Share

Kabanata 4

Author: Kreine
last update publish date: 2026-07-19 03:06:45

Vivienne Elise Moreau’s Point of View

“Who’s there?” tanong niya kaagad.

Napakurap naman ako, at dahan-dahan na isinara ang p***o. Nagawa ko pang mahigit ang aking hininga, pero kaagad din naman akong natauhan kalaunan, at pinakalma ang aking sarili.

“Tala po.”

“What are you doing here?”

Kaagad akong napalingon sa table niya, at napansin na nakaupo pala siya roon. Magulo ang kaniyang buhok, at hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan. Para kasing may malalim siyang iniisip, at ang pinagdiskitahan niya ay ang kaniyang buhok.

“Baka po may kailangan ka po. Kaya sumunod po ako rito,” magalang kong sambit, habang nanatili lamang sa may bandang pintuan.

Nakatitig siya sa akin nang mariin, pero at the same time ay nandoon pa rin naman ang lamig ng kaniyang mga mata. Maging ang kaniyang awra ay mabigat din, at parang hindi na ako magtatangka pang lumapit sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaniyang awra. May kaiiba, pero at the same time ay parang hinihila naman ako nito palapit sa kaniya.

Humugot lamang siya nang malalim na hininga, at nagsimula na lamang siyang magbasa ng mga document. Ako naman ay nagpunta na lamang sa tabi ng pintuan, at nanatiling nakatayo roon.

Habang nagbabasa siya ng mga document, saka lang ako nagkaroon ng pagkatataon para ilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng study room niya. Maganda naman ang interior. Ang theme kasi ay black, gold, at white.

Madalas kong nakikita ang ganitong style sa internet—luxury, pero malinis tingnan.

“I need coffee.”

Doon naman napabaling ang aking atensyon sa kaniya. Kaya mabilis naman akong napatayo nang maayos, at nilingon si Sir Kieran.

“Iced coffee, sir?”

“Yes. Spanish Latte.”

Mabilis naman akong yumuko, at kaagad na umalis ng study room niya para makapagtimpla na ng kape niya.

Madali lang naman gawin ang kape na gusto ni sir, eh. Pero siyempre ay kailangan ko pa ring siguraduhin na masarap ang magiging timpla ko.

“Kape ni sir?” tanong ng butler sa akin.

“Yes po.”

“Magpapa-bake na rin muna ako saglit ng brioche col tuppo.”

Doon naman ako napakurap, at hindi naintindihan ang kaniyang sinabi. Alam ko lang na tinapay ‘yon, pero hindi ko alam kung ano bang klaseng tinapay.

Kaya habang hinahanda ko ang mga gagamitin ko, minabuti ko na lamang na kalimutan ‘yon. Dapat pala ay inaral ko rin muna ang Italian. At least sa ganoong paraan ay magagawa ko rin namang hindi mapaisip kung ano nga ba ‘yon.

Nilagyan ko naman na ng ice ang paboritong tumbler ni sir. Dito ko madalas inilalagay ang mga tinimpla kong kape, dahil insulated ‘to. Isa pa, hindi naman siya madalas uminom ng kape, eh. Kung kinakailangan lang naman.

“Kailangan mo ng tulong, Tala?” tanong sa akin ni Maria.

Saka naman ako napalingon sa kaniya nang matapos kong timplahin ang kape ni sir, at napangiti na lamang.

“Thank you, pero kaya ko,” usal ko naman, at napansin ang mga dala niyang walis. “Saan ka pupunta?”

“Maglilinis ako sa garden, dahil medyo marami na namang nagkalat na tuyong dahon.”

Sa pagkatatanda ko ay malawak ang garden ng mansion na ‘to. Huwag niyang sabihin na mag-isa lang niya?

“May kasama ka?”

Sa totoo lang, puwede naman akong magpaalam na tumulong kung kailangan nila ng tulong, eh. Kaya lang ay naalala ko ang sinabi ng mayordoma, at ng butler na hindi na raw kailangan na tumulong ako sa kanila lalo na’t personal maid nga ako ni Sir Kieran.

“Mayroon. Nauna na sila sa akin,” nakangiti nitong sambit, at ipinakita naman sa akin ang dala niyang walis. “Una na muna ako, Tala.”

Napatango na lamang ako bilang sagot, at ngumiti sa kaniya. “Ingat ka.”

Nang dumating ang butler, dala na nito ang tinapay na sinasabi niya. Medyo napakurap pa nga ako, dahil mabango ang amoy, at medyo nakatatakam. Though, ngayon ko lang ‘to nakita, parang naman siya.

Nakarating naman kaagad ako sa study room ni Sir Kieran. Pinagbuksan pa nga ako ng p***o ng butler, at nagpaiwan na lamang sa labas, habang ako naman ay pumasok na lang doon.

Dumiretso ako sa kaniyang table. Inilapag ko ang kaniyang iced coffee, saka tinapay, pero nakatuon pa rin ang kaniyang atensyon ngayon sa kaniyang pinipirmahan.

“Bakit ang tagal mo?”

Para naman akong nabingi. Ni hindi ko alam kung tama ba ako ng rinig. Kaya hindi ako nagsalita kaagad, at nilingon lamang si sir na ngayon ay nanatili ang kaniyang mga mata sa kaniyang pinipirmahan.

Napansin niya yatang hindi ako nagsasalita. Kaya mabilis siyang nag-angat ng kaniyang tingin, at tinaasan ako ng kilay.

“Kailan ka pa naging bingi?”

“Sorry, sir,” mahinahon ko namang sambit, at napayuko na lamang. “Akala ko po kasi ay mali lang ako nang dinig.”

Hindi ko naman kasi alam na para siyang nagmamadali nang magpatimpla siya ng kape, eh. Kung alam ko lang sana, dapat ay inuna ko na lang ‘tong inihatid dito, at isinunod ko na lamang ang tinapay.

“Hinintay ko pa po kasi ‘yong tinapay, dahil nagpa-bake po ang butler niyo,” paliwanag ko naman, habang nanatiling nakayuko, yakap ang tray.

Hindi na siya nagsalita pa, pero narinig ko ang pagtunog ng kaniyang dila, at ang pagbabalik na naman nito ng kaniyang atensyon sa kaniyang binabasa.

Kaya naman tumayo ako nang maayos, at nagbalak na sanang umalis para ibalik ang tray, pero narinig ko ang pagtikhim niya.

“Stay.” His voice was low, leaving me no room for argument.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, at nanatili sa aking kinatatayuan sa tabi ng kaniyang table. Ilang hakbang lang din naman ang layo ko sa kaniya, pero pakiramdam ko ay sobrang lapit na niya sa akin.

Since malapit naman ako sa kaniya, kinuha ko na ‘yong pagkatataon para basahin nang pasimple ang kaniyang pinipirmahan, pero puro lang naman ‘yon tungkol sa mga business niya.

Akala ko pa man din ay may makukuha akong impormasyon, pero wala. Kaya lang ay hindi naman sila puwedeng magkamali sa bagay na ‘yon. Kaya maghihintay ulit ako ng pagkatataon para makakuha ng mga impormasyon na magpapatunay talaga sa mga nakalap nila.

“You can take a nap,” aniya, habang ako naman ay napakurap na lamang sa aking narinig.

Kasi bakit naman ako iidlip kung alam kong nandito ako sa study room niya, at kailangan kong maghintay kung ano ang kaniyang kakailanganin?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Masks of Desire   Kabanata 5

    Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHindi ako nakinig sa sinabi niya. Kaya ngayon ay nakatayo pa rin ako, hanggang sa siya na mismo ang tumigil sa panggugulo sa akin.“Dessert,” mahinang sambit ni Sir.“Ano pong klaseng dessert?”“Anything. Sila na ang bahala kung ano ang ibibigay nila,” saad niya.Kaya yumuko na lamang ako para magpaalam, at mabilis na lumabas ng kaniyang study room. Nakita ko nga sa labas ang butler pagkasara ko ng pinto, dahil kaagad siyang lumingon sa akin.“Sir,” bungad ko kaagad, habang nakatingin siya sa akin na may pagtataka s

  • Masks of Desire   Kabanata 4

    Vivienne Elise Moreau’s Point of View“Who’s there?” tanong niya kaagad.Napakurap naman ako, at dahan-dahan na isinara ang pinto. Nagawa ko pang mahigit ang aking hininga, pero kaagad din naman akong natauhan kalaunan, at pinakalma ang aking sarili.“Tala po.”“What are you doing here?”Kaagad akong napalingon sa table niya, at napansin na nakaupo pala siya roon. Magulo ang kaniyang buhok, at hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan. Para kasing may malalim siyang iniisip, at ang pinagdiskitahan niya ay ang kaniyang buhok.“Baka po may kailangan ka po. Kaya sumunod po ako rito,” magalang kong sambit, habang nanatili lamang sa may bandang pintuan.Nakatitig siya sa akin nang mariin, pero at the same time ay nandoon pa rin naman ang lami

  • Masks of Desire   Kabanata 3

    Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHiyang-hiya ako sa sinabi ng boss ko. Nawala kasi talaga sa isipan ko ‘yon! Ang tanging gusto ko lang naman ay ang makainom ng gatas nang sa gayon ay makatulog na ako.Ang kaso lamang ay imbis na makatulog ako, hindi ‘yon nangyari. Nakatitig lang ako sa salamin, hanggang sumikat na ang araw.“Hindi ka ba nakatulog?” pang-uusisa naman sa akin nang isang katulong na parang hindi yata nalalayo sa aking edad“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”“Parang hindi kasi ganiyan ‘yong mga mata mo nang makita kita kahapon,” paliwanag nito sa akin na siyang nagpalingon naman sa akin sa kaniyang gawi. “Medyo umitim sa ilalim ng mga mata mo.”“Naninibago lang kasi ako rito kaya hindi kaagad ako nakatulog,” paliwanag ko na kahit ang totoo naman ay kasalanan naman ng boss namin.Kung hindi

  • Masks of Desire   Kabanata 2

    Vivienne Elise Moreau’s Point of View “Personal maid na siya ni sir,” pahayag ng butler sa head housekeeper. Kaya napalingon siya sa akin, at nagawa pa akong tinitigan. “Akala ko ba ay ayaw ni sir ng personal maid?” tangkang tanong nito, at bahagyang napaisip. “Nagbago na ang isip niya?” “Tingin ko rin,” tugon naman ng butler na siyang ikinayuko ko na lamang. Dapat naman siguro akong maging masaya lalo na’t naririnig ko sa kanila mismo ang bagay na ‘to, hindi ba? Ibig lang sabihin ay hindi na ako mahihirapan pa. Ang problema ko lang talaga ay hindi ko magawang tawagan ang mga kasamahan ko para ibalita sa kanila na kahit papaano ay may progress na talaga ang lahat. Na kahit papaano ay umuusad na rin, at hindi naman ako nahihirapan. “Mas magandang hindi na lang siya tumulong sa inyo.” “Mas mabuti pa nga. Sumama na lang siya sa ‘yo kung sakali.” Pinaglaruan ko naman ang aking mga daliri, habang nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ko lang maiwasang mamangha, pero at the same tim

  • Masks of Desire   Kabanata 1

    Vivienne Elise Moreau’s Point of View “What’s your name?” he asked as he walked closer to me. Mabilis akong napalunok, at dahan-dahang umatras lalo na nang matanto kong isang hakbang na lang ay nasa harapan ko siya. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi, ngunit nanatiling malamig ang kaniyang mga mata, habang nakatitig sa akin. I don’t know why, pero sobrang lakas talaga ng pintig ng puso ko, habang papalapit siya sa akin ngayon. Kahit na pilit akong umaatras, huwag lang siyang tuluyang makalapit sa akin, hindi siya tumigil. Patuloy pa rin talaga siya sa paghakbang papalapit sa akin. “I’m asking you, woman,” he uttered dangerously, voice dropping low. Doon ko lang natantong dingding na pala ang nasa likod ko. Na kahit gustuhin ko mang lumayo pa sa kaniya, hindi ko na nagawa pa lalo na nang iharang niya ang kaniyang kamay sa aking gilid. Kieran immediately wrapped his left arm around my waist and pulled me closer to him. Napasinghap ako sa gulat, at wala sa sarili

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status