Share

CHAPTER 5

I went to my closet and i saw her dress hangging,

Nanghina ang bou kong katawan ,at hindi na tinuloy ang pag hahanap ng suit na dapat ay gagamitin ko ngayon araw.

Mabigat na rin ang pakiramdam ko ,kinuha ko ang lumang picture namin na naka display parin sa tabi ng aking mesa saka humiga sa kama at kinakausap ang picture ni Serenity habang nakangiti.

"Hey, i hope your doing fine, are you happy now?

masaya ka ba na iniwan ako para sa sinasabing mong sa pangarap.

hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mong umalis at piliin ang pangarap na gusto mo.

Sinabi mo pang hindi lang 'yon para sayo, but for me ang you're family also, how was that?para saan pa 'yon kung boung buhay ko ikaw lang naman ang pinangarap ko.

Sinabi mo pa na magkasama tayong magtatayo ng mga sarili natin kompanya dahil 'yon ang una natin plano, but you choose your dream and left me.

Hanggang ngayon after five years ,nandito parin ang alaala mo, iniwan mo nga ako pero dinadalaw parin ako ng presensya mo kahit sa pagtulog ko. "

Yes, I love her but I can't loose my job that time.

Kaya hindi ako sumama kahit may pag kakataon

pang sumama sa kanya at supportahan siya. Nagsisimula pa lang ako sa Low firm noon at bata parin ako that time, 'yon din ang pinag sisihan ko hanggang sa umalis siya ng Pilipinas.

Ang lakas pa ng loob ko no'n na papiliin siya kahit na alam ko na kong anong pipiliin niya. No one can dare let her down at ilihis ang tingin sa daang gusto niyang tahakin.

Hindi ko man ginusto pero may mga luhang pilit na kumawala sa mga mata ko habang ina- alala ang nakaraan naming dalawa. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan at samahan siya sa mga pangarap niya but I want to prove my self. I want to do better at ipagmalaki ng parents ko at marinig ang salitang 'That's my son and we're proud of him'.

Nasa ganoong pag iisip ako ng biglang magring cellphone ko, "Good morning sir Drake, hindi ka ho ba papasuk ngayon?dapat po pumasuk kayo ngayon-..." pag papa-alala ng sekretarya ko sa kabilang linya.

"H'wag mo nga akong utusan! " aba at ang babaeng 'to sobra sa pagiging sekretarya yata ang gusto..

Ngayon ko lang naalala na may usapan kami ni Hanz kahapon. Nakalimutan ko na ang office firm ko nga pala ang napili ni Hanz para sa Expansion ng negosyo niya.

Pasado mag aalas-otso na ng umaga at late na ako ng isang oras, kung mag ba-byahe pa ako mula dito sa bahay hanggang sa Montereal corp. malamang ay aabutin ako ng lunch time sa haba ng traffic.

Hindi pa natatapos ang aming pag uusap ng , makaramdam ako ng paninikip ng dibdib at pag ka hilo.

Nanlalabo na ang paningin ko at hindi ko parin makita kung saan ko nilagay ang bote ng gamot na binigay ni Hanz kahapon.

My body literally shut- down ,I could not control my body and I suddenly passed out.

*****

Hindi naman alam ni Summer ang gagawin ng tumigil sa pagsasalita ang boss nito sa kabilang linya.

"Sir?, nakikinig pa po ba kayo? "pagtatanong ko sa kanya, kanina lang ay sunod - sunod na sermon ang binigay niya sakin saka bigla naman siyang tumahik, tumahimik ako ng sandali at nakinig ,

Nakaramdam ako ng kaba sa narinig ko. Isang malakas na kalabog mula sa kabilang linya at kasabay nito ang pagbagsak ng isang bagay sa sahig.

Paglabas ko ng office ay siya namang paglabas din ni sir Hanz sa kanyang opisina ,nag madali siyang pumasuk sa opisina ni sir drake na parang may hinahanap. "Sir Hanz 'ito pa ba hinahanap niyo? " pagtatanong ko sa kanya at iniabot ang maliit na bote na may lamang tabletas, hindi na siya nag salita at mabilis na kinuha sa kamay ko ang gamot.

"follow me"

mahinang saad nito habang nag aabang na ng elevator pagkalabas ng opisina, hindi ko alam kung ako ba ang sinasabihan niya na sumunod sa kanya, tumingin pa ako sa likoran ko bago magpagtanto na ako pala ang kina kausap niya, sumonud na lang ako at hindi na rin nagsalita dahil tahimik na rin si sir Hanz.

Pagkadating namin ng Montereal corp. parking area ,kinuha niya ang isang magarang kotse at mabilis na nag maneho ng kanyang sasakyan. Kitang-kita sa kanya ang pag aalala ,

Napa isip tuloy ako kung anong sakit meron si sir Drake at bakit ganon na lang ang reaksyon niya, saka ewan ko ba ,sa tatlong araw ko na sa kompanya nila, hindi ko alam kung may pamilya ba si sir Drake at laging si sir Hanz lang at Marcus ang dumadalaw sa kanya sa trabaho.

Sa loob ng dalawampung minuto, narating namin kaagad ang bahay kong saan naroon si Sir Drake, halos mahilo ako sa byahe sa bilis ng

pag mamaneho ng ugok na lalaking 'to ,

gusto pa yata niya ako ang unang mamatay kesa sa boss ko.

Gustong gusto ko siyang pagalitan sa ginawa niya dahil bukod sa bilis ng pag mamaneho niya,

muntik pa akong mauntog kanina habang naglalagay ng sitbelt sa loob ng saksakyan niya. Nasa ganoong pag iisip ako ng magsalita si sir Hanz.

"Hindi ka ba sasama sa loob? "naka kunot noo namang tanong nito sakin saka pumasuk sa loob ng malaking gate.

"Teka lang sir! sasama ho ako..."parehong pareho sila ng ugali ng boss ko, parang pinag biyak na bunga ng niyog.

Naunang pumasuk si sir Hanz sa kwarto ni sir Drake habang nag aantay ako ng senyas niya na sumonud sa kanya sa loob, pero ang ugok hinayaan niya akong maiwan sa sala, isinama niya lang ba ako para patayin sa byahe? kaso hindi siya nag tagumpay, eysh! ....

pangiti ngiti pa ako habang nililibot ang paningin ko sa kabouhan ng bahay,nang wala pang isang menutong lumabas si sir Hanz at kalmado na ang kanyang mukha.

"Samahan mo muna si Drake,nagbakasyon si Nanay Lisa at wala siyang makakasama dito sa loob ng isang buwan "

Nakikiusap ba sya? ako? ipapalit niya kay Nanay Lisa, mukha ba akong mutchacha?

"Sir Hanz, wala akong alam sa gawaing bahay' isa pa sekretarya po ang pinasuk ko hindi isang--"

"Hindi naman kita pinipilit kong hindi mo gusto, kung maghahanap kasi ako ng kapalit ni Nanay Lisa baka abutin pa ako ng isang buwan sa paghahanap. Isa pa walang pwedeng maka alam na may sakit si Drake, tayo lang dalawa lang ang nakaka alam ng sekreto niya"

"tatawagan ko na lang si Marcus baka may alam siya"pag pupumilit ko pa sa kanya

"No, hindi mo pwede gawin yan, slow ka ba? kakasabi ko lang ,tayo lang nakaka alam ng tungkol kay Drake"

Oo nga pala nakalimutan ko kaagad,

Ako? magiging mutchacha ? yong pagiging sekretarya ko nga sa kanya hindi ko magampanan ng maayos, pagiging Personal maid pa, naku! kung hindi lang ako naawa sa hokluban boss ko, pero syempre may puso parin naman ako kahit papano pero teka lang? tama ba narinig ko? isang buwan ko siyang sasamahan, ganon na ba kalala ang sakit niya? Napa-Oo na lang ako sa sinabi niya at pumayag sa gusto niya.

"Babalik ako mamayang gabi, para kumuha ka ng mga gamit na kailangan mo dito, pagising niya ipagluto mo siya ng makakain never forget that and one more thing h'wag mong kakalimutang painumin siya ng gamot "

pag uutus pa nito habang lumalabas ng bahay.

ano? nawawala na yata ang pandinig ko. Sinabi ba niyang magluto ako ng pagkain para sa hokluban na 'yon. Hindi ko lubos maisip na mag sisilbi ako ngayon sa ibang tao. Naalala ko na naman ang buhay ko sa Rancho sa probinsya.

Nagagawa ko ang mga bagay na gusto ko, ultimong pag timpla ng kape ay may gumagawa para sakin, umiikot lang mundo ko sa loob ng Rancho at sumunod sa gusto ng magulang ko, ni minsan hindi ko nagawang magtampisaw sa ulan at magsaya kasama ng ibang mga bata at mamasyal sa iba't ibang lugar.

Boung buhay ko ay naka kulong lang ako sa Rancho ,Isa lang naman ang nais ko ang kalayaan mula sa kanila at magpasya sa sarili kong mga desisyon. Pero mas okay na ako muna siguro ako dito, walang namang masama kong susubukan kong maging personal maid ng huklobang boss ko.

Isang buwan lang Samara, Isang buwan lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status