Share

Chapter 5

“TOTOO po ba talaga ito, Ma’am?” naniniguradong tanong ni Tracy sa medical technologist na nag-cross check ng dugo niya. Bakas na bakas sa mukha niya ang matinding panlulumo.

“Yes Ma’am, I’m sure about sa accuracy ng result,” kaagad na tugon ng medtech. “Hindi po kayo magkapareho ng blood type ng father mo, type O po siya samantalang kayo po ay AB Negative.”

Mariin siyang napailing. “I can’t believe it. Napaka-impossible po ng result na ito.”

Nakakaunawang tumingin pa ito sa kanya. “Ngayon n’yo lang po ba nalaman ang inyong blood type Ma’am?”

“Actually yes, simula nang malaman ko na parehong type O dugo ng mga magulang ko ay nag-assume ako na ganoon na rin ang blood type ko. Kaya nga hindi ako nag-atubiling mag-donate ng dug okay Papa,” may mga kung anong nagsi-sink-in sa utak niya dahil sa resultang iyon.

“I’m sorry Ma’am pero hindi po talaga kayo pwede maging blood donor sa father ninyo. Same blood type lang po ang kailangang maisalin sa kanya,” dagdag imporma ng medtech. “Much better kontakin n’yo na po ang mother ninyo o kahit sinong kakilala ninyo with the same blood type of your father.”

Nakuha pa rin niyang tumango sa gitna ng kalituhan sa utak niya. Tila may naghuhumiyaw na katotohanan na ayaw muna niyang i-entertain sa ngayon.

“Sige Ma’am, salamat po at aalis na rin po ako,” pagpapaalam niya at humakbang na siya palabas ng laboratory ng hospital.

“Ma’am, s’ya nga po pala,” pahabol ng medical technologist na nagpatigil sa kanya sa paglakad. “Ang inyo pong blood type na AB negative ay very rare unlike po sa parent ninyo na mas common.”

At nadagdagan pa ang palaisipang dinadala niya. Hindi na niya malaman kung paano pa siya magri-react sa impormasyong iyon. Lulugo-lugo na lumabas siya ng laboratory. Nanghihina siya sa panlulumo na napaupo sa upuan sa labas ng emergency room.

Labag man sa loob niya ay tinawagan pa rin niya ang Mama niyang si Consuelo. Napuno kaagad ng matinding pag-aalala ang boses ng ina nang malaman ang sinapit ng asawa.

Makalipas ang ilang sandali, nakita niyang humahangos na dumating ang Mama niya kasama si Lyra. Sa kalalabas lang doctor ang mga ito unang lumapit at parang naging hangin sa mga ito ang presensya niya. Narinig niya ang sinabi ng Mama niya na ito na ang magiging donor ng dugo sa Papa niya.

Tumayo siya saka lumapit sa Mama at kapatid niya. “Tawagan n’yo na lang po ako sa update kay Papa, babalik po muna ako sa restaurant,” kusa na siyang nag-abot ng pera sa ina. “Sabihan n’yo na lang po ako kung kulang pa ito. Ako na po ang sasagot ng hospital bill.”

Hindi na niya hinintay na magsalita pa si Consuelo. Tinalikuran na niya ang mga ito at lumakad palabas ng hospital. Ang daming tanong sa isip niya pero ilalagay niya sa timing ang pag-alam sa mga kasagutan.

Pilit niyang ipinapaniwala sa sarili na baka isolated case na hindi niya kapareho ng blood type ang mga magulang. Baka nagkataon lang. may kabigatan man ang paa niya sa paghakbang pero kailangang harapin muna niya ang dapat harapin.

LUMIPAS ang buong araw na nagawa pa rin ni Tracy ang trabaho sa sariling restaurant. Kahit hindi pa siya nakaka-move on sa naging resulta ng cross matching ng dugo niya kanina. Mabuti na lang ay may online money transfer kung kaya kaagad siyang nakapagpadala ng pera sa ina nang tawagan siya nito.

Closing na ng restaurant, ipinaubaya na muna niya sa kasamahan ang paglilinis ng restaurant. Nakatulala siyang nakaupo sa harap ng office table niya. Nakabukas ang laptop niya pero wala siyang nakabukas na file na tulad nang nakagawian niya.

Parang namamanhid ang isip niya sa mga katanungang hindi pa rin mabigyan pa rin ng kasagutan. Hangga’t maaari ay ayaw niyang question-in ang pagkatao niya. subalit iyon ang pilit na sumisiksik sa isang bahagi ng utak niya.

‘Isa ba talaga akong San Nicolas?’ ang muling tanong niya sa sarili. Alam niya na magkakaroon iyon ng kasagutan kapag gumaling na ang Papa niyang si Hernando.

“Ma’am, dinalhan na po kita ng coffee dito sa office mo,” pagpasok ni Myrna na may dalang tasa ng mainit na likido na nakapatong sa saucer. Marahan nitong ipinatong iyon sa ibabaw ng table niya.

Tiningala niya ito. “Maraming salamat Myrna, hindi ka pa ba pauwi?”

“Maya-maya po siguro Ma’am pero nauna na pong umuwi ang dalawa,” imporma nito sa kanya.

Tumango siya. “Ah okay, maraming salamat sa inyo huh, pasensya na hindi ko kayo masyadong na-supervise sa last remaining time ng operation natin.”

Naupo sa isang bakanteng silya ang cook niya at napansin niya na may hawak din itong isang tasa ng umuusok pang coffee. “Wala po ‘yun Ma’am Tracy. Napansin ko po na parang stress kayo pagkagaling ninyo ng hospital kanina, kaya ipinagtimpla na rin po kita ng coffee.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. nag-inat pa siya ng mga braso niya. Kinuha na rin niya ang tasa saka hinigop ang mainit at bagong timplang likido. Nagiging anti-stress na niya ang pag-inom ng brewed coffee.

“Ang dami kong iniisip ngayon Myrna, lalo na sa nalaman kong totoong blood type ko,” kusang pag-o-open niya ng usapan sa babae. Subok naman niya ito sa pagiging good listener. At dahil pareho sila ng kasarian ay madaling nagkaroon sila ng closeness sila sa isa’t isa. Kaibigan din naman ang turing niya sa dalawa pa niyang empleyado sa restaurant.

Humigop muna ito ng kape bago siya binalingan. “May bumabagabag ba sa inyo Ma’am? As usual, willing to listen po ako sa inyo.”

Matapos ang muling paghigop niya ng coffee ay malaya niyang ibinahagi dito ang mga natuklasan niya sa nagdaang araw. Ang mga maraming katanugang naglalaro sa isip niya.

“Oo nga Ma’am nakakapagtaka nga po ang result ng test sa inyo sa hospital,” ani Myrna. “Sabi nga po ng pinsan kong medtech din, basta parehong type O ang dugo ng mga magulang ay ganoon na rin sa anak. Sa case ninyo po, iba ang blood type niya at rare pa.”

“Kaya nga eh, iniisip ko kung totoong pamilya ko ba talaga sila,” nanlulumo niyang sabi.

“Besides Ma’am, ang blood type niya ay itinuturing na dugong bughaw.”

Kinabahan na naman siya. Kung totoo man ang hinala niya, ano ang hindi pa niya nalalaman sa pagkatao niya? Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. hindi nga ba siya totoong may dugong Alcantara?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
baka nga d k totoong anak nila baka ung sinasabing artista ang totoo mong ina Tracy
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status