공유

Kabanata 5

작가: Kreine
last update 게시일: 2026-07-20 01:06:59

Vivienne Elise Moreau’s Point of View

Hindi ako nakinig sa sinabi niya. Kaya ngayon ay nakatayo pa rin ako, hanggang sa siya na mismo ang tumigil sa panggugulo sa akin.

“Dessert,” mahinang sambit ni Sir.

“Ano pong klaseng dessert?”

“Anything. Sila na ang bahala kung ano ang ibibigay nila,” saad niya.

Kaya yumuko na lamang ako para magpaalam, at mabilis na lumabas ng kaniyang study room. Nakita ko nga sa labas ang butler pagkasara ko ng p***o, dahil kaagad siyang lumingon sa akin.

“Sir,” bungad ko kaagad, habang nakatingin siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mga mata. “Kailangan daw po ni sir ng dessert. Kahit ano raw po.”

Tumango naman siya bilang sagot, at naunang naglakad, habang ako naman ay nakasunod sa kaniya.

Nagtungo kami sa kitchen, at kaagad kong napansin na may mga nakahanda na pa lang dessert. Kukunin ko na lang ‘yon, at hindi na hihintayin pa.

Kaya napakurap ako, at hindi maiwasang magulat lalo pa’t kabisado na pala talaga nila ang gusto ng boss namin.

“Hindi ba sinabi kung ilan ang gusto niya?” usisa sa akin ng mayordoma na kaagad ko namang ikinailing.

“Wala pong sinabi kung ilan, o kung ano pong klase ng dessert. Ang sabi niya po ay bahala na raw po kayo kung ano ang gusto niyong ilagay.”

Hindi sumagot ang mayordoma, at tiningnan na lamang ang isang maid na kagaya ko na ngayon ay naglalagay ng kung ano-anong dessert. Naparami pa nga ‘yon, eh. Pero wala namang problema sa kanila kung hindi ‘yon maubos, o kung ano.

“Maglagay kayo ng juice. Pitsel na ang ilagay niyo, at isang baso,” utos naman ng mayordoma sa mga kasamahan ko.

Mabilis naman silang natapos, at inilagay na kaagad sa tray trolley.

“Salamat po,” sambit ko naman, bago lisanin ang kitchen area.

Nakasunod lang ako ngayon sa butler. Medyo nag-iingat din ako, dahil sa pitsel. Punong-puno kasi talaga ng orange juice, pero mabuti na lamang ay nakarating din naman ako kaagad.

“Sir, nandito na po ‘yong dessert niyo,” sambit ko nang makapasok ako ng study room niya.

Hindi ko na naramdaman pang sumunod sa akin ang butler papasok, dahil ang pagsara na lamang ng p***o ang aking narinig.

Kaya naman nanumbalik ang lakas ng pintig ng aking puso lalo na nang mag-angat siya ng tingin, at kaagad na sinalubong ang aking mga mata.

“Eat it,” seryosong utos nito sa akin na siya namang ikinagulat ko.

“Sir, bakit naman po ako ang kakain—”

“You’ll follow what I said, right?”

Doon akao napalunok, at kaagad na napasulyap sa pagkain na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ko ba talaga siyang sundin ngayon lalo pa’t alam ko sa sarili ko na hindi ko hilig ang mga matatamis na pagkain.

Pero wala naman sigurong mawawala kung kakain ako kahit kaunti lang? Kahit dalawa, o tatlong subo?

Kaya naman kinuha ko ang isang piraso ng brownies, at kaagad ‘tong kinagatan. Alam kong nakatingin pa rin sa akin hanggang ngayon si sir, pero hindi ko na siya nilingon pa.

“Feed me.”

Doon ako natigilan sa pagnguya, at kaagad na napalingon sa kaniya na ngayon ay nakasandal na siya sa kaniyang swivel chair.

Nakatingin siya sa akin, at talagang hindi inililihis ang kaniyang mga mata. Kaya mas lalo lamang akong napalunok nang tuluyan, at hindi talaga alam ang aking gagawin.

Nang manguya ko ang aking kinain, at nagawang malunok. Kaagad akong tumayo nang maayos.

“Alin po ang gusto mo rito na dessert, sir?”

“You.”

Doon nalaglag ang aking panga, at parang nabingi na lamang ako lalo na nang umangat ang sulok ng kaniyang labi.

Pero imbis na matuwa ako, parang mas lalo lang akong nakaramdam ng kaiiba sa aking katawan. Nanuyo pa nga ang aking lalamunan, habang nakatitig sa kaniya, eh.

Ngunit ‘yong epekto niya ay nagawa kong itago. Hindi ko ipinahalata sa kaniya, at talagang gulat lang ang mahahalata sa aking mga mata.

“I’d like to taste the brownies.”

Napakurap ako, at parang naintindihan na ang kaniyang ibig sabihin. Kaya naman binalak kong kumuha sana nang panibagong brownies na nasa tray, pero nagsalita na naman siyang muli.

“Gusto ko ‘yong kinagatan mo.”

“Sir, puwede naman pong kumuha na lang ako nang bago—”

“Ang gusto ko ay ‘yang kinagatan mo,” ulit niya na may diin na ngayon.

Kaya kinagat ko ang aking ibabang labi, at mabilis na lumapit sa kaniya para isubo ang brownies na nakagatan ko na.

Inilapit ko ‘yon sa kaniyang labi, at nanatiling nakatitig lamang sa kaniya, pero nagulat na lamang ako nang hawakan niya ang aking pulso, bago kumagat sa brownies na hawak ko.

Nakatingin lang siya nang gawin ko ‘yon, at alam kong halata sa mukha ko ang pagkabigla.

Pinanood ko siyang nguyain ‘yon, dahil talagang hindi na siya bumalik pa sa pagtatrabaho. Nanatili na lang siyang nakatingin sa akin, saka sumubo ulit doon sa hawak kong brownies.

Nang lingunin ko ang hawak ko isang subo na lang ‘yon, pero hindi pa lang niya kinain ang lahat. Talagang nagtira pa, at hindi ko alam kung bakit niay ‘to ginagawa.

“Ayaw ko na. Kainin mo na ‘yan,” utos niya na para bang sa kaniya talaga ‘to.

Ako naman ang kumagat dito, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang makihati sa pagkain ko kung gayon na ang dami ko namang dalang pagkain.

Nagsimula na ulit siyang magtrabaho, habang ako naman ay walang nagawa kung hindi ay kainin na lamang ang natira.

At least, hindi ako kumain nang marami. Pero hindi ko lang talaga maisip na magagawa niyang kainin ang kinagatan ko na.

Ilang minuto rin ang lumipas nang bigla na lamang may kumatok sa p***o. Nagtaka pa nga ako, at napalingon na lamang, pero bigla namang pumasok ang butler.

“Sir, may bisita ka,” pahayag ng butler, at isinara ang p***o.

“Sino?”

“Sir Moretti po.”

“Let him in,” utos niya.

Kaya naman binuksan ulit ng butler ang p***o, hanggang sa pumasok ang isang lalaki na hindi naman ako pamilyar.

Nagtama ang aming mga mata, pero may tumikhim sa aking likuran, hanggang sa maramdaman ko na lamang ang presensiya ni Sir Kieran sa aking likuran.

“Leave us alone,” malamig na utos ni Sir Kieran.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Masks of Desire   Kabanata 5

    Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHindi ako nakinig sa sinabi niya. Kaya ngayon ay nakatayo pa rin ako, hanggang sa siya na mismo ang tumigil sa panggugulo sa akin.“Dessert,” mahinang sambit ni Sir.“Ano pong klaseng dessert?”“Anything. Sila na ang bahala kung ano ang ibibigay nila,” saad niya.Kaya yumuko na lamang ako para magpaalam, at mabilis na lumabas ng kaniyang study room. Nakita ko nga sa labas ang butler pagkasara ko ng pinto, dahil kaagad siyang lumingon sa akin.“Sir,” bungad ko kaagad, habang nakatingin siya sa akin na may pagtataka s

  • Masks of Desire   Kabanata 4

    Vivienne Elise Moreau’s Point of View“Who’s there?” tanong niya kaagad.Napakurap naman ako, at dahan-dahan na isinara ang pinto. Nagawa ko pang mahigit ang aking hininga, pero kaagad din naman akong natauhan kalaunan, at pinakalma ang aking sarili.“Tala po.”“What are you doing here?”Kaagad akong napalingon sa table niya, at napansin na nakaupo pala siya roon. Magulo ang kaniyang buhok, at hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan. Para kasing may malalim siyang iniisip, at ang pinagdiskitahan niya ay ang kaniyang buhok.“Baka po may kailangan ka po. Kaya sumunod po ako rito,” magalang kong sambit, habang nanatili lamang sa may bandang pintuan.Nakatitig siya sa akin nang mariin, pero at the same time ay nandoon pa rin naman ang lami

  • Masks of Desire   Kabanata 3

    Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHiyang-hiya ako sa sinabi ng boss ko. Nawala kasi talaga sa isipan ko ‘yon! Ang tanging gusto ko lang naman ay ang makainom ng gatas nang sa gayon ay makatulog na ako.Ang kaso lamang ay imbis na makatulog ako, hindi ‘yon nangyari. Nakatitig lang ako sa salamin, hanggang sumikat na ang araw.“Hindi ka ba nakatulog?” pang-uusisa naman sa akin nang isang katulong na parang hindi yata nalalayo sa aking edad“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”“Parang hindi kasi ganiyan ‘yong mga mata mo nang makita kita kahapon,” paliwanag nito sa akin na siyang nagpalingon naman sa akin sa kaniyang gawi. “Medyo umitim sa ilalim ng mga mata mo.”“Naninibago lang kasi ako rito kaya hindi kaagad ako nakatulog,” paliwanag ko na kahit ang totoo naman ay kasalanan naman ng boss namin.Kung hindi

  • Masks of Desire   Kabanata 2

    Vivienne Elise Moreau’s Point of View “Personal maid na siya ni sir,” pahayag ng butler sa head housekeeper. Kaya napalingon siya sa akin, at nagawa pa akong tinitigan. “Akala ko ba ay ayaw ni sir ng personal maid?” tangkang tanong nito, at bahagyang napaisip. “Nagbago na ang isip niya?” “Tingin ko rin,” tugon naman ng butler na siyang ikinayuko ko na lamang. Dapat naman siguro akong maging masaya lalo na’t naririnig ko sa kanila mismo ang bagay na ‘to, hindi ba? Ibig lang sabihin ay hindi na ako mahihirapan pa. Ang problema ko lang talaga ay hindi ko magawang tawagan ang mga kasamahan ko para ibalita sa kanila na kahit papaano ay may progress na talaga ang lahat. Na kahit papaano ay umuusad na rin, at hindi naman ako nahihirapan. “Mas magandang hindi na lang siya tumulong sa inyo.” “Mas mabuti pa nga. Sumama na lang siya sa ‘yo kung sakali.” Pinaglaruan ko naman ang aking mga daliri, habang nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ko lang maiwasang mamangha, pero at the same tim

  • Masks of Desire   Kabanata 1

    Vivienne Elise Moreau’s Point of View “What’s your name?” he asked as he walked closer to me. Mabilis akong napalunok, at dahan-dahang umatras lalo na nang matanto kong isang hakbang na lang ay nasa harapan ko siya. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi, ngunit nanatiling malamig ang kaniyang mga mata, habang nakatitig sa akin. I don’t know why, pero sobrang lakas talaga ng pintig ng puso ko, habang papalapit siya sa akin ngayon. Kahit na pilit akong umaatras, huwag lang siyang tuluyang makalapit sa akin, hindi siya tumigil. Patuloy pa rin talaga siya sa paghakbang papalapit sa akin. “I’m asking you, woman,” he uttered dangerously, voice dropping low. Doon ko lang natantong dingding na pala ang nasa likod ko. Na kahit gustuhin ko mang lumayo pa sa kaniya, hindi ko na nagawa pa lalo na nang iharang niya ang kaniyang kamay sa aking gilid. Kieran immediately wrapped his left arm around my waist and pulled me closer to him. Napasinghap ako sa gulat, at wala sa sarili

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status