“Alam mo ba ang ginagawa mo?!” sigaw ni Jacob kay Lauren. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito, na agad din niyang itinago. “Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo Lauren. Alam kong hindi mo kayang gawin ‘to!”
“Tumahimik ka!!” sigaw pabalik nni Lauren. Itinutok niya ang baril kay Jacob nang magtangka itong humakbang upang agawin ito sa kaniya. “Please, just let me finish this all for once. I’m really tired, Damien.” Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ni Lauren, unti unti naman niyang ibinalik ang baril niya sa kaniyang ama na pinanonood lamang siya sa kaniyang ginagawa. “I’m really sorry Dad. We’ve prepared long for this. I can’t let you hurt Mom again.”
Huminga nang malalim si Mr. Gregory, itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay sa hangin at saka pumikit. “Do what you have to do, Lauren. After all, nothing can change y
“Lauren!” Marahang niyugyog ni Jacob ang balikat ni Lauren upang ito ay magising. Agad namang napadilat ang dalaga dahil sa gulat ngunit tinakpan ni Jacob ang knaiyang bibig upang hindi ito sumigaw o magsalita. “Huwag kang maingay,” babala ni Jacob. Tumango naman si Lauren at saka tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Nang ilibot niya ang kaniyang mata sa silid, nakita niya si Paula na nakaabang sa pinto hawak hawak ang isang patpat, at si Mr. Gregory na nakasandal sa pader na katabi niya.“Ano’ng nangyayari?” gulat na tanong ni Lauren. “Bakit tayo nandito?”“Papatayin nila tayo,” sagot ni Jacob na siya namang ikinalaki ng mga mata ng dalaga. “Utos ng Mommy mo na kapag hindi niyo pinatay si Sir Gregory, ay tuluyan na tayo para hindi na makabalik pa.”“What?!” mahinang sigaw ni Lauren. Nanayo ang mga balahibo niya sa kan
Umalog nang malakas ang yate, dahilan upang magkatinginan ang maga-ama sa isa’t isa. Itinaas ni Paula ang kaniyang mga kamay upang pakalmahin sila at saka siya tumayo upang silipin kung ano ang dahilan nito. Mula sa maliit na siwang ng pintuan ng storage room, nakita ni Paula ang isa sa mga tauhang dumaan at tumalon upang makarating sa deck.Bumaling siya kina Lauren at bumulong, “Nakabalik na tayo.”Tila isang malaking tinik ang natanggal sa lalamunan ni Lauren. Buong byahe ay halos pigil pigil niya ang kaniyang hininga dahil sa takot na baka biglang tingnan ng kung sino man sa mga tauhan ang storage room at matagpuan sila.“Kailangan natin silang maunahan, bago nila tayo makita rito,” sabi ni Mr. Gregory at dahan dahan na binuhat ang sarili upang tumayo. “Sumunod kayo sa’kin, at kahit anong mangyari, ipangako niyo sa’kin na uunahin niyong iligtas ang inyong
HUMINGA nang malalim si Lauren at dahan-dahang gumapang sa buhangin papunta sa deck kung saan nakatali ang yate pabalik sa syudad ng Alveria. Ang mga mata niya ay alerto sa anumang galaw sa paligid na nababalot ng dilim. Tila barado ang daanan ng hangin papunta sa kaniyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng kaniyang pusong kanina pa niyang pilit na pinakakalma sa takot na baka ito ay marinig ng mga tauhan.“Dalian niyo!!” Isang malakas na hiyaw ang umalingawngaw sa gitna ng katahimikan. Napapikit siya nang mariin at kinagat ang kaniyang labi habang ang mga luha niya ay patuloy na lumalandas sa kaniyang mga pisngi.“Lauren!” bulong ng isang tinig. Luminga siya sa kaniyang likuran at nakita ang kapatid niyang si Paula, hindi man niya gaanong nakikita ang mukha nito, ay bakas ang takot sa kaniyang tinig. “Huwag kang hihinto, pagbilang ko ng tatlo sabay sabay tayong tatakbo, okay?”
KINUKUTKOT ni Jacob ang gilid ng kaniyang hinlalaki, habang matiyagang naghihintay na umusad ang pila papunta sa mahabang mesa na limang-katao ang layo sa kaniya. Napakamot sa ulo ang kasamahan niya na kaniyang sinusundan at bumaling sa kaniya nang nakangiwi.“Mababa na naman ang pa-sweldo ni Manoy. Mukhang kinatsong na naman ang kalahati,” sabi nito na animo’y pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha, habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo.Napabuntong hininga na lamang sila nang sabay. Sa tuwing sasapit ang kanilang sweldo, imbis na mapawi ang maghapong pagod na katawan ng tuwa ay parang mas lalo pa nitong dinagdagan ang bigat sa kanilang dibdib.“Next! Dalian ninyo at gabi na!” sigaw ng matabang matanda sa harap, galit nitong tiningnan ang mga kukupad-kupad nilang mga kasamahan. Ngunit sino ba'ng hindi kukupad sa pagtanggap ng sweldong hindi mabigyang katarungan ang k
MARAHANG bumukas ang pinto ng office, kasabay ng pagsara nito ay dumoble ang kalabog sa dibdib ni Jacob. “Jacob Ignacio?” banggit ng lalaking nakatayo sa kaniyang harapan na nakatingin sa papel. Agad na tumayo si Jacob ng tuwid. Sumilip mula sa kaniyang makapal na salamin ang lalaki at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Pasok,” maikli niyang sabi at saka tumalikod. Inayos ni Jacob ang nag-iisang polo shirt niya na si Kyla pa ang bumili noong first anniversary nila. Ipinahid naman niya ang namamawis niyang mga palad sa likod ng pantalong nahiram niya sa binatang anak ni Mrs. Dela Vega. May kalakihan ito sa bandang baywang ngunit buti na lamang ay naremedyohan niya ito ng safety pin. Huminga siya nang malalim at saka pumasok sa office ng manager. Bahagyang nabigla si Jacob sa lamig ng nakatodong aircon pagpasok. Nakita niya ang manager sa kaniyang mesa na hindi manlang siya binigyan
HUMINGA nang malalim si Jacob bago damputin ang kaniyang cellphone na halos limang minuto niya nang tinititigan sa ibabaw ng mesa. Pinindot niya ang isang button para mabuhay ang screen, at sa pag-ilaw ay dali dali niya ring ibinagsak ito pabalik sa mesa. Ano pa nga ba ang hinihintay niya? Simple lang, ang pagdating ni Freddie para subaybayan siya sa pakikipagusap. Saka niya lamang napagtanto na ni hindi manlang sinabi ni Freddie sa kaniya ang pangalan ng kumpanyang pinakilala sa kaniya. Tinext niya ang kaibigan ngunit hindi ito nag-reply, sinubukan niya itong tawagan ngunit ang paulit ulit na boses lamang ng operator ang sumagot sa kaniya. Bahala na! Baka mawalan pa ako ng chance dito. Freddie, lagot ka sa’kin kapag ito scam! Muli niyang dinampot ang cellphone at isa isang itinipa ang numerong nakaukit sa itim na card. Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Jaocb
WALANG PAGAALINLANGANG itinulak ni Jacob ang lalaki paalis sa kaniyang harapan, bagamat halos isang hakbang lamang ang nagawa nito dahil sa tigas ng katawan ng lalaki ay umubra na ito para makaraan siya papunta sa pinto. “Kyla Buenaventura,” usal ng isang tinig. Napatigil si Jacob sa kaniyang paglakad nang magsalitang muli ang lalaki sa kaniyang likuran, mabilis niyang muling hinarap ang lalaki at sinalubong ang nakangisi nitong labi habang ang mga mata ay nasa isang papel. “Current girlfriend. A singer, going abroad this month for a training. Lost his father when she was a child and now she needs to support her ill mother.” Tila ba napako ang mga paa ni Jacob sa sahig, unti unting kumuyom ang kaninag mga palad sa galit. “Sino ba kayo? Paano mo nalaman ang mga ‘yan?!” Bumaling ang mga tingin nito kay Jacob. “We know everything about her as much as we know you. In short, lahat ng kailangan naming impo
INIABOT NI GARETT ang isang kopya ng kontrata kay Jacob. “First and foremost, you’ll need to change your identity, we’ll provide everything with the process. So of course, walang ibang makakaalam nito kundi ako, ikaw, at ang gagawa ng bagong pangalan mo. We’ll erase every record you own, and after you successfully changed all of your information, Jacob Ignacio is no longer a part of this world.” Kahibangan. ‘Yan lamang ang pumasok sa isip ni Jacob pagkatapos marinig ang unang kondisyon ng kaniyang trabaho. “Para saan ito?” tanong niya. “Para sa proteksyon mo,” sagot ni Garett. “H’wag kang mag-alala, ibabalik namin ang lahat pagkatapos ng kontrata, malaya kang muling makakagalaw gamit ang pangalan mo. Magtiwala ka lang sa’min.” Napatawa ng bahagya si Jacob. “Tiwala?” usal nito. “Sa tingin ko ay hindi tayo dapat na mag-usap tungkol sa pagtitiwala.” Ngumiti si Garett. “Tingin ko r