Parang binuhusan ng malamig na tubig si Irene nang marinig ang malamig ngunit nagbabantang boses ni Bryle.
Kinakabahan na nilingon niya ito at halos umurong ang dila niya sa talim ng tingin nito.
“Saan ka galing?” ulit na tanong nito ngunit sa pagkakataon na iyon ay dahan-dahan na itong lumalapit sa kanya.
“D-dyan lang,” utal na sagot niya.
Nang ibaling niya ang tingin sa sofa ay wala na doon si Lyn.
“Handa ka talagang ilagay ang sarili mo sa alanganin para lang sa lalaki mo? Alam mo Iris na may allergy ka sa pagkain, yet kumain ka pa rin. For what? Para makalabas ng bahay at makipagkita sa kabit mo? Iyon ba ang plano mo?” Mariing napapikit siya ng hawakan nito nang mariin ang baba niya at pilit siyang pinahaharap dito.
Buong lakas na kumawala naman siya sa pagkakahawak nito. Naiintindihan niya na may trust issue na ito sa kanya dahil sa mga ginawa noon ng kakambal niya. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit pilit nitong isinasali si Will sa usapan nila.
“Ano bang sinasabi mo?”
Ngunit imbis na sumagot ay ngumisi lang ito. “Why? Nasira ko ba ang plano niyong pagkikita ni Will?”
“Bakit ba pinipilit mo na isama ‘yong tao sa usapan?” Hindi makapagpigil na bulalas niya. He's being irrational. Ni hindi niya nga nakita maging anino ni Will sa hospital.
“Huwag mo ng itanggi, Iris. Nakita ko siya sa baba kanina, kung hindi dahil sa’yo sino naman ang pupuntahan niya?”
“Aba malay ko, baka may binisita lang.” Naikot niya ang mga mata sa inis na nararamdaman parang sasabog ang puso niya.
“You sound so defensive.” Nakangising ani nito.
“Fine, aaminin ko na lumabas ako para bisitahin ang Lola ko dahil dito rin siya naka-admit. Pati ba naman ‘yon hindi pwede?” Hindi na napigilan ni Irene na sabihin dito ang totoo patungkol sa Lola niya, hindi naman nito iyon masisilip dahil totoong Lola naman talaga nila iyon.
“Sa palagay mo maniniwala ako sa’yo?” Bakas ang pagdududa sa mga mata nito.
“Kumpirmahin mo kung gano'n!” hindi sinasadyang napalakas ang pagkakasabi niya, huli na ng mapagtanto niya ang ginawa nang makitang natigilan din ito sa pagtaas ng boses niya. Masyado lang siyang nadala sa damdamin.
“I'm sorry,” nakokonsensyang paumanhin niya ngunit iiling-iiling lang ito habang nakangisi.
“Nakakapagod ba’ng umarteng mabait?” sarkastikong wika nito.
Naiinis siya sa sarili niya dahil sa ginawa. Baka mas lalong hindi na ito maniwala sa lahat ng ginagawa niya.
Napalunok siya nang hawakan nito ang braso niya, ang akala niya ay sasaktan na naman siya nito ngunit parang may humaplos sa puso niya nang akayin siya nito sa kama. Ramdam niya ang init na nagmumula sa mga palad nito.
“Babayaran ko ang mga bills mo, si Lyn na ang sasama sa’yo hanggang sa makauwi ka.” Wala sa loob na napatango na lang siya, tila nawalan na siya ng lakas na sumagot pa rito.
Hinayaan na lang niyang akayin siya nito paupo sa kama. Pagkatapos ay walang lingon likod itong umalis. Napapabuntong-hininga na lang siya nang muling maiwang mag-isa sa silid.
Mabuti na rin na sinabi niya rito ang tungkol sa Lola niya, knowing na malaki ang trust issue nito sa kanya alam niyang kukumpirmahin nito iyon. At least, kung mapapapayag niya ito na bisitahin niya ang Lola niya ay isa na iyong malaking bagay. Hindi na niya kailangangang dumaan sa butas ng karayom para lang makita ito.
Hindi niya rin inakalang pupunta si Will ngayon, alam niyang pinupuntahan nito ang Lola niya dahil sa usapan nila ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil saktong nakita pa ito ni Bryle.
Huwag lang sanang magtagpong muli ang dalawa.
Napabalik sa reyalidad si Irene nang marinig ang sunod-sunod na katok sa kwarto niya at mula roon ay pumasok si Lyn kasama ang isang nurse.
“Ma'am, kamusta na po ang pakiramdam mo?” tanong ni Lyn nang makalapit ito sa kanya.
Dahil sa tanong nito ay doon niya lang naalala ang sarili niya. Kung hindi pa siya nito nakamusta ay hindi niya pa mapagtutuunan ng pansin ang sarili.
Wala na ang mga pantal niya ngunit ramdam niya na medyo mabigat pa ang pakiramdam niya. Maliban doon ay wala nang masakit sa kanya.
“Ma'am, pinapa-check po kayo ni Sir kasi mainit pa raw po kayo. Kapag hindi daw po kayo maging okay ngayon ay bukas na lang daw po tayo uuwi.” Hindi man niya sabihin ay may maliit na bahagi sa puso niya ang natuwa sa sinabi nito.
Alam niyang mabuting tao si Bryle, ang mga bagay na ginagawa nito ngayon laban sa kanya ay dahil din sa mga ginawa ng kakambal niya dito noon. Wala siyang makitang mali sa lalaki, kahit sabihin nitong galit ito dahil nagnakaw ang kakambal niya ay hindi pa rin siya nito ipinakulong, bagama't nagbanta ito na makikipaghiwalay ay marahil sobra-sobra na talaga para dito ang ginawa ni Iris, it's too disrespectful on his part lalo na at nag-cheat pa si Iris.
Muli siyang pinahiga ng nurse at inayos ang mga nakakabit sa kamay niya. Tahimik lang niyang sinusunod ang mga sinasabi nito.
“May lagnat pa rin po kayo, Ma’am. Mas mabuti po na bukas na lang kayo umuwi para maobserbahan po kayo within this day. Remind ko na lang din po kayo na hindi na kayo pwedeng kumain ng kahit anong sea foods dahil na-trigger po nito ang allergy niyo. Kung may kailangan po kayo, nasa nurse station lang kami. If emergency, pakipindot na lang po ‘yong red button sa gilid ng bed,” Nakangiting paliwanang nang nurse.
“Sorry, pero pwedeng mag-sign na lang ako ng waiver? Gusto ko na kasing umuwi.” Hindi siya kumportable sa hospital. Noong bata pa siya kapag inaatake siya ng allergy ay madalas siyang dinadala sa hospital at tinuturukan ng kung ano-ano. Isa pa, nabisita na rin naman niya ang Lola niya kanina, ayaw na niyang magtagal pa rito baka biglang sumulpot si Iris.
“Yes, Ma'am. Punta na lang po ang guardian niyo sa nurse station then pwede na po kayong umuwi once na settle na po ang bill.” Matapos makapagpasalamat sa nurse ay lumabas na rin ito at isinama si Lyn.
Nang muling mapag-isa ay ipinikit niya ang mga mata. Balak niya sanang magpahinga lang ngunit hindi niya inaasahan na muling makakatulog.
Nang imulat niya ang mga mata ay namataan niya si Bryle sa sofa habang abala sa laptop nito.
Akala niya ay umalis na ito kanina at si Lyn ang makakasama niya? Bakit narito ito ngayon?
Tila naramdaman nito ang tingin niya dahil nag-angat rin ito nang tingin dahilan para magkatinginan sila.
Hindi niya kayang makipagtitigan dito kaya agad siyang nagbawi ng tingin.
“Anong oras na ba? Hindi ako ginising ni Lyn, sinabi ko naman sa kanya na gusto ko ng umuwi.” Mula sa pagkakahiga ay pinilit niyang umupo. Nang ilinga ang paligid ay si Bryle lang talaga ang nandoon.
“Umuwi na si Lyn, nakatulog ka kanina at mataas ang lagnat mo kaya hindi ka na ginising para makapagpahinga ka pa,” ani nito habang abala ang mga kamay sa pagtipa.
“Binisita ko rin ang Lola mo kanina, nalaman ko na bagong opera pala siya at ilang buwan nang nasa hospital.” Saglit siya nitong sinulyapan bago muling ibalik ang tingin sa ginagawa. “Sinabi mo na lang dapat sa’kin ang lagay niya, hindi mo na kailangang magnakaw sa kumpanya para mabayaran ang hospital bills niya.”
Natigilan siya sa sinabi nito at mas piniling hindi na umimik.
Iniisip ba nito na nagnakaw siya rito para ipambayad sa hospital?
Gusto niyang itama ito ngunit hindi na niya ginawa dahil hindi rin naman ito maniniwala. Hindi rin naman biro ang laki ng binayaran niya sa hospital, mula sa gamot, kwarto at serbisyo na kinailangan ng Lola niya sa nakalipas na mga buwan. Kaya nang kinailangan na itong operahan ay nahirapan talaga siyang maghanap kung saan kukuha ng sobrang laking halaga.
Isa pa, ninakaw naman talaga ni Iris ang perang ibinayad nito sa kasunduan nila.
“Pwede mo siyang bisitahin kung gusto mo, siguraduhin mo lang na wala kang gagawing kalokohan sa likod ko, hindi mo gugustuhin ang ganti ko.” Natitigan niya ito nang marinig ang sinabi nito, hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.
Sa wakas, hindi na siya mag-aalala sa Lola niya. Nagpasalamat siya kay Bryle ngunit hindi na ito umimik pa at inabala na lang ang sarili sa ginagawa nito.
Napaayos ng upo si Irene nang bumukas ang pinto at pamasok doon si Tita Dahlia. Kapatid ito ng nanay ni Bryle.Halos mapalunok siya nang tumama sa kanya ang matalim na tingin nito. Bakas sa ekspresyon nito ang galit. Ano na naman kaya ang problema nito sa kanya?“Tamang-tama pala at nandito kang malandi ka!” Hindi siya nakagalaw sa inuupuan nang sugurin siya nito at hilahin ang buhok niya patayo.“Ah!” Napahiyaw siya ng kaladkarin siya nito. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya at pilit iyong tinatanggal. Pakiramdam niya ay mapupunit ang anit niya sa sakit.“Tita!” Agad na pumagitna si Bryle sa pagitan nila ng tiyahin nito. Dahilan para mabitawan ni Tita Dahlia ang buhok niya sa takot na masaktan nito ang pamangkin.“Ano bang ginagawa mo dito?” Bakas ang tinitimping galit sa boses ni Bryle.“Ayan!” Duro sa kanya ng tiyahin nito. “Iyang babae na ‘yan ang sumisira sa reputasyon mo!” Mula sa loob ng bag nito ay may kinuha itong puting sobre at binudbod sa sahig ang lam
Napaayos ng upo si Irene nang bumukas ang pinto at pamasok doon si Tita Dahlia. Kapatid ito ng nanay ni Bryle. Halos mapalunok siya nang tumama sa kanya ang matalim na tingin nito. Bakas sa ekspresyon nito ang galit. Ano na naman kaya ang problema nito sa kanya?“Tamang-tama pala at nandito kang malandi ka!” Hindi siya nakagalaw sa inuupuan nang sugurin siya nito at hilahin ang buhok niya patayo.“Ah!” Napahiyaw siya ng kaladkarin siya nito. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya at pilit iyong tinatanggal. Pakiramdam niya ay mapupunit ang anit niya sa sakit. “Tita!” Agad na pumagitna si Bryle sa pagitan nila ng tiyahin nito. Dahilan para mabitawan ni Tita Dahlia ang buhok niya sa takot na masaktan nito ang pamangkin.“Ano bang ginagawa mo dito?” Bakas ang tinitimping galit sa boses ni Bryle. “Ayan!” Duro sa kanya ng tiyahin nito. “Iyang babae na ‘yan ang sumisira sa reputasyon mo!” Mula sa loob ng bag nito ay may kinuha itong puting sobre at binudbod sa sahig ang
“So, you're his mistress,” saad niya sa pinakakalmadong paraan.Nakuha naman niya ang atensyon ng mga ito. Kitang-kita niya kung paano natigilan si Kendra at kung paanong tila hindi man lang nabigla si Bryle sa pagdating niya. Nagawa pa nitong alalayan ang Kendra na iyon patayo bago siya tapunan ng tingin na para ba’ng naistorbo niya ang mga ito. “What are you doing here?” malamig ang boses na tanong nito. Sinikap niyang ngumiti at itinaas ang dalang lunch box. “Lunch,” maikling wika niya. Naglakad siya papalapit sa sofa na naroon at ipinatong ang dala sa lamesa. Hinarap niya si Kendra at tinignan ito mula ulo hanggang paa, she looks classy yet deep inside she's just an insecure bitch. Isa ito sa mga dahilan kung bakit muntik nang malugi ang kumpanya nila. Sila ang dahilan kung bakit nagpakasal ulit ang nanay nila, kung bakit kailangan niyang umalis at iwan ang kakambal niya at kung bakit ipinakasal si Iris kay Bryle. She's
“He's being jealous, kaya pinagseselos ka rin niya,” saad ni Jasper. Maaga pa lang ay sumugod na siya sa bahay nito at dito na rin nag-umagahan. Bago siya pumunta ay tumawag muna siya dito para hindi na maulit ‘yong nangyari noong nakaraan. Luckily, she's an early bird kaya maaga pa lang nakaayos na ito. “Kilala mo ba ‘yong kabit niya?” tanong nito na tinanguan niya. “Talaga? Anong ginawa mo noong malaman mo?” “Wala,” sagot niya na sinuklian naman nito ng tingin na para bang wala na siyang pag-asa. “Ano ba ‘yan, like hindi mo siya kinausap? Even si girl?” Hindi makapaniwalang saad nito. “They are workmates, the last time, nakita ko siyang minamasahe ng babaeng ‘yon sa conference room.” Kanina pa siya rant ng rant dito, the only thing she like about Jasper is she's too straightforward. Parang parati ay alam nito ang dapat sabihin. “Oh my gosh! Masokista ka ba? Hindi mo man lang sinugod. If I we're you, I will make sure that bitch won't stand a chance with my husband,” nanggagalai
“About Iris, may balita ka na ba sa kanya?” tanong niya habang nasa daan sila pauwi. Malungkot na umiling ito, “Wala akong balita sa kanya, ‘yong huling beses na nakita ko siya noong bago kayo nagpalit.” So, hindi pala talaga nakipagkita si Iris dito? Kung gano'n may posibilidad kayang nasa poder ng magulang nila ang kakambal? Knowing that her twin visited their Lola with her Mom. Nakalimutan niya lang itong tanungin noong huling pagkikita nila. Ang tanging katanungan sa isip niya ay kung bakit tila hinayaan lang siya ng mga magulang na magpanggap bilang ang kakambal niya?“Sinubukan kong hanapin siya kaso parang may humaharang sa paghahanap ko,” saad nito na nakaagaw ng atensyon niya.“Sino naman?” Knowing how powerful Will’s connection, she wonder how powerful the person whose blocking him.“I don't know.” Hindi na siya umimik nang bumakas ang frustration sa mukha nito. Baka bigla pa siyang madulas at masabi ang tungkol sa kakambal. Alam naman niyang mabait si Will at marami na it
“Wow! You’re so pretty.” Nahihiyang ngumiti siya sa mommy ni Bryle. Ngunit hindi niya rin naman maiwasang mamangha ng makita ang hitsura sa salamin. “Ang swerte niyo po sa daughter-in-law niyo, Madam, napakaganda!” eksahederang wika ng stylist na naroon. Nasa salon sila ngayon at pinakulayan niya ang buhok ng brown. Mas bumagay iyon sa kulay ng balat niya. Samantalang si Tita naman ay nagpa-rebond ng buhok habang nagpapa-manicure. “After this, let's have a full body massage. Okay?” saad ng ginang habang hinihintay nilang ma-process ng cashier ang bayad nila. Tumango siya, mukhang kailangan na nga niya iyon. Dahil sobrang sakit ng katawan niya sa pagod, maghapon din silang namili at ilang beses siyang napabalik-balik sa loob ng dressing room dahil halos ipasukat na nito ang lahat ng damit na magustuhan.Nang matapos ay inakay siya nito papalabas ng salon at nagpamaneho papunta sa isang kilalang massage therapist. Nang makababa ng sasakyan ay namangha siya sa ganda ng exterior at in