Share

Chapter 2

"FUCK!"

Namalayan na lamang ni Martina na nasa kabilang silid na sila, habang yakap pa rin siya ng matipunong bisig na iyon mula sa likuran.

God! That voice!

"Love!" bulalas niya, sabay mabilis na tinanggal ang kamay na nakatakip sa mga mata niya at agad na humarap dito, bago mahigpit na yumakap sa leeg ng kasintahan. "Oh, my God, Love... I thought... I thought..." hanggang sa mga oras na iyon ay nanginginig pa rin siya.

Nagtatanong ang mga mata at naka-angat ang kilay na tiningnan siya nito. "You thought, what?"

"I-i thought..." aniyang umiiling-iling. "Oh, my..."

"Shh... you thought wrong, Love." masuyong sabi nito habang hinahagod-hagod ang ulo at likod niya.

"S-sino ba kasi 'yong mga 'yon? At... at bakit sila nandito sa bahay mo? And... and..." aniyang hindi na makaapuhap ng tamang salita.

Masuyo siya nitong iginiya paupo sa kama nito at inalis ang bag niyang nakasabit pa pala sa balikat niya.

"Shh... bakit ka ba kasi nagpunta rito?" masuyo pa ring tanong nito, sapo ang magkabilang pisngi niya.

"So, ako ang hindi dapat nandito?" naka-angat ang kilay na tanong niya.

"Love, you know that's not what I meant." anito sa tonong nananaway. "Tell me, why are you here? Dapat nasa school ka pa, 'di ba? Umuwi lang ako para magbihis, then, saka sana kita susunduin."

"Maaga kasi uwian namin... may meeting. Nanggaling na ako office mo, wala ka na raw, maaga ka raw umalis. Kanina pa rin ako tawag nang tawag sa'yo, 'di mo naman sinasagot. Kaya nagpunta na lang ako rito." she said, pouting. "Nasaan ka ba kasi? At... at... s-sino 'yung mga tao sa kabilang kwarto?"

Pumormal ang mukha nito at tumingin ng deretso sa mga mata niya. "Tell me, Love, ano'ng nakita mo?"

Bahagya pa siyang naguluhan sa tanong nito.

Ano raw?

Ngunit seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya na tila naghihintay talaga ng sagot niya.

"A-anong--" unti-unting namilog ang mga mata niya nang tuluyang rumehistro sa isip niya ang ibig nitong sabihin. "Y-you mean...?"

"Yes, Love... did you see his--"

"No!" mabilis niyang putol sa sinasabi nito bago pa man nito matapos iyon, sabay hampas ng isang malaya niyang kamay sa dibdib nito. "Of course, not! Bago ko pa lang bubuksan yung pinto nung dumating ka, and my eyes was closed, kumukuha pa lang ako ng lalas ng loob na tumingin sa'yo habang nakikipag-sex ka sa iba!"

"Love, hindi ako nakipag-sex sa iba, okay? That wasn't me." mariing paglilinaw nito.

Bumuntong-hininga siya. "Okay. Bago ako tumingin doon sa akala ko'ng ikaw."

Mahina itong tumango, tila nakontento sa sinabi niya.

"Eh, sino nga 'yon? Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko." ulit niyang tanong dito.

Pakiramdam niya ay hindi rin siya matatahimik kung hindi niya malalaman kung sino iyon.

Okay, hindi nga si Jet iyon... pero sino iyon?

At bakit pumayag ang kasintahan na gamitin ng iba ang bahay nito sa ganoong paraan?

Huminga muna itong muli ng malalim bago sumagot. "That was JanGab. He came last night, asking if he could stay here. Pinagtataguan niya raw yung supposed to be fiancee niya. I didn't know na magdadala siya ng babae rito. Siraulo talaga. Tch." naiiling na anito, at muling tumingin sa kanya. "You knew him. He was my college best buddy." he said, expecting her recognition.

Yeah. He knew him.

Kunwa ay pinanlaki niya ang mga mata niya. "Oh my... siya 'yon?! Really?! Shocks, sayang naman, crush ko pa naman yun noon, eh, di sana nakita ko na ang--"

"Okay, i'll go, call him--" putol nito sa sinasabi niya, saka madilim ang mukhang tumayo na at akmang tutunguhin ang pintuan.

Malakas siyang tumawa at lalong hinigpitan ang kapit sa kamay nitong kahawak pa rin ng sa kanya. "Hey, joke lang, no!" natatawa nang sabi niya.

"Not funny." inis pa ring sabi nito bagaman nagpahinuhod naman sa pagpigil niya. Muli itong naupo sa tabi niya ngunit hindi na sa kanya nakatingin.

"Joke lang, 'eto naman..." malambing niyang inihilig ang ulo sa balikat nito at lalo pang idinikit ang tagiliran dito. "Love..."

Hindi pa rin ito kumibo. Sa pader pa rin nakatingin.

"Love naman, eh..." aniyang muling isiniksik ang tagiliran dito.

Wa epek!

Change strategy.

"Okay. Kung ayaw mo talaga akong kausapin, uuwi muna ako." aniyang pilit na pinalungkot ang tinig. "If you already want to talk, just give me a ring." lungkut-lungkutan pa rin siya. "Happy Birthday to me, na lang, and Happy Anniversary to us, Love." hinawakan niya ang pisngi nito at dinampian ng halik sa labi.

Lihim siyang napangiti nang mabilis na hawakan nito ang batok niya at palalimin ang halik na ipinagkaloob niya rito.

Bingo!

Kapwa sila humihingal nang pakawalan nito ang mga labi niya, ngunit hindi pa rin binibitiwan ang batok niya. Ipinagdikit nito ang kanilang mga noo at humihingal pang tumingin sa mga mata niya.

"Tss. Andali mo namang sumuko." anas nito.

Maarteng pina-arko niya ang isang kilay niya, anyong nagtatanong.

"Nagpapalambing lang 'yung tao, eh." nakalabing sabi nito.

Doon siya matamis na ngumiti. Tumayo siya, saka pasaklang na naupo sa kandungan nito at iniyakap ang dalawang braso sa leeg nito.

"Tch. Love, kung iyon lang pala ang gusto mo, you could have ask me. Lalambingin naman kita, eh, in any way you want me to." she said seductively at lalo pang idinikit ang katawan dito.

Shit, ang landi ko!

Sa loob-loob niya.

Sa loob ng dalawang taong pagiging magkasintahan nila ay normal na sa kanila ang mga ganitong pagkakataon, bagaman wala pa naman talagang sekswal na namamagitan sa kanila.

Not that she didn't like it.

But Jet always refuses.

He would always say, 'Not now, Love. Pahihinugin muna kita. Mas masarap daw kainin kapag hinog sa puno."

What the...? Ano'ng palagay niya sa akin? Mangga?

Gayong lagi na, ay nararamdaman niya naman ang panggigigil nito sa kanya kapag sinasadya niya itong tuksuhin.

Katulad na lamang ngayon.

Mariin itong lumunok, habang ramdam niya ang paninigas ng mga muscle nito sa hita.

He's tense. Lihim siyang napangiti.

"Hrmmp... Love, I think, you better stop now." tila nahihirapang anito habang kinakalas ang unang tatlong butones ng polong suot nito, anyong init na init.

Bumitiw ito sa pagkakakapit sa baywang niya at itinukod ang dalawang kamay sa kama sa likod nito. Mapupungay ang mga matang nakatingin sa kanya.

"What?" kunwa ay inosenteng tanong niya. "Wala pa nga akong ginagawa..."

"Fuck, yeah!" anas nito at naiiling na huminga ng malalim, matiim ang titig sa mga mata niya. "Wala ka pa ngang ginagawa, and yet, nag-iinit na ko. Paano pa kung may gawin ka?" anito at pabagsak na inihiga ang likod sa kama. "I'll die." halos ay paungol nang sabi nito.

She grinned and teasingly grind her hips onto his hardness.

"Oh!" ungol nito sabay hawak sa magkabilang baywang niya. "Love, stop teasing." tila hirap na anito ngunit hawak pa rin ang baywang niya at animo iginigiya iyon sa patuloy na paggiling sa ibabaw nito.

Unti-unti ay nakakaramdam na rin siya ng masarap na kilabot. Kilabot na tanging si Jet pa lamang ang tanging makapagramdam sa kanya.

"Oh, Love!" ungol niyang mahigpit na hinawakan ang dalawang kamay nito na mahigpit pa ring nakakapit sa baywang niya.

Mabilis itong kumilos sa panlalaki ng mga mata niya... at sa isang iglap ay siya na ang nasa ilalim at kinukubabawakan siya nito.

"I told you to stop teasing." he said hoarsely. "Now, it's too late, my Love." ani pa nito bago buong kasabikang inangkin ang mga labi niya.

Na buong puso niya namang tinanggap at buong kasabikan ding tinugon.

"Uhm..." ungol niya sa pagitan ng mainit nilang mga halik nang maramdaman niya ang palad nitong humahagod pataas sa isang hita niya.

Walang kahirap-hirap nitong naililis ang uniporme niya, "Ugh! I'm glad you're in your school uniform, Love." anas nito sa punung-tainga niya at lalo pang idinikit ang kahindigan sa kanya, habang ang isang kamay nito ay isa-isa nang kinakalas ang mga butones ng blouse niya.

Bahagya pa siyang nakilig nang hawiin ng kasintahan ang bra niya at sakupin ng bibig nito ang isang tuktok doon.

"Oh, Love!" ungol niya sabay mariing paghagod sa ulo nito.

Tila hibang namang lalo pang pinagbuti ng binata ang ginagawa. Animo sanggol na nagpalipat-lipat ito ng pagsimsim sa magkabilang dibdib niya, habang pandalas naman ang paggiling ng pang-ibabang katawan nito.

Kahit kapwa may saplot ang pang-ibaba nilang mga katawan ay ramdam na ramdam niya ang katigasan nitong mariing inihahagod sa sentro ng pagkababae niya.

Dry humping her.

And, oh! He's hitting the right spot!

Sa pagtataka niya ay hubad na ito at tanging boxer shorts na lamang natitirang saplot sa katawan.

Masyado ba siyang nalunod sa sarap na ipinadarama nito kaya't ni hindi niya namalayang nahubad na pala nito ang halos lahat ng kasuotan nito?

Habang siya ay suot pa rin ang kabuuan ng kanyang uniporme, gayunpaman, ay masasabing nakabuyangyang pa rin ang buong katawan niya rito. Tanggal ang lahat ng butones ng blouse niya at parehong naka-hawi ang mga cups ng bra niya sa magkabilang gilid, habang sa ibaba ay nakalilis naman ang palda niya, kaya't naka-hantad din dito ang kabuuang pang-ibabang katawan niya na natatabingan lamang ng makitid na bikini briefs.

"Oh!" she's near. "Harder, Love... yeah... oh!" gumapang paitaas ang mga labi nito sa punung-tainga niya at mariing sinipsip iyon.

"Shhh... quite, Love. Baka marinig ka sa kabila." anas nito sa tainga niya sa pagitan ng paghalik at pagsipsip doon, pababa sa leeg niya at pabalik sa punung-tainga niya. "Ayokong may ibang makarinig ng mga ungol mo, those are exclusively for my ears only." anito bago pinagapang ang mga halik papunta sa mga labi niya at mariin siyang kinuyumos ng mainit na halik.

Nabitin sa lalamunan niya ang lahat ng ungol na nais na kumawala sa bibig niya. Mariin siyang napakapit sa balikat nito nang maramdaman niya ang pagsapit sa sukdulan.

"Uhmp.." ungol niya sa bibig ng kasintahan at buong panggigigil na tinugon ang halik nito.

Na sinuklian naman nito ng kaparehong intensidad at mas lalo pang binilasan ang mga galaw kasabay ng mariing paglamutak sa isang dibdib niya.

"Ah, Love, i'm coming... ugh!" he moaned before he collapse on top of her. "I love you, Love. Happy Birthday."

Pagod nitong ibinagsak ang katawan sa ibabaw ng katawan niya at isiniksik ang mukha sa leeg niya habang gumagawa ng maliliit na mga halik doon na muli na namang naghahatid ng kilabot sa buong sistema niya.

"Happy Anniversary, Love. I love you, too." sagot niya at masuyo itong hinalikan sa noo.

"Yeah. It's a Happy Anniversary, indeed." nag-angat ito ng ulo at pilyong tumingin sa kanya.

"Hmm... Love?"

"Hmm...?

"Don't you think, it's time that we do the real thing?"

Nangunot ang noo ng binata sa tanong niya.

She shrugged her shoulders. "I mean, we're both of the right age na naman, and we surely love each other--" bigla siyang natigilan. "--wait... do you really love me ba?"

Napa-angat ang kilay ng binata sa tanong niya bagaman naroon ang naaaliw na ngiti sa labi, as if asking, 'Are you for real?'

She then, pouted and continue. "So, ayun nga, hindi mo naman siguro ako iiwanan kapag nakuha mo na 'yon, like some other guys, 'di ba?" dere-deretsong sabi niya habang amuse pa ring nakatunghay lang ito sa kanya. "Alam ko naman hindi ka kuntento sa ginagawa natin. I know, you guys have needs, too. And it's not enough--"

Napatigil lang siya nang patakan nito ng mariin ngunit mabilis lang na halik ang mga labi niya. Tila layon lamang talaga ay patahimikin siya.

"Enough, okay?" masuyong anito. "Love, you're only saying that, but the truth is, hindi ka pa ready. And I am very much willing to wait for that day."

"Who told you? I am--"

"Love, 'wag nang makulit. And don't worry, kontento naman ako sa ganito, as long as, it's with you. And that's because I love you." seryosong sabi nito. "Kuntento na 'ko sa puro dribble muna, saka na natin i-shoot." he said grinning and winked at her. "And besides, masarap pa rin naman, hindi ba obvious?" pilyo pa rin ang ngisi.

Namumulang mahina niya itong hinampas sa dibdib. "Siraulo ka talaga!"

Malakas na tawa lang ang isinagot nito sa kanya. "Let's wait 'til you graduate, at hindi mo pa nahuhubad 'yung toga mo, naka-three points na tayo!"

"Jethro!"

Namumula naman ang mukha nito sa katatawa sa reaksyon niya nang marinig nila ang pagtunog ng cellphone nito.

Agad na bumangon ang binata upang hanapin ang tumutunog na aparato.

"Shit!" nagtaka pa siya sa pagkataranta nito nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hrmp... hello, sir." bungad nito.

"Yes, sir, she's with me, and we're coming." muli ay sabi nito.

"Okay, got it, sir." huling sabi nito bago pinatay ang tawag at bumaling muli sa kanya.

"Who was that? Bakit natataranta ka?" kunot ang noong tanong niya rito.

"Fuck! That was your father. Get up, and fix yourself." taranta pa ring anito na inalalayan  siyang tumayo bago nagmamadaling naghanap ng damit sa closet at halos patakbong pumasok sa cr. "I almost forgot our dinner, you tease!

Naiwan siyang nakatanga at naguguluhan pa rin sa inaakto ng kasintahan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status