Share

CHAPTER 7: LOST

Author: JEREMEYA
last update Last Updated: 2025-07-03 14:49:22

Walang imik si Irene habang nasa byahe sila pauwi ni Bryle. Itinuon niya lang ang atensyon sa labas ng bintana ng kotse.

Akala niya ay medyo magtatagal pa sila sa hospital, hindi niya inakala na maaga silang uuwi. Isa pa, akala niya rin ay si Lyn ang susundo sa kanya. 

“Yes?” napalingon siya kay Bryle nang marinig itong magsalita. 

Naka-earphone ito at mukhang may kausap sa cellphone. 

“What?” wika nito habang nakakunot ang noo. “Sige, papunta na ako.” 

Hindi siya nagsasalita ngunit pinagmamasdan niya naman ang bawat ekspresyon sa mukha nito. Napakagwapo nito, kahit pa walang tulog ay mukha pa rin itong presko. 

Natigilan siya nang lingunin siya nito at mahuling tinititigan niya ito. Dahan-dahan niyang inikot ang ulo sa kabilang gawi at muling tumingin sa labas. 

“May emergency meeting kami ngayon, sa kumpanya muna tayo dumiretso.” Napaayos siya ng upo sa narinig. 

“Sana kay Lyn mo na lang ako pinasundo,” wika niya. Baka naabala na niya ito sa trabaho.  

“Masama ang pakiramdam ni Manang, wala siyang makakasama sa bahay.” Napatango siya at wala sa loob na nakagat ang pang-ibabang labi. 

“Stop doing that,” saad nito. 

Takang nilingon niya ito, “Ha?” Wala naman siyang ginagawa.

Ngunit imbis na sumagot ay humigpit lang ang hawak nito sa manobela at binilisan ang pagmamaneho. 

Mahigpit na napahawak siya sa seatbelt at nahigit niya ang hininga sa bilis ng pagmamaneho nito. 

Nang maiparada ang kotse sa parking slot nito ay mabilis nitong tinanggal ang seatbelt na suot at walang lingon likod na lumabas. Iniwan siyang mag-isa sa loob ng kotse. 

Kaya naman walang magawang binilisan niya ang kilos at hinabol ito. 

“Pwedeng medyo bagalan mo ang paglalakad?” pakiusap niya dito sa pagitan ng paghingal. Matangkad si Bryle at mahaba ang biyas nito kumpara sa kanya. 

Napapabuntong hininga namang binagalan nito ang paglalakad. 

Sa parking lot ay may elevator na diretso sa palapag ng opisina nito. Tanging ito lang ang pwedeng gumamit nito dahil may card itong ipinadaan sa scanner. 

Habang lulan ng elevator ay walang ibang ingay ang maririnig kun'di ang paghinga lang nila. 

“Sa opisina ka muna, hintayin mo ako hanggang matapos ang meeting ko. Maupo ka lang at huwag na huwag mong gagalawin ang mga gamit doon,” pagbasag nito sa katahimikan. 

“Sige,” saad niya. 

Naaalala pa niya ang tungkol sa perang nawawala sa kumpanya at sinasabi nitong si Iris ang nagnakaw. Kaya sisiguraduhin niya na behave lang siya sa opisina nito.

Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa kanila ang mahabang hallway, sa gilid no’n ay ang table ng sekretarya nito. 

“Good morning, sir.” Nakangiting bati nito kay Bryle ngunit nang dumako ang tingin nito sa kanya ay unti-unting naglaho ang matamis na ngiti nito. 

Umayos ito ng tindig at hindi man lang pinansin ang presensya niya. May problema ba ito sa kanya?

“Sir, hinihintay na po nila kayo sa conference room.” Tinanguan ito ni Bryle at nilingon siya, “Iyon ang opisina ko, hintayin mo ako do’n.” Itinuro nito ang malaking pintuan sa kabilang bahagi. 

“Jen, sumama ka sa’kin sa meeting,” wika nito sa sekretarya bago umalis. 

Nang mawala ang mga ito sa paningin niya ay pumasok na siya sa loob ng opisina nito. Kilala ang kumpanya nila Bryle pagdating sa larangan ng teknolohiya. Kaya naman hindi maipagkakaila ang yaman nito sa ganda ng interior ng opisina nito. 

Naglakad siya at naupo sa sofa na nandoon, wala siyang magawa kaya naman mula sa lamesa ay kinuha niya magazine na naroon. 

Naagaw ng mukha ni Bryle na naroon sa cover ng magazine ang atensyon niya. “Pwedeng maging modelo,” mahinang wika niya. 

Sa postura pa lang nito sa larawan ay masasabi nang hindi ito basta-basta. Nakaka-intimidate ang awra nito. 

Pinalipas niya ang oras sa pamamagitan ng pagbabasa sa interview nito na nasa magazine. Puro business strategies lang ang naroon. 

Napaangat ang tingin niya nang bumukas ang pinto sa opisina ni Bryle. Mula doon pumasok ang isang pamilyar na pigura. 

Kilala niya ang babaeng ito, it's Kendra Wilson. Isang sikat na modelo at abogado. Nakita na niya ito noon sa social media. 

Tila natigilan din ito sa presensya niya, ngunit nang makabawi ay tumikwas ang kilay nito pataas. “Anong ginagawa mo dito?” hindi lang basta masungit ang pagkakatanong nito, may kasama rin iyong galit. 

Kaaway rin ba ito? Hindi niya mawari ngunit may something ang babaeng ito na nakakainis. Tila mabigat ang loob niya rito sa hindi malamang dahilan. 

Ibinaba niya ang magazine na hawak at tinignan ito. “Opisina ito ng asawa ko kaya nandito ako,” diretsong saad niya rito. Ngunit hindi man lang ito natinag sa halip ay ngumisi ito. 

“I see, mukhang hindi pa nadadala si Bryle at talagang pinapasok niya pa ulit sa opisina niya ang isang magnanakaw na kagaya mo,” nang-uuyam na wika nito. 

Hindi naman niya maiwasang maasar ngunit wala siyang masabi dahil nasaktan siya sa sinabi nito. Alam niyang hindi siya ang nagnakaw sa kumpanya ngunit hindi siya si Irene ngayon, si Iris siya. Bilang nasa posisyon ni Iris, hindi niya kayang depensahan ang sarili lalo na kung guilty talaga siya sa ginawa. 

“Sana mahiya ka naman, buti at nagagawa mo pang tumuntong sa kumpanyang pinagnakawan mo. Hindi mo ba alam ang problemang ibinigay mo kay Bryle? He's having an urgent meeting with the board dahil sa nawawalang pera sa kumpanya.” 

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at umuklo para ilapit ang labi sa tenga niya. “Wala ka ng lugar sa kumpanya na ito.” Matapos nitong sabihin iyon dire-diretso itong naglakad palabas ng opisina. Habang naiwan naman siyang tila naestatwa sa mga sinabi nito. 

Hindi niya maiwasang makaramdam ng awa para sa sarili. She's always proud sa lahat ng ginagawa niya. Now, that she's in this kind of position, hindi niya maiwasang manliit, hindi man lang niya maipagtanggol ang sarili. 

Hindi lang si Bryle ang nakakaalam nang tungkol sa perang ninakaw ni Iris, pati ang Kendra na iyon. Marahil kasama na ang sekretarya nito, sa paraan pa lang nang pagtitig nito sa kanya. 

Kaya naman imbis na manatili pa sa opisina ni Bryle kagaya ng napagkasunduan nila ay napagdesisyunan niyang umuwi na lang mag-isa.

Nag-iwan lang siya ng note sa lamesa nito bago umalis. 

Nang makalabas sa kumpanya ay doon niya lang napagtanto na wala pala siyang pera at wala rin siyang cellphone. Kaya wala siyang choice kun'di ang maglakad pauwi. 

She has to bear the consequences of her choice under Iris name. 

Kaya naman kahit mainit ay naglakad siya para makauwi at makalayo sa lugar na iyon. Medyo may kalayuan ang kumpanya sa mansyon, mga trenta minuto din kung nakasakay. 

Tagaktak na ang pawis niya ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad. Kung parusa ito sa panloloko niya kay Bryle ay willing siyang tanggapin. 

Nang makakita ng waiting shed sa gilid ay agad siyang nanatili doon at naupo. Inunat niya ang mga paa dahil sa pagod.

“Miss,” tawag niya sa atensyon ng katabi. “Pwedeng magtanong kung anong oras na?” 

“Mag-aalas-nuebe na po.” Tinanguan niya lang ito at nagpasalamat. 

Isang oras na pala siyang naglalakad pero pakiramdam niya ay malayo pa siya. 

Pamilyar naman siya sa dinadaanan kaya malabong naliligaw siya. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   CHAPTER 14: WILL'S PRESENCE

    Mukhang naramdaman ni Will ang tingin nila ni Bryle dahil nang lumingon ito ay nagkasalubong ang tingin nila. Ngumiti ito ng bahagya at itinaas ang isang kamay. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa mukha nito. He looks innocent, but she knows that behind his facade lies his inner demon waiting to be heard. Even Bryle didn't notice how he works his way to Iris.Nang makalapit dito ay peke niya itong nginitian, “Anong ginagawa mo dito?” Inosenteng nilingon naman nito ang paligid at namulsa, “To stay, I guess.” Napa-irap siya sa sagot nito, “Are you here for Iris?” pag-iiba niya sa tanong. “Iris? I didn't know she's here.” Bakas sa mukha nito ang kawalan ng alam. Hindi niya alam kung arte lang ba nito iyon o ano. He's pretty good at pretending. “Kendra, let's go.” Napalingon siya kay Bryle nang hawakan nito ang braso niya at akayin siya palayo kay Will. Ngunit hindi pa sila nakakalayo nang matigilan sila nang magsalita si Will. “Hindi pa kayo naghiwalay ni Iris yet you manage

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   CHAPTER 13: MEETING

    Hindi mapigilan ni Bryle ang sunod sunod na paghikab. Wala siyang maayos na tulog sa nagdaang gabi. Sobrang taas ng lagnat ni Iris kagabi, hindi naman siya gano'n kasama para hindi ito tulungan. After all, he is partly at fault. “Are you sure you're okay?” Hindi na niya mabilang kung nakailang tanong na si Kendra sa kanya. “Yes, pikit lang ako. Gisingin mo na lang ako mamaya kapag nakarating na tayo.” Tumango lang ito at nagmaneho. Pinilit nitong ito na ang magmamaneho dahil wala pa siya gaanong tulog. For safety reasons ay hinayaan naman niya ito sa gusto nito. Bagama't nakapikit ay hindi naman siya tuluyang nakatulog. Gising pa rin ang diwa niya. Nasa byahe sila ngayon papunta sa isang kilalang architectural firm para asikasuhin ang designs ng bagong bubuksang branch ng kumpanya nila sa Hongkong. The construction must start within this month, bukod pa roon gagamitin din nila ang oportunidad na ito to get close with Mr. Frank— he’s eyeing him to invest in his own company. Sand

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   CHAPTER 12: SICK

    Naging mabilis ang byahe nila papunta sa Hongkong na gustong ipagpasalamat ni Irene dahil pasama na nang pasama ang pakiramdam niya ngunit hindi niya iyon pinahahalata kay Bryle. Dagdag pa sa sama ng pakiramdam niya ang presensya ni Kendra na walang ginawa kun'di ang dumikit nang dumikit kay Bryle. Kanina niya pa ito napapansin, tabi dapat sila ni Bryle sa eroplano pero dahil inunahan siya nitong umupo, walang magawang naupo na lang siya sa likuran ng mga ito. “Bryle, do you remember Drake? Nasa meeting din siya bukas.” Gusto niyang mapairap ng marinig ang maarteng boses ni Kendra. “Of course, he's a college friend,” sagot ni Bryle habang abala sa pagdutdot sa cellphone nito. Nasa byahe na sila ngayon sakay ng kotse papunta sa hotel na tutuluyan nila. Nasa likuran siya ng mga ito samantalang si Bryle naman ang nagmamaneho at nasa passenger seat si Kendra. “He's the lawyer in charge sa company nila Mr. Chan.” Rinig niyang wika nito. ‘Parang ako pa ang third wheel sa kanila, bwiset

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   CHAPTER 11: BUSINESS TRIP

    Napakunot ang noo ni Irene nang maramdamang tila may nakadagan sa katawan niya at pumipisil sa dibdib niya mula sa likuran. Nang imulat niya ang mata doon lang nag-sink in sa isip niya ang nangyari sa nagdaang gabi. Isinuko niya ang sarili kay Bryle. Hinawakan niya ang kamay nitong pumipisil sa dibdib niya at humarap dito. Nang magtama ang mga mata nila ay wala siyang mabanaag na emosyon doon. Hindi niya alam kung bakit hinayaan din nitong may mangyari sa kanila, gayong ito mismo ang nag-aasikaso sa paghihiwalay nila. Ginagamit din ba siya nito dahil may plano rin ito? “You're a virgin,” bulalas nito ngunit nananatiling walang emosyon ang mukha. Hindi niya ito sinagot, at kapag naiisip niya na basta na lang niya iyon ibinigay sa hindi naman niya asawa ay nanliliit siya. “Bakit hindi mo pa ibinigay kay Will?” tanong nito na ikinataas ng kilay niya. “Bakit ko naman ibibigay sa kanya?” tanong niya na ikinangisi lang nito. Marahil si Iris ay ibinigay na ang sarili kay Will, but she

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   CHAPTER 10: INTIMATE NIGHT

    Simula ng umalis ang nanay ni Irene ay hindi na siya mapakali. Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng kwarto hawak ang cellphone na binigay nito. Hindi siya makapaniwala sa gustong mangyari ng nanay niya. Alam nito na siya si Irene ngunit gusto pa rin nitong manatili siya bilang si Iris para maging mata nito kay Bryle at sa kumpanya. Sinabi rin nito na gawin niya ang lahat para ma-delay ng isang buwan ang divorce nila ni Bryle. Sinong matinong ina ba ang gagawin ito sa mga anak niya? Hindi niya mawari ngunit pakiramdam niya ay mas may malalim pang dahilan kung bakit nandito siya sa pwesto niya ngayon. Tila ang lahat ay planado. Natinag sa kakalakad si Irene nang marinig ang sunod-sunod na tunog mula sa cellphone na hawak. Text message iyon mula sa natatanging numero na naroon. Nang buksan niya iyon ay nagimbal siya sa nakita. Larawan iyon ni Iris, nakahiga ito sa kama habang nababalot ng kumot. Ngunit kitang-kita sa braso nito ang malaking pasa. Ang sumunod na larawan ay larawan

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   CHAPTER 9: CAUGHT

    Mahigpit na naisabunot ni Irene ang kamay sa buhok ni Bryle nang lumalim pa ang paghalik nito sa kanya. Naging malikot hindi lang ang dila nito maging ang mga kamay nito. Binuhat siya nito at pinaupo sa lamesa habang nasa pagitan ito ng hita niya. Hindi napigilan ni Irene na mapaungol sa sarap ng lamasin ng mainit nitong palad ang dibdib niya. Habang ang mga dila ay abala sa pakikipag-espadahan sa dila niya. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang pag-iinit ng katawan. Batid niyang mali ang ginagawa niya ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Napamulat siya mula sa pagkakapikit ng maramdaman ang paghawak nito sa dalawang hita niya. Hinigit siya nito dahilan para madiin ang pagkalalaki nito sa kanya na naghatid ng kiliti sa ibabang bahagi ng katawan niya. Dahil sa bagong pakiramdam ay ipinulupot niya ang binti sa bewang nito upang mas lalo pang idiin ang sarili. “Bryle,” pagtawag niya dito sa pagitan ng halikan nila. Tanging tunog lang ng malalaswang hali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status