LOGINBahagyang nagulat si Chantal ngunit agad ding ngumiti nang makilala ang pumasok. Si Knoxx—na preskong-presko ang aura at halatang katatapos lang maligo matapos ang inuman nila ni Marco kagabi."Knoxx..." Maingat na umupo si Chantal sa kama habang tinatapos ng doktor ang pag-check sa kanyang IV drip. "Good morning. Anong ginagawa mo rito nang maaga?""Good morning, sister-in-law!" Masayang bati ni Knoxx habang may bitbit na maliit na basket ng mga prutas at isang bouquet ng mga sariwang bulaklak. "For you. Freshly picked ang mga yan galing sa greenhouse," anito at bahagya pang iginalaw-galaw ang dalawang kilay.Mahina naman siyang natawa. "Thank you. Pero hindi mo naman na kailangan na gawin to.""Nah, basta ikaw. Tsaka nandito ako para bisitahin ang paborito kong hipag kaya hindi pwedeng empty handed. At saka, naghahanap din ng libreng almusal habang wala pa 'yong masungit mong asawa."Bahagyang natawa ang doktor at ang nurse bago nagpaalam. "Ma'am Chantal, okay na po ang drip niyo. P
Bahagyang lumayo ang mukha ni Marco, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig nang matalim kay Chantal. Ang kaninang mainit at mapaglarong hangin sa pagitan nilang dalawa ay tila biglang naging malamig at seryoso."Erick Narciso," pag-uulit ni Marco sa pangalan, mababa at halos pabulong ngunit puno ng bigat.Nagtatakang napatingin si Chantal sa lalaki. Napansin niya ang mabilis na pagpapalit ng mood nito at ang pag-igting ng panga nito."M—Marco? May problema ba?" Nagtatakang tanong ni Chantal. "Do you perhaps know him?" Dagdag pa niya.Agad na umiling si Marco. "No," Mabilis at malamig na tanggi ng lalaki. "I don't know him."Huminga nang malalim si Marco at inayos ang neckline ng kanyang polo shirt, pinipilit na ibalik ang kanyang karaniwang malamig na ekspresyon. Ngunit sa loob-loob niya, kumukulo ang kanyang dugo.Magkababata pala ha. At namimiss pa talaga... Wow!"How close are you with this... Erick?" Malamig na tanong muli ni Marco habang pilit na pinapakaswal ang sa
Napatigil si Chantal. Ang kanyang mga labi ay bahagyang nabitin sa pagkakabukas habang ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa abuhing mga mata ni Marco.Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon mula sa isang lalaking tulad ni Marco Barcelona—isang lalaking sanay na walang pinanghahawakan o kinakapitan."M—Marco..." nauutal nitong simula, habang ang tibok ng kanyang dibdib ay biglang bumilis. "Bakit mo naman itinatanong 'yan?"Seryoso pa rin ang mukha ni Marco. Hindi siya gumalaw o nag-iwas ng tingin. "I'm just asking. You named everyone in this estate except me."Isang mahinang tawa na may halong kaba ang kumawala kay Chantal habang iniiwas ang kanyang tingin sa lalaki. "Syempre mamimiss din kita... We are friends, remember?"Sarkastiko namang natawa ang lalaki. "Friends... Okay. We are friends," sabi pa nito na para bang hindi sang-ayon sa naging pahayag niya.Napanguso naman siya. "Bakit? Ayaw mo ba talaga na maging magkaibigan tayo? Do you want something else?" Tanong pa ni
Sa mansion na niya pinatulog si Knoxx lalo pa't medyo naparami na ang inom nito kaysa sa kanya. Kahit na hindi siya madalas magpakita ng concern sa kanyang kapatid, ayaw parin naman niyang mapahamak ito sa daan dahil nagmaneho ng lasing.Mag-aalas-onse na ng gabi nang marahan siyang lumakad sa hallway patungo sa kanyang silid. Pinihit niya ang doorknob at pumasok nang walang anumang nililikhang ingay.Tahimik at madilim ang silid bukod sa malamlam na liwanag mula sa bintana. Akala ni Marco ay tulog na uli si Chantal, ngunit napatigil siya nang mapansing nakaupo ito sa gilid ng kama—nakatitig sa sariling mga kamay na nakapatong sa unan na nasa kandungan nito."Chantal?" Banayad at mababang tawag ni Marco habang dahan-dahang lumalapit. "Why did you wake up? Does your head hurt again?"Bahagyang nag-angat ng tingin si Chantal. Bakas ang kaunting pagod sa kanyang mga mata, ngunit may kakaibang lambot ang ngiting iginawad niya kay Marco."Hindi na..." mahinang sagot ni Chantal. "Nagising l
Binalot sila ng panandaliang katahimikan sa azotea. Ang malamig na simoy ng hangin sa gabi ay marahang humahaplos sa kanila habang nakatitig si Marco sa malayo.Naramdaman ni Knoxx ang pagbabago sa aura ng kapatid. Ang bahagyang ngisi sa kanyang mga labi ay dahan-dahang napalitan ng isang seryosong ekspresyon."You're already attached to her, aren't you?" banayad at pormal na tanong ni Knoxx—mula sa pagiging mapagbiro patungo sa pagiging isang totoong kapatid.Hindi agad nakasagot si Marco. Sa halip, inabot niya ang kanyang baso ng whisky mula sa maliit na mesa sa gilid at uminom ng isang mabilis na tegay."It doesn't matter," malamig na pinal na wika ni Marco. "She's safe here, and that's all that counts for now.""Kahit na bumalik si Erick Narciso?" pagsubok muli ni Knoxx. "You know an agent like him won't just walk away easily. Naramdaman ko ang galit niya kanina sa kalsada, Marco. He looks at Chantal like she belongs to him."Dumilim ang mukha ni Marco, at sa pagkakataong ito, wal
Marahan na pinasadahan ng mga daliri ni Marco ang pisngi ni Chantal. Wala namang naging reaksyon mula sa babae at mahimbing paring natutulog. Inayos niya ang pagkakalagay sa kumot nito bago tumayo at nagtungo sa balkonahe ng kanyang silid saka tinawagan ang Head ng kanyang Cyber Team."I want you to investigate someone for me," panimula niya."Give me the name Boss.""Erick Narciso. I want a full background check on him at kung ano ang koneksyon niya kay Chantal. Wala kang kakaligtaan kahit na kaliit-liitang detalye. Whether it's personal or not, you have to tell me, do you understand?""Wala pong problema, Boss."Pinatay na niya ang tawag at napatingin sa nag-aagaw na dilim at liwanag ng kalangitan. Thinking about the ma who was eagerly looking for Chantal, he already felt something is off about him. And he can't explain why.Matapos maibaba ang tawag, muli na siyang bumalik sa loob ng silid. At nang makita niyang tulog, parin si Chantak, napagpasyahan niyang bumaba muna saglit para


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




