Share

Chapter 02

Author: JENEVIEVE
last update Last Updated: 2026-01-09 16:02:44

Jae-young

Malalim akong humugot ng hangin ng makapasok kami ni Seven sa mansyon ng mga Martinez. Akala ko nga matatagalan akong makiusap sa maid na nakita ko sa hardin nila. Mabuti pumayag ng sabihin ko sa kaniya na mag-ina kami ni Ishmael Martinez. Noong una natigilan pa matagal akong pinagmasdan. Kalaunan tahimik niya kaming pinapasok sa loob ng mansyon.

Pinaupo kami sa magarang sofa at dinalhan ng meryenda. Tatawagin pa raw niya ang magulang ni Ishmael. Dahil bago lang daw umakyat ang mag-asawa nang dumating kami. Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga habang inaantay ko ang pagbaba ng magulang ni Ishmael Martinez.

Sari-sari ang iniisip ko. Kung matatanggap ba nila si, Seven. Kung itataboy ba kami ni Seven. Kasi usually mga ganitong mayayaman, kadalasan matapobre sila at kailangan mayaman din ang gusto nila para sa mga anak nila.

Gusto ko nga sana itanong kung bakit sa magulang ni Ishmael. Bakit iyon ang tatawagin nila. E, ang hinahanap ko naman si Ishmael. Hindi sumagot, ngunit sinabihan ako na sa magulang na raw ni Ishmael, ako magtanong pagkatapos iniwan na kami para tawagin nito ang mga amo.

Sa totoo lang gusto kong umatras ngunit kapag iniisip ko ang karapatan ng pamangkin ko kilalanin siyang Martinez. Iyon ang nagbibigay lakas sa ‘kin kaya lakas loob akong humarap ngayon kahit parang malakas ang tahip ng dibdib ko sa labis na kaba.

“Mommy, ang ganda po ng house nila,” bulong ni Seven na hanggang ngayon namimilog ang mata sa nakikita n'yang marangyang living room.

“Bahay ito ng daddy mo,” sagot ko sa kaniya.

“Wow…dito na po ba tayo titira, mommy?” inosente niyang tanong sa ‘kin. “Ehehe, joke lang po kahit saan po tayo tumira basta magkasama tayo okay lang po kay, Seven,” magalang n'yang sabi sa akin ng matigilan ako sa bigla n'yang tanong sa akin. Bumigat ang dibdib ko dahil nakaka-guilty magsinungaling sa kaniya maging sa mga Martinez. Paano kaya malaman nila na hindi ako ang totoong ina ni Seven. Natatakot ako sa susunod na mangyayari.

Dalawang taon lang si Seven, pero ang matured na n'yang mag-isip. Naawa lang ako sa pamangkin ko dahil pinabayaan na ng kambal ko at ewan kung nasaan na iyon ngayon nag-aalala rin ako kay Jelay. Last naming pag-uusap ng personal, ng time na dumating kami ng Maynila. Dahil pinayagan ako ng Tatay na sumama sa kaniya. Walang alam ang Tatay sa napagkasunduan namin ni Jelay, tanging alam ng Tatay, dito na ako sa Maynila, magta-trabaho. Iyon ang paalam ko sa kaniya.

Pagkatapos namin lumuwas ng Maynila. Deretso kami sa lumang apartment ni Jelay. Sa kapitbahay pala niya iniiwan si Seven, tapos sinundo namin. Labis ang gulat ko nang magpakilala si Jelay sa anak niya bilang ako at Tita raw siya ni Seven. Ewan ko bakit hindi iyon napansin ni Seven, kasi kung pagmamasdan lang akong mabuti. May palatandaan na ako talaga si Jae-young dahil sa aking nunal sa taas ng labi ko. Though maliit lang siya sa unang tingin hindi talagang napapansin.

Kahit nga ang kapitbahay n'ya hindi rin nahalata na hindi ako si Jelay. Gulat lang na may kambal daw si Jelay at magkamukha raw kami. Identical twins ngani kaya talaga magkamukha kami.

Sa akin lumapit si Seven. Naiiyak ako ng yakapin ako ng pamangkin ko at tawagin n'yang Mommy. Wala s'yang kaalam-alam ang totoo n'yang mommy ang tinawag n'yang Tita.

Tapos ang inis ko pa kay Jelay. Pagdating namin sa luma niyang apartment. Hindi ko namalayan na umalis siya. Inantay ko siya hindi talaga dumating. Matagal din sinagot ang tawag ko. Nakulitan na rin siguro dahil tinadtad ko ng text at tawag kung nasaan ba siya.

“Hello Jelay. Pambihira ka naman, sis. Aba'y tatlong araw na akong tumatawag at text sa iyo. My God! Birthday na next week ni Seven, pero wala ka. Nasaan ka ba ha, Jelay?!” napipika ko ng sabi sa kaniya.

“Sis, nasa ospital ako,” bulong niya. Kumunot ang noo ko bakit hindi lang nagsabi sa akin. “Nakita mo ba ang pera na iniwan ko sa dining table. Bahala ka na budget-in ‘yan. Bilhan mo na lang ng cake si Seven.”

“Hindi ka ba uuwi?” tanong ko may inis na ang boses ko para ipakita ko sa kaniya hindi ako natutuwa sa ginagawa niyang ‘to.

Nakita ko ang tinutukoy niyang pera. Twenty thousand iyon binilang ko. Pero ang akin lang kahit birthday ni Seven hindi lang siya magpakita. Hindi ko kailangan ng pera n'ya. Kahit na nga kaunti lang ang ipon ko. Mas gusto ko umuwi siya nag-aalala ako sa kaniya.

“Saang ospital para dalawin ka namin ni Seven—”

“No! H'wag Jae. Ayaw kong kaawaan mo ako. Please ‘wag mong pababayaan ang anak ko,” sabi niya.

“Hindi ko siya pababayaan alam mo iyan. Jelay, nag-alala ako sa ‘yo!”

“Bye, Jae,” sa halip iyon ang tugon niya. Arghh talaga bakit ayaw n'yang damayan ko.

Pero nadadala naman ako kasi ayaw raw n'yang kaawaan ko kaya ayaw n'yang malaman ko kung saan siya ospital naka-confine. Basta nagpapagamot daw siya at ‘wag ko na raw siya alalahanin. Binigay niya ang address ng bahay nila Ishmael, sa lalong madaling panahon puntahan daw namin ni Seven. Iyon lang ang huli naming usap.

Araw ng birthday ng pamangkin ko. Dinala ko lang sa paborito n'yang kainan sa Jollibee raw kami nang nag-ask ako kung saan niya gustong kumain. Binilhan ko rin siya ng cake.”

“Seven, anong wish mo?” tanong ko sa kaniya pagkatapos niyang kumain.

“Mommy, gusto ko po makasama ang daddy ko,” sagot niya doon ako naantig sa pamangkin ko.

“Ta-try ni Mommy,” maikli kong sabi.

“Nagpunta na po tayo pero ayaw niya po maniwala. Mommy, ayaw po ng daddy kay Seven,” sabi niya napansin ko namumula ang mata paiyak na.

Pinisil ko ang ilong niya. “Smile…’wag ng malungkot kasi pupunta ulit tayo. Isa pa pwede ba naman iyon hindi ka gusto ng daddy mo. Pagod lang siya noon kaya nasabi ng ganoon,” palusot ko kahit wala akong idea kung anong totoong nangyari.

“Pupunta ulit tayo bukas. Okay na po ba p'wede na bang mag-smile ang anak ko?” malambing kong sabi sa kaniya.

Pumalakpak pa siya sa labis na saya.

“Salamat po mommy you're the best mommy,” saad n'ya puno ng kasiyahan ang kaniyang mata. Ngumiti lang ako at hinaplos ang pisngi niya.

“Ang layo na po ng iniisip mo mommy,”

“A-ano nga p-pala iyon anak?” nataranta ako dahil naalala ko ulit si Jelay.

Kandahaba ang nguso niya. “Sabi ko po gusto ko rito tayo tumira kasama daddy ko,”

Tumikhim ako at nakangiting ginulo ko ang buhok niya. “Seven, anak. Hindi ko pa alam. Pero gagawin ang lahat ni mommy para makasama mo ang daddy mo.”

“Talagang po?” tuwang-tuwa niyang tugon sa akin. Niyakap niya ako pagkatapos hinalikan ang magkabila pisngi ko.

Dahil wala akong maapuhap na magandang sagot. Dinaan ko sa ngiti sa kaniya at buti na lang hindi na ulit nagtanong si Seven kaya napanatag ako.

Hinaplos ko ang mukha niya. Masayang ngumiti sa kaniya. Mabuti na lang madaling s'yang pagsabihan. Kanina sa gate pa lang bago kami pagbuksan ng naka-duty guwardiya. Sabi ko behave siya dahil nasa ibang bahay kami. Kaya ngayon tamang tingin-tingin lang siya sa paligid ngunit kitang-kita ko sa kaniyang mga mata gusto niyang maglaro sa malawak na living room. Ngunit nanatili lang s'yang nakaupo sa hita ko.

Kinalong ko na nga siya para sigurado ako na hindi baba. Ayaw ko naman makialam siya sa mga nakikita niyang display ng mansyon. Kahit gustuhin ko maglaro siya sa ngayon pigil muna. Wala pa naman akong extra pambayad kung sakaling makabasag siya ng mamahaling display figurines. Kaya okay na ganito, tamang tanong lang si Seven kapag na-curious siya sa gamit na nakikita.

May narinig akong yabag sa hagdan. Nag-angat ako ng tingin napalunok ako ng mayroon pababa na magkaakbay na babae at lalaki. Hindi pa ganoon sila katanda. Parang nasa late forties lang sila mga baby face mukha. Pero kung magulang sila ni Ishmael, siguro nasa late fifties na sila. Kasi sabi ni Jelay twenty eight daw si Ishmael, kaya malamang mga late fifties na mga parents nito.

Simple lang ang ayos ng ginang pero iisa lang ang napansin ko rito. Palangiti ito habang ang kasama n'yang lalaki. Napaka seryoso nito mabuti lang napaka-guwapo bagay sila ng ginang. Para nga salubong ang kilay habang nakatingin sa amin ni Seven,dahil doon lihim akong napalunok.

Lalo akong kinabahan dahil sa titig nito. Para bang binabasa niya ako. Paktay, sana lang makalusot ako rito o kahit na pamangkin ko na lang ang tanggapin nila kahit hindi na ako. May karapatan si Seven dahil Martinez siya.

“M-magandang umaga po,” nauutal kong pagbati sa kanila.

Ngumiti ang ginang inalis ang kamay na nakaakbay sa seryoso lalaki. Umupo siya sa tabi namin at hinaplos ang buhok ni Seven.

“Hinahanap mo raw ang anak ko?” tanong ng magandang ginang. Napaawang ang labi ko sa kaniyang sinabi. Sila nga talaga ang magulang ni Ishmael.

“Opo, siya po ang daddy ng anak ko,” halos pabulong ko lang na sabi.

“Kaya ka pumunta rito?” naging seryoso siya kaya kinabahan ako ayaw ko lang ipahalata.

Dahan-dahan akong tumango.

“Bakit ngayon ka lang nagpunta? Malaki na ang bata,” saad niya sabay tumingin kay Seven.

“Kasi po wala ako noon lakas ng loob dahil one night stand lang po ang nangyari. Nasa isip ko tatanggihan po ang anak ko kaya nagpasya akong buhayin na lamang siya mag-isa,” napayuko ako dahil wala s'yang kurap na pinagmamasdan ako.

“Ngayon anong nangyari?”

“W-wala na po akong trabaho kaya naglakas loob na po ako pumunta rito. Nakipagkita na po kami kay Ishmael ngunit a-ayaw po kasi maniwala ni Ishmael—”

“What? Ibig sabihin pinuntahan mo na siya tapos hindi niya tinanggap ang apo ko!” may gigil na sabi nito kaya napayuko ako para magmukha akong kawawa. Nag-angat ng tingin ang ginang. “Mattheus! Tawagan mo ngayon din ang anak mo! Mapipingot ko iyan sa tainga niya naku, makikita talaga ng lalaking iyon!” sabi nito na lihim kong kinapatda. Akala ko sa ‘kin galit kay Ishmael pala. Nakangiti na siya ngayon sa akin panay niya rin haplos sa pisngi ni Seven.

Nakita ko kakamot sa buhok niya ang asawa niya. “Honey,” parang gustong komontra ng ama ni Ishmael, ngunit pinanlakihan lang siya ng mata ng ginang.

“Ako ang tatawag,” saad nito pagkatapos nilabas ang phone niya ako tamang nanonood lang sa ginagawa niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mayor Ishmael (SPG)   Chapter 03

    Warning! Matured content R-18+Ishmael povKaahon ko lang sa swimming pool ng may dumating na bisita. Si Eztela isa sa babaeng naghahabol sa akin. Nakangiti siya habang papalapit sa akin sabay pinasadahan niya ako ng may pang-aakit na tingin at nagtagal sa pagitan ng hita ko, nakakagat labi may pagnanasa sa kaniyang mata. Tumaas ang sulok ng labi ko ng wala siyang pakialam nagmamadali siyang naghubad ng damit at tanging suot niyang bra at panty lang ang iniwan.Si Eztela ang latest na ka-date ko ngayon. Hindi ko kasi siya matatawag na girlfriend dahil hindi naman talaga ako naghahanap ng girlfriend. Fuck buddy pwede pa. Hindi pa ipinapanganak ang babaeng magpapatino sa ‘kin. Ako raw ang playboy sa ‘min magkakapatid sabi ng pamilya ko. Anong gagawin ko kung sila ang nagpapakita ng motibo sa 'kin. Basta bago pa sila pumasok sa buhay ko alam nila kung ano lang ang kaya kong ibigay sa kanila. Pumayag sila kaya wala akong inagrabyado sa lahat ng nakarelasyon ko.Nakilala ko siya sa birthda

  • Mayor Ishmael (SPG)   Chapter 02

    Jae-young Malalim akong humugot ng hangin ng makapasok kami ni Seven sa mansyon ng mga Martinez. Akala ko nga matatagalan akong makiusap sa maid na nakita ko sa hardin nila. Mabuti pumayag ng sabihin ko sa kaniya na mag-ina kami ni Ishmael Martinez. Noong una natigilan pa matagal akong pinagmasdan. Kalaunan tahimik niya kaming pinapasok sa loob ng mansyon. Pinaupo kami sa magarang sofa at dinalhan ng meryenda. Tatawagin pa raw niya ang magulang ni Ishmael. Dahil bago lang daw umakyat ang mag-asawa nang dumating kami. Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga habang inaantay ko ang pagbaba ng magulang ni Ishmael Martinez. Sari-sari ang iniisip ko. Kung matatanggap ba nila si, Seven. Kung itataboy ba kami ni Seven. Kasi usually mga ganitong mayayaman, kadalasan matapobre sila at kailangan mayaman din ang gusto nila para sa mga anak nila. Gusto ko nga sana itanong kung bakit sa magulang ni Ishmael. Bakit iyon ang tatawagin nila. E, ang hinahanap ko naman si Ishmael. Hindi sumagot, n

  • Mayor Ishmael (SPG)   Chapter 01

    Jae-young “Tay! Narito na po ako,” malakas kong sigaw kahit malayo pa ako sa bahay namin. Halos takbuhin ko na ang pinto namin sa pagmamadali makararing sa loob ng bahay namin. “Jelay?!" Nanlaki ang aking mata nang masilayan ko ang kakambal ko na ilang taon din hindi ko nakita. Nakaupo siya sa harapan ni Tatay, nasa sala sila at masaya silang nagkwe-kwentuhan ni Tatay. “J-Jelay?” muli kong sabi, sabay pumiyok ang boses ko sa labis na galak, dahil muli ko s'yang nakita after seventeen years na magkahiwalay kaming magkapatid. Limang taon lang kami ni Jelay, nang maghiwalay ang Nanay at Tatay namin. Siya ang sinama ni Nanay at nagtungo sila ng Maynila. Ako ang naiwan kay Tatay rito sa Mindanao. Noong una, tumatawag pa si Nanay sa ‘kin para kumustahin ang aking kalagayan. Halos linggo-linggo tinatawagan niya ako. Hanggang sa naging madalang ang mga tawag ni Nanay sabi busy sa trabaho, kaya sa mura kong edad maaga akong nag-matured at nauunawaan ko ang sitwasyon nila ni Tatay bak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status