Share

Chapter 63: Wheelchair [SPG]

HINDI mapigilan ni Davidson ang hindi mapangiwi sa t’wing sinusubukan niyang tumayo sa wheelchair gamit ang pares na saklay.

‘Geez, this is so difficult!’ iritang binitawan niya ang saklay at bagsak na bumalik sa wheelchair. Hays, hirap na hirap siyang gamitin yun. Syempre ngayon lang naman siya napilay.

Bukod sa mga gasgas at pasa, pilay lang naman ang inabot niya. Salamat sa seatbelt at airbag. At salamat din sa itaas at hindi pa siya binawian ng buhay.

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Keirah. Kakapasok lang ng dalaga sa kwarto niya bitbit ang mga gamit nito.

“Ahm, gusto ko sanang maglakad-lakad eh, but I don’t know how to use this,” aniya sabay turo sa dalawang saklay.

“Ah..haha, tulungan kita gusto mo ba?”

“Will you?”

Nginitian lang siya ni Keirah saka lumapit sa kanya.

“Ganito oh,” minuwestra nito ang saklay sa braso niya sa bandang ibaba ng kilikili, at yung isa naman ay sa kabila.

Nagpatianod lang siya sa pagmamando ng dalaga. Kaya lang, nabigatan yata sa kanya si Keirah at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status