FAZER LOGINSi Jade Sy and epitome ng isang perfect daughter. Pinalaki siyang masunurin at mapagbigay to the point na tila nakakalimutan niya na kung ano ba talaga ang kanyang gusto at kung sino ba talaga siya. Itinatak sa isipan niyang dapat niyag sundin ang pamilya dahil sila ang nakakaalam ng makabubuti sa kanya. Sinunod niya ang lahat maging ang pagpapakasal sa isang lalaking walang ginawa kundi ipakita sa kanya kung gaano siya nito kinamumuhian. Is love enough to stay in a marriage that was loveless in the first place?
Ver maisHindi alam ni Jade pero tumagos sa kanya ang sinabi ni Jared noong meeting na iyon. Hindi na siya nagsalita pa habang nasa dinner. Sobrang kumikirot ang kanyang dibdib ng mga oras na iyon at ni hindi na siya gumagalaw para lang hindi tumulo ang mga nagbabadyang luha sa kanyang pisngi. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng lalaki. Ganoon ba siya nito kaayaw? Bakit parang pakiramdam niya iniisip nitong hindi siya apektado? Pareho lang naman silang naiipit sa sitwasyon, ah. Hindi niya rin naman ginustong magpakasal sa lalaking ni hindi niya kilala pero para sa pamilya niya, gagawin niya. Natapos ang dinner na iyon nang hindi kumikibo si Jade. Ni wala siyang naintindihan sa mga sinasabi ng mga matatanda. Miski si Jared ay hindi na rin umimik pa pero ramdam na ramdam niya ang pagkadisgusto ng lalaki sa usapan. Nang pauwi na sila ng kanyang pamilya, nagkatinginan pa sila ni Jared. Agad na bumulusok ang kaba sa kanyang dibdib. There was something in his stares that was making her scared ev
“You two are very late. Saan ba kayo nagsusuot, ha?” Iyon agad ang bumungad kina Jade at Josh pagkatungtong nila ng mansion. Nasa bukana pa lang sila ng pinto ay iyon na agad ang bungad sa kanya ng kanilang ama.Napayuko na lang si Jade. Narinig niya ang pagtikhim ng kanyang kuya.“Sorry, Pa. We were just stuck in traffic. I treated Jade somewhere,” palusot pa nito. Napabuga ng hininga si Jade habang naghihintay ng sagot.“Bueno,” sagot ng ama niya. Doon siya nag-angat ng tingin dito. Nakatingin ang ama sa kanya. “We’ll have a one – on – one meeting with Jared Ong this coming Wednesday, so free your s
“Are you sure about this, Jade? You know what Dad will do to you once he found out about this!” hindi mapakali si Josh habang nililibot ang tingin sa buong parking lot.Nakagat ni Jade ang kanyang labi at saka siya mariing napapikit. Nahilot niya pa ang kanyang sentido habang nalilito rin kung itutuloy pa ang kanilang plano. Nandito sila ngayon sa parking lot ng kanyang campus at katatapos lang ng klase niya.She was supposed to meet Jermaine today because she couldn’t find a way yesterday, not after what happened with her and her family. Nang makauwi sila kahapon ay hindi na sila nag-usap pa. She went back to her room immediately while his father went to his office, too. Wala na siyang alam kung anong ginawa ng daddy niya dahil sobrang pre-occupied na niya sa mga nangyari.Hanggang kaninang umaga nga ay parang wala siya sa wisyo. Ni hindi niya nga alam kung paano niyana-survive ang buong araw at
‘Oh my gosh! Iyan ba iyong boyfriend ni Mesty kanina?!’Hindi makapaniwalang napatitig si Jade sa lalaking dumating. Palipat-lipat ang mga tingin niya lalo pa noong tumayo ang mag-asawang Ong para salubungin ang lalaki.“Jared, hijo,” ani ng babaeng Ong.“Hi, Mom.” Bumeso iyong Jared sa ina.Mas lalong nalaglag ang panga ni Jade. Napakurap-kurap pa siya habang nakatitig sa mga ito.‘Mesty’s boyfriend is our family friend?’She still couldn’t digest the thought. Then she remembered why the guy was familiar. Kamukha ito ni Mr. Ong na nakilala niya kagabi!‘Oh my, kaya naman pala!’“And this is my daughter, Jade, Jared.” Nabalik lang siya sa wisyo nang lumapit ang ama sa kanya at itinuro siya. Mabilis n


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
avaliações