SA LABAS NG PRIVATE ROOM.. “Can you please sit down? Nahihilo ‘ko sayo,” sita ni Alexander kay Davidson. Nakaupo ito waiting bench. Kanina pa kasi siya paroo’t parito habang naghihintay ng Doctor na lalabas. “Bakit ba nandito ka pa?” iritang hinapyawan niya ng tingin si Alexander. Alexander smirked at him. “Hello? Baka nakakalimutan mo, ako ang driver niyo.” “Sorry. Mukha ka naman kasing driver diyan sa suot mo,” nangaasar niyang tinuro ang asul na polo shirt nito at itim na slacks. “Gwapo pa rin,” tumaas ang mga mata nito sa ere. Tingin ni Davidson ay mas matanda siya kay Alexander. Mabilis itong mapikon at childish. “Excuse me.” Sabay silang napalingon sa Doctor na lumapit sa kanila. “Doc, how is she?” tanong agad ni Davidson. Makikita talaga ang pag-aalala sa mukha niya. “Ano po bang nangyari sa kanya?” si Alexander. Tumayo na din ito at tumabi sa kanya. “She has Acute Gastritis but don’t worry it’s non-erosive.” “Gastritis?” -Davidson.
“DAD?” Saglit na natigilan si Alexander nang maabutan niya ang kanyang Vice-President ng Shen Group sa loob ng kanyang silid. Nakatanaw ito sa labas ng bintana ng hotel at alam niyang naghihintay ito sa pagdating niya. Ang Vice-President na walang iba kundi ang tatay niya. Kasama nito si Mr. Fang na nakangiwi ang mukha na nakatingin sa kanya. Halatang ninenerbyos ang secretary niya sa presensya ng tatay niya. Nandoon din ang kanyang ina. Nakaupo ito sa isang sulok, hindi maipinta ang mukha. Divorced na kasi ang mga ito, kaya alam niyang hindi ito komportable na nandoon ang tatay niya. “What’s going on?” tanong niya. “Alexander,” seryoso ang tingin ng kanyang ama. “Kamusta ang pinapagawa ko sayo?” Napalunok ng laway si Alexander. “Duìbùqǐ, bàba. Wǒ yǐjīng jìnlìle, zhēn de. (Translation: I’m sorry, Dad. I’m doing my best, really.) “Zuì hǎo de? You’re doing nothing, Alexander. It’s been a month wala pa ring nangyayari?” humarap ito sa kanya. (Translation: Bes
“He’s such a mess,” ani Davidson. Pqreho silang nakatayo ni Leo sa harapan ng bagsak na si Alexander. “Do you know him?” asked Leo. “Nah. Sort of.” “Magsasara na kami, Dude. Paano yan?” nakangusong turo ni Leo sa lalake. Wala ng nagawa pa si Davidson, kundi ang tulungan si Alexander na makatayo habang inaakbay sa balikat niya ang braso nito. No choice naman siya kundi ang tumulong dahil lasing na lasing ito. “Okay ka lang? Mukhang mabigat siya,” nakangiwi si Leo habang pinapanuod sila. “I’m fine. I can.. h-handle him,” pwersadong sagot ni Davidson kay Leo. Hindi man niya aminin, mabigat talaga si Alexander. “Wait, check mo nga yung wallet baka may address,” utos niya pa kay Leo. “Wala, nakita ko na kanina yang wallet niya.” Tumangu-tango lang siya. “Yung phone?” “May message. Heto oh,”- binasa ang message sa phone ni Alexander- “‘Alexander, umuwi ka na, right now!’” “Sino yung sender?” “Dad niya siguro, baba ang nakalagay eh.”
(WARNING!! THIS CHAPTER CONTAINS A RATED SPG SCENES. So please, read at your own risk. If you find it uncomfortable to read, pls don’t report my book. You have the right to skip this chapter. And if you’re not satisfied with the scenes and you find it lame, go back. Don’t read! Just kidding. :) // I’ll make it wetter..I mean..better next time) MARAHANG lumapat ang likod ni Keirah sa malambot na kama habang magkalapat pa rin ang mga labi nila ni Davidson. Puno ng sensasyon ang mga halik ni Davidson sa kanya. “Kei..rah,” pabulong na tawag nito sa kanyang pangalan. Parang musika ang boses nito na masarap pakinggan. “Sir?” Hindi na muling nagsalita si Davidson, bagkus muli siya nitong siniil ng halik. “S-sir,” napaigtad siya ng gumawi ang halik ni Davidson sa kanyang leeg. Hinabol niya ang hininga ng bumaba ang halik ng binata sa kanyang dibdib. “Uhhm, Sir?” Tila hindi na siya naririnig ng lalake. Nagsimulang maglakbay ang kamay nito sa ilalim ng kanyang damit papunt
“Hmm,’ marahang ungol ni Alexander saka bumiling patagilid ng higa sabay- “OUCH!” -napamura siya ng malaglag siya sa sofa. “Geez, stupid Alexander,” nakangiwi na bulong niya sa sarili. Bumangon siya mula sa pagkakadapa sa sahig. Nangunot ang noo niya ng mamataan ang isang basket sa sahig. “What’s this?” hinila niya iyon palapit sa kanya. “Foods?” Nang makita ang maraming pagkain sa loob, hindi na nagsinungaling ang sikmura niya. Kumalam iyon, dahil sa gutom. Teka, nasaan ba siya? Kaninong condo ba itong kinaroroonan niya? Natigil ang mga katanungan sa isipan ni Alexander nang mahagip ng paningin niya ang isang portrait sa Sala. “Kay Mr. Montevella ‘tong condo? Tsk, bakit naman ako nandito?” nagpalinga-linga pa siya. Wala siyang matandaan sa mga nangyari. Black out siya kapag nalasing na. Walang tao. Pakiramdam niya siya lang mag-isa sa sala. Nagkibit-balikat na lang ang binata at sinuot muli ang polo na tinanggal niya bago siya matulog. Sinulyapa
“NAKAALIS NA BA SIYA?” “Yes, don’t worry.” Nakahinga ng maluwag si Keirah nang malaman na nakaalis na si Alexander. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina. Gano’n na lamang ang pagka-bigla niya ng makitang naubos ang pagkaing dala niya para kay Davidson. Nang lingunin niya si Davidson, nagkibit-balikat lang ito. “Wala ka ng kakainin. Gusto mo ipag-luto kita?” malambing na tanong niya dito. “Huwag na. Aalis na rin naman ako.” “Ah,” tanging nasambit na lamang niya. Wala siyang masabi. “Sumabay ka na sa’kin if you want,” anito habang naglalakad pabalik ng kwarto nito. “Ah, hindi na. Magko- commute na lang ako,” tanggi niya. Iba kasi ang pakiramdam niya. Parang ang cold ni Davidson. Parang walang nangyari sa kanila. Hay, ano nga ba ang aasahan niya? One-sided love lang naman ang namamagitan sa kanila. Hindi naman siya nito gusto. Bahagyang may kirot siyang naramdaman sa sulok ng kanyang puso pero pinagwalang-bahala niya na lamang yon. Narinig niya na ang lagasla
TYPICAL na araw na lamang ang isang linggong lumipas para kay Keirah. It’s been a week simula nang may nangyari sa kanila ni Davidson ngunit minabuti na lamang niya ang umiwas at huwag ng ungkatin pa ang nangyari. Busy na rin naman ang binata. Palagi itong nakakulong sa loob ng opisina. Madalang din silang mag-kita kahit na siya ang secretary nito. Naguusap na lang sila through landline. Hinayaan niya na lang ito. Ayaw niya na rin namang pag-usapan pa ang nangyari. Kalimutan na nga lang daw, hindi ba?~ Isang tanghali sa cafeteria, “Beshy, sasama ka ba sa Team Building?” “Team Building?” saglit na tumigil siya sa pagkain at hinarap si Melanie. “Yeah. Sabi ni Ms. Rodriguez, sa Palawan daw gaganapin.” “Palawan?” “Hays, ano ka ba Keirah? Bakit hindi ka updated sa mga nangyayari dito sa Montevella?” napapairap na sa ere si Melanie. Parang ang lalim kasi ng iniisip ng kaibigan. Tumikhim muna si Keirah bago sumagot. “Sorry naman. Stress lang ako, lately,
“WOOOW!” ANG GANDA!” Kanya-kanyang kuha agad ng cellphone ang mga kasamahan ni Keirah pagkababa pa lang ng Tourist Bus na sumundo sa kanila mula sa paliparan. Kanya-kanyang kuha ng bawat anggulo ng tanawin. Napakalinis at puting-puti ang buhangin ang nilalakaran nila patungo sa mga cottages na inarkila. Napaka-lamig ng simoy ng hangin na nagmumula sa malawak na dagat. Parang lahat ng problema mo sa siyudad ay maiibsan kapag napagmasdan mo ang sumasayaw na mga alon. “Beshy, selfie tayo!” Natigil ang pagtanaw ni Keirah sa dagat ng biglang yumakap sa tagiliran niya si Melanie. May hawak itong selfie stick at tinatapat sa kanilang dalawa. “Hoy sali ako dyan!” tumatakbong lapit sa kanila ni Lorraine. Yumakap naman ito sa kabilang tagiliran niya. Napagitnaan siya ng dalawa. Klik! “See. Ang ganda ng dagat!” ani Melanie at zino-zoom in pa ang picture nila. “Wait, ang pangit ko dyan. Delete mo!” inagaw ni Lorraine ang phone kay Melanie. “‘Wag mo na i-d