Share

Chapter 10

Sa halip na sa sariling silid ni Martina sa bahay ng mga Montez, ay pinili ni Jethro na dalhin sa condo unit niya ang dalaga upang doon sila makapag-usap ng maayos. Noong una ay bahagya pa itong tumutol, at sinabing sa silid nga nito, ito ihatid, na mariin niyang tinutulan. Hindi siya makapapayag na mawala ito sa paningin niya nang hindi sila nagkakaliwanagan. Nais niyang linawin sa kasintahan ang mga larawang ipinakita sa kanila ng ama at tiyuhin nito.

Dinala niya ito sa kanyang silid, tahimik siyang lumakad patungo sa naroong kama, habang hindi binibitiwan ang kamay nitong mula pa lamang pagkababa nila ng sasakyan ay hawak niya na. Nang makaupo ay masuyo niya itong hinila paupo sa kanyang kandungan at patagilid na inihilig ang ulo sa balikat niya. Ang isang bisig niya ay mahigpit na nakapulupot sa baywang nito, habang ang kabila naman ay pandalas ang hagod sa buhok at braso nito upang pakalmahin ang nobya.

Sa totoo lang, ay matinding takot, ang ngayon ay lumulukob sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Michelle Yee
Pa, update po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status