HUMINGA nang malalim si Jacob bago damputin ang kaniyang cellphone na halos limang minuto niya nang tinititigan sa ibabaw ng mesa. Pinindot niya ang isang button para mabuhay ang screen, at sa pag-ilaw ay dali dali niya ring ibinagsak ito pabalik sa mesa.
Ano pa nga ba ang hinihintay niya? Simple lang, ang pagdating ni Freddie para subaybayan siya sa pakikipagusap. Saka niya lamang napagtanto na ni hindi manlang sinabi ni Freddie sa kaniya ang pangalan ng kumpanyang pinakilala sa kaniya. Tinext niya ang kaibigan ngunit hindi ito nag-reply, sinubukan niya itong tawagan ngunit ang paulit ulit na boses lamang ng operator ang sumagot sa kaniya.
Bahala na! Baka mawalan pa ako ng chance dito. Freddie, lagot ka sa’kin kapag ito scam!
Muli niyang dinampot ang cellphone at isa isang itinipa ang numerong nakaukit sa itim na card. Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Jaocb bago niya pinindot ang call button ng kaniyang cellphone.
Isang ring.
Pangalawa.
Pangatlo.
Kumunot ang noo ni Jacob at inilayo sa tainga niya ang cellphone, patuloy lamang sa ito sa pagri-ring ngunit walang sumasagot.
Sabi ko na loko lang ‘to eh, tarantado talaga!
“Mr. Jacob.”
Halos mabitawan ni Jacob ang cellphone niya dahil sa gulat nang narinig niya ang boses mula sa kabilang linya. Dali dali niya itong inilagay sa kaniyang tenga pagkatapos niyang umubo nang walang boses para ihanda ang kaniyang boses.
“H-Hello, Sir! Yes, ako po si Jacob!” nauutal niyang pagsagot. Hindi na niya pinansin kung paano siya nakilala nito dahil baka binigay na ni Freddie sa kanila ang kaniyang pangalan.
“972A, Building three, Highland street.”
Akmang sasagot pa sana si Jacob nang putulin ng lalaking kausap niya ang tawag. Tanging ang toot toot na lamang ang bumanda sa kaniyang tainga habang ang bibig niya ay nanatiling nakaawang ng bahagya sa hangin. Agad niyang tiningnan ang card at ang numerong kaniyang tinawagan.
Tama naman, ah? Bakit tunog mali?
Napailing na lamang siya sa pagkalito. Hindi niya gaanong naintindihan ang sinabi ng lalaki ngunit tiyak siya na isa itong address. Hindi na siya nagsayang pa ng oras at dumeretso na sa banyo upang maligo. Halos magdugo ang kaniyang balat sa madiin niyang pagkuskos dahil gusto niyang maging presentable sa kaniyang employer. Sinuot niyang muli ang polo shirt na regalo ni Kyla, at ang pantalon na laking pasalamat niya na hindi pa kinukuha ng anak ni Mrs. Dela Vega.
Pinihit niya ang pinto pabukas, habang ang kabilang kamay niya ay abala sa pag-send ng text kay Kyla na siya ay kitain mamayang gabi para sa magandang balita. Nakangiti siyang lumabas ng bahay at bahagyang nanginig dahil sa malakas na hanging tumama sa kaniyang balat. Tumingin siya sa madilim na langit na tila nag-iipon ng galit dahil sa nakapundong ulan.
“Please, ‘wag muna. Wala akong payong,” bulong niya sa sarili at tinakbo ang kalsada upang sumakay sa jeep. Labis ang kaniyang tuwa, tiwala siya na makukuha niya ang trabaho na ito sapagkat si Freddie na rin ang nagsabi na kayang kaya niya ito.
Huminto ang jeep sa labas ng isang mataas na building, naalala ni Jacob ang street na sinabi ng lalaki ngunit ang ibang detalye ay malabo na sa kaniyang isip. Luminga linga siya sa paligid, unang beses niya pa lamang nakarating sa lugar na ito sapagkat labas na ito ng kanilang syudad. Napansin niya na ang karamihan sa mga taong nasa daan ay mukhang mayayaman, hila hila ang kanilang mga naka-damit pang mga aso at sukbit ang mga bag na may matitingkad na kulay, tila mga artistang naglalakad lamang sa kalsada ang mga nakikita ni Jacob.
Sa mataas na building sa kaniyang harapan ay nakaukit malapit sa glass door ang 972A B3. Hindi man tiyak kung iyon ang narinig niya na sinabi ng lalaki sa tawag, malalaking hakbang ang kaniyang ginawa papasok sa gusali.
Sa loob ay napakaaliwalas, maganda ang interior at halatang mamahaling materyales ang ginamit—mga bagay na nalaman niya sa isang taong pagtatrabaho sa construction. Lumapit si Jacob sa front desk kung saan isang babae ang nakaupo at abala sa ginagawa niya sa laptop. Kinailangan pang tumikhim ni Jacob upang mapansin nito na may tao sa kaniyang harapan.
“Ako po si Jacob Ignacio, pinapunta ako—”
“Penthouse,” agad na sabi ng babae at muling bumalik ang kaniyang mga mata sa laptop. Hindi na muling nagtanong pa si Jacob, nausisa niya na tila inaabangan na siya ng mga ito at napagbigay alam na ang kaniyang pagpunta. Dumeretso siya sa elevator, halos maduling siya sa napakaraming buttons sa gilid ng pinto. Sa pinakatuktok ay may isang button na may letter P sa gitna. Pinindot ito ni Jacob, at hinayaang sumara ang mga pinto ng elevator.
Ang halos isang minutong nilakbay ng elevator papunta sa Penthouse na siyang pinakatuktok na bahagi ng gusali, ay ang siyang buong minuto na halos mabingi si Jacob sa lakas ng tibok ng kaniyang puso. Sa di mawaring dahilan ay nakaramdam siya ng kaba, halos mamawis ang buo niyang katawan at ang kinaugalian niyang pagkutkot sa gilid ng kaniyang hinlalaki ay nagsimulang muli.
Halos mapatalon siya sa gulat nang tumunog ang elevator at dahan dahang bumukas ang mga pinto nito.
Halos mapanganga siya sa ganda at lawak ng lugar. Naglalakihang mga glass windows ang bumubuo sa pader ng Penthouse na abot tanaw ang kalawakan ng buong syudad. Nagmistulang isang malaking living room ang bumungad sa kaniya. Dahan dahan siyang lumabas mula sa elevator, inilibot niya ang kaniyang mga mata upang hanapin ang nagpatawag sa kaniya.
Maya maya pa ay may isang lalaking lumabas mula sa isang pinto sa dulo ng silid, ang katawan nito ay tila puputok na sa mga naglalakihang muscles na lalo pang nahubog dahil sa itim at hapit nitong t-shirt. Nakabusangot itong nakatingin kay Jacob, dahilan upang siya ay matakot ng husto. Gayunpaman, binigyan niya ito ng tipid na ngiti. Lumapit ito sa kaniyang kinatatayuan habang hindi inaalis ang mga nanlilisik na mata nito sa kaniya.
“Sumunod ka sa'kin,” tipid nitong sabi gamit ang malalim na boses. Nag-aalinlangan man, tahimik na sumunod si Jacob sa kaniya. Pumunta silang muli sa pinto kung saan nanggaling ang lalaki kanina, binuksan niya ito at ang napaka aliwalas at nakamamanghang tanawin ay napalitan ng madilim, at tahimik na silid.
Nang maisara ang pinto ng kaniyang kasamang lalaki ay itinulak siya nito papasok pa, tumigil sila sa harap ng lamesang tanging natatanglawan ng ilaw. Sa magkabilang dulo ay may tig-isang upuan.
“T-Teka ho, anong ginagawa natin dito?” tanong ni Jacob. Hindi na maganda ang pakiramdam niya sa nangyayari. Hindi sumagot ang lalaki sa kaniya bagkus muli siyang itinulak nito at pinaupo sa upuan. Tumingin si Jacob sa likod ngunit wala na siyang nakita pa, tila nilamon ng dilim ang lalaking kasama niya kanina. Akmang aalis na sana siya nang biglang narinig niya ang paggalaw ng upuan sa kabilang dulo ng mesa.
Nang ibalik niya ang kaniyang tingin ay isang lalaking naka-suot ng pormal na damit ang nakaupo at nakatingin sa kaniya. Ang itim na suit na suot nito ay tumingkad ang kulay sa ilalim ng ilaw, ‘di katulad ng lalaking kasama niya kanina, ito ay may katamtamang katawan lamang. Nakaramdam siya ng kaunting ginhawa.
“Jacob Ignacio…” sambit ng lalaki. Wala itong dala-dalang kung anuman, ang mga kamay nito ay nakapatong lamang sa mesa at nakatuop sa isa’t isa. “We’re very happy that you have accepted the job.”
“P-Po?” Muntik nang walang lumabas na boses kay Jacob nang siya ay magsalita. “Wala pa ho akong tinatanggap na trabaho. Pinapunta lang ako ng kaibigan ko rito, si Freddie. Freddie Manuel?”
Bahagyang natawa ang lalaki at sumandal sa upuan niya. “Sa tingin ko ay dapat mong muling ikonsidera kung dapat mo siyang tawaging kaibigan.”
Kumunot ang noo ni Jacob. “Siya ang nagrekomenda sa’kin dito. Hindi ba?”
“Sinabi ba niya ang trabaho?”
Natigilan si Jacob, sa sandaling ‘yon ay naramdaman na niya agad ang init ng kaniyang galit kay Freddie.
Sinabi nito sa kaniya na hindi niya kaya ang trabaho, marahil dahil ito ay ilegal.
“Kung ano man ang iniisip mo ay tama ka,” sagot ng lalaki. Tumayo ito at naglakad papunta sa kaniya habang tinatanggal ang isang butones sa kaniyang mamahaling suit. “Isang napakalaking pabuya ang ibibigay namin sa kung sino man ang makapagdadala sa’min ng isang…magiliw na tatanggap ng trabaho.”
Huminto ang lalaki sa harap niya. Nanginginig na ang mga kamay ni Jacob na madiing nakatikom. “And Mr. Freddie Manuel have won the search, naipadala na namin ang pera sa kaniya nang makatapak ka sa loob ng building na ‘to.”
Tumayo si Jacob at hinarap ang lalaki. “Kung anuman ang ilegal na ipagagawa niyo, ngayon pa lang ay tinatanggihan ko na. Ninakawan lang kayo ng pera ni Freddie, at hindi ko na problema ‘yon,” madiin niyang sabi at tumalikod. Nakakaisang hakbang pa lamang siya ay biglang lumitaw sa harap niya ang lalaking kasama niya kanina.
“Hindi ka na pwedeng tumanggi, Mr. Ignacio.”
Pinanlisikan niya lamang ng mata ang lalaking nasa harap niya. “Tumabi ka.”
“At kahit saang sulok ka ng mundo magtago, mahahanap at mahahanap ka namin.” Hindi pa rin humaharap si Jacob sa kaniya at patuloy na nakikipagtitigan sa lalaking nakaharang sa kaniyang harapan. Naramdaman niya ang presensya ng lalaki sa kaniyang likuran, alam niya na malapit lamang ito sa kaniya.
“We promise that you will get everything that you need, you just have to do one simple job.”
Umalog nang malakas ang yate, dahilan upang magkatinginan ang maga-ama sa isa’t isa. Itinaas ni Paula ang kaniyang mga kamay upang pakalmahin sila at saka siya tumayo upang silipin kung ano ang dahilan nito. Mula sa maliit na siwang ng pintuan ng storage room, nakita ni Paula ang isa sa mga tauhang dumaan at tumalon upang makarating sa deck.Bumaling siya kina Lauren at bumulong, “Nakabalik na tayo.”Tila isang malaking tinik ang natanggal sa lalamunan ni Lauren. Buong byahe ay halos pigil pigil niya ang kaniyang hininga dahil sa takot na baka biglang tingnan ng kung sino man sa mga tauhan ang storage room at matagpuan sila.“Kailangan natin silang maunahan, bago nila tayo makita rito,” sabi ni Mr. Gregory at dahan dahan na binuhat ang sarili upang tumayo. “Sumunod kayo sa’kin, at kahit anong mangyari, ipangako niyo sa’kin na uunahin niyong iligtas ang inyong
“Lauren!” Marahang niyugyog ni Jacob ang balikat ni Lauren upang ito ay magising. Agad namang napadilat ang dalaga dahil sa gulat ngunit tinakpan ni Jacob ang knaiyang bibig upang hindi ito sumigaw o magsalita. “Huwag kang maingay,” babala ni Jacob. Tumango naman si Lauren at saka tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Nang ilibot niya ang kaniyang mata sa silid, nakita niya si Paula na nakaabang sa pinto hawak hawak ang isang patpat, at si Mr. Gregory na nakasandal sa pader na katabi niya.“Ano’ng nangyayari?” gulat na tanong ni Lauren. “Bakit tayo nandito?”“Papatayin nila tayo,” sagot ni Jacob na siya namang ikinalaki ng mga mata ng dalaga. “Utos ng Mommy mo na kapag hindi niyo pinatay si Sir Gregory, ay tuluyan na tayo para hindi na makabalik pa.”“What?!” mahinang sigaw ni Lauren. Nanayo ang mga balahibo niya sa kan
“Alam mo ba ang ginagawa mo?!” sigaw ni Jacob kay Lauren. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito, na agad din niyang itinago. “Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo Lauren. Alam kong hindi mo kayang gawin ‘to!”“Tumahimik ka!!” sigaw pabalik nni Lauren. Itinutok niya ang baril kay Jacob nang magtangka itong humakbang upang agawin ito sa kaniya. “Please, just let me finish this all for once. I’m really tired, Damien.” Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ni Lauren, unti unti naman niyang ibinalik ang baril niya sa kaniyang ama na pinanonood lamang siya sa kaniyang ginagawa. “I’m really sorry Dad. We’ve prepared long for this. I can’t let you hurt Mom again.”Huminga nang malalim si Mr. Gregory, itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay sa hangin at saka pumikit. “Do what you have to do, Lauren. After all, nothing can change y
Nang makababa sina Jacob, buhat buhat si Mr. Gregory sa isang stretcher ay agad niyang inilibot ang kaniyang mga mata sa isla na kanilang pinuntahan. Walang ibang tao ang naroroon bukod sa mga nagdala sa kanila. Sa gitna ng mabatong isla ay nakatayo ang mansyon na may kaliitan lamang sa mansyon ng mga Guavez ngunit malalaman na pinagmamay-arian ng isang mataas na personalidad base sa seguridad na naka-implementa rito.Bawat sulok ay may camera, at bawat pinto ay may bantay. Tulad ng mga naghatid sa kanila, ang mga ito ay nakasuot din ng itim na maskara na natatakpan ang kanilang mga ulo hanggang leeg.Tinapik siya ng isa sa mga tauhan at agad naman na napalingon dito si Jacob. “Ipasok na natin si Mr. Gregory sa loob, naghihintay na sila.”“Sila?” banggit ni Jacob. “Sinong sila?”Ngunit hindi ito sinagot pa ng tauhan. Sa halip, nagsimula
Umiikot ang paningin ni Jacob. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa pagod na kaniyang nararamdaman, o sa takot na bumalot sa kaniya nang pumasok sa kaniyang isipan na hindi na siya pwede pang umatras sa pagkakataong iyon, nang isara na ni Mr. Gregory ang kaniyang mga mata dhail umepekto na ang droga na inilagay ni Jacob sa pagkain niya.Ilang minuto na ang nakalilipas, ngunit ang sasakyan nila ay nananatili pa ring naka-park sa tapat ng restaurant na kanilang pinagkainan. Nanginginig ang mga kamay ni Jacob na kinapkap ang kaniyang cellphone upang tawagan si Garett.Sinagot ni Garett ang tawag sa pangatlong ring. “I am only accepting good news.”Napapikit nang mariin si Jacob bago niya sinagot ang bungad sa kaniya ni Garett. “Nagawa ko na ang unang hakbang. I-send mo sa’kin ang address kung saan ko siya dadalhin.”Mahabang katahimikan ang b
Isa lang ang nasa isip ni Jacob sa buong oras na dinadrive niya ang sasakyan pabalik ng mansyon. Ang matapos na ang lahat ng ito. Matagal niyang pinaghandaan ang pagkakataon mapag-isa ang Presidente kasama niya nang maisagawa na niya ang kaniyang plano, ngunit ngayon na nabigyan na siya ng pagkakataon ay tila nawala ang lahat ng kaniyang lakas ng loob. Mula nang makaalis sila sa hotel, hanggang sa makaalis sila sa unang city pabalik ng mansyon ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.“Do you know a good place to eat some Chinese food? I’m craving for some. Maybe we could stop for awhile kapag may nadaanan ka Damien, okay?” sabi ni Mr. Gregory sa likod habang siya ay abala sa pagbabasa ng magazine. Hindi naman sumagot sa kaniya si Jacob dahil nasa kalaliman pa rin ito ng kaniyang pag-iisip kaya naman napunta na ang kaniyang mga mata sa binata. “Damien?”Napatingin si Jacob sa rear mirror ng sa