INICIAR SESIÓNVivienne Elise Moreau’s Point of View
Hiyang-hiya ako sa sinabi ng boss ko. Nawala kasi talaga sa isipan ko ‘yon! Ang tanging gusto ko lang naman ay ang makainom ng gatas nang sa gayon ay makatulog na ako. Ang kaso lamang ay imbis na makatulog ako, hindi ‘yon nangyari. Nakatitig lang ako sa salamin, hanggang sumikat na ang araw. “Hindi ka ba nakatulog?” pang-uusisa naman sa akin nang isang katulong na parang hindi yata nalalayo sa aking edad “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” “Parang hindi kasi ganiyan ‘yong mga mata mo nang makita kita kahapon,” paliwanag nito sa akin na siyang nagpalingon naman sa akin sa kaniyang gawi. “Medyo umitim sa ilalim ng mga mata mo.” “Naninibago lang kasi ako rito kaya hindi kaagad ako nakatulog,” paliwanag ko na kahit ang totoo naman ay kasalanan naman ng boss namin. Kung hindi kasi sana niya ‘yon sinabi, sana ay nakatulog ako nang maayos. Natigil lamang kami sa usapan nang bigla kong maramdaman ang isang mabigat na presensya sa aking likuran. Hindi ko pa nga naitatanong ang pangalan niya nang bigla siyang tumalikod sa akin, at kaagad na nagpunta sa kitchen area. Nang lingunin ko ang tao sa likod ko, kaagad na tumambad sa akin ang boss ko na ngayon ay nakatitig sa akin. Salubong ang kaniyang kilay, at parang hindi naging maganda ang gising nito. Napayuko na lamang ako, at umatras nang kaunti, dahil katatapos ko lamang na ayusin ang kaniyang pinggan, at salinan ng tubig ang kaniyang baso. “Good morning, sir,” bati ko naman. Hindi siya sumagot, pero dumiretso lamang siya sa kaniyang upuan, habang ako naman ay tumayo nang maayos. Napagpasiyahan ko ring magpunta sana malapit sa pintuan ng dining area, dahil baka may biglaang kailanganing ipakuha si sir. Kaya lang ay bigla na lamang niya akong hinawakan sa aking siko para patigilin ako sa pupuntahan ko. “Where do you think you’re going, huh?” Mabilis akong napalingon sa kaniya, dahil sa gulat. Nanlaki pa nga ang aking mga mata, dahil hindi ko talaga siya inaasahan na hahawakan niya ako sa aking siko para lang patigilin ako sa paglalakad. “Sir, sa may bandang pintuan lang naman po sana—” “Kumain ka na ba ng breakfast?” putol niya sa aking sasabihin. Kaya parang bigla naman akong nabingi, at hindi inaasahan ang kaniyang sasabihin. “Po?” Humugot lamang siya nang malalim na hininga, at napasulyap sa butler na ngayon ay nakatingin pala sa amin. Nagulat pa ako nang bigla siyang yumuko, at kaagad na umalis. Ang boss ko naman, biglang binitawan ang aking siko, at sakto namang bumalik ang butler na may dalang pinggan, mga kutsara, at maging ang babasaging baso. Nang ilapag ng butler ‘yon sa table na kung saan ay malapit lamang sa boss ko, natigilan ako. “Join me,” malamig nitong sambit, habang nakatitig lamang ako sa pinggan na nasa harapan ko. Napansin yata niya na hindi ako gumagalaw. Kaya napalingon ulit siya sa akin, habang ako naman ay medyo nalilito pa rin. “Don’t make me repeat myself, Tala,” malamig nitong paalala sa akin, pero umiling lamang ako. “Pero, sir. Kumain na po kasi ako—” “I’ll deduct your salary,” may pagbabanta naman nitong wika. Kaya naman dali-dali akong umupo sa kung saan katapat ng pinggan na dala ng butler. Kahit busog na ako, wala akong nagawa kung hindi ay sabayan siya. Akala ba niya ay nakalilimutan ko na ang binitawan niyang salita kagabi? Hindi. Kaya hindi ko alam kung bakit umaakto siya na parang wala lang kung gayon na halos hindi na ako makagalaw nang maayos, dahil nasa akin talaga ang atensyon niya. “From now on, sasabay ka na sa aking kumain.” Para naman akong nahirapan sa paglunok nang sabihin niya sa akin ang bagay na ‘yon. Hindi ako makapaniwala! Isa lang naman akong katulong, eh. Pero bakit ganito ang trato niya sa akin? Oo, alam ko naman na advantage ko ‘to, dahil hindi na ako mahihirapan pa. Pero hindi ba ay parang may kaiiba sa ginagawa niya? Kaya nga dapat ay hindi ako kampante ngayon, eh. Alam ko naman sa sarili ko na may mali, pero bakit parang natutuwa pa ako sa nangyayari? Bakit parang hindi na ako mahihirapan pang isagawa ang plano ko? Gusto kong mainis, pero at the same time ay thankful ako, dahil mapapadali naman ang lahat. “Pero, sir. Hindi naman po yata puwede—” Hindi na naman natuloy ang aking sasabihin, dahil tumalim na naman ang kaniyang mga mata sa aking gawi. Kung nakakamatay lang sana ang titig, baka kanina pa ako bumulagta. “Do you want me to fire you?” Umiling naman ako bilang sagot, at tuluyan na talagang tiningnan si Kieran, kahit medyo labag talaga sa kalooban ko. “Huwag po, sir. Kailangan na kailangan ko po kasi talaga ang pera,” pagmamakaawa ko. Kahit ayaw ko namang magmakaawa, ginawa ko pa rin, dahil nga naman may kailangan akong gawin dito. Humugot ako nang malalim ba hininga, at tinitigan na lamang ang kaniyang asul na mga mata, kahit na parang binabasa nito ang aking isipan. “Then you have to follow what I’ve said.” Hindi na ako nagsalita, at napatungo na lamang. Kung talagang kailangan ko ng pera, baka ganito ang gagawin ko. Magmamakaawa huwag lamang matanggal sa trabaho. ‘Yong tipong kailangan kong lunukin ang lahat para lang sa pera. Ngunit mabuti na lamang, dahil hindi. Nang matapos naming kumain, kaagad akong nagligpit ng aming mga pinagkainan, habang ang boss ko naman ay nagtungo yata kaagad sa kaniyang study room. “Ako na riyan. Sumunod ka na lang kay Sir Kieran,” pagpepresenta naman ng babaeng kausap ko kanina. “Baka mapagalitan ka pa kapag hindi ka kaagad sumunod sa kaniya.” “Ano ba ang pangalan mo? Kanina pa tayo nag-uusap, pero hindi kita kilala.” Doon naman siya natawa, at mabilis na inilahad ang kaniyang kamay sa akin. “Maria ang pangalan ko,” sambit niya, habang nakangiti nang matamis sa akin. “Tala,” pagpapakilala ko naman, at kaagad na inabot ang kamay niya. Nang makarating ako sa harapan ng study roon ni sir, kumatok naman kaagad ako sa p***o, pero hindi nagsalita si sir. Kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang p***o, pero napantig ang tainga ko nang may marinig ako mula sa loob na siyang nagpatayo ng mga balahibo sa aking katawan. “Oh fuck!” malutong na mura ni Sir Kieran.Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHindi ako nakinig sa sinabi niya. Kaya ngayon ay nakatayo pa rin ako, hanggang sa siya na mismo ang tumigil sa panggugulo sa akin.“Dessert,” mahinang sambit ni Sir.“Ano pong klaseng dessert?”“Anything. Sila na ang bahala kung ano ang ibibigay nila,” saad niya.Kaya yumuko na lamang ako para magpaalam, at mabilis na lumabas ng kaniyang study room. Nakita ko nga sa labas ang butler pagkasara ko ng pinto, dahil kaagad siyang lumingon sa akin.“Sir,” bungad ko kaagad, habang nakatingin siya sa akin na may pagtataka s
Vivienne Elise Moreau’s Point of View“Who’s there?” tanong niya kaagad.Napakurap naman ako, at dahan-dahan na isinara ang pinto. Nagawa ko pang mahigit ang aking hininga, pero kaagad din naman akong natauhan kalaunan, at pinakalma ang aking sarili.“Tala po.”“What are you doing here?”Kaagad akong napalingon sa table niya, at napansin na nakaupo pala siya roon. Magulo ang kaniyang buhok, at hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan. Para kasing may malalim siyang iniisip, at ang pinagdiskitahan niya ay ang kaniyang buhok.“Baka po may kailangan ka po. Kaya sumunod po ako rito,” magalang kong sambit, habang nanatili lamang sa may bandang pintuan.Nakatitig siya sa akin nang mariin, pero at the same time ay nandoon pa rin naman ang lami
Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHiyang-hiya ako sa sinabi ng boss ko. Nawala kasi talaga sa isipan ko ‘yon! Ang tanging gusto ko lang naman ay ang makainom ng gatas nang sa gayon ay makatulog na ako.Ang kaso lamang ay imbis na makatulog ako, hindi ‘yon nangyari. Nakatitig lang ako sa salamin, hanggang sumikat na ang araw.“Hindi ka ba nakatulog?” pang-uusisa naman sa akin nang isang katulong na parang hindi yata nalalayo sa aking edad“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”“Parang hindi kasi ganiyan ‘yong mga mata mo nang makita kita kahapon,” paliwanag nito sa akin na siyang nagpalingon naman sa akin sa kaniyang gawi. “Medyo umitim sa ilalim ng mga mata mo.”“Naninibago lang kasi ako rito kaya hindi kaagad ako nakatulog,” paliwanag ko na kahit ang totoo naman ay kasalanan naman ng boss namin.Kung hindi
Vivienne Elise Moreau’s Point of View “Personal maid na siya ni sir,” pahayag ng butler sa head housekeeper. Kaya napalingon siya sa akin, at nagawa pa akong tinitigan. “Akala ko ba ay ayaw ni sir ng personal maid?” tangkang tanong nito, at bahagyang napaisip. “Nagbago na ang isip niya?” “Tingin ko rin,” tugon naman ng butler na siyang ikinayuko ko na lamang. Dapat naman siguro akong maging masaya lalo na’t naririnig ko sa kanila mismo ang bagay na ‘to, hindi ba? Ibig lang sabihin ay hindi na ako mahihirapan pa. Ang problema ko lang talaga ay hindi ko magawang tawagan ang mga kasamahan ko para ibalita sa kanila na kahit papaano ay may progress na talaga ang lahat. Na kahit papaano ay umuusad na rin, at hindi naman ako nahihirapan. “Mas magandang hindi na lang siya tumulong sa inyo.” “Mas mabuti pa nga. Sumama na lang siya sa ‘yo kung sakali.” Pinaglaruan ko naman ang aking mga daliri, habang nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ko lang maiwasang mamangha, pero at the same tim
Vivienne Elise Moreau’s Point of View “What’s your name?” he asked as he walked closer to me. Mabilis akong napalunok, at dahan-dahang umatras lalo na nang matanto kong isang hakbang na lang ay nasa harapan ko siya. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi, ngunit nanatiling malamig ang kaniyang mga mata, habang nakatitig sa akin. I don’t know why, pero sobrang lakas talaga ng pintig ng puso ko, habang papalapit siya sa akin ngayon. Kahit na pilit akong umaatras, huwag lang siyang tuluyang makalapit sa akin, hindi siya tumigil. Patuloy pa rin talaga siya sa paghakbang papalapit sa akin. “I’m asking you, woman,” he uttered dangerously, voice dropping low. Doon ko lang natantong dingding na pala ang nasa likod ko. Na kahit gustuhin ko mang lumayo pa sa kaniya, hindi ko na nagawa pa lalo na nang iharang niya ang kaniyang kamay sa aking gilid. Kieran immediately wrapped his left arm around my waist and pulled me closer to him. Napasinghap ako sa gulat, at wala sa sarili







