Share

Chapter 20

ORYRIUS DELACORTE’S POV

Mariin akong napapikit nang humataw sa likod ko ang latigo. Napakuyom ako ng kamao ngunit hindi ko hinayaang may kumawala na kahit anong ungol mula sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hapdi lalo pa’t wala akong suot na pang-itaas na damit. At saka, pang-ilang hagupit na ba iyon? Sampu? Labin-lima? Bente?

Well, hindi ko na rin alam.

Isa lang ang natitiyak ko, humahapdi na ang likod ko dahil sa nagdurugong sugat.

“Ano na? Wala ka bang planong magmakaawa, Oryrius?” Nanggigigil ang tinig ni Casfir kasabay ng muli niyang paghataw ng latigo sa likod ko.

Muli na lamang kumuyom ang mga kamay kong nakatali sa itaas. Gumuhit ang tapang sa aking mga mata kasabay ng aking pagmulat.

Umigting ang panga ko bago ako nagsalita. Matapang kong sinalubong ang kanyang nagbabagang titig.

“Kahit kailan, hinding-hindi ako magmamakaawa sa’yo, Casfir!”

At kahit kailan, hindi ko hahayaang magmukha akong mahina lalo na sa harapan niya.

Nanggigigil naman na napahiyaw ang lalaki kasunod ay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status