Bumukas ang pinto ng silid ni Jacob. Napangiwi siya sa liwanag na tumama sa kaniyang mga mata pagkatapos nitong mababad sa magdamag na kadiliman. Hinang hina siyang umayos ng kaniyang pagkakaupo, halos hindi niya maramdaman ang kaniyang katawan dahil sa sakit at lamig na naghalo sa kaniyang katawan.
Isang pigura ng lalaki ang tumayo sa kaniyang harapan, hinarangan nito ang liwanag na nagmumula sa labas at isang malalim na buntong hininga ang nagmula sa kaniyang bibig. “Inaasahan kong hindi niyo dinungisan ang mukha niya. The Guavez won’t accept is he’s not presentable.”
“Wala kaming ginalaw sa ulo niya ni hibla ng buhok,” sagot ng isa sa mga bumugbog kay Jacob. Narinig niya ang pagsindi ng lighter, at maya maya pa ay pumasok na sa ilong niya ang amoy ng mamahaling sigarilyo.
“Dalhin niyo na siya sa rest house, papunta na si Mr. Allen,” utos muli ng kararating
Kumalabog ang pinto ng kotse nang isara ito nang malakas ni Jacob. Hindi siya mapakali sa kaniyang kasuotan dahil bukod sa hindi sanay ang kaniyang katawan na balot ng mga mamahaling tela, hindi niya rin alam kung paano niya dadalhin ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay hindi bagay sa kaniya ang mamahalin at itim na itim na suit at ang necktie na kinailangan pa niyang ipaayos sa matandang lalaki para ito ay makabit sa kaniyang leeg.Nang makasakay sina Garrett sa unahan at ang isang driver, agad silang umalis mula sa hotel. Tinanaw pa sila ng mga staff nito at hindi umalis sa harap ng kanilang building hanggat hindi nawawala sa kanilang paningin ang kotse nila.Iniabot ni Garrett mula sa harapan ang envelope na naglalaman ng kaniyang mga papeles. Nang abutin ito ni Jacob ay saka nagsalita si Garrett. “Nandiyan ang mga tanong na itatanong mamaya, at kailangan mo lang na kabisaduhin ang mga sagot na inilagay rin namin dy
Sa loob ng silid na pinasukan nila, ay katulad din ng ganda ng living room ang buong paligid. Walang mapaglagyan ni alikabok o kahit isang hibla ng buhok ang napakaputing paligid. Sa gitna ng kwarto ay may isang puting table, doon naupo si Mrs. Guavez, sa harap noon ay nakahelera ang mga upuan na may mga numerong nakadikit sa kanilang sandalan. Napagtanto nilang lahat na ang mga numerong iyon ay ang numerong nakalagay sa kanilang application form. Samantala, silang mga aplikante ay naupo sa nakadesigna na upuan base sa kanilang numero.Naupo si Jacob sa pang-limang upuan sapagkat iyon ang nakalagay sa kaniyang applicationg form. Inayos niya ang kaniyang suit at tuwid na umupo upang magmukhang propesyunal. Gayon din ang ginawa ng iba, at ang kaibahan nila kay Jacob, ay kahit hindi nila subukan ay mukha na silang propesyunal samantalang siya ay halatang nagpupumilit lamang dahil sa mali niyang postura sa pag-upo, at sa paraan kung paano niya iposisyo
Hindi makapaniwala si Jacob na isa siya sa mga natanggap na aplikante. Sa dinami rami nila na initerview, at base pa lamang sa itsura ng karamihan sa mga ito, hamak na mas presentable at mukhang matataas ang pinag-aralan ng iba kaysa sa kaniya kahit sa unang tingin pa lang.Inabot ni Jacob ang kamay ni Mrs. Guavez, hindi niya namalayan na nahigpitan niya ang pagtanggap dito kung hindi pa napababa ang tingin ni Mrs. Guavez sa kanilang kamay. Agad naman niya itong binitiwan. “P-Pasensya na po, masayang masaya lang ako,” sabi niya. Sinuklian siyang muli ng matamis na ngiti nito at tinapik ang kaniyang balikat.“Welcome to our family. I will just attend a meeting and my daughter will the the one to assist you in your quarters. Please feel free to ask her questions,” sagot naman nito sa kaniya. Hindi alam ni Jacob ang dapat niyang maramdaman, mayroon sa kaniyang parte na masaya dahil sa unang pagkakataon sa k
Isang mainit na tsaa ang inilatag ni Nanay Sol sa mesa ng kumikintab na living room ng mansyon. Wala ni isa sa kanilang tatlong bagong bodyguards ang kumuha ng para sa kanila sapagkat nakaupo sa kanilang harapan ay ang Presidente ng bansa.“Ayaw niyo ba ng tsaa? Gusto niyo ba ng juice? Kape?” tanong nito nang mapansin na hindi nila ginagalaw ang inihanda sa kanila. “Nanay Sol, ipaghanda mo sila ng wine, baka magustuhan nila.”“H-Hindi na po!” agad na sagot ni Jacob. Napukaw naman niya ang lahat ng atensyon ng nasa living room. Ang mga tsokolateng mata ng Presidente na katulad ng sa babaeng naghatid sa kanila kanina ay dumako rin kay Jacob. “Sigurado ka, hijo? Mahaba haba ang pag-uusapan natin kaya baka kailanganin niyo ng maiinom.” Maski ang boses na malumanay ni Mrs. Guavez ay siya ring nasa boses ng Presidente. Aaminin ni Jacob na hindi talaga niya gaanong kilala ang Presidente
“Mr. Paul Domingo, you can go.” Umangat ang kanilang mga tingin kay Lauren nang magsalita ito pagkatapos ng mahabang katahimikan magmula nang umalis si Mr. Gregory. Nagsalit naman ang kanilang mga tingin sa isa’t isa, at kahit nag-aalinlangan ay tumayo si Paul para umalis.“Excuse me po Ma’am,” sabi nito at saka pumanhik muli sa kaniyang kwarto.Isinara ni Laurena ng kaniyang binabasang papers na naglalaman ng mga resume ni Jacob at ni Sid. Mataman naman itong tumingin sa kanila na ikinakaba ng dalawang naiwan na lalaki. “You said you two want to be my Dad’s personal bodyguard, right? Do you have an idea of what you’re going to deal with in case one of you will be designated to that position?”Walang sumagot sa kanilang dalawa. Nanatili ang mga mata ni Jacob kay Lauren samantalang napayuko naman si Sid at ibinaba ang tingin sa sahig. Bumuntong hini
Namamawis na ang mga palad ni Jacob habang hinihintay na pumunta si Sid sa shooting range. Hindi mapakali ang kaniyang mga paa at kamay dahil sa matinding kaba na kaniyang nadarama. Kung hindi siya magtagumpay sa unang test na iyon, agad na magiging dehado ang pagiging kandidato niya sa posisyon ng pangunahing bodyguard ng Presidente at natitiyak niya rin na ikapapamahak ito ni Kyla. Nang makatapak si Sid sa harap ng mesa kung saan nakalatag ang iba’t ibang baril at mga bala ay isinuot niya ang kaniyang eye protection at headphone. Tumingin ito sa Presidente at tinanguan siya nito bilang pagsasabi na maaari niya nang damputin ang baril na nais niya. Matagal na tumingin si Sid sa mga nakalatag na baril, at sa huli ay pinili niya ang isang simpleng pistol. Kumuha siya ng tatlong bala at saka ito inilagay sa magazine. Huminga nang malalim si Sid, at saka itinaas ang baril at itinutok sa metal na hinulmang tao na limang metro ang layo sa kaniya. Dah
Maagang nagising si Jacob dahil maaga rin siyang nakatulog kagabi. Pagkabalik pa lamang nila sa mansyon, umalis nang muli si Mr. Gregory sa kanilang tahanan. Naiwan naman si Lauren na wala ring ilang sandali ay umalis din, kung saan man sila magsisipunta, wala nang lakas si Jacob upang ito ay alamin.Gusto niya rin sanang kamustahin si Kyla, ngunit kahit na hindi siya gaanong maalam sa mga cellphone, alam naman niya na may paraan upang kontrolin nila Garrett ang cellphone na ibinigay nito sa kaniya kaya kung tatawagan o itetext man niya ang kung sinuman, agad nila itong malalaman. Natukso pa si Jacob na umalis ng mansyon, ngunit nang tanawin niya ang paligid ay bawat sulok ng bahay ay may gwardyang nakabantay.Nag-unat unat si Jacob ng kaniyang sumasakit na katawan. Ni hindi niya rin maidilat ang kaniyang mga mata dahil sa pagod. Nagtataka naman siya dahil kahit noon ay halos maghapon at magdamag siyang nagtatrabaho, hindi napa
Pagbaba ni Jacob ay naroon na sina Paula at Sid, napahinto siya saglit nang makita niya itong nag-uusap. Dahil hindi pa nito napapansin ang kaniyang presensya, dahan dahan siyang bumaba ng hagdan upang lumapit dahil base sa seryosong ekspresyon sa mukha ni Sid na tila nakikipagtalo ito sa anak ng Presidente, napukaw ang kaniyang atensyon sa kung ano ang kanilang pinaguusapan, lalo pang nakapagpataka kay Jacob dahil tila ang mga ito ayNgunit pagdating niya sa dulo ng hagdan, ang nagmamadali at malakas na kalabog ng mga yapak ni Paul pababa ang sumira ng kaniyang pagkakataong malaman kung ano ang pinaguusapan ng dalawa. Parang nakuryenteng lumayo agad si Sid kay Paula na agad na sinamaan sila ng tingin. Umiwas naman ang mga mata ni Paula na siyang halata namang nagulat.“Handa na ba kayo?” tanong nito nang makalapit si Paul at Jacob sa kanila. “I hope you know how to do Judo, that’s what we’ll be do