Compartir

Kabanata 2

Autor: Kreine
last update Fecha de publicación: 2026-07-18 16:51:22

Vivienne Elise Moreau’s Point of View

“Personal maid na siya ni sir,” pahayag ng butler sa head housekeeper.

Kaya napalingon siya sa akin, at nagawa pa akong tinitigan.

“Akala ko ba ay ayaw ni sir ng personal maid?” tangkang tanong nito, at bahagyang napaisip. “Nagbago na ang isip niya?”

“Tingin ko rin,” tugon naman ng butler na siyang ikinayuko ko na lamang.

Dapat naman siguro akong maging masaya lalo na’t naririnig ko sa kanila mismo ang bagay na ‘to, hindi ba? Ibig lang sabihin ay hindi na ako mahihirapan pa.

Ang problema ko lang talaga ay hindi ko magawang tawagan ang mga kasamahan ko para ibalita sa kanila na kahit papaano ay may progress na talaga ang lahat. Na kahit papaano ay umuusad na rin, at hindi naman ako nahihirapan.

“Mas magandang hindi na lang siya tumulong sa inyo.”

“Mas mabuti pa nga. Sumama na lang siya sa ‘yo kung sakali.”

Pinaglaruan ko naman ang aking mga daliri, habang nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ko lang maiwasang mamangha, pero at the same time ay nalilito ako kung bakit parang ang bilis naman yata lahat.

Nagtataka ako kung bakit ganito. Parang hindi man lang ako nahihirapan. Kapapasok ko pa lang dito, pero parang umaayon na lahat sa akin. O sadyang may alam na talaga si Kieran tungkol sa pagkatao ko?

Aware naman ako kung anong klaseng tao siya. Pero para hindi niya ako paghinalaan ng kung ano, kailangan kong umakto na parang mahina.

“Magmula ngayon, ikaw na ang maghahatid ng mga pagkain ni sir. Kung ano ang gusto niya, susundin mo.”

Tumango ako bilang sagot. “Yes po.”

“Kung kinakailangang ikaw ang maghanda ng kaniyang mga damit, gawin mo.”

Hindi ako makapagsalita. Parang ang hirap naman yata no’n. Na kahit sanay naman ako sa mga ganoong klase ng gawain, kapag lalaki ang boss ko, parang naiilang ako.

Nagtataka nga ako kung bakit kailangan ko pa siyang subuan kanina. Kaya naman niya. Ni hindi ko nga alam kung nagagawa lang ba niyang mang-asar, o kung ano, dahil nagawa pa niya akong sabihang good girl?

Sa tuwing lumalapit siya sa akin, para niya akong inaakit. Imagine, nagawa pa niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang kanina?

Umigting ang aking panga. Ramdam ko pa nga pag-iinit ng aking pisngi hanggang ngayon, dahil sa kaniyang ginawa, eh. Pero kailangan kong magtiis.

Nang makarating ako sa study room niya, inilapag ko ang kape na hinihingi niya. Iced coffee ang gusto niya—Iced vanilla latte.

Mabuti na lamang, dahil may coffee machine sila. Hindi rin ako nahirapan mag-whisk ng milk, saka kape, dahil may frother din sila.

“Sir, nandito na po ‘yong iced coffee niyo,” anunsyo ko, dahil nakatingin siya ngayon sa glass window.

Nakatayo rin siya malapit doon, pero nang magsalita ako, bigla siyang napalingon sa akin.

“Iced vanilla latte?”

Tumango ako bilang sagot. “Yes, sir.”

Kaagad siyang naglakad palapit sa aking gawi, habang ako naman ay napayuko lamang. Nagulat pa nga ako nang bigla siyang tumigil sa aking harapan na naging dahilan ng pagkalaglag ng aking panga.

Mabuti na lamang, nakayuko ako. Hindi niya mahahalata ang naging reaksyon ko, kahit pa nanuot muli ang kaniyang panglalaking pabango sa aking ilong.

“This is good,” he uttered softly, his eyes never leaving mine.

Umalis siya sa aking harapan, at nagpunta sa kaniyang swivel chair para makapagsimula na siyang magtrabaho.

Ako naman ay naiwang nakayuko lamang, at naghintay nang ilang segundo bago lumayo sa kaniyang table.

Marami siyang kailangang pirmahan, at sa tuwing may ipapakuha siya sa akin, kaagad ko naman ‘yong inaabot sa kaniya.

Kaya nang sumapit ang gabi, napatitig na lamang ako sa kisame.

“Ibang-iba ‘yong pagod ko ngayon kung ikukumpara kapag naglilinis lang ako,” saad ko, at niyakap nang mahigpit ang unan.

Ipinikit ko ang aking mga mata, at sinubukang matulog. Pero palaging lumilitaw sa aking isipan ang nangyari kanina sa study room ni Kieran.

I wasn’t expecting him to be that close. Hindi ko inaakala na magagawa niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang, at basta na lamang akong ikinulong sa kaniyang bisig.

Ngunit bago pa ako mabaliw sa kaiisip ng nangyari kanina, pinili ko na lamang na bumangon, at magpunta ng kusina.

Kung kinakailangang uminom ako ng gatas para lang makatulog, gagawin ko. Pero nang makarating ako roon, napansin ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na kasalukuyang nagtitimpla ng kaniyang inumin.

Nang mag-angat siya ng tingin, doon ako natauhan. Si Kieran ‘yon. Topless. Kaya kitang-kita kung gaano kaganda ang hubog ng kaniyang katawan.

“Sorry, sir,” hinging paumanhin ko naman, at napayuko na lamang kaagad.

“Come here,” utos niya sa akin na siya namang nagpalunok sa akin.

Kung alam ko lang sanang nandito siya, hindi ko na sana ako nagpunta rito.

Tumigil ako sa gilid niya, isang hakbang ang layo ko mula sa kaniya.

“Hindi ka pa inaantok?” tanong nito sa akin, at nagsalin naman siya ng fresh milk sa isang babasaging baso.

Nagtaka pa nga ako, dahil para saan ang kape na tinimpla niya kung iinom din naman siya ng gatas?

Ngunit nagulat ako nang ilahad niya ‘yon sa akin. Kaya natigil ang mga katanungan sa aking isipan.

“Sir.”

“Make yourself comfortable. Tonight isn’t your duty.”

Tinanggap ko naman ang baso na inilalahad niya sa akin, at bahagya pang napayuko muli.

“Thank you, sir.”

Tumahimik siya, pero ramdam ko pa rin ang mga titig niya sa akin. Kaya lang ay pinili kong uminom na lamang para makabalik na sa aking kuwarto.

Hindi ko kasi kayang manatili sa iisang lugar kung saan nandito siya sa aking harapan. Sobrang lakas kasi ng pintig ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang dahilan.

“How old are you?”

Muntikan naman akong mabulunan sa naging tanong niya. Kaya naman nailapag ko ang baso sa counter, at napalunok na lamang.

“25 po.”

Tumango naman siya, at sumimsim sa kaniyang kape, habang nanatili pa ring nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang titig niya sa akin. Parang humahaplos sa balat ko.

Mabilis ko tuloy inubos ang aking inumin, at hinugasan ‘yon. Magpapaalam na sana ako nang bigla ulit siyang tumitig sa akin, pero this time, sa dibdib ko na.

“Next time you go out to your room, wandering at night, make sure to wear a damn bra. I can see your nipples, Tala. They’re begging to get suck.”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Masks of Desire   Kabanata 5

    Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHindi ako nakinig sa sinabi niya. Kaya ngayon ay nakatayo pa rin ako, hanggang sa siya na mismo ang tumigil sa panggugulo sa akin.“Dessert,” mahinang sambit ni Sir.“Ano pong klaseng dessert?”“Anything. Sila na ang bahala kung ano ang ibibigay nila,” saad niya.Kaya yumuko na lamang ako para magpaalam, at mabilis na lumabas ng kaniyang study room. Nakita ko nga sa labas ang butler pagkasara ko ng pinto, dahil kaagad siyang lumingon sa akin.“Sir,” bungad ko kaagad, habang nakatingin siya sa akin na may pagtataka s

  • Masks of Desire   Kabanata 4

    Vivienne Elise Moreau’s Point of View“Who’s there?” tanong niya kaagad.Napakurap naman ako, at dahan-dahan na isinara ang pinto. Nagawa ko pang mahigit ang aking hininga, pero kaagad din naman akong natauhan kalaunan, at pinakalma ang aking sarili.“Tala po.”“What are you doing here?”Kaagad akong napalingon sa table niya, at napansin na nakaupo pala siya roon. Magulo ang kaniyang buhok, at hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan. Para kasing may malalim siyang iniisip, at ang pinagdiskitahan niya ay ang kaniyang buhok.“Baka po may kailangan ka po. Kaya sumunod po ako rito,” magalang kong sambit, habang nanatili lamang sa may bandang pintuan.Nakatitig siya sa akin nang mariin, pero at the same time ay nandoon pa rin naman ang lami

  • Masks of Desire   Kabanata 3

    Vivienne Elise Moreau’s Point of ViewHiyang-hiya ako sa sinabi ng boss ko. Nawala kasi talaga sa isipan ko ‘yon! Ang tanging gusto ko lang naman ay ang makainom ng gatas nang sa gayon ay makatulog na ako.Ang kaso lamang ay imbis na makatulog ako, hindi ‘yon nangyari. Nakatitig lang ako sa salamin, hanggang sumikat na ang araw.“Hindi ka ba nakatulog?” pang-uusisa naman sa akin nang isang katulong na parang hindi yata nalalayo sa aking edad“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”“Parang hindi kasi ganiyan ‘yong mga mata mo nang makita kita kahapon,” paliwanag nito sa akin na siyang nagpalingon naman sa akin sa kaniyang gawi. “Medyo umitim sa ilalim ng mga mata mo.”“Naninibago lang kasi ako rito kaya hindi kaagad ako nakatulog,” paliwanag ko na kahit ang totoo naman ay kasalanan naman ng boss namin.Kung hindi

  • Masks of Desire   Kabanata 2

    Vivienne Elise Moreau’s Point of View “Personal maid na siya ni sir,” pahayag ng butler sa head housekeeper. Kaya napalingon siya sa akin, at nagawa pa akong tinitigan. “Akala ko ba ay ayaw ni sir ng personal maid?” tangkang tanong nito, at bahagyang napaisip. “Nagbago na ang isip niya?” “Tingin ko rin,” tugon naman ng butler na siyang ikinayuko ko na lamang. Dapat naman siguro akong maging masaya lalo na’t naririnig ko sa kanila mismo ang bagay na ‘to, hindi ba? Ibig lang sabihin ay hindi na ako mahihirapan pa. Ang problema ko lang talaga ay hindi ko magawang tawagan ang mga kasamahan ko para ibalita sa kanila na kahit papaano ay may progress na talaga ang lahat. Na kahit papaano ay umuusad na rin, at hindi naman ako nahihirapan. “Mas magandang hindi na lang siya tumulong sa inyo.” “Mas mabuti pa nga. Sumama na lang siya sa ‘yo kung sakali.” Pinaglaruan ko naman ang aking mga daliri, habang nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ko lang maiwasang mamangha, pero at the same tim

  • Masks of Desire   Kabanata 1

    Vivienne Elise Moreau’s Point of View “What’s your name?” he asked as he walked closer to me. Mabilis akong napalunok, at dahan-dahang umatras lalo na nang matanto kong isang hakbang na lang ay nasa harapan ko siya. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi, ngunit nanatiling malamig ang kaniyang mga mata, habang nakatitig sa akin. I don’t know why, pero sobrang lakas talaga ng pintig ng puso ko, habang papalapit siya sa akin ngayon. Kahit na pilit akong umaatras, huwag lang siyang tuluyang makalapit sa akin, hindi siya tumigil. Patuloy pa rin talaga siya sa paghakbang papalapit sa akin. “I’m asking you, woman,” he uttered dangerously, voice dropping low. Doon ko lang natantong dingding na pala ang nasa likod ko. Na kahit gustuhin ko mang lumayo pa sa kaniya, hindi ko na nagawa pa lalo na nang iharang niya ang kaniyang kamay sa aking gilid. Kieran immediately wrapped his left arm around my waist and pulled me closer to him. Napasinghap ako sa gulat, at wala sa sarili

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status