Share

Chapter 4

Penulis: Eckolohiya23
last update Terakhir Diperbarui: 2022-07-15 11:46:05

ALAS- TRES ng madaling araw, kinailangang pumasok nang maaga ni Tracy sa restaurant. May biglaang natanggap na bulk ng order ng breakfast ang kainan. Isang breakfast serving para sa isang conference ng mga negosyante sa Sta. Maria at karatig-bayan. Hindi niya pinapalagpas ang mga nasabing pagkakaton dahil isang paraan iyon para makilala pa ang Zenai’s Diner. Pinapasok na rin niya nang maaga ang mga kasamahan niya pero baka parating pa lang ang mga ito.

Kaya ko ito! aniya na sinimulan na niya ang trabaho. Dala ang isang bowl na kinalalagyan ng mga bahagi ng manok na ibinabad niya nang magdamag sa asin at asukal. Marahan niyang inilagay iyon sa steaming machine para maluto nang ganap ang karne. Mamaya ay ipa-fry na niya iyon.

Ang kanilang fried chicken ang isa sa best-selling menu nila. Ayon sa mga customer nilang nakakain ay walang panama doon ang kaparehong produkto sa mga nasa fast-food chain.

Sinimulan na rin niyang i-check ang iba pang menu para matiyak na kumpleto at maayos na maiihanda. Maraming pang dishes ang kailangang mailuto pero ipapaubaya na niya kay Myrna. Nag-message ito sa kanya na paparating na.

Ang mga nauanang manok na tapos na niyang i-steam ay sinimulan niyang i-deep fry. Kumanta-kanta pa siya sa ginagawa niya para labanan ang natirang antok.

Subalit napatigil siya sa ginawa. Nakarinig siya ng malakas na kalabog sa may labas ng restaurant. Alertong pinatay muna niya ang frying machine dahil wala pa siyang pwedeng mapagbilinan. Nagbitbit siya ng isang may kahabaang kahoy na pwede niya gawing panangga sa sinumang masasamang loob na nasa labas.

Lumakad siya ng walang-ingay ang paa patungo sa may pintuan. Dahil may bubog na bahagi ang dahon ng pinto ay nasilip niya ang tanawin sa labas. Napansin niya na malakas pala ang ulan.

Teka, sino naman ito? tanong niya sa sarili sa nakita niya sa may ibaba ng pinto. Isang lalaking nakabulagta ang nakita niya doon at masasabing buhay pa dahil nakita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito.

May kakaibang kaba tuloy sa dibdib niya. Hindi niya malaman kung katatakutan ba niya?

Kinakabahan man, nilabas pa rin ni Tracy ang nakita niyang nakabulagtang lalaki sa labas ng restaurant niya. Napansin niya ang suot nitong damit na halatang mamahalin at masasabing hindi ito isang palaboy.

“Mister, gising na po, nasa restaurant ka po.” Niyugyog niya ang balikat ng estranghero. Malinis naman ang makinis nitong mukha at nakapikit ang mga mata. “Wala ka po sa motel. Mister!”

Umungol lang ito sa ginawa niya pero hindi nagmulat ng mga mata. Naamoy niya hininga nito na amoy-alak. Nakainom dito at marahil ay sumilong sa may entrada ng Tracy’s Diner nang abutan ng ulan. At heto nga ay iginupo ng antok dulot ng kalasingan.

Eksaktong dumating naman si Myrna at si Rigor. Parehong nag-uusisa ang tingin nito sa kanya at maging sa lalaking nasa labas ng kainan.

“Ano pong nangyari dito Ma’am,” tanong ni Rigor na nagpalipat-lipat pa rin ang tingin sa kanilang dalawa ng estranghero. May himig pag-aalala ang boses nito.

Napatayo siya. “A drunk guy, napagkamalang hotel ata itong restaurant natin. Ginigising ko nga eh kaso napahimbing pa ng tulog.”

“Paanong gagawin po natin n’yan?” napapaisip na tanong ni Myrna. “Baka, abutan pa siya ng opening natin bago ‘yan magising.”

“What if ipasok na muna natin sa loob ng resto, Ma’am?” suggestion ni Rigor.

Napaisip siyang muli. May kung anong pagkaawa naman ang humaplos sa puso niya. Saka mukha namang harmless ang lalaki. “S-sige, sa loob na muna siya at ihiga natin sa may sofa malapit sa office ko.”

At pinagtulungan nga nilang tatlo na buhatin ang katawan ng lalaki. May taglay na kalakiha at katangkaran kung kaya napahingal sila pare-pareho. Mabuti na lang at hindi kalayuan ang kanilang pinagdalhan.

Pinapunta na niya ang dalawa sa kitchen matapos niyang bigyan ang mga ito ng instruksyon. Naiwan siya sa sofa na kinahihigaan ng lalaking tulog na tulog pa rin.

Bigla itong tumihaya ng higa buhat sa pagkakatagilid ng katawan. Doo’y ganap na nahantad ang mukha nito. napaarko ang isang kilay niya nang parang nakita na niya ito dati pa. Inapuhap niya sa isip niya hanggang sa maalala na nga niya. At tama nga siya.

“Ang supladong lalaki na inabutan ako ng panyo,” anas niya. subalit hindi niya napigilan ang atraksyon para dito. Minsan pang nakuha nito ang atensyon niya. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit ganoon lang ang kakaibang epekto nito sa sistema niya.

Bumalik siya ng kitchen para tumulong kay Myrna at Rigor sa pag-aayos ng mga in-order na pagkain na ipi-pick-up na mamayang ika-pito ng umaga. Matapos niyang lutuin ang pinakahuling putahe ay naisipan niyang balikan ang natutulog na lalaki sa sofa.

Pagdating niya doon, nakita niya na gising na ang lalaki at nakaupo na sa sofang hinigaan nito. Palinga-linga nang may pagtataka ang tingin nito sa paligid.

“Mabuti naman at gising ka na pala,” bungad na sabi niya dito. “Akala ko, aabutin ka pa ng tanghali eh.”

Awtomatikong napalingon ito sa kanya. “Nasaan ako?”

“Andito ka lang naman sa restaurant ko Mister.” Pinameywangan pa niya ito. “Pasalamat ka nga at mabait kami dito at hinayaan kang matulog dito sa loob dahil lasing ka.”

“Shit! I need to go home now,” nabiglang sabi nito na napatingin sa suot na mamahaling relo. “S-sorry kung naabala ko kayo dito.”

“Mister, magkape at kumain ka muna bago ka umalis,” pagpigil niya dito. Parang nais itong pigilan ng puso niya na umalis. “Ayokong maging cargo de konsensya pa kita kung mag-collapse ka naman sa pagkagutom.”

Humakbang siya sa may bungad ng kitchen. Tinawag niya si Myrna para utusang maghanda ng pagkain sa kanilang unexpected guest. Nagpunta muna siya sa pantry para magtimpla ng kape. Dala ang tasa na may lamang mainit na likido na binalikan niya ang lalaki.

“Nagmamdali ka naman yatang umalis,” puna niya sa lalaki na naabutan niya na nakatayo na. Napatigil sa paghakbang ang mga paa nito pagkakita sa kanya.

“I need to go, handa kong bayaran ang pag-stay ko dito, kasama na roon ang pang-aabala ko,” anito na akmang dudukutin ang wallet nito sa back pocket ng suot na pantalon.

“At hindi ‘yan ang kabayaran na gusto ko,” pagpigil niya sa gagawin nito. “Better keep your money or ibigay mo sa mas nangangailangan.”

Nangunot ang noo nito. “So what do you want?”

Nilapitan niya ito saka marahang itinulak ang katawan nito para mapaupo muli sa sofa. “Inumin mo muna itong kape.” Iniabot niya dito ang tasa at wala itong nagawa kundi tanggapin iyon. “Yan ang payment na gusto ko, bago kita paalisin.”

Naiiling ito sa ginawa niya. Napangiti siya nang humigop na ito ng kapeng tinimpla niya. Halatang nagustuhan naman nito ang lasa dahil walang pagngiwi ang gwapong mukha nito.

“Ma’am heto na po ang breakfast na ipinaluto ninyo,” pagdating ni Myrna na may dalang tray ng mga bagong lutong pagkain.

Hinila niya kaagad ang isang lamesa patungo sa kinauupuang sofa ng lalaki. “Dito mo siya ilagay para makakain na ang guest natin.”

Sumunod naman ang cook niya at pinabalik na rin niya kaagad sa kitchen. Binalingan niyang muli ang lalaki na katapos lang humigop ng kape. “Here, kainin mo ito para may laman ang tiyan mo bago ka umalis.”

May pag-aalinlangang napatingala ito sa kanya. Halata ang pagkadisgusto sa mukha nito sa inuutos niya dito. Masasabing galing ito sa marangyang pamilya dahil kakinisan at maging sa aral na mga kilos.

“Pwede bang huwag na?” anito. “Okay na sa akin ang kape at sa bahay na lang ako kakain.”

“Hindi ka aalis dito nang hindi ubos ‘yan Mister,” parang bata na saad niya dito. Nailing lang ito sa sinabi niya. Nanatiling tinititigan ang pagkaing ipina-serve niya para dito. Nagtatalo sa isipan kung kakain ba o hindi.

Nang hindi pa rin ito kumilos para kumain, bigla niyang dinampot ang cellphone nito na nakapatong sa lamesa.

“Hey, anong gagawin mo?” napatingkayad ang katawan nito para abutin ang personal na gamit nito na kinuha niya.

Mabilis niyang naiiwas ang kamay sa kamay nito. Isang nakakalokong ngiti ang kumintal sa labi niya. Nais niyang pakabahin ito.

“Huwag kang mag-alala, hindi ko naman ito nanakawin sa’yo.” Kinindatan pa ni Tracy ang lalaki habang hawak pa rin ang cellphone nito. Ni-touch na niya ang screen n’on pero napansin niya na naka-lock iyon.

“Then, bakit mo kinuha ‘yan?” nagtataka na naiinis ng tanong nito. napaupo itong muli matapos na hindi matagumpay na makuha sa kanya ang naturang gadget.

Imbes na sumagot siya ay lumapit siyang muli dito. Itinapat niya ang screen ng cellphone nito para ma-unlock. Naka-face lock kasi ang gamit nitong security. Nagtagumpay naman siya at lumayo siyang muli dito.

“Kalma lang kasi Mister,” aniya na kinuha niya ang wallet at inilabas niya ang isa sa valid ID niya. Kinuhaan niya iyon ng picture gamit ang cellphone nito ng front and back.

“You’re unbelievable,” naiiling na sabi nito habang manghang nakatingin sa kanya.

Nakangiting ibinalik niya ang cellphone nito. “Ayan, siguro naman ay pwede ka nang makakain n’yan. Andyan ang ID ko with my latest number. Pwede mo akong balikan dito kung palagay mo ipo-food poison kita.”

“Okay fine, kung ito lang kabayaran para makaalis ako dito,” sumusukong sabi nito. Dinampot nito ang kutsara at tinidor saka nagsimulang kumain ng almusal.

Naaliw naman siyang pagmasdan ang maganang pagkain nito. para itong palabas na hindi nakakasawang panoorin. Maya-maya ay iniwan niya ito saglit para bumalik sa kitchen. Eksaktong patapos na ang preparation ng mga order sa kanila.

Paglabas niya ng kitchen ay nagulat pa siya nang masalubong niya ang lalaking ‘unexpected guest’ niya. Siya naman ang napatingala dito dahil mataas ito sa kanya. “Andyan ka na pala, babalikan sana kita sa sofa.”

“I have to go at sigurado naman na wala ng dahilan para mag-stay pa ako dito,” seryosong sabi nito. kating-kati na ang paa nito na makaalis.

“Okay, mukhang hindi ka na mapipigilan eh,” aniya na matamis itong nginitian pero may panunudyo ang kislap ng mga mata niya. “Feel free to come back here kung maghahanap ka ng makakainan dito sa Sta. Maria.”

“Okay, thanks.” Tumango ito saka tinalikuran na siya. Wala na siyang nagawa kundi panoorin ang naglalakad na bulto nito na palabas ng restaurant niya. Parang nalungkot bigla ang puso niya sa pag-alis nito.

“In fairness Ma’am, ang gwapo pa niya saka mukhang rich,” biglang sabi ni Myrna na nagpapitlag sa kanya. Hindi niya namalayan ang paglapit ng cook niya.

“Kaya nga eh.” Tumingin siya dito. “Nagtataka nga lang ako kung saang lupalop siya ng Sta. Maria nanggaling at nalasing siya sa labas.”

“Ay naku Ma’am, baka nagpilit siyang makauwi at palagay ay kaya pa. May mga ganoon na mag-iinom na feeling strong pa rin kahit lasing na talaga.” Napatawa pa nang mahina ang babae.

“Baka nga, seryoso na pagkapasaway ang isang iyon. Swerte n’ya dito siya napadpad,” minsan pa siyang tumingin sa pintong nilabasan ng lalaki sa restaurant niya. “Back to work na tayo at malapit na ang opening natin.”

Sa sumunod na sandali ay naging abala na silang lahat paghahanda sa regular business operation nila sa araw na iyon. Tulong-tulong sila sa paglilinis ng mga lamesa, upuan at bawat sulok ng restaurant. Tiniyak din nila ang kalinisan ang labas at higit sa lahat ang kitchen.

Pumuwesto na siya sa kaha ng restaurant nang matapos mapuno ang restaurant ng mga customer. Siya na rin kasi ang tumatayong kahera pero baka kumuha na rin siya ng tao para doon. Nagiging multi-tasker na rin siya lalo na kapag kailangan siya sa kitchen.

Peak hours na muli ng kainan dahil tanghalian na. Nasa kaabalahan na silang lahat para magawa ng maayos at mahusay ang trabaho. Habang naghihintay siya ng bayad sa mga bill ay naisipan niyang mag-browse muan sa social media account niya.

Napatigil siya sa pag-scroll sa isang post. Isang business news iyon na umagaw sa kanyang atensyon sa headline na nakalagay.

Fien Montagne Becomes the 3rd CEO of Montagne Development Corporation.

Na-focus ang tingin niya sa litratong naka-attach sa naturang balita. Parang na-malikmata siya nang mamasdan iyon at nang makilala pa niya. ‘Siya ba talaga iyon?’

Ang hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Kamukhang-kamukha kasi ng lalaking ‘unexpected guest’ niya kanina ang lalaki sa business news na iyon. Malinaw na malinaw pa rin sa diwa niya ang itsura nito at hindi maipagkakaila na ang bagong gwapong CEO ng sikat na developer sa province nila.

EKSAKTONG pagbalik ni Tracy sa office niya ng umagang iyon nang maabutan niya na nagri-ring ang cellphone niya. isang tawag buhat sa unknown number pero napansin niya ang maraming missed call. Abala kasi siya kanina sa pagluluto ng isang best-selling menu nila. Sa pagkakataong iyon ay sinagot niya ang tawag.

“Hello po, oo, ako nga po ang anak niyang Tracy Alcantara,” ang kaagad na sagot niya sa kabilang linya.

Nagimbal siya sa nalamang balita. Isang emergency call, nasa hospital ang Papa niyang si Hernando dahil sa isang aksidente. Nawalan ng preno ang sinasakyang van nito patungong Manila at sumalpok iyon sa isang puno.

Naging mabilis at alerto ang sumunod niyang kilos. Kaagad siyang nagbilin kay Myrna at sa mga kasamahan na ang mga ito muna ang bahala sa restaurant. Nakasakay siya kaagad ng tricycle patungo sa hospital na pinagdalhan sa ama.

Mga ilang sandali pa ay humahangos siya papasok sa loob ng dalawang palapag na gusali. Kaagad niyang itinanong sa information center kung saan naroon ang ama. Nalaman niyang sa Emergency room pa ito. Walang pag-aatubiling nagtungo siya doon.

Eksaktong pagdating niya sa may pinto ay lumabas ang doctor. Lumapit siya dito. “Doc, kumusta po ang Papa?”

Tumigil sa paglakad sa doctor saka binalingan siya. “Maraming dugo ang nawala sa ama mo Miss, kailangang masalinan siya ng dugo sa lalong madaling panahon.”

“Gawin n’yo po ang lahat ng nararapat Doc, para makaligtas ang aking ama,” puno ng pakiusap niyang sabi. Abot-abot ang matinding kaba dahil sa matinding pag-alala niya.

Bago pa makapagsalita ang doctor ay nilapitan pa ito ng isang nurse.

“Doc, wala na po tayong supply ng dugo na kailangan ng pasyente. Wala pa rin pong kasiguruhan sa Blood Bank.”

Nag-aalalang tumingin sa kanya ng Doctor. “We need a blood donor para sa iyong ama Miss. Narinig mo naman ang sinabi ng Nurse.”

Tumango siya. “Doc, willing ako mag-donate ng dugo para sa aking ama. Tiwala ako na magka-blood type kami.”

“Sige sumama ka kay Nurse Anne sa lab para ma-check natin kung compatible ang blood type mo sa father mo,” utos ng doctor sa kanya.

Kaagad naman siyang tumalima. Sa unang pagkakataon ay na-check ang blood niya. Sumailalim na nga siya sa cross matching. Sana nga ay madugtungan niya ang buhay ng Papa niya sa kabila ng mga hinanakit niya dito.

Makalipas ang ilang ng sandali ay nilapitan siya ng babaeng medical technologist. Nabigla siya at hindi niya mapaniwalaan ang resulta ng cross-matching na nagpatulala sa kanya. At nagpayanig ng buong pagkatao niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Juvy Pem
Baka anak siya nung artista...
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
hala bka di sya anak ng kinikilalang magulang mya...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Meant to be Yours    Finale

    BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a

  • Meant to be Yours    Chapter 94

    MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin

  • Meant to be Yours    Chapter 93

    HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a

  • Meant to be Yours    Chapter 92

    “IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko

  • Meant to be Yours    Chapter 91

    NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b

  • Meant to be Yours    Chapter 90

    “YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status