“HELLO?! Kean 'to, Celine kamusta ka naman d'yan?” “Okay lang ako, Kean. Ano'ng oras ka pa ba uuwi?” “Maya-maya nandyan na ako,” wika nito sa video call. Kasalukuyan kasi siyang nag-dri-drive, “Ahm—” pinutol ni Celine ang sasabihin niya at wala sa sariling napayuko kahit nakatapat pa sa kaniya ang camera ng cellphone niya dahil ka-video call niya ito. "May gusto ka ba’ng ipasabay na mabili ko na?" “Gusto ko sana ng jollibee, Kean—” “Okay, wait. Parating na ako, dadaan muna ako sa jollibee para bilhan ka no’n huwag masiyadong malikot, Celine ha? Baka kung ano'ng mangyari sa ’yo, madulas ka pa r'yan.” “Napakaliit pa ng tiyan ko, Kean pero kung umakto ka parang ang laki na.” “Malaki man, o maliit hindi tayo puwedeng maging kampante. Kailangan mong mag-ingat, at mahirap na. Sa paglalakad–” Hindi siya pinatapos ni Celine at siya na ang tumuloy ng sasabihin nito. “Kailangan palaging mag-i-ingat sa paglalakad at baka madulas, maging sa pagkilos, sa panood ng TV, maaga ka dapat matut
Five months later — “ANO ba kasi itong pakulo mo, Kean? Bakit kailangan may pa ganito pa?” Kasalukuyan siyang inaalalayan maglakad ni Kean. Tinakpan pa kasi nito ang mga mata ni Celine. at iyon ang hindi niya maintindihan sa lalakeng ’to napakaraming alam! Hindi niya tuloy alam ang mararamdaman niya. “Just wait and see, sana mapasaya kita sa ginawa kong 'to.” bulong niya at alam ni Celine na mababakas ang ngiti sa labi nito. Napailing na lang siya at sinunod ang ituturo nitong daan sa kan’ya. Maya-maya ay hinawakan siya nito para huminto. Randam ni Celine yakap ng hangin. Tila paakyat pa sila, base sa pag-alalay ng kasama niya. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng kung ano sa dibdib niya. Lalo na ang tagal na rin niyang hindi nakakaramdam ng ganitong uri ng supresa. “Mommy? Marco?” Iyan na lang naibulaslas ni Celing nang tanggalin ng binata ang panyo na inilagay nito sa mata niya. “Suprise!” Nakangiti at sabay-sabay nitong usal. Narito sila sa tutok ng bundok kung saan makiki
Dalawang buwan na lang ay kabuwanan na ni Celine sa panganganak. Kahit papano sa ilang buwan na nagdaan sa kaniya ay nagpapasalamat siya dahil nagawa niya itong malampasan. Wala masiyadong naging ganap sa kaniya at wala rin naman nagbago dahil nanatili pa rin siyang nasa Nueva ecija. Simula nang dumating siya rito at tumigil sa pagiging waitress sa restaurants ni Kean dahil sa paglaki na rin ng tiyan niya. Nag-decide si Kean na tuluyan na muna siyang alisin sa trabaho niya ro'n. Ngunit hindi siya tumigil sa pag-aaral. Yes, nag-aral siya. Simula ng magtungo sila sa Nueva Ecija noon ni Kean habang nagtra-trabaho siya sa restaurants niya at hindi niya pa alam na buntis siya nang sumubok siya magtungo sa isang baranggay Hall. Mayroong tinatawag na Alternative Learning System o mas kilalang ALS. Nagsimula siya, hindi pa naman gano’n kalaki ang tiyan niya, kaya sa halip na sayangin iyon ay mas pinili niyang magpatuloy. Sa ngayon ay wala silang pasok kaya naman ito nakatulong pa rin
“MOM?” Iyan ang bungad ni Celine nang makita niya ito na agad siyang naglakad pababa ng hagdan, “Mom? Tinanghali ako ng gising. Nahatid na po ba si Celivean?” Agad itong tumango, “Oo, kanina pa kita ginigising pero hindi ka naman nagigising. Napaka-himbing ng tulog mo kaya hindi ka na namin kinulit. Gusto sana ni Celivean na ikaw ang maghatid sa kaniya. Pero pinilit ko na si ang Papang niya na lang.” “Sorry, My. Napagod ako sa school. Masiyado kaming maraming ginawa, samahan mo pa na pagtapos ko sa school dumeretso ako sa resturants at napakaraming costumer at dahil wala si Kean. Sunday kahapon kaya ’yon hindi ko puwedeng iwanan.” “Alam ko anak kaya minabuti namin pilitin si Celivean na hayaan kami na lang maghatid sa kaniya. Mag-almusal ka na. Ito toasted bread, pagtitimpla na rin kita ng kape,” usal nito kay Celine at nagtungo ng kusina. Agad na umalis ang kaniyang Ina matapos nitong sabihin ’yon. Yes, limang taon na ang lumipas simula ng manganak si Celine kay Celivean. Ito
Ngayon ay araw ng lunes at wala naman siyang klase. Kaya ngayon malaya siyang gumising kung kailan niya gusto. Nagkataon pa na naigugol niya ang oras niya sa restaurants kagabi sa dami ng custumer dahil weekends. Hindi man niya gusto magising ng tanghali e, hindi naman umayon ang katawan niya dahil sa pagod. She sighed, “Celivean!” Nakangiti niyang tawag nang masilayan niya ang anak niyang si Celivean na parating na sa gawi niya. Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse niya, “Mama!” “Hmm? So how's my baby? Do you enjoy your first day of class?” “Mommy, I do! Ang dami ko na rin pong kaibigan!” he said happily. “Really?” “Yes, Mommy and their name is Mika, Lyka and Danica—” Celine smiled, “It's look like all of them are girl, Honey.” “Mommy, that's not bad right?” “Of course honey, no. Anyways, wala bang bumu-bully sa ’yo ro’n?” He immediately shook his head, “Wala po Mommy they all good.” “So since everything was alright. Maraming oras si Mommy. Do you want us to go out o
“Celivean!” Mabilis niya itong niyakap matapos niyang itong makita na hawak-hawak na ng guard. Agad itong lumapit sa puwesto niya. Kaya hindi niya mapigilan ang maluha, at mawalan ng pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. “Anak, naman pinag-alala mo si Mommy!” naluluha saad ni Celine at hinawakan ang pisngi nito. “I'm sorry, Mommy. I didn't mean it, Mom.” “Huwag mo nang uulitin iyon 'ha?” “Yes, Mommy! I'm promise.” “Thank you, Sir!” wika ni Celine sa tumulong sa anak niya at tumawag sa kaniya. Mabilis niyang inilabas ang walet niya sa harap nito at agad na kumuha ng one thousand roon. “This, take this po... P Kahit pang-meryenda niyo po or what. Pasensiya na po kung ganitong halaga lang ang mabibigay ko—” “Naku, hindi na po!” Pagtanggi nito kay Celine. Ngunit ibinalik niya muli rito ang pera at ibinigay iyon sa matanda ng patago, “Tanggapin niyo na po ito, kulang pa po ito sa ginawa niyo. Hindi ko ho alam kung anong puwedeng mangyari sa anak ko kung hindi niyo siya
“Love? Mukhang pinaghandaan mo talaga ’to, ah?” “Naman dapat lang. Hindi puwede may ibang maganda dyan sa mata mo.” Mabilis na lumapit si Ivan kay Nathalia at kinulong ito bisig niya at nginitian. “Wala ng iba panggaganda sa ’yo, mahal.” “Really? What about your ex?” Kunwari siyang nag-isip, “Wala silang ilalaban sa ’yo, mahal.” Natatawang usal niya at inilahad ang palad niya sa harap ng dalaga. “Let's go?” Mabilis naman ngumuso ang dalaga, at mahigpit na hinawakan ang sling bag niya. Dahilan para tuluyan na mapansin ni Ivan ang kabuohang suot nito. She's wearing a black top, maong pants, white shoes. Simple pero litaw na litaw ang ganda niya. Pakiramdam niya tuloy kailangan niyang ilayo ito sa iba para walang umagaw. “Mahal naman, tatanghaliin na tayo,” natatawang dagdag ni Ivan ng hindi sumagot ang dalaga. Hindi rin ito gumalaw kaya naman hinawakan niya na ito sa kamay. “I still can't believe it until now that you're still mine and I'm yours.” nakangiting patuloy niya. "Tumig
“Please, kuya? Wala ba kayong balak na papasukin ako rito?” naiinis ng usal ni Celine sa security guard ng mansion na dati nilang tinitirhan ni Ivan. Narito lang naman siya sa mansion nila noon. Hanggang ngayon ay nasa labas pa rin si Celine. Hindi kasi siya pinapasok ng mga ito dahil hindi siya kilala. Aminado siyang tumaba siya, pero bukod doon ay ang malas talaga niya. Dahil ang lahat ng nagbabantay rito ngayon ay hindi niya kilala. Nais pa nitong makuha ang pangalan niya bago siya hayaan na papasukin sa loob. Alam ni Celine na walang magandang idudulot kung sakali na sabihin niya ang pangalan niya at baka hindi pa ito tumuloy sa kaniya. Baka gumawa pa ito ng dahilan para hindi niya ito makausap. Ngunit desigido na si Celine at ang tanging nais niya ngayon ay makita si Ivan ng personal at makausap ito ng pormal. Wala na siyang balak na ibalik ang nakaraan nilang dalawa ngunit nakapagpasya na siya, na maaring may dahilan kung bakit nakita nito ang lalaking nakita nga nito na pos
MABILIS na lumalim ang gabi sa training camp. Tahimik ang paligid, bukod sa huni ng kuliglig at iilang boses mula sa mga natitirang empleyado sa mess hall. Si Celine, tahimik na kumakain kanina, ngayon ay abala sa paghahanap ng private spot.“Wala talagang signal sa loob ng kwarto,” bulong niya sa sarili, dala ang kanyang phone at maliit na flashlight. Dumaan siya sa gilid ng camp house, sinundan ang landas papunta sa likuran kung saan may maliit na bench at mataas na halaman na pwedeng magsilbing harang para walang makaabala at makakita sa kaniya. Iniiwasan niya ’yon lalo na si Ivan.Sinilip niya ang screen, three bar na puwede na rin ito, sapat na para makahagip ng signal ang phone niya.Agad siyang nag-dial sa numero ni Criza.“Hello, Criza?”“Uy, tinawagan mo din ako! Kumusta? Huy, okay ka lang ba diyan ha? Kamusta na si Ivan? Lumalaban ba?”“Ano'ng lumalaban? Wala kami sa gera bes,”“Sus, ang oa ni Ate! Lumalaban pa ba? I mean, ano may ilalaban ba sa mga team building niyo?“Wel
SA kabilang banda, seryoso sina Celine at Ivan na makinig at maipanalo ang bawat challenge na ibinabato sa kanila ngayong unang araw ng team building.Gano’n na lang ang level ng focus nila—kahit pa ito’y supposed to be fun and bonding lang, para sa kanila, parang business pitch na may kasamang pride at pressure.Mabilis na napabuntong-hininga si Celine nang makita ang susunod na activity.“Ano ’to?”“Obviously, lubid?”“Pangsakal sa leeg mo?” sarkastikong usal ni Celine, taas-kilay habang pinagmamasdan ang makapal na lubid na tila mas pang-pull ng trak kaysa pang-laro.Lumapit si Miss Rivera, ang HR lead nila, suot ang salamin nito na parang ready for a corporate workshop. Katabi niya si Mr. Gutierrez—CEO at ama ni Ivan—na tahimik lang pero malinaw na inoobserbahan ang lahat.Napakunot-noo si Celine. Ni sa orientation ay walang binanggit na ganitong klaseng tug-of-war style game.“Okay teams,” simulang sabi ni Miss Rivera. “Simple lang ’to, maghihaqilahan kayo ng lubid. Objective: ma
DAHIL sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya, unti-unting nagmulat ng mata si Celine. Manipis lang ang puting kurtina sa bintana mula sa balcony, kaya't diretsong tumatagos ang liwanag. Napabuntong-hininga siya at agad na bumangon.Napakunot ang noo niya nang mapansing walang bakas ng kahit anong gusot sa kama ni Ivan. Maayos ang ayos nito—parang hindi man lang nahigaan.“Saan naman natulog ang isang ’yon?” mahina niyang bulong.Tumingin siya sa paligid at doon niya nakita si Ivan, mahimbing na natutulog sa couch. Halatang hindi komportable ang posisyon nito—nakalaylay ang isang paa, may unan sa mukha, at walang suot na pang-itaas.Natigilan si Celine.Sandaling pinagmasdan niya ang lalaking tila hindi na niya dapat iniintindi. Ngunit ngayon, habang natutulog ito, parang bumalik sa kanya ang mga alaala—mga gabing siya ang nakikitang ganyan ni Ivan… pagod, pero buo pa rin ang lakas ng loob.“Hindi pa rin siya nagbabago... stubborn pa rin, kahit sa pagtulog.”Ayaw niyang aminin, per
BAHAGYANG gumalaw si Celine, at ilang sandali pa’y dumilat na ang kanyang mga mata. Nag-aadjust pa ang paningin niya bago unti-unti nang sumisilip sa bintana.Napansin niya ang jacket na nakapatong sa kanya.“Ivan?” mahina niyang tawag, bahagyang naguguluhan.Napalingon agad ang binata mula sa manibela. “Gising ka na,” sabi niya, kalmado ang boses pero hindi makatingin ng diretso.Celine pinilit umupo nang maayos at ibinalik sa kanya ang jacket. “Thanks… pero hindi mo na sana ako ginawa ’to at kaya ko naman.”“Hindi kita kinumutan,” mabilis na sagot ni Ivan, sabay ngiti—yung pilyo at may halong inis.Napairap si Celine, “Right, so spontaneous na lang siyang dumapo sa'kin, ganon?”Hindi na lang siya sinagot ni Ivan at muling tumingin sa daan. Batid ng lalaki na malabo naman talaga ang sinabi nito, pero gano'n naman ang hina ng loob niya na tanggapin na siya ang naglagay no'n sa katawan ni Celine kagabi sa pag-alala na lamigin ito.“Malapit na ba?” tanong ni Celine habang nag-aayos ng s
Maaga pa lang, gising na si Celine. Tahimik ang buong bahay, at ang unang ginawa niya ay pumasok sa kwarto ni Celivean. Nakatulog pa rin itong yakap-yakap si Mommy Bear—'yong iniregalo niya. Sa gilid ng kama, umupo si Celine at saglit na pinagmasdan ang anak. Ayaw niyang umalis pero iyon ang dapat, at kailangan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng anak. “Baby… gising na,” mahinang bulong niya. Dumilat si Celivean, medyo antok pa. “Mommy?” agad siyang umupo, parang naalala agad ang lahat. “Today po?” tanong nito, malungkot ang boses. Tumango si Celine. “Yes, baby. Pero rito muna si Mommy mo sa tabi mo hanggang mamaya. Hihintayin natin si Ninang Criza bago ako umalis.” Tumango si Celivean, pero yumakap agad kay Celine. “Mommy… I’m gonna miss you agad.” “Mamimiss din kita, baby ko. Pero, remember our pinky promise, diba? Video call everyday. Tapos padadalhan pa kita ng photos ng strawberries sa Baguio.” “Can I send you my new drawings po?” tanong ni Celivean habang na
MAINIT-init pa ang araw, pero banayad ang ihip ng hangin. Nakatayo si Celine sa gilid ng gate, suot ang coat at may hawak na tumbler ng tubig habang mahinahong pinagmamasdan ang mga batang lumalabas isa-isa, kasabay ng tawanan at sigawan ng mga bata, at mga magulang nila na masayang sinusundo ang mga ito mula sa paaralan.Lumabas mula sa gate si Celivean, bitbit ang bag at isang folder ng drawings at worksheets. Nang makita si Celine, agad itong napangiti at kumaway.“Mommy! I miss you!”Agad tumakbo si Celivean palapit, mahigpit ang yakap niya sa bewang ni Celine.Ngumiti si Celine at niyakap rin ito pabalik bago marahan umayos at lumuhod sa anak para tapatan ito.“Hey, baby superstar! Kamusta ang little performer ko?”“Mommy! Coach Alex said I sing so good kanina. Tapos may star ako sa spelling worksheet ko, o! Look, Mommy!”Inabot naman niya ang papel kay Celine—may malaking star sticker na may nakasulat pang “Great Job!”“Wow! Ang galing galing naman ng anak ko! Sobrang proud si M
“Ang panget ng umaga ko,” napasimangot si Celine habang busy sa mga kailangan niyang asikasuhin, nakalagay pa sa tainga ang cellphone niya—kausap si Criza.“Anyare, anong ganap?”“Well, nakita ko lang naman si Nathalia.” “Oh-huh, ba't gan’yan reaction mo? Don’t tell me nagiging marupok ka na at nagseselos ka sa kanilang dalawa?”“What? Saan naman galing ’yan? Nakakadiri ka. Me jealous?”“Hep hep! Wala ka ng karapatan, remember? Pigilan mo 'yan best!”“Tigilan mo nga ako, Criza.”“Joke! Sungit! Bakit ka nga pala napatawag? Is there something wrong aside d'yan sa mood mo?”“Well, I really need your help...”“Help? Why? For what? What happen? Is there something wrong?”“Isa lang ako bai, isa-isa rin sana tanong mo 'no?” rinig naman ni Celine ang pagsimangot nito.“Well, kailangan ko ng favor. Kailangan ko ng yaya ngayon, Criza. Wala akong mapag-iwanan, nagkataon pa na may team building kami sa Baguio for 3 weeks and hindi ako puwedeng mawala dahil isa ako sa taong dahilan kung bakit tal
PAGKATAPOS ihatid si Celivean ay agad nang dumiretso si Celine sa opisina. Nakataas ang leeg, composed ang itsura, pero sa loob-loob niya, para siyang may mabigat na batong kinikimkim sa dibdib.Pagpasok niya sa building, ilang mga empleyado ang bumati sa kanya, ngunit saglit lamang ang mga ngiti niya—hindi dahil suplada siya, kundi dahil kulang ang lakas para ngumiti nang totoo. Sa una ay naroon ang pagtataka sa loob-loob niya, kakaiba para sa kaniya ang araw na ’to, lalo’t pangalawang tapak niya pa lamang sa kompaniya na ’to. Ngunit sabagay, paniguradong kumalat na ang napag-usapan nila sa meeting kahapon. Para kay Celine siya lang naman ay isang malaking ewan para maglakas loob na sabayan ang Ama ng dating niyang asawa—ni hindi niya pa nga kilala ng lubusan ang mga tao rito at mas lalong wala pa itong alam sa kaniya.Napabumuntong-hininga siya sa naisip.Nang makarating sa opisina ay nagmadali siyang ayusin ang sarili.Malaki para sa kaniya ang ibinigay na opisina, naroon din ang
“Are you for real, Celine?”Mabilis na napasinghap si Celine habang nakatitig sa touchscreen ng cellphone niya. Kausap niya si Criza, matapos niyang ikuwento ang lahat ng nangyari sa araw niya walang labis, walang kulang lahat ay detalyado. Ngunit tila hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan niya.Pero aminado si Celine—kung siya ang nasa posisyon ni Criza, ganito rin ang magiging reaksyon niya.Sa dami ng taon na lumipas, sinong mag-aakalang muli silang pagtatagpuin ng tadhana? Ang taong matagal na niyang ibinaon sa limot, pilit niyang kinalimutan at itinuring na patay, ay muli na namang bumalik. At ngayon, araw-araw pa niyang makikita.Inis niyang kinagat ang kapirasong tinapay.“Oo nga, walang halong echos!” sagot niya.“Grabe! I can't really imagine. Like, how? Sa dami ng kumpanya sa buong Pilipinas, doon pa talaga kayo pinagsama? Lakas mo kay Lord, Celine! Prayer reveal, please!” natatawang sabi ni Criza sa kabilang linya.“Anong prayer reveal? As if hiniling ko 'to, no?! Kung ala