Share

Kabanata 5

Author: Callyrose
last update Last Updated: 2025-08-06 21:12:21

WALA sa television ang aking atensyon kundi nahulog sa malalim na pag-iisip. Dumating sa akin ang balita na ibang-iba raw ngayon ang aking asawa na si Lavinia. Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Alam kong ginawa na naman akong gagó ng babaeng iyon. Hindi ako papayag na manipulahin niya ulit ang isang tulad ko.

"Ares, nabalitaan kong nakita mo na ang spoiled bràt mong asawa?" Napukaw ang atensyon ko nang marinig ang tanong ng aking ama. Nag-angat ako ng tingin. Naramdaman ko ang dahan-dahan nitong pagtapik sa aking kabilang-balikat.

"Yes, dad."

"So, how's my grandson, Adam?"

"He's fine, dad. Nagdadalawang-isip nga ako na sana hindi ko iniwan si Adam sa bahay dahil alam kong sasaktan siya ni Lavinia kaya lang nagbago ang isip ko kanina nang makita kong niyakap niya ang bata. Something different about her but still I doubt her. Baka isa na naman sa mga taktika niya upang ako'y gawing gagó."

"Alam mong sinasaktan naman pala niya si Adam bakit mo ipinagkatiwala sa kanya ang apo ko?" Hindi maipagkakaila ang inis sa boses ng aking ama.

"Hayaan niyo at dadalhin ko si Adam dito."

Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ng aking ama. Naupo ito sa aking tabi at inilapag ang tasa ng kape sa glass center table. "Mabuti naman at natagpuan mo na siya. Ewan ko ba sa'yo at hindi mo kayang makipaghiwalay diyan sa asawa mo."

"Alam niyo namang nangako ako sa ama ng aking asawa na kahit anong mangyari ay hindi ko pababayaan si Lavinia, dad."

"That's bulls—hit!" Inis na sagot ng aking ama. Hindi na lamang ako umimik pa. "Ginagagó ka ng babaeng iyon tapos hinahayaan mo lang? Maraming babae ang nagkandarapa sa'yo pero bakit hindi mo maiwan-iwan iyong lintik na babaeng iyon, Ares? I'm sorry pero hindi ko na kayang pigilan ang emosyon."

Pero bakit sinasabi ng puso ko na ibang tao ang kasama namin ngayon ni Adam?

Even her eyes spoke the truth, but I feared she might be playing games with me again.

"I know dad at hindi na ako magpapakatanga pa ulit sa kanya. Kailangan parin namin siya dahil kay Adam. Lalo na ngayon na tila parang nakuha na naman niya ang buong-atensyon ng anak namin para gamitin sa akin."

"So, nahuli mo na ba ang kalaguyo ng asawa mo?"

Umigting ang aking mga panga nang marinig ang sarkastikong tanong na iyon ng aking ama. "Hindi pa, t'saka wala na akong pakialam sa lintik na lalaking iyon, dad."

"Good, mabuti kung gano'n. Mag-focus ka na lamang kay Adam. Regarding sa annulment na hinihingi ni Lavinia, pinirmahan mo na ba?"

"Tapos na, dad."

"Ewan ko ba sa'yo kung bakit mo pa hinanap ang asawa mo gayong sinasaktan lang naman ang anak niyo. Hindi ka ba nag-aalala sa anong mangyari ngayon lalo na at kasama ni Adam si Lavinia ngayon?"

Mula sa aking bulsa ay dinukot ko ang aking cellphone. "Hindi niya kayang saktan si Adam lalo na at may mga CCTV camera sa bawat sulok ng mansion namin. Pwede ko siyang kasuhan kung sakali," sagot ko at binuksan ang apps kung saan pwede kong ma view kung nasaang area ngayon sa mansion sina Lavinia at Adam.

Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang nasa kwarto ni Adam si Lavinia na ngayo'y magkatabi na natutulog.

"Don't tell me magpapadala ka na naman sa paandar ng asawa mo, Ares? Darating bukas si Arianne," ani Dad sa akin.

Si Ate Arianne ang kapatid kong babae na kasalukuyang naninirahan sa ibang bansa. Siyempre, hindi ko inaasahan ang balitang iyon.

"I will kíll that bītch, Ares!" Tila nag-echo sa aking pandinig ang boses ng aking nakakatandang kapatid.

Napahilot ako sa sariling sentido. Hindi ko akalaing uuwi pala ang magaling kong kapatid na babae.

"Ano'ng problema?"

"Nag-aalala lang ako kapag nakauwi na si Ate. Alam niyo namang gàlit iyon kay Lavinia."

"Well, makakaharap niya rin ang kanyang katapat."

Hindi ko napigilan na magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Sa buong-buhay ko ngayon ko lang naramdaman na mag-alala sa aking asawa. Nagsimula lang naman ito nang masilayan ko sa CCTV camera na katabi nito ang anak naming si Adam. Kilala ko si Adam hindi ito basta-basta madadala sa mga kasinungalingan ni Lavinia.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa instinct ko pero tumututol ang aking utak. Ayoko ng makipaglaro sa mga walang-kwentang nais ni Lavinia.

"Gano'n na nga siguro," sabi ko na lamang kay Dad.

NAKATUNGHAY lang ako kay Adam. Naawa ako rito dahil halatang uhaw ito sa pagmamahal at aruga ng isang ina. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa kinabukasan sa piling ng mag-ama.

Dahan-dahang hinaplos ko ang makapal na buhok ni Adam. Kamukhang-kamukha ito ng kanyang ama na si Mr. Walton.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo magkakasama pero kailangan kong matagpuan ang aking mga magulang. Namiss ko na sila lalo na ang aking ina."

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata. Hanggang kailan ba ako rito?

"Panginoon ko tulungan mo po sana ako," mahina kong usal. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang malakas na pagtibok ng aking puso. Tila ba kanina pa bagabag ang aking diwa.

Sinu-sino pa ba ang makikilala ko bilang si Lavinia? Natatakot ako dahil hindi ko alam kung sinu-sino ang mga taong naiinis kay Lavinia.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at inayos ang kumot ni Adam. "Good night, Adam."

Saka ako nagpasyang matulog habang yakap si Adam. Kinabukasan nagising ako nang wala si Adam sa aking tabi. Dahan-dahang nag-inat pagdakay bumalikwas ng bangon mula sa malambot na kama.

Hinanap ko ang suot na tsinelas at nagpasyang lumabas ng kwarto. Hinanap si Adam. "Adam, Adam?"

Sumalubong sa akin ang isang kawaksi. "Ma'am, nasa dinning na ho si Adam kasama si Mr. Walton."

"Gano'n ba? Mabuti naman kung gano'n," sagot ko na may ngiti sa labi dahilan para magulat ang kawaksi sa naging reaksyon ko.

"M—Ma'am, ihahatid ko lang ba ang lunch mo sa kwarto mo?" Nauutal na tanong sa akin ng kawaksi.

"Sige," sagot ko.

"Yes, Ma'am."

"Salamat," sagot ko. Saka ko lang naalala na takot nga pala ang mga tao rito kay Lavinia. Hahayaan ko silang alamin ang katotohanan at hindi ko babaguhin ang aking pagkatao. Ako si Cally Janeiro at hindi si Lavinia Walton.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Callyrose
Thank you, Lovz! ...
goodnovel comment avatar
Lorena Remedios
ang ganda nman thank you
goodnovel comment avatar
Marilyn Llanera
wow maganda ang kwento, sana magtuloy tuloy ang update nito ...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 12

    Ayon sa nais ni Mr. Ares Walton ay naging personal assistant ako sa kompanya kung saan siya ang CEO. And I accept his punishment, kaysa naman magmukmok ako sa malawak na mansion na kinaroroonan. Tulad sa mansion ay takot din sa akin ang ilang mga employees ni Mr. Walton. Naitanong ko na lamang sa sarili kung masamang-masama ba talaga ang ugali meron si Lavinia? Hindi ko napigilan na magpakawala ng isang marahas na buntong-hininga. Hayan na naman ang iniisip kong si Philip. I want to know kung kumusta na nga ba ito? "Dàmn it, where's my dàmn coffee?" Napaigtad ako nang marinig ang tila naiinip na boses ni Mr. Walton. Napalunok ako at nagmamadaling dinampot ang tasa ng kape saka mabilis na pumasok sa loob ng opisina nito. "Here's your coffee, s—sir," ani ko na medyo nauutal pa. "Bullsh-t, Lavinia! Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga paandar mong 'yan? Para ano, para maawa ako sa'yo? That's bullsh-t!" "Wala akong pakialam, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Basta ako, hin

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 11

    "Bakit malungkot ka?" nakangiting tanong ko kay Adam. "Hindi ko rin po alam, sana po okay lang sa boyfriend niyo na tawagin kitang mommy." "Cally?" Kapwa kami napalingon ni Adam sa tumawag sa aking pangalan kasabay ng malakas na pagtibok ng aking puso nang marinig ang pamilyar na boses ng aking pinakamamahal na si Philip. Awtomatikong nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha mula sa aking mga mata. "Mommy..." Narinig kong sambit ni Adam. Matagal bago ako nakapagsalita dahil sa matinding emosyon na lumukob sa aking dibdib. Sino ba naman ang mag-aakalang magkikita kami ni Philip sa party na ito gayong hindi naman siya mahilig sa mga parties gaya ng sinabi niya sa akin noon. "Cally, I'm looking for you and I never thought that we would meet here. Mommy? How can you explain it to me?" Kitang-kita ko ang iba't ibang emosyon sa anyo ng aking katipan. "Philip, just let me explain, please?" pakiusap ko. Mabilis na hinawakan ko siya sa mga kamay ng mahigpit. Ngunit gano'n na lamang ang g

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 10

    Kahit ayokong sumama sa party na ito ay pinilit parin ako ni Ares, kaya wala akong nagawa kundi ang makipagsabayan sa mga taong nakakasalamuha. "Ate Arrianne is here and she was dying to see you," bulong sa akin ni Ares. Kasalukuyang nakahawak si Adam sa aking mga kamay. Ayaw sana ni Ares na isama namin si Adam sa party pero ako ang nagpupumilit na isama ang bata. "Who is she?" takang-tanong ko dahilan para kumunot ang noo ni Ares. "You're such a pathetic woman, Lavinia." "Sinabi ko na sa'yo na hindi ako si Lavinia kaya huwag kang magtaka kung bakit tinatanong ko pa sa'yo kung sino ang Arrianne na sinasabi mo," mataray kong sagot kay Ares. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-igting ng mga panga nito. "Stop fooling around, Lavinia." "I'm not fooling around, Mr. Walton. Hindi ako magsasawang ipagsiksikan sa'yo na hindi ako ang bàliw mong asawa," sagot ko sa mahina paring boses na kami lamang ang nakakarinig. "Hijo!" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ng

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 9

    "Alam mo bang ngayon lang nakaramdam ng ganyang pagmamahal si Adam?" Tila kumurot sa aking puso ang sinabi ni Micah. "Ano bang klaseng ina si Lavinia at bakit pagmamahal man lamang sa kanyang sariling anak ay hindi niya maibigay?" "Honestly, ayaw niya ng bata. Bata pa lang si Adam ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang Yaya Percy." Naalala ko ang may edad na babae na palaging masama ni Adam na kapag nakikita ako ay tila parang nakakita ng multo. "Bakit pa siya nagbuntis kung ayaw naman pala niya sa bata?" Hindi ko maitago ang iritasyon sa sariling boses. Kasalukuyang nakamasid lang kami ni Micah kay Adam na ngayo'y busy sa ilang assignments sa school. Lumalapit lang sa gawi namin ni Micah kapag may nais itanong na hindi naintindihan. "I guess I have to go," ani Micah. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Don't worry, mahahanap din natin si Lavinia. Gagawin ko ang lahat ng makakaya." Sinalubong ko ang seryosong mga mata ni Ms. Tan. Hinawakan ng mahigpit ang aki

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 8

    "Hindi ako ang dapat pagsabihan mo niya'n kundi ang totoong may sala," inis kong sagot at tinalikuran na lamang si Micah. "Mommy!" tawag ni Adam sa akin. Napalingon ako sa kanya at ngumiti. "Diyan ka na muna kay Tita Micah mo, Adam. Please, kindly accompany here dahil wala akong nais i-kwento sa kanya kundi patunayan na hindi ako ang mommy mo." "Mommy...," usal na lamang ni Adam. Sumilay ang pilit na ngiti sa aking mga labi. Mabuti na lamang at nakinig si Adam sa sinabi ko. "Alright, mom." "Thanks, sweetie," ani ko saka naglakad patungo sa hardin. Mabuti na lamang at hindi na ako ikinulong ni Ares sa kwarto. Masyadong mataas ang malahiganteng gate ng mansion na ito at imposibleng makatakas ako rito. Maliban na lamang kung pag-aaralan ko ang mga sekretong labasan. "Inay, itay, nasaan na ba kayo?" bulong ko na lamang sa hangin. Niyakap ko ang sarili. Ano kayang naghihintay na kapalaran sa akin sa buhay ng mag-ama? Sinu-sino pa kaya ang mga taong ma encounter ko bilang

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 7

    "Please... maniwala ka naman sa akin, ako si Cally at hindi si Lavinia." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Ms. Tan. Pagdakay pinakatitigan ako ng maigi. "Hindi ko alam kung ano na namang paandar mo, Lav. Pwede bang tumigil ka na?" "Hindi nga ako si Lavinia. Ako si Cally Janeiro," muling giit ko kahit alam kong imposibleng mangyaring paniwalaan niya ako. "Bilang kaibigan mo alam mong hindi ko kinukunsinti ang mga maling gawa mo, Lav. Could you please stop this nonsense kahit alang-alang man lang kay Adam? Ano na namang palabas 'to? Na kunwari bait-baitan ka, for what, Lav?" Hindi ko na alam kung paano ko nga ba sasabihin at kung saan pwedeng mag-umpisa gayong sarado rin ang utak ni Micah na ako'y pakinggan. Mukhang wala na yata akong pag-asa. "Ano'ng plano mo ngayon?" tanong ni Micah sa akin. "Ang makauwi sa bahay ng aking inay at itay," diretsang sagot ko. "Ewan ko sa'yo, siguro nga nababaliw ka na gaya ng sinabi ni Ares sa'kin. Ilang beses ko bang sinabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status