Masquerade of Lies

Masquerade of Lies

last updateLast Updated : 2021-11-30
By:  achrysanthemumOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
57Chapters
3.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

When everything in his life was falling apart, Jacob Ignacio found himself free falling down the endless pit of misery. At sa mundong ang lahat ay naghahabol sa pera, siya ay naghahabol para magkaroon pa ng hininga. Until one day his life turned upside down, when he was offered with a job that he thought was finally the beacon of hope to break free from the chains of his misfortunes, but only turns out to be another frightening nightmare. Ang trabaho na ang kaakibat ay ang pangangailangan niyang mamili sa dalawang bagay—pag-ibig o buhay.

View More

Chapter 1

Prologue

HUMINGA nang malalim si Lauren at dahan-dahang gumapang sa buhangin papunta sa deck kung saan nakatali ang yate pabalik sa syudad ng Alveria. Ang mga mata niya ay alerto sa anumang galaw sa paligid na nababalot ng dilim. Tila barado ang daanan ng hangin papunta sa kaniyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng kaniyang pusong kanina pa niyang pilit na pinakakalma sa takot na baka ito ay marinig ng mga tauhan.

“Dalian niyo!!” Isang malakas na hiyaw ang umalingawngaw sa gitna ng katahimikan. Napapikit siya nang mariin at kinagat ang kaniyang labi habang ang mga luha niya ay patuloy na lumalandas sa kaniyang mga pisngi.

“Lauren!” bulong ng isang tinig. Luminga siya sa kaniyang likuran at nakita ang kapatid niyang si Paula, hindi man niya gaanong nakikita ang mukha nito, ay bakas ang takot sa kaniyang tinig. “Huwag kang hihinto, pagbilang ko ng tatlo sabay sabay tayong tatakbo, okay?”

Pinunasan ni Lauren ang kaniyang mga luha at tumango. Isang malalim na paghinga ang muli niyang pinakawalan sa hangin at muling ibinaling sa deck ang mga mata.

“Isa,” rinig niyang bulong ni Paula sa kaniyang likuran.

“Dalawa.” Natanaw niya ang mga tauhan na isa isa nang sumasampa sa yate. Dahan dahan siyang bumangon mula sa pagkakadapa.

“Tatlo!” Bago pa man matapos ni Paula ang salita ay tumakbo sila sa mabilis at kalkuladong paggalaw. Halos tumalon ang puso niya palabas ng kaniyang dibdib nang marating nila ang deck at walang ano ano’y sumakay sa yate nang hindi namamalayan ng mga tauhan.

Dali daling lumingon si Lauren upang tingnan kung nakasunod ba sila Paula, at halos mapasigaw siya sa saya nang makitang nasa likod niya na ang mga ito na hingal na hingal. Pinauna niya sila Paula sa bunker ng yate na nagsisilbing storage room.

Bago siya sumunod ay lumingon siyang muli sa isla at nakita ang isang lalaking nakatayo malapit sa mala-mansiyong bahay na nakatanaw sa kanila, ang lalaking dahilan kung paano sila nakatakas. Kahit sa gitna ng dilim, nakita niya ang kislap ng mga luha nito, at ang masayang ngiti habang pinanonood ang yateng palayo sa isla...

...palayo sa kaniya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Rain Dacomos
"later on palà"
2021-11-14 20:56:43
0
user avatar
Rain Dacomos
maganda, pero antok na ako sa pagod. i will continue reading latter on.
2021-11-14 17:07:39
0
57 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status