Simula nang magising si Irene ay hindi na siya nakatulog pa. Hindi niya inakalang magiging mahaba ang tulog niya kaya naman nang magising ay hindi na siya makatulog ulit.
Samantalang kung ano ang pwesto ni Nathan sa sofa noong magising siya ay ganoon pa rin ang itsura nito hanggang ngayon.
“May problema ba?” tanong ni Bryle na ikinatigil niya sa akmang pag-ikot sana sa ibang pwesto. Marahil napansin nito na hindi siya mapakali.
Napabuntong hininga siya at naupo para harapin ito. “Hindi kasi ako makatulog,” saad niya.
Nang sulyapan niya ang orasan na nakasabit sa dingding ay alas-kwatro pa lang ng umaga. Mahigit dalawang oras na rin niyang pinipilit ang sariling matulog. Mas lalo lang sumasakit ang ulo niya.
“Pwede ba akong lumabas?” Bagama't nag-aalangan ay sinubukan pa rin niyang magpaalam dito. “Promise do’n lang ako sa kwarto ng Lola ko.” Itinaas niya ang kanang kamay bilang pangako dito.
Nang titigan lang siya nito at hindi umimik ay napapahiyang naibaba niya ang kamay. Bakit pa ba siya umaasa na papayag ito? Malaki ang trust issue nito sa kanya.
Nakatungong inayos niya muli ang kumot niya bago nahiga. Sa pagkakataon na iyon ay sa kabilang bahagi siya ng silid humarap. Ayaw niyang ipakita kay Bryle ang ekspresyon ng mukha niya. Marahil tahimik ang bibig niya ngunit ang ekspresyon niya ay hindi niya mapigilang sumimangot.
“As long as hindi ka tatakas ng hospital at doon ka lang sa kwarto ng Lola mo, then go.” Nang marinig ang sinabi nito ay nanlalaki ang matang napabangon siya.
Mabilis niya itong nilingon nang may ngiti sa mga labi. “Totoo ba?” hindi makapaniwalang bulalas niya.
Nagmamadaling bumaba siya ng kama at sinuot ang slippers niya. Baka magbago pa ang isip nito.
“Ipapasundo na lang kita kay Lyn doon kapag pwede ka ng umuwi,” sinabi nito iyon habang ang mga mata ay abala sa laptop nito.
Nasabi nito sa kanya na kinailangang umuwi ni Lyn dahil walang kasama si Manang sa bahay. At dahil marami namang tatapusin si Bryle na trabaho at hindi ito matutulog kaya naman ito ang sumama sa kanya sa hospital.
At least kahit hindi sila okay, binantayan pa rin siya nito.
“Salamat, Mr. Sanchez.” Nakangiting pasasalamat niya dito. Napansin niyang natigilan ito sa sinabi niya, mabilis na kinuha niya ang pagkakataon na iyon para lumabas ng kwarto.
Mabilis na nagtungo siya sa silid ng Lola niya ngunit agad rin siyang natigilan nang makita ang isang pamilyar na tao matapos buksan ang pinto.
“Iris,” pagtawag nito sa kanya matapos mapansin ang presensya niya.
Mabilis na isinara naman niya ang pinto at kinandado iyon. “Anong ginagawa mo dito?” naguguluhang tanong sa kanya ni Will. “Pasyente ka rin?” dagdag na tanong nito matapos sulyapan ang suot niyang hospital gown.
Nakatayo ito sa tabi ng Lola niya kaya naman nilapitan niya ito at inakay paupo sa sofa.
“Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Hindi ba uso sa inyo ang matulog?” Maging si Bryle ay gising pa ng ganitong oras. Magpinsan nga sila.
“Dumaan lang ako, naging busy kasi ako maghapon kaya ngayon lang ako nakadalaw.” Parang may humaplos naman sa puso niya nang marinig ang sinabi nito. Marahil gustong-gusto talaga nito si Iris, grabe ang concern nito sa Lola nila. Kahit anong oras bibisitahin nito. “Ikaw? Bakit ganyan ang suot mo? May sakit ka ba?” sunod-sunod na tanong nito na ikinatawa niya.
Agad naman niyang isinalaysay dito ang ginawa niya para makalabas ng bahay at makapunta sa hospital ng hindi siya paghihinalaan ni Bryle.
“You're impossible! Ginawa mo talaga ‘yon? Pano kung may nangyaring masama sa’yo?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Syempre, sure naman akong hindi ako pababayaang mamatay ni Bryle hangga't hindi pa opisyal ang divorce.” Takot lang no’n masira ang sariling reputasyon at mabansagang biyudo. Sound scary para sa tulad nitong mayaman at may pangalan.
Iiling-iiling naman si Will sa tapat niya. “Wait, divorce?” tanong nito, mukhang late na nag-sink in dito ang sinabi niya.
“Oo, ‘yon kasi ‘yong kasunduan namin ni Iris,” sagot niya ngunit tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip.
Agad niyang sinundan ang tingin nito nang mapadako iyon sa Lola niya na mahimbing pa ring natutulog.
“About Iris,” wika nito na agad nakakuha ng interest niya. Muli siyang napabaling dito.
“What about her?” hindi mapigilang tanong niya. Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha nito.
“I think alam ng parents mo kung nasaan si Iris. I saw Tita Carmen sa CCTV, lumabas siya kasama si Iris.” Napamaang siya sa narinig.
“Imposible,” hindi makapaniwalang wika niya.
“Nakiusap ako sa may-ari ng hospital, he's a friend kaya pumayag siya na tignan ko ang CCTV. Heto, kinunan ko sila ng litrato.” Inabot nito sa kanya ang cellphone at mula sa larawan ay malinaw na magkasama nga ang nanay at kakambal niya na kalalabas lang sa dating kwarto ng Lola niya.
Napansin niya ang damit na suot nito, kapareho iyon sa damit na suot nito bago sila maghiwalay.
Nang-izoom niya ang oras na nakalagay sa ibaba ay alas-singko iyon ng hapon. Dalawang oras matapos nilang maghiwalay.
“Nangyari din na ang araw na nakalagay diyan ay pareho noong hapong umuwi ka at naabutan mo kaming nagtatalo ni Nathan.”
“Iyon din ang araw na nagpalit kami ng katauhan, iniwan ko siya no’n sa Hotel.” Nanghihinang napasandal siya sa upuan, parang ayaw mag-sink in sa utak niya ang mga nalaman.
“Posibleng alam na ng parents niyo ang tungkol sa ginawa niyong pagpapalit, unless hindi nila kayang sabihin kung sino ang Iris sa inyong dalawa.”
“Hindi kami okay ng nanay ko simula nang tumira ako sa Lola ko. Walang dahilan para pumunta siya sa hospital dahil wala naman kaming komunikasyon. Kaya malabong mapagkamalan niya si Iris bilang ako.” Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.
Alam niyang paborito ng nanay nila si Iris kahit na magkamukha naman sila at parehong anak nito.
Kahit gano'n hindi naman siguro nito kukunsintihin ang ginawa ni Iris lalo pa’t may asawa na ito at hinayaan nitong siya ang pumalit para magpanggap na ito.
Kailangan niyang malaman ang totoo, nalilito na siya sa mga nangyayari. Ilang araw pa lang siyang nagpapanggap na Iris ngunit masyadong marami na ang hindi nakakatuwang nalalaman niya.
Una, ang tungkol sa pagnanakaw, pagkatapos ay tungkol sa relasyon nito kay Will tapos ngayon kasama nito ang magulang nila?
Plano ba nila ‘to?
Napapitlag siya ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto. Nanlalaki ang matang natitigan niya si Will. Hindi ito pwedeng makita ng kahit sino.
“Iris?” rinig niyang pagtawag sa kaniya ni Bryle mula sa labas ng pinto.
“Magtago ka! Hindi ka pwedeng makita ni Bryle.” Natatarantang hinila niya si Will papunta sa banyo na naroon. Mabuti na lang at VIP room ito at may sariling comfort room.
“Huwag kang gagawa ng ingay,” bilin niya dito matapos isara ang pinto ng banyo. Hindi na niya hinintay pang magsalita ito.
Patakbong lumapit siya sa pinto ngunit bago buksan iyon ay bahagyang ginulo niya ang buhok at kinusot ang mata.
Nang buksan ang pinto ay tumambad sa kanya ang iritableng mukha ni Bryle. “Bakit ang tagal mong buksan?”
“Ah naka-idlip kasi ako,” kalmadong dahilan niya, habang sa loob niya ay tila may nagkakarerahang kabayo.
Pinagmasdan siya nito bago huminga ng malalim at namulsa. “Uuwi na tayo, naayos ko na ang mga bills mo. Magpaalam ka na sa Lola mo.”
Nakaramdam naman siya ng lungkot ng marinig ang sinabi nito. Mahihiwalay na naman siya sa Lola niya at hindi siya sigurado kung kailan siya ulit makakadalaw.
Muli siyang pumasok sa loob ngunit hindi na niya isinara ang pinto. Nanatili lang sa labas si Bryle.
Inayos niya ang kumot ng Lola niya at dinampian ito ng halik sa noo.
“Lola, pagaling ka ah. Bibisitahin kita ulit kapag pwede na.” Muli niya pa itong hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto.
Napaayos ng upo si Irene nang bumukas ang pinto at pamasok doon si Tita Dahlia. Kapatid ito ng nanay ni Bryle.Halos mapalunok siya nang tumama sa kanya ang matalim na tingin nito. Bakas sa ekspresyon nito ang galit. Ano na naman kaya ang problema nito sa kanya?“Tamang-tama pala at nandito kang malandi ka!” Hindi siya nakagalaw sa inuupuan nang sugurin siya nito at hilahin ang buhok niya patayo.“Ah!” Napahiyaw siya ng kaladkarin siya nito. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya at pilit iyong tinatanggal. Pakiramdam niya ay mapupunit ang anit niya sa sakit.“Tita!” Agad na pumagitna si Bryle sa pagitan nila ng tiyahin nito. Dahilan para mabitawan ni Tita Dahlia ang buhok niya sa takot na masaktan nito ang pamangkin.“Ano bang ginagawa mo dito?” Bakas ang tinitimping galit sa boses ni Bryle.“Ayan!” Duro sa kanya ng tiyahin nito. “Iyang babae na ‘yan ang sumisira sa reputasyon mo!” Mula sa loob ng bag nito ay may kinuha itong puting sobre at binudbod sa sahig ang lam
Napaayos ng upo si Irene nang bumukas ang pinto at pamasok doon si Tita Dahlia. Kapatid ito ng nanay ni Bryle. Halos mapalunok siya nang tumama sa kanya ang matalim na tingin nito. Bakas sa ekspresyon nito ang galit. Ano na naman kaya ang problema nito sa kanya?“Tamang-tama pala at nandito kang malandi ka!” Hindi siya nakagalaw sa inuupuan nang sugurin siya nito at hilahin ang buhok niya patayo.“Ah!” Napahiyaw siya ng kaladkarin siya nito. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya at pilit iyong tinatanggal. Pakiramdam niya ay mapupunit ang anit niya sa sakit. “Tita!” Agad na pumagitna si Bryle sa pagitan nila ng tiyahin nito. Dahilan para mabitawan ni Tita Dahlia ang buhok niya sa takot na masaktan nito ang pamangkin.“Ano bang ginagawa mo dito?” Bakas ang tinitimping galit sa boses ni Bryle. “Ayan!” Duro sa kanya ng tiyahin nito. “Iyang babae na ‘yan ang sumisira sa reputasyon mo!” Mula sa loob ng bag nito ay may kinuha itong puting sobre at binudbod sa sahig ang
“So, you're his mistress,” saad niya sa pinakakalmadong paraan.Nakuha naman niya ang atensyon ng mga ito. Kitang-kita niya kung paano natigilan si Kendra at kung paanong tila hindi man lang nabigla si Bryle sa pagdating niya. Nagawa pa nitong alalayan ang Kendra na iyon patayo bago siya tapunan ng tingin na para ba’ng naistorbo niya ang mga ito. “What are you doing here?” malamig ang boses na tanong nito. Sinikap niyang ngumiti at itinaas ang dalang lunch box. “Lunch,” maikling wika niya. Naglakad siya papalapit sa sofa na naroon at ipinatong ang dala sa lamesa. Hinarap niya si Kendra at tinignan ito mula ulo hanggang paa, she looks classy yet deep inside she's just an insecure bitch. Isa ito sa mga dahilan kung bakit muntik nang malugi ang kumpanya nila. Sila ang dahilan kung bakit nagpakasal ulit ang nanay nila, kung bakit kailangan niyang umalis at iwan ang kakambal niya at kung bakit ipinakasal si Iris kay Bryle. She's
“He's being jealous, kaya pinagseselos ka rin niya,” saad ni Jasper. Maaga pa lang ay sumugod na siya sa bahay nito at dito na rin nag-umagahan. Bago siya pumunta ay tumawag muna siya dito para hindi na maulit ‘yong nangyari noong nakaraan. Luckily, she's an early bird kaya maaga pa lang nakaayos na ito. “Kilala mo ba ‘yong kabit niya?” tanong nito na tinanguan niya. “Talaga? Anong ginawa mo noong malaman mo?” “Wala,” sagot niya na sinuklian naman nito ng tingin na para bang wala na siyang pag-asa. “Ano ba ‘yan, like hindi mo siya kinausap? Even si girl?” Hindi makapaniwalang saad nito. “They are workmates, the last time, nakita ko siyang minamasahe ng babaeng ‘yon sa conference room.” Kanina pa siya rant ng rant dito, the only thing she like about Jasper is she's too straightforward. Parang parati ay alam nito ang dapat sabihin. “Oh my gosh! Masokista ka ba? Hindi mo man lang sinugod. If I we're you, I will make sure that bitch won't stand a chance with my husband,” nanggagalai
“About Iris, may balita ka na ba sa kanya?” tanong niya habang nasa daan sila pauwi. Malungkot na umiling ito, “Wala akong balita sa kanya, ‘yong huling beses na nakita ko siya noong bago kayo nagpalit.” So, hindi pala talaga nakipagkita si Iris dito? Kung gano'n may posibilidad kayang nasa poder ng magulang nila ang kakambal? Knowing that her twin visited their Lola with her Mom. Nakalimutan niya lang itong tanungin noong huling pagkikita nila. Ang tanging katanungan sa isip niya ay kung bakit tila hinayaan lang siya ng mga magulang na magpanggap bilang ang kakambal niya?“Sinubukan kong hanapin siya kaso parang may humaharang sa paghahanap ko,” saad nito na nakaagaw ng atensyon niya.“Sino naman?” Knowing how powerful Will’s connection, she wonder how powerful the person whose blocking him.“I don't know.” Hindi na siya umimik nang bumakas ang frustration sa mukha nito. Baka bigla pa siyang madulas at masabi ang tungkol sa kakambal. Alam naman niyang mabait si Will at marami na it
“Wow! You’re so pretty.” Nahihiyang ngumiti siya sa mommy ni Bryle. Ngunit hindi niya rin naman maiwasang mamangha ng makita ang hitsura sa salamin. “Ang swerte niyo po sa daughter-in-law niyo, Madam, napakaganda!” eksahederang wika ng stylist na naroon. Nasa salon sila ngayon at pinakulayan niya ang buhok ng brown. Mas bumagay iyon sa kulay ng balat niya. Samantalang si Tita naman ay nagpa-rebond ng buhok habang nagpapa-manicure. “After this, let's have a full body massage. Okay?” saad ng ginang habang hinihintay nilang ma-process ng cashier ang bayad nila. Tumango siya, mukhang kailangan na nga niya iyon. Dahil sobrang sakit ng katawan niya sa pagod, maghapon din silang namili at ilang beses siyang napabalik-balik sa loob ng dressing room dahil halos ipasukat na nito ang lahat ng damit na magustuhan.Nang matapos ay inakay siya nito papalabas ng salon at nagpamaneho papunta sa isang kilalang massage therapist. Nang makababa ng sasakyan ay namangha siya sa ganda ng exterior at in