Share

CHAPTER 4

Ngayong araw naman ay gusto akong sisantihen ng boss ko dahil sa kagagahan'g ginawa ko ngayon.

Naka- upo parin siya ngayon sa swivel chair at nakatingin sa loptop niya, habang ako ay hindi natitinag sa pag kaka tayo at nag mamatigas parin na h'wag na niyang sisantehin. "Sir sorry na po talaga "pag mamaka awa ko parin sa kanya.

After an hour, bumukas ang pinto ng office at inuluwa ng pintuan si Marcus .Salamat naman at makakaligtas na ako sa kagagahan ko, kahit kelan ikaw ang savior ko Marcus.

"Samara bakit nakatayo ka lang diyan? "

pagtatanong ni Marcus at binangit pa ang palayaw' ko na si Kira lang ang tumatawag.

"Tulungan mo naman ako dito sa kaibigan mo, "pag pa pacute ko pa sa kanya habang nag niningning ang aking mata na nakatingin kanya.

Natawa naman ito sa ginawa ko at umupo sa coach na malapit kay sir Drake. "Bro tanggapin mo na ang sorry niya, mukha namang seryoso siya na magtrabaho dito-"

"Alam mo ba ang ginawa ng babaeng yan? after niya ako pag bintangan na recruiter sinabi pa niyang janitor ako sa mismong kompanya ko!" mahabang litanya ni Drake habang tumingin pa sakin ng matalim.

Oo na' alam ko naman yong nakakahiyang ginawa ko pero h'wag naman sanang ipangalandakan pa niya sa lokong Marcus na yan ang kalokohan ko. Malay ko bang siya ang may ari ng Montereal corp? ni wala man lang siyang picture sa kompanyang ito at maging sa balita sa mga tv hindi siya nagpapakita.

"bumili ka na muna ng lunch mo and after that pumunta ka na sa station mo," pag babalik ni Marcus sa usapan.

Walang alinlangan akong lumabas ng opisina para hanapin ang Canteen ng kompanya. Ilang oras na yata akong nag iikot sa boung palapag pero hindi ko parin makita ang hinahanap ko.

bukod sa pagikot- ikot sa Rancho ay mas mahirap pa ang umikot sa ganito kalawak na building.

Ilang sandali pa ay nagkita kami ulit ng babae sa sixty-five floor kaninang umaga. " teka lang' Alam mo ba kung saan ang canteen dito? "pagtatanong ko sa kanya ,mag tatapos na kasi ang lunch time at hindi pa ako nakakain .

"Dito ka ba nag hahanap ng canteen?...."

natatawa na naman siya? ano ba kasing nakakatawa saken? kung hindi ko lang unang araw ngayon kanina ko pa kinalbo ang babae 'to.

"I'm bella Aragon cousin ako ng boss mo."sabay abot ng kamay niya. "Summer Valderama" tipid kong sagot at kinuha ang naka gayang kamay niya, Nauna siyang maglakad at sinundan ko naman, sumakay kami ng elevator at bumaba sa ikalawang palapag ng building.

At ngayon nakita ko na ang canteen na parang isang cafeteria lang sa labas? paano magkakasya ang mga employee dito? sobrang liit ng canteen malaki pa nga yata kusina namin doon sa Rancho e,

"Nagtataka ka siguro, canteen lang 'to ng department namin' yong sa inyo naman nasa kailang area pa" pagpapaliwanag naman nito.

What? pagkatapos kong magtanong sa kanya habang nasa sixty-floor kami kanina. tapos ngayon isinama niya ako dito sa ikalawang floor para lang sabihing ito yong canteen ng deparment nila? Oh' my god! Samara ano bang nang yayare sayo, isinumpa kaya ako ni papa? wtf...

After kong kumain ay nagpa alam na ako kay Bella, kung hindi lang nakakahiya ay bubulyawan ko talaga siya dahil sa sobrang slow niya. Sumakay na ako ng elevator para bumalik sa station ko, pagka bukas ng elevator nagmamadali kaagad akong Lumabas dahil mag pa- pasado alas dose na ng tanghali,

dahan dahan kong binuksan ang glass door

habang maingat na naglakad para di makagawa ng ingay.

"Where have you been? " napatalon ako sa gulat ng magsalita si sir Drake habang naka upo sa harap ng desk ko.

"Nag l-lunch po-"

"saan ka ba nag lunch ?nasa likod lang ang canteen' your late! " singhal nito sa'kin ,napatingin naman ako sa relo na twelve O five palang,

five minutes? five minutes lang akong nalate galit na siya agad. Mag memenu-pouse na ba siya at gano'n na lang siya ka bitter sa buhay niya.

"Kalma Drake, bago lang si Summer hindi pa niya kabisado sa kompanya mo" pag papakalma naman nito sa kaibigan, mabuti at narito pa si Marcus para matulungan akong pakalmahin ang mainit na ulo ng boss ko.

Matapos ang ilang menutong papaliwanag nito sa mga dapat kong gawin at sa mga naka sulat sa puting folder ay nagpa-alam na siyang aalis.

"Ganyan ang ginagawa ng mga naging sekretarya niya dati, kaya iwasan mo na siyang magalit, mabait yan pag tyagaan mo lang kung talagang gusto mong magtrabaho dito"

pagpapatuloy pa nito.

Pumasuk ako sa opisina ni sir Drake, matapos niyang pindutin ang button na hudyat na kailangan niya ako, binuksan ko ang glass door at lumapit sa harap ng working table niya. 'Yes sir? "

"Tawagan mo si Hanz"pag uutos nito habang nakatingin parin sa loptop niya.

Matapos ang ilang menuto ng pagtawag ko ay ora mismong dumating din si sir Hanz

Ang bilis nila kumilos,Sino ba naman kasing hindi matatakot na mabulyawan ng isang Drake Montereal. natatawa ako habang iniisip kong paano nag madali si sir Hanz makarating lang dito sa sixty-five floor.

"Anong ngiti-ngiti mo dyan? ikuha mo kami ng kape"pag sira niya sa moment ko habang sini-mangutan siya at kumuha ng kape nila.

Nang matapos kong magtimpla ng kape nila ay walang sabi-sabi akong pumasuk habang patuloy silang nag uusap, at dahil sa madahan akong magbukas ng pinto hindi nila napansin na nakapasuk na ako. "Drake,Hindi na maganda ang health condition mo kailangan mo ng mag pa kunsulta sa doctor"narinig ko pang sabi ni sir Hanz.

"What are you looking at? "sita nito sakin at galit sa tono ang boses ni sir Drake habang nakatingin sa direksyon ko.

"W-wala po-"

"Hindi ka ba marunong kumatok ng pinto bago pumasuk?" tanong naman ni sir Hanz, nakalimutan ko na naman ang bilin ni Marcus kanina na mahigpit na ipinag babawal ang basta na lang pumasuk sa loob, maliban na lang sa kanilang magkaka ibigan.

"M-may sakit kayo? " pag tatanong ko pa kahit nanlilisik na ang tingin ni sir Drake sakin, Jusko! kainin na lang sana ako ng lupa, sa dami ng palpak ko ngayong araw.

Naramdaman ko na lang ang presensya ni sir Drake sa harapan ko,

"Look at me" hinakawan nito ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay niya,

"I said look at me! " pinipilit niya naman ako ngayong tumingin sa kanya, samantalang kanina lang ay galit siya ng tingnan ko.

"Let me handle this"pang-aawat naman ni Hanz

"wala kang narinig diba? " ayan na naman siya nagtatanong tapos pag sinagot magagalit.

"M-meron po--"

"WTF! sinabing wala kang narinig! "ngayon naman gusto niya na mag sinungaling ako sa kanya '...may saltik ba utak nito?

"Kung gusto mo magtagal dito ilihim mo ang mga narinig mo" pananakot naman ni sir Hanz sakin, ano bang paki alam ko kung may sakit siya? sa sobrang sama ng huklobang Drake na yan ,hindi man lang ako mag aalala sa kanya. Kahit siguro Santo lalayuan siya dahil sa itim ng budhi niya.

Inilapag ko na lang kape sa mesa sa harap nila at lumabas na ng opisina niya, bago ako makalayo ay napa lingon pa ako sa direksyon nila at saktong nakita kong may ini-abot si sir Hanz na isang maliit na kulay puting bote kay sir Drake.

Hindi ko lang pinansin at umupo na ako sa desk ko at binasa ang iba pang rules ng kompanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status