LOGINJae-young
Tipid akong ngumiti sa ginang, pagkatapos n'yang makausap si Ishmael. Susundin kaya siya ng daddy ni Seven? Parang sa reaksyon niya kanina habang nag-uusap sila ni Ishmael. Nagrerekalmo ito parang ayaw umuwi sa bahay nila. “Ma'am, babalik na lang po siguro kami ni Seven,” sabi ko sa kaniya subalit umiling lang ang ginang ayaw kaming pauwiin ni Seven. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. “Darating si Ishmael ako ang bahala roon,” wika niya't nilahad ang kamay kay Seven. Nag-angat ng tingin si Seven, sa 'kin. Animo humihingi ng permiso sa ‘kin kung papayag ba akong umalis siya, sa pagkakaupo sa hita ko. Nakangiti akong tumango. Pagkakataon na ng pamangkin ko na maging malapit sa lolo at lola niya. Kaya bakit hindi ako papayag. Bumaba sa hita ko si Seven. Inalalayan naman siya ng Mommy ni Ishmael para umupo rin sa hita niya. Sobrang saya ko habang pinanood siya masayang nakakalong sa mommy ni Ishmael. Lalo na ng yakapin siya ng ginang at walang ka-arte-arte na hinalikan sa pisngi ang pamangkin ko. “Ang guwapo naman ng apo ko,” saad ng mommy ni Ishmael. Pagigil pa niya niyakap si Seven. Naisip ko silipin ang daddy ni Ishmael. Pinagmamasdan niya sina Seven. Hindi ko mabasa kung natutuwa ba siya o nagagalit. Pero hindi naman madlim mukha nito na parang against sa pamangkin ko. Baka talaga seryoso ang daddy ni Ishmael ganito lang siguro. Typical naman talaga sa mga lalaki mahirap patawanin kaya naiintindihan ko ito. “Ako nga pala si Lola Brenda. At siya naman si Lolo Mattheus,” wika ng ginang, sabay tinuro niya si Sir Mattheus. Nagpababa si Seven. Akala ko nga anong gagawin kaya nanlaki ang mata ko baka maglalaro. “A-anak, S-Seven! I told you bawal malikot,” nataranta ako bumungisngis lang ang bata. Aba't pinagtatawanan lang ako nito. “Ehehe…mommy pupunta lang po Seven, Lolo Mattheus,” aniya kaya nakamot ko na lang kilay ko. “Okay lang iyan hija. Hayaan mo siya maglaro,” saad sa akin ng ginang. “Baka po kasi makabasag,” mahina kong sabi natawa lang ito. Napatingin ako kay Seven. Nagmano sa Lolo Mattheus niya akala ko nga mabibigo si Seven. Pero natuwa ako ng ngitian siya ng Sir Mattheus, ginusot pa buhok ni Seven at kinarga pagkatapos ay inupo niya si Seven sa hita niya. Bigla kong naisip ang sinabi ng kapatid ko. Hindi raw siya tanggap ni Ishmael. Bakit kaya hindi rito sa magulang ni Ishmael nagpunta? Mabait naman pala ang magulang ni Ishmael. Sa paraan ng pagharap sa ‘min. Mabuti silang tao. Ni hindi nga kami pinagtabuyan ni Seven. “Welcome kayo rito ng apo ko. Sandali, hindi mo pa sinabi ang pangalan mo,” saad niya. Ay oo nga pala nakalimutan ko sabihin sa kanila. Ewan ko kung bakit si Jelay, name ko ang ginamit niya noong pumunta siya sa office ni Ishmael. Talaga hindi ko alam kung anong plano ng kakambal ko. Pero sana pagdating ng araw maging maayos siya. Hindi magalit sa 'kin ang magulang ni Ishmael. at sana rin bumalik sa dati ang buhay ko. “Jae-young De Paz,” tugon ko. Tumango-tango si Ma'am Brenda. Wala akong nakita na mayroon s'yang pagduda sa ‘kin. Sana nga lang bago nila malaman itong pagpapanggap ko. Magaling na si Jelay. “Mommy na lang din itawag mo sa ‘kin,” saad niya nanlaki ang aking mata. Seryoso ito? “Mommy?” inulit ko lang naman, kasi wala akong masabi tumango si Ma'am Brenda. “May anak na naman kayo ni Ishmael. Okay lang iyan. Akong bahala sa lalaking ‘yon,” sabi pa niya puno ng pangako. Hinayaan ko si Seven maglaro sa malawak nilang living room. Dahil na rin sa utos ng Mommy Brenda. Kapag mayroon daw nabasag. Babayaran ni Ishmael, iyon ang sisingilin niya. Pero alam ko biro lang niyon kasi bumungisngis ang ginang. Tahimik lang ako pinanonood si Seven. “Jae, saan pala kayo nagkakilala ni Ishmael?” habang nanood ako kay Seven nagtanong si Mommy Brenda. Lihim akong napalunok. Hindi namin ito nagpag-usapan ni Jelay, ah. Bahala na nga. Kung ano lang ang alam ko kalimitan nagkakilala ang isang babae at lalaki. “Sa disco-an po,” wika ko sabay napayuko ako kunwari ako'y nahihiya. “Okay lang ‘wag kang mahiya, hija,” tugon niya kaya tumingin ako sa kaniya. “Salamat po Ma'am Brenda sa pagtanggap sa ‘min ng anak ko,” "Ma'am Brenda? Hindi ako titser," sabi niya kinapatda ko. Malakas na halakhak ang narinig ko. "Just kidding. Ikaw naman kasi 'ma'am ' tawag sa 'kin. Sabi ko mommy and daddy na lang ikaw talaga makukurot ko singit mo," wika niya. "O-okay po, mommy," sagot ko. “Walang Martinez na tumatakbo sa responsibilidad,” tugon niya ngunit napaisip pa rin ako sa kaniyang sinabi. Kasi kung tinanggap agad ni Ishmael si Jelay. Wala ako ngayon sa harapan nila. Sinarili ko na lamang ang aking iniisip. Ang mahalaga naman. Maayos n'ya kaming tinanggap rito sa bahay nila.Hello po dear readers. Sa hindi po nakakaalam. Si Ishmael Martinez po, kapatid po siya ni Alexaiver Martinez. Kung gusto niyo po mabasa lahat ng mga 'Martinez clan'. Ito po pagkakasunod ng mga story nila. Secretly In Love With You, Hot night with Mattheus Martinez. Alexaiver Martinez. Maraming salamat po sa patuloy na suporta.
Jea-young Namumula ang mga mata niya. Hindi dahil sa galit. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa luha na pilit niyang pinipigilan. "Dong, positive naman bakit naiiyak ka pa?" wika ko sa kaniya. “Wife,” bulong niya, halos hindi lumalabas ang boses. “Are you sure, wifey?” nagtanong pa talaga ano ba ang hawak ko hindi pa s'ya sure. Tumango ako. “Dalawang test nga iyang ginawa ko, same positive. Kung hindi pa iyon sure ewan ko na lang. Ito lang ang itinabi ko una kong subok,” “Magiging daddy na ako?” mahina niyang sabi mukha pa nga parang tanong niya sa sarili niya hindi sa akin. Napangiti ako kahit may luha na rin sa mga mata ko. “Yeah,” Bigla niya akong hinila at isang mahigpit na yakap. Ramdam ko ang pag-alog ng balikat niya. Napangiti ako umiiyak o tumatawa? Lumayo siya nang kaunti para tingnan ako. May luha nga sa gilid ng mata niya. “Jae-young Martinez,” saad n'ya paos ang boses niya. "You gave me the best news of my life." Hinawakan niya ang tiyan ko nang marah
Jea-young Bigo kami umuwi ni Ishmael. Pero sinubukan ko pa rin tawagan at text si Jelay. Gano'n pa rin out of coverage ang phone n'ya. Kaya hanggang pagtulog namin ay balisa pa rin ako paano sila mababawi kay Rico. Hindi ako makatulog ng maayos. Nag-aalala kasi ako sa kanila ni Seven. Halos hanggang hating-gabi na akong nakatitig sa kisame. Nakapikit ako para lang isipin ng Ishmael na tulog na ako. Ngunit gising na gising talaga ako. Kahit na mahigpit ang yakap n'ya sa akin hindi pa rin ako dalawin ng antok. Bandang madaling-araw yata ako nakatulog. Hindi ko na sinilip sa wall clock kung anong oras iyon. Pero parang saglit pa lang ako napipikit dahil nagmulat ako ng mata ko para kasi umiikot ang paligid ko. Mabigat ang katawan ko at mayroon umiikot sa sikmura ko. Nasusuka ako kaya mabilis akong umupo sa kama nagulat pa ang tulog na tulog na asawa ko sa bigla kong pagbangon. Sinilip ko ang oras. Alas-sais na rin pala ng umaga. Papasok din kasi si Dodong Ishmael kaya siguro na
Jea-young "Dong, ayaw ko. Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo," "Wife!" saad niya ngunit wala s'yang nagawa dahil ako na mismo ang nagbukas ng kotse nakaabang sa kaniya. Natanaw ko naka masahe si Dodong Ishmael sa batok niya pagkatapos ay kinakausap n'ya sina Kuya Locerio at sina Kuya Gener. Nang tapos na kausapin. Lumakad sina Kuya Gener sa kotse na service ko. Isasama na lang yata n'ya dahil kasama rin naman ako. Sumakay siya sa tabi ko iiling-iling. "Tigas talaga ng ulo ng asawa ko," parinig niya. "Mayor, aalis na po ba tayo?" tanong ni Kuya Locerio. "Oo Kuya. Ano pala ang gagawin natin dito sa loob ng kotse kung hindi tayo aalis?" ako ang sumagot natawa sila pareho ni Kuya Bruno. "Kasi ma'am diba ayaw ka pasamahin ni boss?" sagot ni Kuya Locerio. "Nah, anong ayaw. Kung kaya n'ya akong hilahin palabas ng kotse hindi ako sasama," "Ayon lang hindi naman talaga kaya ni boss. No choice talaga siya kundi pagtiygaan na lang—" "Aray mo Kuya Locerio. Mabuti pa po magman
Jea-young Bandang hapon habang nagpapahinga ako sa k'warto at si Dodong Ishmael, nasa living room dahil nagtungo rito ang sekretarya niya mayroon daw ngayon need pirmahan si Mayor. Bukas ang TV ngunit ang tahimik dahil ako lang mag-isa. Iniiwasan ko rin kasi tingnan ang wallpaper ng phone ko kasi picture namin tatlo ni Ishmael at Seven. Nalulungkot lang kasi ako kapag nakatingin ako sa picture ni Seven. Sa sobrang tahimik nainip ako kaya pinatay ko ang TV. Lalabas na lamang ako at pupuntahan si Ishmael sa baba. Dinampot ko ang phone ko ngunit tumatawag si Jelay kaya excited akong sinagot agad iyon. “Hello Jelay? Woi nag-text ako sa iyo. Jelay, bakit ka hindi nagre-reply sa akin?! Kumusta si Seven. Jelay, parang awa mo na. Payagan mo naman akong makita si, Seven. Jelay, payagan mo na ako gusto ko lang talaga makita si Seven dahil miss ko na siya.” Tahimik sa kabilang linya. Anong nangyari roon kanina pa ako daldal nang daldal wala siyang ni isang sinabi. “Hello. Jelay, hel
Jae-young Pabalik na kami ngayon ng Samar. Ewan ko ba kanina pa ako hindi makali. Kinakabahan ako na ewan hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nahalata yata ng asawa ko kasi hinawakan n'ya ang kamay ko tipid akong ngumiti sa kaniya dahil kumunot ang noo tila pinag-aaralan niya ang reaksyon ko. “Kanina ko pa napansin ang lalim ng buntonghininga mo, wife?” pagkatapos ay pinagmasdan na niya ako. Kahit ako hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. “Excited lang ako umuwi,” saad ko na lang sa kaniya pero nakataas kilay niya parang hindi siya makapaniwala sa aking sinasabi. "Totoo naman iyon hubby," laban ko pero kinabig niya ako para isandal niya ako sa dibdib niya. Paglapag namin sinalubong kami nila Kuya Bruno at Zosimo. Ganito palagi ang buhay kapag nasa labas. May escort may security may mga matang nakamasid sa 'min. Ngunit ngayon hindi ako makakali. Ayaw ko na nga isipin kalmado lang asawa ko ako lang ganito. Habang bumabyahe kami papunta sa Villa mas lalong lumalakas ang ka
Jelay pov Ilang linggo ko na kasama si Seven. Pero pakiramdam ko ang layo-layo n'ya pa rin sa akin. Laging hinahanap si Jae. Nagseselos ako sa kapatid ko, ako ang ina ni Seven. Bakit gano'n iba ang hinahanap n'ya. “Seven, gusto mo bang mamasyal tayo, anak?” masaya kong tanong sa kaniya. Natigilan siya parang inaaral niya kung tana ang narinig n'ya. Tumingin siya sa akin pero blanko ang mga mata n'ya. Maganda lang hindi siya galit pero ayaw n'ya lumapit sa akin. Bumuntonghininga ako at umupo sa gilid n'ya. Natuwa ako dahil hindi siya umiwas ng haplusin ko ang pisngi niya. “Alam mo ba mahal na mahal kita,” wika ko pumiyok ang boses ko. Nang hindi siya sumagot. Ngumiti na lang ako hinalikan siya sa pisngi niya. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Hindi puwedeng ganito. Kailangan kong maging strong para sa kaniya. Ayaw ko siyang sukuan kahit sobrang nasasaktan ako sa pagiging cold n'ya sa akin. Tahimik ko siyang iniwan. Wala naman s'yang imik kaya tuluyan akong lumabas. Pisti







