang isip ang narinig."Ulit?" gulat nitong tanong sa mababang boses. "You mean... magpapakasal tayo ulit?"Napangiti nang kaunti si Chantal sa naging reaksyon ng lalaki bago pumanatag ang kanyang mukha at inayos ang pagkakaupo upang humarap nang maayos sa kanya."Oo, Marco. Ulit," mahinahong paliwanag ni Chantal habang pinagmamasdan ang naguguluhang mukha ng lalaki. "Dahil noong unang beses tayong nagpakasal... hindi naman iyon totoong kasal para sa atin, 'di ba? We were just bound by a contract. Wala pa tayong pagmamahal sa isa't isa noong pumirma tayo sa papel na iyon. It was purely a transaction for your inheritance and for my safety. Kaya para sa akin, invalid iyon sa puso ko kahit legally valid naman siya."Inabot ni Chantal ang kamay ni Marco at marahang hinaplos ang likod niyon."My grandmother told me to do it after marriage.

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 246

    Bahagyang itinulak ni Chantal ang dibdib ni Marco. Bagama't nanginginig ang kanyang mga kamay sa matinding kabog ng sariling dibdib, marahan siyang gumalaw paatras upang maglagay ng kaunting distansya sa pagitan nilang dalawa.Napahinto agad si Marco. Sa kabila ng mabigat nitong paghinga at nag-aalab na sensasyon sa pagitan nila, mabilis na bumaba ang mga kamay ng lalaki pabalik sa bewang ni Chantal bago ito tuluyang lumayo nang kaunti upang hindi siya maipit."Chantal?" nag-aalalang tanong ni Marco. Ang kaninang gigil sa mga mata nito ay mabilis na napalitan ng labis na pag-iingat at paggalang. "I'm sorry... Did I go too far? Nasaktan ba kita?"Mabilis na umiling si Chantal habang nahihiyang inayos ang bahagyang nagusot na bahagi ng kanyang damit. Namumula ang kanyang mga pisngi, hindi lamang dahil sa init ng mga halik ni Marco kanina, kundi dahil din sa pagkaalinsangan dulot ng biglaang pagpasok ng matinding sensasyong hindi pa niya kailanman nararanasan."H-hindi naman sa gano'n...

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 245

    Nanatiling tahimik si Marco.Napatingin naman si Chantal sa kanya nang may pagtataka nang ilang segundo na ang lumipas, ngunit wala pa ring salitang lumalabas mula sa bibig ng lalaki."Marco?"Hindi pa rin ito sumagot.Sa halip, bahagya lamang itong yumuko at napailing na tila hindi pa rin makapaniwala sa kanyang narinig."Did you just say yes?"Napangiti si Chantal. "I did.""You're sure?""Yes.""You're not going to change your mind tomorrow?"Napakunot ang noo ni Chantal bago bahagyang natawa. "Bakit parang kailangan mo pa akong paulit-ulit na tanungin?""Because I want to make sure I'm hearing you correctly."Napailing siya habang pinupunasan ang mga luhang tuluyang kumawala sa kanyang mga mata."Yes, Marco. Narinig mo nang tama. Sinasagot na kita.""I'm not dreaming, right?"Tumigil ang ngiti ni Chantal. Sa pagkakataong iyon, nakita niya kung gaano kaseryoso ang tanong nito. Walang bakas ng kumpiyansa sa boses ni Marco. Wala ring dating kontrolado at siguradong lalaki na palagi n

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 244

    Napatigil si Marco sa tanong ni Chantal. Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang tingin sa babae, bagama't nananatiling seryoso at malalim ang ekspresyon ng kanyang mga mata sa ilalim ng liwanag ng buwan."Kung ako ang tatanungin mo, ayokong umalis ka, Chantal, dahil mami-miss kita. But I also want to consider your feelings. Kung gusto mong bumalik sa Maynila at ipagpatuloy ang karera mo, I won't stop you. I will support you instead, kahit may mga pagkakataon na magkakalayo tayo dahil sa linya ng trabaho natin," mahinahon at puno ng katapatan na sagot ni Marco.Tumitig siya nang diretso sa mga mata ni Chantal, hinayaan ang malamig na hangin na umihip sa pagitan nilang dalawa."I know how important your independence and career are to you, Chantal. Hinding-hindi kita igagapos o pipigilan sa mga gusto mong gawin," patuloy ni Marco, may bahagyang lambing na humahalo sa kanyang seryosong tono. "Kaya kung sasabihin mong gusto mong bumalik sa Maynila... papayagan kita. Pero sa isang kondisy

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 243

    Pinagmasdan ni Chantal ang nakalahad na kamay ng lalaki. Bahagya pa siyang nag-alangan, ramdam pa rin ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri dahil sa matinding adrenaline mula sa mabilis na paghabol at tensyon kanina sa kalsada. Subalit sa gitna ng matinding pagod at gulo sa kanyang isip, tanging ang kalmadong titig lamang ni Marco ang nagbibigay sa kanya ng kakaibang kapayapaan.Dahan-dahan niyang inabot ang kamay nito. Mainit, matatag, at mahigpit ang hawak ni Marco—isang tahimik na kasiguraduhan na wala nang makakasakit sa kanya ngayong kasama na niya ito.Sa halip na dumiretso sa mga pribadong kuwarto ng hotel, dahan-dahan siyang inakay ni Marco pabalik sa hallway, patungo sa isang pinto sa dulo na nagbubukas sa pinakataas na bahagi ng rooftop ng Barcelona Hotel.Nang marahang itulak ni Marco ang mabigat na pinto, agad na hinalikan ng malamig na hangin ng gabi ang mukha at balat ni Chantal. Kasabay nito ay ang paglitaw ng isang nakamamanghang tanawin na halos makapagpasin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status