Share

Kabanata 4

Author: Callyrose
last update Last Updated: 2025-08-06 19:11:56

Kasalukuyang narito ako sa hardin, bawal akong lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng aking asawa kuno na si Mr. Walton Ares. Nilibang ko na lamang ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas.

"Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Lavinia. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo."

Ngumiti lang ako kay Adam. Sana napansin din iyan ng daddy mo, Adam."

Nakangiting yumakap si Adam sa akin. Kumunot ang aking noo nang mapansing basang-basa ang likod nito ng pawis palibhasay naglalaro ito ng basketball kasama ang mga kalaro nito.

"Sandali, nasaan na ba ang Yaya mo at hinayaan na naman niyang basa itong likod mo?" Hindi ko maiwasan na magtaray. Inis na tinawag ko ang Yaya ni Adam.

"Yes, ma'am?" Kinakabahang sagot ng Yaya ni Adam sa akin.

"Basang-basa ang likod ni Adam, maghanap ka nga nang t-shirt at towel," utos ko rito na halata ang inis sa sarili kong boses.

"Y—Yes, ma'am." Nauutal nitong sagot sa akin. Mabilis naman itong tumalima at mabilis din itong nakabalik na halatang kinakabahan.

Napapansin kong takot sa akin ang ilang mga tao rito sa bahay. Hindi ko tuloy napigilan na tanungin si Adam. "Bakit parang ilag at takot sa akin ang mga tao rito maliban sa daddy mo?"

"Dahil konting mistake lang po ng mga kawaksi natin ay agad na sinisisante ni Mommy."

Hindi ko akalaing gano'n pala kasama ang ugali ng isang Lavinia Walton.

"Hi, Adam?" Kapwa kami napalingon ni Adam sa isang babaeng tumawag kay Adam.

"Sino naman siya?" takang-tanong ko kay Adam sa mahina lamang boses. Napansin kong tila takot si Adam sa naturang babae.

"She's Tita Deborah, Mommy takot ako sa kanya dahil sinasaktan niya ako sa tuwing wala kayo ni Daddy and she hated my mom, also."

"Pwes, hayaan mo at hindi na iyon mangyayari pa hangga't narito ako," matapang kong sabi at pasimpleng hinila si Adam sa aking likuran.

"Oh, hi Lavinia. Hello, Adam."

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Mataray kong tanong.

"Look who's talking, baka nakalimutan mo na may alas ako sa'yo?" Turan ni Deborah sa akin sabay bulong sa aking punong-tenga. "Remember the séx video kung saan nagniniig kayo ng lalaki mo, siguro naman hindi mo hahayaan na ikalat ko iyon at tuluyan ka ng paalisin ni Ares sa pamamahay na ito."

"Go, mas mabuti para makaalis na ako rito," nakangiting sagot ko rito. Nagulat pa si Deborah sa narinig mula sa akin.

"What, anong nangyari at bigla na lamang nag-iba ang ihip ng hangin, Lavinia?"

"Go'on, wala akong pakialam," nakangiting hamon ko rito.

"Huwag mo akong hahamuning babae ka."

"I'm not, just do it," sagot ko na walang-gatol. Lubos ang pagtataka sa anyo ni Deborah. Pabor sa akin ang nais na mangyari nito upang makaalis na nga ako ng tuluyan sa pamamahay ni Mr. Walton. Kaya lang ang inaalala ko ay si Adam.

"Adam, hindi ko akalaing magkasundo na kayo ng Mommy Lavinia mo?" Nanatiling tahimik lang si Adam at ilag kay Deborah.

"Oras na malaman kong sinasaktan mo ang anak ko ay hindi ako nagdadalawang-isip na ipakulong ka, Deborah."

"Woah, is this really you o sadyang nauntog ka lang sa pader?" Hindi makapaniwalang tanong ni Deborah sa akin.

"Well, people change, Deborah. Kailangan ko ring baguhin ang sarili alang-alang sa aking mag-ama."

Inis na umirap lang sa akin si Deborah. "Hindi pa tayo tapos," inis na sagot ni Deborah sa akin at walang-gatol na tinalikuran na kami ni Adam.

Nakangiting nagkatitigan kami ng cute na bubwit. "Mommy, bukas na ang recognition pwede mo ba akong samahan kayo ni Daddy?"

"Oo naman, mangyari bang wala kami ng Daddy mo gayong importante iyon dahil sa wakas nagbunga ang pagpapagal mo sa klase?"

"Mommy, with high honors po ako." Pagmamayabang pa ng cute na si Adam.

"Wow, talaga ba? Congratulations kung gano'n."

"Sana pumunta si Daddy, I'm sure ikaw pupunta ka iyan ay kung pahintulutan ka po ni Dad na lumabas ng bahay."

"No, kailangan nariyan din siyempre ang daddy mo. This is your accomplishments kaya dapat lang na nariyan kaming mga magulang mo, okay?"

"Sana hindi ka na umalis dito sa bahay, Mommy."

"I'm so sorry, Adam. Pero kailangan mong tanggapin ang katotohanang hindi ako ang tunay mong ina kundi ang babaeng kamukhang-kamukha ng tunay mong ina."

"Ma'am, narito na po ang meryenda."

"Thank you," sagot ko. Dinala ko si Adam sa may Gazebo kung saan doon namin kakainin ang cookies na pinagawa ko kay Manang.

Marami na ring mga kawaksi ang nakahalata sa kuno ay kakaiba kong mga kilos, ibang-iba daw sa noon na halos konting problema lang ay sisante agad. May nakapagsabi rin na hindi na raw ako mabilis magalit. Of course, dahil hindi naman talaga ako ang tunay na Lavinia kundi ako si Cally Janeiro.

Kung wala akong record bilang si Cally Janeiro, ibig sabihin matagal ng pinlano ni Lavinia ang ipagpalit ang aming katauhan para makaalis sa kanyang mag-ama. Ayon na rin sa mga narinig ko mula kay Deborah kanina ay halatang may ibang kalaguyo nga itong tunay na ina ni Adam. May kutob akong may alam si Lavinia sa katotohanan patungkol sa tunay naming pagkatao.

"Mom, what are you thinking?" pukaw sa akin ni Adam.

"May iniisip lang ako," sagot ko.

Mayamaya ay nagpasya na rin akong maligo at magbihis. Natutuwa lang ako kay Adam dahil para itong buntot ko na hindi kayang umalis sa aking piling.

"Don't worry, dito lang ako, okay?" Nakangiting tugon ko kay Adam.

"Takot po akong umalis ka at tumakas lalo na ngayon sa ginawa ni Daddy sa'yo, Mommy."

"Excited na po ako bukas sa aking recognition dahil sigurado akong may madadala na akong mommy at hindi na ako i-bully ng aking mga kaklase."

Binalot ng matinding kalungkutan ang aking puso nang marinig ang sinabi ni Adam. "Sandali, alam ba ito ng mga magulang mo?"

Umiling lang si Adam sa akin. "Pero bakit hindi mo man lang ipinaalam sa daddy mo?"

"Palagi pong busy si Daddy at walang namang oras sa akin si Mommy."

Hindi ko alam kung anong nangyari kung bakit napunta ako sa buhay ng mag-amang Walton, palaisipan sa akin ang lahat. May kutob akong planado ang lahat ng nangyayari at malakas ang duda ko na may alam si Lavinia sa lahat ng ito.

"Pangako, sasamahan kita. Wala rin naman akong magagawa ngayon dahil sa tingin ko'y ninakaw ng mommy mo ang pagkatao ko nang hindi nalalaman ng ama mo."

"Wala po akong maintindihan, Mommy."

"Huwag mo nalang intindihin dahil napaka-bata mo pa para intindihin ang sinasabi ko."

Dahil siguro sa paulit-ulit na pagsisinungaling ni Lavinia ay hindi na kaya ni Mr. Walton na paniwalaan pa ang sasabihin ko. Lalo na at iniisip nitong ako nga si Lavinia at nagsisinungaling parin.

Humugot na lamang ulit ako ng isang malalim na buntong-hininga. Paano ba ako makaalis sa pamamahay ng mga Walton gayong naawa naman akong iwan itong si Adam na kaybilis napalapit sa aking damdamin. Para bang pinunan nito ang pangungulila ko sa aking mga magulang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 7

    "Please... maniwala ka naman sa akin, ako si Cally at hindi si Lavinia." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Ms. Tan. Pagdakay pinakatitigan ako ng maigi. "Hindi ko alam kung ano na namang paandar mo, Lav. Pwede bang tumigil ka na?" "Hindi nga ako si Lavinia. Ako si Cally Janeiro," muling giit ko kahit alam kong imposibleng mangyaring paniwalaan niya ako. "Bilang kaibigan mo alam mong hindi ko kinukunsinti ang mga maling gawa mo, Lav. Could you please stop this nonsense kahit alang-alang man lang kay Adam? Ano na namang palabas 'to? Na kunwari bait-baitan ka, for what, Lav?" Hindi ko na alam kung paano ko nga ba sasabihin at kung saan pwedeng mag-umpisa gayong sarado rin ang utak ni Micah na ako'y pakinggan. Mukhang wala na yata akong pag-asa. "Ano'ng plano mo ngayon?" tanong ni Micah sa akin. "Ang makauwi sa bahay ng aking inay at itay," diretsang sagot ko. "Ewan ko sa'yo, siguro nga nababaliw ka na gaya ng sinabi ni Ares sa'kin. Ilang beses ko bang sinabi

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 6

    Maraming gumugulo sa aking isipan pero nalilito ako kung bakit nangyari sa akin ang pangyayaring ito. Malakas ang kutob kong may kinalaman si Lavinia sa nangyari sa akin. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Kailangan kong makauwi sa bahay. Nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa aking mga magulang. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga saka dinampot ang aking cellphone kuno na iPhone. Never in my entire life na makahawak ng ganito kamahal na cellphone. Ang naalala ko lang ay nakabili ako ng cellphone sa halagang singko-mil. Pero hetong hawak ko ngayon ay nakakatakot na i-display sa labas lalo na at nakaka-attract ito sa mga mata ng mga snatcher. Inaamin kong hindi ako marunong gumamit nitong iPhone pero kailangan kong matuto lalo na at kailangan kong makontak ang boyfriend kong si Phillip. Dàmn, I miss him so much. Ano na kayang iniisip ni Phillip patungkol sa akin? Panigurado akong nag-aalala na sa akin ang aking boyfriend. Nagpakawala na lamang ako ng isa

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 5

    WALA sa television ang aking atensyon kundi nahulog sa malalim na pag-iisip. Dumating sa akin ang balita na ibang-iba raw ngayon ang aking asawa na si Lavinia. Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Alam kong ginawa na naman akong gagó ng babaeng iyon. Hindi ako papayag na manipulahin niya ulit ang isang tulad ko."Ares, nabalitaan kong nakita mo na ang spoiled bràt mong asawa?" Napukaw ang atensyon ko nang marinig ang tanong ng aking ama. Nag-angat ako ng tingin. Naramdaman ko ang dahan-dahan nitong pagtapik sa aking kabilang-balikat."Yes, dad.""So, how's my grandson, Adam?" "He's fine, dad. Nagdadalawang-isip nga ako na sana hindi ko iniwan si Adam sa bahay dahil alam kong sasaktan siya ni Lavinia kaya lang nagbago ang isip ko kanina nang makita kong niyakap niya ang bata. Something different about her but still I doubt her. Baka isa na naman sa mga taktika niya upang ako'y gawing gagó.""Alam mong sinasaktan naman pala niya si Adam bakit mo ipinagkatiwala sa kanya a

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 4

    Kasalukuyang narito ako sa hardin, bawal akong lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng aking asawa kuno na si Mr. Walton Ares. Nilibang ko na lamang ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas. "Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Lavinia. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo."Ngumiti lang ako kay Adam. Sana napansin din iyan ng daddy mo, Adam."Nakangiting yumakap si Adam sa akin. Kumunot ang aking noo nang mapansing basang-basa ang likod nito ng pawis palibhasay naglalaro ito ng basketball kasama ang mga kalaro nito."Sandali, nasaan na ba ang Yaya mo at hinayaan na naman niyang basa itong likod mo?" Hindi ko maiwasan na magtaray. Inis na tinawag ko ang Yaya ni Adam."Yes, ma'am?" Kinakabahang sagot ng Yaya ni Adam sa akin."Basang-basa ang likod ni Adam, maghanap ka nga nang t-shirt at towel," utos ko rito na halata ang inis sa sarili kong boses."Y—Yes, ma'am." Nauutal nitong sagot sa akin. Mabilis naman itong tumalima at mabilis din itong nakabalik na halatang k

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 3

    Kitang-kita ko kung paano na naman umigting ang mga panga ng naturang lalaki. Damang-dama ko ang matinding tension na namumuo sa mga kilos nito.Paano ko nga ba makukumbinsi ang lalaking ito na hindi nga ako si Lavinia? Naramdamang ko ang mahigpit na yakap ni Adam sa akin. "Please mom, stay with us."Masuyong niyakap ko si Adam. Nakaramdam ako ng matinding pagka-awa sa bata. "I'm so sorry pero hindi talaga ako ang mommy mo, Adam. I'm Cally Janeiro not Lavinia.""I don't care, please let me hug you for a while, Mom..."Tila para namang hinaplos ang aking puso sa narinig mula kay Adam. Panginoon ko, sobrang naawa talaga ako sa bata. "Pwede bang isama nalang natin si Adam?" Sa wakas ay naisatinig ko."Talaga, Mommy?""Yes, Adam. Dahil gusto kong patunayan sa inyo ng Daddy mo na hindi ako ang babaeng inakala niyong si Mommy Lavinia mo."Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang lalaki na may dalang bag. "Sir, narito na po ang bag ni Ma'am Lavinia."Kumunot ang aking noo nang makitang h

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 2

    "HINDI mo ako madadaan sa mga pagluha mo, Lavinia!" Inis na binitiwan niya ang aking mga kamay na siyang labis kong ipinagpasalamat. Ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon para hindi makita ang seksi nitong kahubdan. He's dàmn hot deàd gorgeous, at hindi ko iyon pwedeng balewalain, napakabobo naman ng asawa nito. "Hindi ako si Lavinia at —""Shut up!" Halos mabingi ako sa malakas na sigaw nito. Napalunok ako dahil sa matinding kaba at takot na ngayo'y bumabalot sa aking buong-pagkatao. "Matalino kang tao pero sana naman inalam mo muna kung sino talaga ako.""I said shut up!" Wala akong nagawa kundi ang tumahimik. Kailangan kong makita ang totoo nitong asawa. Hindi ako si Lavinia, ako si Cally Janeiro."Pwede bang magbihis ka?" Reklamo ko rito. Naiinis ako sa sarili dahil nakakatuksong silipin ang kahubdan ng tila mala-Adonis na lalaking kasama ko sa kwartong ito. "Fúck!" Malutong nitong mura at inis na naglakad ito sa walk-in closet at nagbihis na siyang ipinagpasalamat ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status