LOGIN“Walang ibang puwedeng umangkin sa ‘yo, Elise. Ako lang dapat. Naiintindihan mo?” — Kieran Zane Rovina. ♡♡♡ Si Vivienne Elise Moreau ay nag-apply bilang katulong sa mansion na pagmamay-ari ni Kieran Zane Rovina. Hindi naman tumatanggap ng applicants ang Head Housekeeper, pero nagmakaawa si Vivienne para lang maisagawa ang kaniyang plano. She wanted to destroy Kieran Zane Rovina—to kill him. Since that’s the mission they gave to her, she disguised herself as a maid using the fake documents she had—Tala Villanueva. Pero paano kung nagbago ang ihip ng hangin? Paano kung magsisi siya sa daang tinahak niya? “You think you can fool me?” he asked as he tilted his head. “I wasn’t born yesterday for you to play with me, woman.” She entered his mansion wearing a mask and carrying one mission: kill the right-hand of Le Dodici Corone’s mafia boss. But when the line between mission and desire begins to blur, will she complete the mission—or become the greatest betrayal of her organization has ever known?
View MoreVivienne Elise Moreau’s Point of View
“What’s your name?” he asked as he walked closer to me. Mabilis akong napalunok, at dahan-dahang umatras lalo na nang matanto kong isang hakbang na lang ay nasa harapan ko siya. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi, ngunit nanatiling malamig ang kaniyang mga mata, habang nakatitig sa akin. I don’t know why, pero sobrang lakas talaga ng pintig ng puso ko, habang papalapit siya sa akin ngayon. Kahit na pilit akong umaatras, huwag lang siyang tuluyang makalapit sa akin, hindi siya tumigil. Patuloy pa rin talaga siya sa paghakbang papalapit sa akin. “I’m asking you, woman,” he uttered dangerously, voice dropping low. Doon ko lang natantong dingding na pala ang nasa likod ko. Na kahit gustuhin ko mang lumayo pa sa kaniya, hindi ko na nagawa pa lalo na nang iharang niya ang kaniyang kamay sa aking gilid. Kieran immediately wrapped his left arm around my waist and pulled me closer to him. Napasinghap ako sa gulat, at wala sa sariling nailapat ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib. “Who are you?” may diin nitong tanong sa akin. My mouth parted in disbelief. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang reaksyon ko ngayong nakikita siya nang malapitan. Since he’s freaking tall, walang-wala ang height ko sa kaniya. Hanggang dibdib lamang niya kasi ako, at nagmumukha ring maliit ang aking katawan lalo na ngayon na nakapulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang. Ang lapad ng katawan niya, pero maganda ang hubog ng kaniyang mga muscle. “Tala,” nanginginig na boses kong sagot. “Tala Villanueva, sir.” “Tala,” he said huskily. Hindi naman ako makapagsalita lalo na nang inilapit niya lalo ang kaniyang mukha sa akin. Kaya nahigit ko ang aking hininga muli, at sinubukan siyang itulak. Hindi nga lang siya natinag sa aking ginawa, at mas lalo lamang lumapit sa akin, hanggang sa tuluyan ko ng maamoy ang kaniyang hininga. Pinaghalong panlalaking pabango, at alcohol ang naaamoy ko sa kaniya. Ngunit imbis na mahilo, parang mas gusto ko pang amuyin siya. “What are you doing here?” “Nagtatrabaho po.” He licked his lower lip before glancing at my maid uniform. Medyo nailang pa nga ako lalo’t alam ko sa sarili ko na maikli ang skirt ng uniform ko. Six inches above the knee ‘yon, at kung ikukumpara sa iba ko pang kasamahan, hanggang tuhod talaga ang kanilang mga skirt. Sa akin lang ang naiiba, dahil wala raw available na uniform. Ito lang talaga. And I knew exactly why he was staring at it. “Your face isn’t familiar.” “Bago lang po ako rito, sir,” sagot ko naman kaagad, hanggang sa nag-angat na siyang muli ng tingin para salubungin ang aking mga mata. Malamig ang ipinukol niyang tingin sa akin, saka niya tinanggal ang pagkayayakap sa aking baywang, at tumayo nang maayos. Medyo nagulat pa nga ako, dahil muntikan akong matumba. Mabuti na lamang, dahil nakabawi ako kaagad. Nakapagtataka lang kung bakit ganito ang aking nararamdaman kung gayon na dapat ay hindi. Nakapamulsa siyang nakatingin sa akin, habang ako naman ay napayuko na lamang nang dahan-dahan. “Look at me,” utos nito sa akin. Mabilis akong nag-angat ng aking mga mata para salubungin ang nakapanghihina niyang titig sa akin. Nagawa ko pang ikuyon ang aking mga kamay, dahil hindi ko kayang labanan ang intensidad ng kaniyang titig sa akin. “You’ll be my personal maid from now on,” pahayag niya na siyang ikinalaglag ng aking panga, pero tumalikod lamang siya sa akin. “You’ll follow everything I said.” Nagsimula siyang maglakad pabalik sa kaniyang table, habang ako naman ay napatitig lamang sa papalayo niyang bulto. Pinanood ko siyang umupo sa kaniyang swivel chair, at sumandal doon, habang nanatili ang kaniyang mga mata sa akin. “Understood?” Napayuko na lamang ako nang matauhan, at mariing kinagat ang aking ibabang labi. “Yes, sir.” “You can leave now.” Napahawak ako sa aking dibdib, at wala sa sariling kinagat ang aking ibabang labi. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng aking puso. Sa sobrang lakas, nahihirapan akong huminga nang maayos. Para makalimutan ang nangyari, nagpasya na lamang akong maglinis. Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis sa living room, at hindi man lang napansin na may sumunod pala sa akin. Nang lingunin ko ‘yon, ang butler pala ang nakatitig sa akin. “Ipinapatawag ka ni sir sa kaniyang study room.” “Po?” gulantang kong sambit, dahil hindi ko ‘yon inaasahan. Wala pang mahigit sampung minuto nang lisanin ko ang kaniyang study room, pero hinahanap na kaagad niya ako? “Hindi pa po ako tapos rito,” giit ko, dahil ayaw ko naman ‘tong iwan na marumi pa lang. Mukhang napansin naman niya ang pag-aalinlangan ko. Kaya napatango lamang siya bilang sagot. “Magpapatawag na lamang ako ng ibang katulong na magtutuloy nito,” pahayag niya na siyang ikinatigil ko. “Halika na. Naghihintay si sir.” Bago pa ako makaangal ay mabilis na siyang tumalikod sa akin. Naiwan naman akong tulala, at hindi inaasahan ang kaniyang sinabi. Alam ko naman na personal maid ako ng lalaking ‘yon. Pero talags bang kailangan ay nandoon ako palagi? Wala pa namang isang oras ang lumipas, ha? Bakit naman kailangan na ganito? Nang makapasok ako sa kaniyang study room, napansin kong hindi na siya pumipirma pa ng mga document. Nakatingin lamang siya sa kaniyang laptop, at nang maramdaman niya ang aking presensiya ay saka lang siya napalingon sa akin. “Feed me,” aniya. Para naman akong nabingi sa aking narinig, at nagawa ko pang matulos sa aking kinatatayuan. Umaasa pa akong mali lang ako ng dinig, pero hindi niya ‘yon binawi. Talagang nakatitig pa ‘to sa akin, at parang hinihintay talaga ako nitong magpunta sa kaniyang gawi para sundin ang kaniyang inuutos. “Sir—” “You’ll follow what I said, right?” Wala naman yata ‘to sa inaasahan kong trabaho, hindi ba? Kaya nakapagtataka, dahil bakit pati pagsubo ay kailangang ako pa ang gagawa? Hindi na ako umimik pa, at lumapit na lamang sa kaniya. Kinuha ko ang tinidor, at ginamit ‘to sa pasta. ‘Yon kasi ang nasa table niya ngayon. Kaya mukhang ito ang gusto niyang kainin. Inilapit ko sa kaniyang labi ang pasta, at nanatili lamang na nakatuon ang aking atensyon doon, dahil hindi ko kayang tingnan siya sa kaniyang mga mata. Alam ko kasi sa sarili ko na manghihina ulit ako, at ‘yon ang dapat kong alamin. “Good girl, Tala,” he uttered, enough for me to hear it.Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewInabot niya ang baso na naglalaman ng iced tea. Ininom niya ‘yon, habang nakatingin ako sa kaniya. At dahil pansin ko ang pag-alon ng kaniyang Adam’s apple ay mabilis kong inilihis ang aking mga mata, dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.Tumikhim ako, at piniling lumayo nang kaunti sa kaniya. Balak ko na nga sanang lumabas muna ng kaniyang office nang makakain na siya, pero bigla siyang lumingon sa akin.“Where are you going?” malamig na tanong nito na siyang nagpatigil naman sa akin sa paglalakad.Napalunok ako, at dahan-dahang humarap sa kaniya.“Aalis lang po muna sana, sir, para sabihin po sa kanila na hindi mo na po kailangan ng dessert,” nag-aalangan kong paliwanag, pero tinaasan lang ako ng kilay.“Feed me.”Nalaglag ang aking panga sa kaniyang sinabi. Hindi naman ‘to ang unang beses na gusto niyang pakainin ko siya, pero dahil nga sa nangyari sa amin kanina, hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang.Dahan-dahan akong lumapi
Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewWala sa sarili kong naikuyom ang aking kamay lalo na nang bumilis ang kaniyang paghaplos doon.Ganito ba ‘yong punishment na gusto niya? Ito ba ang ibig niyang sabihin doon?Napaawang ang aking labi nang hawiin na niya ‘yon. Sa gulat ko, naisandal ko ang aking mukha sa kaniyang leeg.Ni hindi ko rin magawang imulat ang aking mga mata lalo na nang kusa kong pinagparte pa lalo ang aking mga hita.“Sir—”“This is your punishment, Tala. Nagawa mo ba namang makipagtitigan sa kaibigan ko, kahit nandito ako kanina?” untag niya, at mas idiniin ang kaniyang daliri sa akin.“Ahh!”Mabilis kong kinagat nang mariin ang aking ibabang labi. Naiinis ako sa sarili ko, dahil nagagawa kong magpadala sa kaniyang ginagawa ngayon.Hindi ba dapat ay ako ang kokontrol sa kaniya? ‘Yong pasimple ko siyang kokontrolin sa paraang alam ko nang sa gayon ay magawa ko nang maayos ang trabaho ko? Bakit hindi ko man lang magawa?Ang masakit pa ay siya mismo ang kumokontrol sa aki
Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewDali-dali akong lumabas ng pinto, dahil iba ang bigat ng kanilang awra. Hindi ko mapigilang mapahawak sa aking dibdib nang maisara ko ang pinto, at napapikit na lamang nang mariin ang aking mga mata.Since wala naman akong ibang gagawin, pinili kong magpunta lamang saglit sa comfort room. Kinailangan kong pakalmahin ang aking puso, dahil kanina pa ‘to kumakalabog.“Ito ang ayaw ko,” sambit ko, at napahawak na lamang sa aking noo. “Hindi pa rin kasi talaga ako sanay na napaliligiran ng mga kagaya nila.”Ibang-iba ang kanilang mga presensya. Sobrang bigat, at halos hindi ako makahinga nang maayos.Kaya ko pang tiisin ‘yong presensya ni Kieran, eh. Pero ‘yong isa? Halos manindig ang aking mga balahibo sa takot.Tinitigan ko ang aking mukha sa salamin, at hindi mapigilang punahin na mas lalo nga pala akong namutla.“Hindi ko pa rin ma-contact ang mga kasama ko,” sambit ko.Hindi ko alam kung ano ang mayroon dito, pero kung sakali man na mag-day off ak
Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHindi ako nakinig sa sinabi niya. Kaya ngayon ay nakatayo pa rin ako, hanggang sa siya na mismo ang tumigil sa panggugulo sa akin.“Dessert,” mahinang sambit ni Sir.“Ano pong klaseng dessert?”“Anything. Sila na ang bahala kung ano ang ibibigay nila,” saad niya.Kaya yumuko na lamang ako para magpaalam, at mabilis na lumabas ng kaniyang study room. Nakita ko nga sa labas ang butler pagkasara ko ng pinto, dahil kaagad siyang lumingon sa akin.“Sir,” bungad ko kaagad, habang nakatingin siya sa akin na may pagtataka s






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews