Share

Chapter 3

Author: amvernheart
last update Last Updated: 2022-03-01 23:32:09

Mind reader ba si Oryrius Delacorte?

Bakit parang nababasa niya ang iniisip ko?

Napakurap-kurap ako.

Hindi kaya alien siya?

O baka naman isang maligno?

Gumapang ang kilabot sa kaibuturan ko.

Naprapraning akong nag-angat ng tingin at tinitigan ang tulog na tulog na si Oryrius.

Payapang-payapa ang hitsura nito habang nakapikit. Makinis ang balat nito na lalong nakadagdag sa kanyang kagandahang lalaki. Mahaba ang malantik nitong pilikmata. Sana all na lang sa kanya. Matangos din ang ilong nitong tila perpekto ang pagkahulma. Mamula-mula rin ang labi nitong sa unang tingin ay 'di maikakailang napakalambot. Kahit saan yatang anggulo ay napakagwapo nito.

Ilang minuto ko pa siyang tinitigan.

Infairness, kahit isang libong taon ko yata siyang titigan, parang hindi nakakaumay ang kagwapuhan niya. Sana all na lang ulit sa kanya.

Napailing na lamang ako.

Malabo. Masyadong malabo ang iniisip ko. 

Sa gwapo ng lalaking ito, imposible namang alien siya. At lalong imposible na maligno siya.

Buntong-hininga na lamang akong bumalik sa pagkakahiga.

Bakit ko ba kasi naisip 'yon? Para naman akong ewan eh. Baka nagkataon lang. Baka kasi sobrang obvious lang ako at medyo nakahalata siya.

Muli na lamang akong napabuntong-hininga.

Kailangan ko na talagang matulog. Mukhang kulang lang sa pahinga ang utak ko kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.

Pinanatag ko ang aking loob. Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang paghila sa'kin ng antok. Hinayaan ko namang hilain ako.

Hindi ko alam kung nananaginip lang ako pero parang naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na tela hanggang sa aking balikat na tila ba nagdulot sa akin ng comfort. Hindi ko tuloy naiwasan ang pagsilay ng munting ngiti sa aking labi.

Ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang pagpulupot ng matigas na bagay sa aking beywang. Pakiramdam ko ay niyakap ako ng kung sinuman na siyang nagbigay sa'kin ng kapanatagan. Dinala ako ng kapayapaang aking nadarama sa mahimbing na pagtulog. 

Nang magising ako kinabukasan ay parang punong-puno ako ng enerhiya. Why not? Ang sarap kaya ng tulog ko sa buong magdamag.

Nang dumako ang tingin ko sa aking tabi ay wala na roon si Oryrius Delacorte. Nang igala ko ang aking paningin ay natuklasan kong maliwanag na ang paligid. Patunay ang pagtagos ng liwanag ng araw sa nakabukas na bintana. Mukhang wala rin sa loob si Oryrius dahil hindi ko naramdaman ang presensiya niya sa loob ng silid.

Mabuti na rin iyon para hindi masira ang very beautiful morning ko.

Nag-inat ako upang tuluyang magising ang aking dugo. Matapos iyon ay tuluyan na akong bumaba sa kama.

Hindi ko mawari ngunit tila hinihila ang aking paang tunguhin ang nakabukas na bintana. 

Malaki iyon, tila makaluma ang estilo. May rehas itong malilit na bakal. Gayunpaman ay mukhang alagang-alaga ang kabahayan dahil na-preserved ang magandang disenyo nito.

Nang sumilip ako sa nakabukas na bintana ay namangha ako sa aking nakita. Bumungad sa'king mga mata ang makapal na kagubatan. Kayganda sa paningin ang tila nakahilerang matatayog na puno. Napakasarap sa eyes ang maberdeng kulay ng paligid.

Mayroong tila daan na patungo sa gubat na natataniman ng Bermuda grass. Ang magkabilang gilid ng tila daan ay lalong pinaganda ng mamumukadkad na iba't-ibang kulay ng bulaklak. Malawak iyon, sa tantiya ko ay nasa one fourth hectare. Kay-pretty talaga sa mata ang mga namumukadkad na bulaklak.

Tila kaysarap baybayin ang tila daan sa gitna nito.Tila berdeng carpet na nakalatag ang tanim nitong Bermuda grass.

Someday pupunta ako diyan at magpapa-picture. Then gagawin kong profile picture.

Ngunit ang paghangang aking nadarama ay unti-unting napalitan ng pagkunot ng noo.

Natagpuan ng aking mata ang isang hayop na binabaybay ang daanan.

Hindi ko tuloy naiwasan ang mapakunot-noo at pakatitigan iyon ng husto.

Kung 'di ako nagkakamali ay malaking aso ang nakikita ko. Kulay puti ang balahibo nito.

Napailing na lamang ako at saka napahalukipkip. 

Salbaheng may-ari ng asong 'yan! Bakit nila hinahayaan ang aso sa garden? Baka mamaya ay sirain pa nito ang mga tanim. Or worst baka mag-poo poo pa roon ang lintek.

"Hoy, doggie! Alis diyan! Chupe! Sinisira mo ang view!" Malakas kong turan.

Ngunit nang ma-realize ko ang ginawa ko ay parang gusto kong tuktukan ang sarili ko. 

Nag-effort pa akong magsalita samantalang napakalayo naman ng aso. Imposibleng marinig niya ako. At higit sa lahat ay imposible ring maintindihan niya ako.

Unang araw ko pa lang dito sa mansiyon ni Oryrius pero mukhang sa mental hospital na ang soon to be hantungan ko.

Nang ibalik ko ang tingin ko sa kinaroonan ng malaking aso ay nagtayuan ang mga balahibo ko. Nakaangat ang ulo nito at tila ba natingin sa kinaroonan ko. Napakalayo niya sa'kin ngunit tila ramdam ko ang kanyang titig.

Napakurap-kurap ako.

Napra-praning na naman yata ako.

Nang muli kong ibalik ang tingin ko sa garden ay wala na roon ang aso.

"Huh? Nasa'n na 'yon?" Nagkandahaba ang leeg ko.

"What are you looking for?" Anang barotinong tinig na siyang nagpatalon nang husto sa aking puso.

"Ay! Takte!" Napakislot ako at napahawak sa aking dibdib.

Nasa mukha ko pa rin ang gulat nang lumingon ako sa pinagmulan ng tinig.

Bumungad sa'kin ang walang kangiti-ngiting mukha ni Oryrius Delacorte. Kapansin-pansin sa gwapong mukha nito ang butil ng pawis. Nang bumaba ang aking tingin ay nanuyo ang aking lalamunan.

Yummy!

Tumambad sa paningin ko ang matipunong katawan ng lintek. Dumadaloy roon ang pawis na tila ba lalong nagpa-hot sa kanyang hitsura.

Kaysarap namang pa-breakfast ang nasa harap ko.

Yummylicious pandesal!

"Mate."

Tila bumalik ako sa reyalidad dahil sa pagtawag ni Oryrius.

Upang huwag niyang mahalata ang kabalbalang tumatakbo sa isip ko ay kaagad akong ngumiwi na para bang nadidiri.

"Kaya pala may naamoy akong maasim na parang nabubulok na suka kasi pawis na pawis ka. Maglinis ka nga ng katawan, ang bantot mo! Umaalingasaw ang putok mo."

Umarko naman ang kilay nito.

"Really?"

"Oo. As in, grabe! Yuck! So kadiri. At magdamit ka nga, ang laswa ng hitsura mo. Para namang kaakit-akit 'yang payatot mong katawan. Wala ka namang ka-muscle muscle."

Nailing naman ito sa tinuran ko.

"What a liar!"

"Liar ka diyan. Truth na truth kaya sinasabi ko sa'yo. Kahit tumingin ka pa sa salamin."

"Your eyes don't say so. I can see in your eyes how much you're fantasizing me." Wala itong kangiti-ngiti habang titig na titig sa'kin.

"Huh! Kapal mo! Kahit pa siguro tanggalin mo 'yang pajama mo at mag-brief ka lang sa harap ko, wala ka pa ring epek sa' kin. Asa ka namang maglalaway ako sa'yo!"

"Are you sure?" Mataman niya akong tinitigan. Hindi nito inalis ang tingin niya sa'kin kahit nang kumilos ang kamay nito patungo sa garter ng suot niyang pajama. Hindi ko tuloy naiwasan ang panlalaki ng aking mga mata.

"Hoy! Ano ba! Maghulos-dili ka! Huwag ka ngang rated-SPG sa harap ko! Ang aga-aga para molestyahin mo ang inosenteng utak ko."

Hindi naman ito nagpatinag. Kumilos ang kamay nito upang ibaba ang suot niyang pajama.

Napatakip na lamang ako ng mga mata gamit ang aking palad. Hindi ko rin napigilan ang impit na mapatili.

" Jusmiyo! Huwag ngayon, 'di pa ready ang aking innocent eyes! "

Maya-maya lamang ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Natigilan ako.

Tumatawa si Oryrius?

Marahan kong ibinaba ang mga palad kong nakatakip sa aking mga mata.

Nang tumambad siya sa sa'king paningin ay mayroon na itong suot na puting V-neck shirt.

Luh, saan galing 'yong T-shirt?

Nang magtama ang aming mga mata ay unti-unting napalitan ang ngiti niya ng isang ngisi.

"Ang lakas mo kaninang mang-asar, ikaw rin naman pala ito matatalo."

Pinanditan ko siya ng mata.

Hindi ko yata matatanggap na sinabi niyang talo ako.

"Huh! Feeling mo lang."

"Since you're fantasizing my hottie body, you need to know something."

Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig. 

Ang kapal din talaga ng mukha ng damuhong 'to.

Akmang aalma na sana ako kaso muli siyang nagsalita.

"I am very sorry but we can't have the honeymoon, right now. But don't worry, the right and best time will come."

Tila tumaas ang presyon ko sa narinig.

"Hoy! Sino bang nagbigay ng idea sa'yo na gusto ko ng honeymoon, huh? Ang kapal---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naputol iyon nang muli siyang magsalita.

"Masyado lang akong busy ngayon. But don't worry, kung gusto mo ng abs ko pwede mo namang hawakan anytime."

Lalo akong naasar sa narinig.

"Takte! Ang kapal kapal talaga ng face mo!"

Gumuhit naman ang mapang-asar na ngiti sa labi nito.

"Pero mamayang gabi na lang. I'm really in a hurry. While I'm out, Helper Sabel will tour you around."

Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Puno ito ng kumpiyansang lumakad patungo sa pintuan ng silid.

Nakakuyom na lamang ako ng kamao.

"Kita mo lang, mamaya ka sa'kin, lintek ka!" Nanggagalaiting turan ko habang nakatingin sa pinto kasasarado lang.

Nangyari nga ang sinabi ni Oryrius. Ilang minuto lang matapos itong makaalis ay kumatok sa silid ang isang babaeng nakasuot ng kulay bluegreen na unipormeng pangkatulong. Nasa thirties ang edad nito. Neat bun ang estilo ng buhok nitong itim na itim. Sakto lang ang kaputian nito. Hugis almond ang mata nitong tila busog sa eyebags. Medyo malapad ang ilong nitong hindi gano'n katangos at makipot ang labi nito. Simpleng-simple ang postura at tila ba kay bait ang hitsura. Nang magtama ang aming mga mata ay sandali siyang yumukod bilang tanda ng paggalang. 

"Magandang umaga po, Lady. Ako po si Sabel." 

Sinuklian ko siya ng ngiti.

"Hello po."

"Nakahanda na po ang agahan, Lady Lora. Saan niyo po gustong kumain?"

Tila namang sumindi ang bombilya sa aking utak.

"Pwede po ba doon sa part na nakikita ko ang garden?"

"Masusunod, Lady. May iba ka pa bang request?"

"Wala na po." Magiliw ko siyang nginitian.

Infairness! Sobra kong na-enjoy ang unang agahan ko sa mansiyon ni Oryrius. Nag-set up sila ng mesa sa likod ng bahay kung saan tanaw ko ang hardin. Medyo nailang lang ako ng konti dahil habang kumakain ako ay tumambay sa gilid ng parihabang mesa si helper Sabel. Medyo shy pa naman ako kapag ganitong may nanonood sa'kin na kumakain.

Ilang ulit ko siyang niyayang sabayan ako pero mukhang shy type din siya. Sa huli ay hindi ko na lamang siya pinilit.

Matapos ang agahan ay naligo ako at nagbihis. Napili kong isuot ang kulay dilaw na floral dress na hanggang bukong-bukong ko ang haba. May maliit iyong manggas at hapit sa'kin ang pang-itaas na bahagi ng damit. Tinernuhan ko iyon ng flat sandal.

Matapos iyon ay kaagad naming nilibot ang mansion ni Oryrius.

Speaking of the mansion, hindi lang yata masiyon ang tirahan ni Oryrius Delacorte kundi palasyo na. Tila lumang disenyo ang bahay. Sa labas ay bricks na kulay pula ang disenyo. Ang mga bintana ay gawa sa salamin na pwedeng buksan ngunit safe naman dahil may rehas. Gayupaman ay elegante pa ring tignan ang paligid. Nangingibabaw sa loob ang kombinasyon ng kulay wood brown, puti at gold na kulay.

Sa gitnang bahagi ng bahay ay tila mayroong tower. Apat na palapag iyon ngunit hindi na namin inakyat dahil ongoing raw ang renovation sa ikatlo at ikaapat na palapag. Mayroon ding wings ang mansion. Nilibot namin iyon. Malawak ang kitchen, gano'n din ang sala at maraming kwarto ang bahay. Gandang-ganda ako sa disenyo ng bahay kaya lang sa tahimik ng bahay ay hindi ko naiwasan ang matakot. 

Malay ko ba kasi kung may ligaw na kaluluwa sa paligid.

Na-enjoy ko pa rin naman ang tour kahit tipid magsalita si helper Sabel. Kung 'di ako magtatanong ay mukhang wala siyang balak magsalita.

"Para sa saan po 'yang pintong 'yan?" Hindi naiwasang magtanong nang makita ko ang malaking pintuan. Bukas iyon kaya naman nakikita ko mula sa kinaroroonan namin ang mahabang pasilyo.

"Papunta po 'yan sa west wing, Lady."

Akmang yayain ko na siya patungo roon nang muli siyang magsalita.

" Bawal pong pumunta diyan, Lady."

"Bakit po?" Hindi ko naitago ang pagtataka sa aking mukha.

"Bilin po ni master, Lady."

"Bakit nga po? Ano po bang meron sa west wing? Bakit po bawal pumunta roon?"

"Kasi po--," tumigil ito sa pagsasalita na tila ba nag-aalangan sa kanyang sasabihin.

"Sabihin niyo po sa'kin, please."

"Kasi Lady, diyan po ang kwarto ng mga dating asawa ni master."

Lalo tuloy akong naging curious sa narinig. 

"You mean? Hindi sila natutulog sa kwarto ni Rius?"

"Hindi po, ma'am. May sarili po silang kwarto."

Hindi ko naiwasan ang mapakunot-noo.

Bakit kailangan separate sila ng kwarto?

At bakit sa akin, hindi?

Lalong kumabog ang puso ko.

Anong ibig sabihin no’n?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
tamtam
Ganda po author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mate, The Thirteenth    Chapter 23

    “Of course, I know.”Tila panandaliang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ang pagdausdos ng luha sa pisngi ni Loralee. Sinamantala niya iyon upang tuluyang mabawi ang kamay niyang hawak ko. Mabilis din niyang pinunas ang luhang tila hindi niya sinasadyang mapakawalan.“Alam mo ang alin? Tell me, anong nalalaman m—“ Hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko nang tumunog nag cellphone ko.“Someone is calling.” Namamaos niyang turan kasabay ng pagguhit ng pilit na ngiti sa kanyang labi.“No. We need to talk.” Mabilis kong pinindot ang decline kahit hindi ko na sinuri kung sino ang tumatawag.Mas mahalaga ito kaysa kung sinumang tumatawag.Kailangan naming mag-usap.Hindi pwedeng hayaan ko lang ‘yon. Dahil pa rin kaya ito sa nangyari sa gubat?And she knows what?May nalaman ba siya sa gubat na hindi ko alam?At saka para saan ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata?Bakit siya naluha?“Dapat sinagot mo yung tawag. Eme lang naman yung sinabi ko kaya huwag mong masyadong in

  • Mate, The Thirteenth    Chapter 22

    “Earth to Mister Oryrius Delacorte.” Kumaway sa tapat ng aking mga mata si Loralee dahilan upang mapakurap ako. Awtomatiko rin akong nakapaiwas ng tingin. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naiwasang makulong sa malalim na pag-iisip habang nakatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Naaayon pa ba ang lahat nang ito sa propesiya? May nararamdaman akong habag, panghihinayang at higit sa lahat, lungkot. Mga damdaming hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. “Ayos ka lang ba?”Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. “Yeah. I’m fine.” Bahagya akong tumango. “Sure ka? Eh para kang namaligno kanina diyan eh. At tapos ano ‘yon, ha? May kasama pang buntong hininga?” “I’m okay.” Sinubukan kong salubungin ang tingin niya. Umaasang sa gano’ng paraan ay makukumbinsi ko siya. “Sige nga, eh bakit tulala mode ka kanina?” Bahagya itong nakakunot-noo. Ipiniksi ko ang aking

  • Mate, The Thirteenth    Chapter 21

    Flashback….“Tandaan mo nawa palagi ang sinasabi ko, Oryrius. Huwag mong kakalimutan ang nasa libro.” Marahan akong tumango.“Opo, ama. Hindi ako makakalimot. Itinakda ako upang isakaturapan ang propesiya.”Mula sa pagkakatitig sa sa labas ng sasakyan ay hinarap ako ng aking ama. Sumalubong sa akin ang kulay abo nitong mga mata na katulad ng akin. Masasalamin na ang katandaan nito dahil sa namumuti na nitong buhok at nangungulubot na balat. Ngunit sa kabila no’n ay makikita pa rin ang kakasigan nitong taglay dahil sa aristokrado nitong ilong at maputing balat. Hindi nito inalis ang pagkakatitig niya sa akin, na para bang sa gano’ng paraan ay maitatatak sa akin ang kanyang sasabihin.“Panahon mismo ang pumili sa’yo, anak. At hindi mo pwedeng biguin ang tadhana, hindi mo pwedeng biguin ang ating lahi. Tandaan mo nawa palagi, iyan.”Muli akong tumango.“Opo, ama.”Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit ko na bang narinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Mula nang magkaisip ako ay

  • Mate, The Thirteenth    Chapter 20

    ORYRIUS DELACORTE’S POVMariin akong napapikit nang humataw sa likod ko ang latigo. Napakuyom ako ng kamao ngunit hindi ko hinayaang may kumawala na kahit anong ungol mula sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hapdi lalo pa’t wala akong suot na pang-itaas na damit. At saka, pang-ilang hagupit na ba iyon? Sampu? Labin-lima? Bente?Well, hindi ko na rin alam.Isa lang ang natitiyak ko, humahapdi na ang likod ko dahil sa nagdurugong sugat.“Ano na? Wala ka bang planong magmakaawa, Oryrius?” Nanggigigil ang tinig ni Casfir kasabay ng muli niyang paghataw ng latigo sa likod ko.Muli na lamang kumuyom ang mga kamay kong nakatali sa itaas. Gumuhit ang tapang sa aking mga mata kasabay ng aking pagmulat.Umigting ang panga ko bago ako nagsalita. Matapang kong sinalubong ang kanyang nagbabagang titig. “Kahit kailan, hinding-hindi ako magmamakaawa sa’yo, Casfir!”At kahit kailan, hindi ko hahayaang magmukha akong mahina lalo na sa harapan niya.Nanggigigil naman na napahiyaw ang lalaki kasunod ay

  • Mate, The Thirteenth    Chapter 19

    Panghihina. Iyan ang nararamdaman ko nang magkaroon ako ng malay. Napaungol ako kasabay na pag-angat ko ng tingin. Nasa ilalim ako ng isang puno. Nakatayo ay nakatali paitaas ang dalawa kong mga kamay.Pinilit kong magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakatali ng mga kamay ko.Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ako nagtagumpay dahil maging ang bibig ko ay nakabusal ng tela.Iginala ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang presensya ng kahit sinuman.Sa di kalayuan, mula sa kinaroonan ko ay Mayroong bungalow house na gawa sa tabla ang dingding at yero ang bubong gayunpaman, hindi ko nga lang alam kung may tao roon.Sinubukan ko ulit ang magpumiglas ngunit hindi pa rin ako nagtagumpay.Taena! Napapadyak na lang ako nang maramdaman ko ang hapdi sa pulsuhan ko.Paano ako ngayon makakaalis dito?Napaluha na lamang ako. Nanghihina ang katawan ko at ngayon pati na rin ang loob ko.Anong parusa ang ibibigay nila sa akin?Hindi na ba ako makakaalis dito?Buntong-hininga na lamang akong n

  • Mate, The Thirteenth    Chapter 18

    Walang nang atrasan ‘to.Nandito na rin naman ako kaya bakit pa ako aatras?Humakbang ako palapit sa dulo ng Hardin. Mula sa kinaroonan ko ay ilang hakbang na lamang ang layo ko sa masukal sa gubat.Iginala ko ang aking paningin. Halos wala akong maaninag dahil sa yabong ng mga puno. Mas maganda sana kung sa umaga sana ako narito. Bawal daw ang pumarito dahil trespassing. Pero sino namang magbabawal? Mukha namang walang nakatira rito. Mukhang wala ring CCTV sa paligid.Walang makakakita kaya sinong magbabawal?Iginala ko ang paningin ko. Ni wala nga akong makita na signage na ‘no trespassing’. Kahit nga bakod wala. Para namang hindi totoo ang sinabi ni Oryrius.Hays. Ayaw lang yata niya na pumunta ako rito eh.Naiiling akong iginala ang paningin ko. Ngunit hindi ko napigil ang paggapang ng kilabot sa katawan ko nang may makita akong dalawang kulay pulang bilog sa kakahuyan. Hula ko ay mata iyon ng hayop.Awtomatikong naapatras ang mga paa ko.Tila biglang bumalik sa alaala ko ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status