Share

Chapter 6

KUNOT ANG noong nilingon ni Martina ang kasintahan.

Mula pa lamang nang umalis sila sa Unibersidad ay hindi na napaknit ang nakakainis na ngisi sa mga labi nito, na akala mo nilalaro ng anghel.

"Saya-saya natin, no?" sarkastiko niyang sabi na lalong ikinalapad ng ngisi ng nobyo.

Nang saglit itong sumulyap sa kanya ay inangatan niya ito ng isang kilay. Kagat ang pang-ibabang labi na ibinalik nito ang tingin sa kalsada upang pigilin ang nag-uumalpas na ngisi.

"Bakit ka ba kasi ngisi ng ngisi diyan?" sikmat niya rito. "Kakainis ka pong tingnan, para kang sira..."

Malapit na talaga siyang mapikon dito.

"Love, kinikilig ako..." anito, na ewan niya kung totoo, o, inaasar lang siya. Abot tainga pa rin ang pagngisi.

Inis na hinarap niya ito at pinaningkitan ng mga mata. "Isa, Jet, ha..." naroon ang pagbabanta sa tinig ni Martina. "Tantanan mo 'ko..."

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status