Share

Chapter 58

Author: Eckolohiya23
last update Petsa ng paglalathala: 2022-10-17 22:14:00

“GRABE pala ang ginawa sa’yo ni Margaux hija,” nagpupuyos ang kaloobang sabi ni Filomena sa kanya habang magkatabi silang nakaupo sa back seat ng kotse ng Daddy niya. Ang kanyang ama ay nasa front seat at bumabyahe na sila pauwi. “Kung hindi ka nga lang sana napawalay sa amin, hindi sana mangyayari iyon. Kung bakit ba naman kasi.”

“Filomena, ang mahalaga ngayon ay hindi na mangyayari muli kay Tracy ang mga pang-aaaping dinanas niya noon,” biglang sabad ni Rolando at naramdaman nito na pinapa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
excited akong malaman .........
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ano kaya ang suggestion ng ama ni Fien
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Meant to be Yours    Finale

    BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a

  • Meant to be Yours    Chapter 94

    MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin

  • Meant to be Yours    Chapter 93

    HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a

  • Meant to be Yours    Chapter 92

    “IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko

  • Meant to be Yours    Chapter 91

    NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b

  • Meant to be Yours    Chapter 90

    “YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”

  • Meant to be Yours    Chapter 71

    “A-anong ginagawa mo dito Fien?” tanong ni Tracy sa asawa na naroon din sa sulok ng bakuran na kinaroroonan niya. Hindi niya malaman kung sinadya ba siya nitong sinundan sa nasabing lugar. Kaya pala parang naiba ang boses ng kumakanta ng isang awitin na iniiwasan niyang mapakinggan.Nakalagay pareho

  • Meant to be Yours    Chapter 70

    “HAPPY birthday Lola,” mangiyak-ngiyak na niyakap ni Tracy si Lola Meding. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na dinala siya ni Fien sa Sta. Maria. Ang akala niya ay sa unexpected business appointment ang punta nila ng asawa.“Salamat naman at nakarating ang mahal kong apo, akala ko ay mamaya

  • Meant to be Yours    Chapter 69

    “MISS na kita apo, hihintayin kita dito sa house mamayang gabi huh,” sabi ni Lola Meding sa kabilang linya. “Papunta na rin dito ang Mama at Papa mo at gusto ko na kumpleto tayo sa birthday celebration ko ngayon.”Hindi kaagad nakatugon si Tracy sa pag-imporma na iyon ng lola niya sa kinagisnang pami

  • Meant to be Yours    Chapter 68

    “WAIT me here, magbibihis lang ako,” biglang pagtayo ni Fien. Kusang napabitaw ang mga kamay ni Tracy sa ulo nito na kanina ay hinihilot niya.Nasundan niya ng tingin ang naglalakad na bulto ng asawa. Umakyat ito sa hagdan patungo sa master bed room. Nagtaka pa rin siya biglang pagbabago ng mood nito

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status