Share

Chapter 9

PAGDATING ni Martina sa bahay kasama ang kasintahan ay sinabihan sila ng kanilang kasambahay na naroon daw sa library ang kanyang ama at hinihintay sila, kaya't doon na sila dumeretso.

Naghalo ang kaba at pagtataka sa dibdib niya nang datnan nila ang kanyang ama sa loob ng kanilang silid-akalatan kasama ang Uncle Atticus niya. Kapwa pormal ang mga mukha ng mga ito, at sa wari ay talagang hinihintay sila.

"Good afternoon po, Tito," bati agad ni Jethro sa kanyang ama bago binalingan ang Uncle Atticus niya. "Sir..."

Nang tumuon ang paningin ng Uncle Atticus niya rito ay tumiim ang bagang nito ngunit nanatili pa ring walang imik, na muli niyang pinagtakhan. Gayundin, ang ama niya na pormal na tinanguan lamang ito.

Ano ang maaaring nagawa ng kasintahan upang magalit ang mga ito rito?

"Dad..." bati niya rin sa ama. Tumingin lamang ito sa kanya na wala pa ring kahit na anong emosyong makikita sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status