“Earth to Mister Oryrius Delacorte.” Kumaway sa tapat ng aking mga mata si Loralee dahilan upang mapakurap ako. Awtomatiko rin akong nakapaiwas ng tingin. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naiwasang makulong sa malalim na pag-iisip habang nakatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Naaayon pa ba ang lahat nang ito sa propesiya? May nararamdaman akong habag, panghihinayang at higit sa lahat, lungkot. Mga damdaming hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. “Ayos ka lang ba?”Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. “Yeah. I’m fine.” Bahagya akong tumango. “Sure ka? Eh para kang namaligno kanina diyan eh. At tapos ano ‘yon, ha? May kasama pang buntong hininga?” “I’m okay.” Sinubukan kong salubungin ang tingin niya. Umaasang sa gano’ng paraan ay makukumbinsi ko siya. “Sige nga, eh bakit tulala mode ka kanina?” Bahagya itong nakakunot-noo. Ipiniksi ko ang aking
“Of course, I know.”Tila panandaliang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ang pagdausdos ng luha sa pisngi ni Loralee. Sinamantala niya iyon upang tuluyang mabawi ang kamay niyang hawak ko. Mabilis din niyang pinunas ang luhang tila hindi niya sinasadyang mapakawalan.“Alam mo ang alin? Tell me, anong nalalaman m—“ Hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko nang tumunog nag cellphone ko.“Someone is calling.” Namamaos niyang turan kasabay ng pagguhit ng pilit na ngiti sa kanyang labi.“No. We need to talk.” Mabilis kong pinindot ang decline kahit hindi ko na sinuri kung sino ang tumatawag.Mas mahalaga ito kaysa kung sinumang tumatawag.Kailangan naming mag-usap.Hindi pwedeng hayaan ko lang ‘yon. Dahil pa rin kaya ito sa nangyari sa gubat?And she knows what?May nalaman ba siya sa gubat na hindi ko alam?At saka para saan ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata?Bakit siya naluha?“Dapat sinagot mo yung tawag. Eme lang naman yung sinabi ko kaya huwag mong masyadong in
Mark your calendar. Tonight, on the first full moon of the year, I will marry my bestfriend's widow. Iginala ko ang aking paningin. Mula sa mga sanga ng matatayog na mga puno ay nakalambitin ang mga puting paper laterns. Sa ibang bahagi ng mga sanga ay mayroong nakalambitin na LED lights na lalong nagpaganda sa disenyo ng paligid. Kung titingnan ito mula sa malayo ay tila nagmumukha itong mga alitaptap na aandap-andap. Kung tutuusin ay malalim na ang gabi ngunit maliwanag ang paligid dahil sa mga nakahilera na kalalakihan na unipormado ng itim na tuxedo. May hawak ang bawat isa sa kanila na malalaking torch. Para silang mga estatwa sa kanilang kinatatayuan at tila nagsilbi silang bakod sa venue. Artipisyal ang mga hawak nilang torch, tila kahoy ang disenyo ng handle nito. Naglalabas iyon ng light effect na tila nagmumukhang tunay na apoy. Infairness, magaling pumili ng lugar ang aking groom. Kahit nasa gitna kami ng gubat ay malawak naman ang espasyo. Nasa higit dalawang daan
Pabagsak akong nahiga sa malawak at malambot na kama. Suot-suot ko pa rin ang aking wedding gown. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko kasi ay nanlalata ako. Kung kailan tapos na ang pagtitipon ay saka ko naman naramdaman ang labis na pagod. Nang dumampi sa aking balat ang malamig na hanging nagmumula sa aircon ay tila hinihila nito ang aking mata upang pumikit. Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagdaloy ng alaala sa aking isipan. "Sigurado ka bang pakakasalan mo siya?" Tumabi ako ng upo sa aking bestfriend na si Ciara. Kaagad rin itong bumaling sa'kin. Kitang-kita ang kislap sa kanyang mga mata. "Mahal ko si Oryrius, Lee." "Madami namang iba diyan, 'yong binata talaga at hindi biyudo." No comment ako sa lahat ng naging karelasyon ni Ciara noon ngunit iba ngayon ang usapan. Hindi ko natiis na isatinig ang aking gustong sabihin. "Hindi masamang mag-asawa ng biyudo kung kasing gwapo, hot at yaman ni Oryrius Delacorte." Lalong lumawak ang kanyang ngiti. "At napakasuwerte
"Ano bang pinagsasabi mo? Siyemre hindi noh." Mabilis kong bulalas. Pinilit kong itinago ang kabang aking nadarama. Mukhang malakas ang radar ng damuho. Dapat siguro igihan ko ang pag-arte. Baka mamaya ay mahalata niya ako. Hindi ako pwedeng pumalpak. Hindi pwedeng mapurnada ang plano namin. "Alam mo, masyado kang nag-a-assume ng mga bagay-bagay. Joke lang naman 'yon. At saka may sinabi ba akong killer ka?" Ngunit hindi pa rin nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Tila hindi siya kumbinsido. Napatikhim na lang ako. "Pakakasalan ba kita kung killer ang tingin ko sa'yo?" Wala na akong choice kundi echosin siya. Mahina naman siyang napabuntong-hininga. Ngunit hindi naman siya umimik kaya naman sinamantala ko iyon upang ibahin ang usapan. "I'll just change my clothes." Kaagad na rin akong tumayo at bumaba sa kama. Binilisan ko talaga kilos ko upang huwag na siyang makaangal pa. Kulang na lang ay mag-transform ako bilang si 'the flash'. Kandatalisod tuloy ako dahil sa pagkata
Mind reader ba si Oryrius Delacorte? Bakit parang nababasa niya ang iniisip ko? Napakurap-kurap ako. Hindi kaya alien siya? O baka naman isang maligno? Gumapang ang kilabot sa kaibuturan ko.Naprapraning akong nag-angat ng tingin at tinitigan ang tulog na tulog na si Oryrius. Payapang-payapa ang hitsura nito habang nakapikit. Makinis ang balat nito na lalong nakadagdag sa kanyang kagandahang lalaki. Mahaba ang malantik nitong pilikmata. Sana all na lang sa kanya. Matangos din ang ilong nitong tila perpekto ang pagkahulma. Mamula-mula rin ang labi nitong sa unang tingin ay 'di maikakailang napakalambot. Kahit saan yatang anggulo ay napakagwapo nito. Ilang minuto ko pa siyang tinitigan. Infairness, kahit isang libong taon ko yata siyang titigan, parang hindi nakakaumay ang kagwapuhan niya. Sana all na lang ulit sa kanya. Napailing na lamang ako. Malabo. Masyadong malabo ang iniisip ko. Sa gwapo ng lalaking ito, imposible namang alien siya. At lalong imposible na maligno siya.
Naguguluhan ako. Ba't naman gano'n? Bakit sa kwarto niya ako nag-i-stay samantalang may sarili palang kwarto ang mga dati niyang asawa? Anong pwedeng dahilan niya? I spent minute thinking about the posible reason. Pero wala eh, wala akong maisip na pwede pang dahilan. O baka naman assuming lang ako. Malay ko lang, baka mamaya o bukas ay sasabihin na niyang may sarili rin akong kwarto. Ganito na lang, kapag hindi niya ako bibigyan ng sarili kong kwarto, doon na ako magdududa. Tama! Maghihintay pa ako ng konti. "Lady?" Untag sa akin ng katulong. Tila rin bumalik ako sa reyalidad dahil sa tinig ni helper Sabel. Noon ko natanto na nasa tapat pa rin kami ng malaking pintuan. "Ayos ka lang ba, Lady?" Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. Nang bumaling ang tingin ko sa kanya ay nakatingin ito sa sa'kin at kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "May problema po ba?" Taranta akong napailing. Kaagad ko ring pinilit ang ngumiti. "Wala po. Ayos lang po ako.
"Mate." Liningon ko ang pintuan kung saan nagmula ang tinig ni Oryrius. Suot pa rin nito ang suot niyang suit kanina ngunit this time ay wala na ang neck tie nito. Nakabukas na rin ang tatlong butones ng polo nito. Namait ang panlasa ko nang mamasdan ko siya nang husto. Pasado alas-singko na rin, pakiramdam ko nanlalagkit na ako sa pawis samantalang siya mukhang fresh pa rin. Ang unfair din talaga ng life! Muli ko siyang pinasadahan ng tingin. Natatandaan kong umalis siya ng kwarto kaninang umaga na nakasuot lang ng T-shirt at pajama. Hindi ko rin naman siya nakitang pumasok sa walk in wardrobe ng silid. Ang tanong, saan siya nagbihis? Napakurap-kurap ako sa reyalisasyon. Hindi kaya, hindi naman talaga ito ang kwarto niya? Iginala ko ang paningin ko sa loob. Walang masyadong gamit rito na parang walang umuukupa. Baka katulad ng iba niyang asawa ay may sarili rin kong kwarto. At ito 'yon, ito ang para sa akin. Pero muli akong napailing nang sumagi sa isip kong dito r