Palabas na sana siya ng silid nang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa side table. Agad niya itong nilapitan at kinuha.Nang mabasa kung sino ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot. It's Will, baka may balita na ito sa kakambal niya. “Hello?” salubong niya dito. “Galing akong hospital, pero wala doon si Iris. Ang sabi sa nurse station nag-iwan lang ng contact number ang kasama nito,” diretsong wika nito.“Ano?” gulat na wika niya. Usapan nila ay hindi nito iiwan ang Lola nila. “Sinong kasama niya?” “Yun nga e, ayaw sabihin ng mga nurse. I'll try to find out, then I will call you again.” Napaupo siya sa kama nang makaramdam ng panghihina.“Sinong kasama ni Lola? May mag-aasikaso ba sa kanya? Anong sabi ng mga doctor?” sunod-sunod na tanong niya, hindi siya mapapakali hangga't walang mag-aasikaso sa Lola niya.“Don't worry, katulad ng sinabi ng doctor naka-schedule bukas ang operasyon ng Lola mo. May mga nurse at doctor na rin ang naka-assign sa kanya. Bukod pa ro’n ay bay
Terakhir Diperbarui : 2025-06-12 Baca selengkapnya