Share

Chapter 7

Alexandros knocked on the door of the room where Elaine was staying, he just wanted to ask her what she wanted for dinner. When he didn't hear a response, he slowly opened the door. The room was a bit dark because it was night and the lights were off. He approached the bed and saw that Elaine was sleeping soundly.

Pinagmasdan nya ang magandang mukha nito, ang mukhang hindi na maalis sa isip nya ilang araw na mula ng makilala ito. Aalis na lang sana sya para hindi ito maistorbo ng biglang gumalaw ang dalaga. Hinigit nito ang kumot hanggang sa leeg nito.

''Ang la..miig.'' d***g nito na naginginig.

Tuluyan na syang lumapit sa dalaga at umupo sa tabi nito. Itinaas nya ang isa nyang kamay para icheck ang noo nito, mainit ito!

''Elaine? Ano nararamdaman mo?'' sinubukan nya itong gisingin.

Umungol ito. ''Ang sakit..''

''Anong masakit!?''

''Yung ulo ko, ang sakit... Ang bigat ng pakiramdam ko.'' d***g ng dalaga habang nakapikit pa.

He stood up in a panic, not knowing what to do. He left the room to call Liam.

''Liam, come to the villa, Elaine have a fever. She said her head hurts, I don't know what to do,'' deretsong sabi nya dito pagka sagot nito ng tawag.

''Okay, calm down. I'll be there in 3 minutes.'' sabi nito sabay baba ng tawag.

Tumawag nadin sya sa Fresh Floating Restaurant para magpadala ng pagkain. Then he returned to the room and turned on the lamp beside the bed.

''Hey..'' mahinang sabi nya. ''Papunta na si Liam, nagorder nadin ako ng food. Do you need anything?''

Umiling lang ang dalaga. Maya-maya pa dumating na si Liam kasama ang nurse kanina. Chineck nito ang dalaga.

''Sobrang pagod ng katawan nya tapos iniinda pa nya yung natamo nya kanina kaya sya bigla nilagnat.'' Inabutan sya ni Liam ng gamot. ''Painom mo sa kanya itong ibuprofen every 8 hours. Make sure mo din kumain muna sya. If hindi padin mawawala lagnat nya then bring her sa clinic.''

''Are you sure yun lang? baka may iba pa sya nararamdaman!?''

Kinunutan sya ng noo nito. ''Kumalma ka Alexandros, she just need some rest.''

''Okay.'' Sagot nya dito na may pag-aalala padin.

May sasabihin pa sana sya pero tumunog ang doorbell. Iniwan muna nya ang mga ito at bumaba para tingnan kung sino yun. Crew pala ng Floating Resturant, dala-dala nito ang inorder nya.

''Just tell Celest to send me the bill na lang.'' sabi nya dito.

Tumango naman ang crew at umalis na. Bumalik sya sa taas at naabutan nyang sinusungitan ng nurse si Liam, samantalang ang huli ay tinaasan lamang ito ng kilay. Kung hindi lamang masama ang pakiramdam ni Elaine ay baka inasar na nya ang dalawa.

Dumiretso na sya sa tabi ng dalaga, ipinatong nya ang mga dala nyang pagkain sa bedside table. Inaayos nya ang mga ito nang magpaalam na ang dalawa. Tumango na lamang sya.

''Thank you, Liam.''

''No problem, Dude.''

Ginising nya ang dalaga, pero dahil masama ang pakiramdam ay sinubuan na lamang nya ito ng chicken soup.

''One last na.'' sabi nya dito.

Umiling ito. ''Ayaw kona, gusto kona matulog.''

''Take your medicine first.'' Isinubo nya dito ang gamot at inalalayan makainom ng tubig.

Hinayaan na nya ito makabalik sa pagtulog, napagdesisyonan nyang dun na lamang din matulog para mabantayan nya ang dalaga. Umikot sya sa kabilang bahagi ng kama at dahan-dahan humiga. Iniingatan nya huwag magising ang dalaga.

Hindi pa umiinit ang likod nya sa kama ng biglang niyakap sya ng dalaga, tumingin sya dito pero tulog naman ito. Sinubukan nyang alisin ang braso nito pero umungol lang ang dalaga at mas lalo pa hinigpitan ang yakap sa kanya. Hinayaan na lang nya ito, nagustuhan din naman nya ang init ng yakap nito. 

Hinalikan nya ito sa noo at ipinikit ang mga mata. Umisod sya papalapit sa dalaga at niyakap din ito. Nakatulog sya ng mahimbing habang nasa bisig nya ang dalaga.

***

Nagising si Elaine sa tama ng araw sa mukha nya na nagmumula sa bintana. Humigpit ang yakap nya sa unan at inamoy iyon.

Hmm.. ang bango naman ng unan na ito.. pero bakit matigas?

Matigas? Kinapa kapa pa nya ito at pinisil.

''Fvck! That's hurt!''

Huh? Nagsasalita yung unan?

Nagmulat sya ng mata, tumambad sa kanya ang namumulang mukha ni Alexandros. Nanlaki ang mata nya sabay tulak dito. Napasigaw sya! nalaglag naman ang binata sa sahig.

''Aray!'' d***g nito.

''Anong ginawa mo sakin!?'' sigaw nya dito na may halong pamimintang sa boses.

''Woman! Lower your voice!'' sita nito sa kanya.

Tinuro nya ang sarili. ''Ako pa? Ikaw itong manyakis na nakayakap sakin!''

''Excuse me?'' Tumayo ito at sapo ang nasaktan na pwetan. ''Ikaw itong yumakap sakin kagabi!''

''Anong ako!? Wag kang gumawa ng kwento! Wala akong naaalala niyakap kita! Tsaka bakit ba andito ka sa kwarto ko?''

''Wala ka talaga maalala?'' inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Itinuro nito ang mesang kinaroroonan ng gamot at pinagkainan. ''Nilagnat ka kagabi, I took care of you.''

Halos maduling naman sya sa lapit ng mukha nito. Bakit ang bango ng hininga nito kahit bagong gising? Inilayo nya ang mukha dito at tumingin sa tinuro nito. May mga gamot nga sa ibabaw ng mesa.

''Eh bakit ba kasi sa kama na 'to ikaw natulog?'' mahinang tanong nya dito.

''Because i need to check your temperature, pagod nadin ako kaya i decided na sa tabi mo na lang matulog. Nagulat na lang ako niyakap mo'ko, sinubukan ko alisin braso mo pero umungol ka lang at hinigpitan mo pa yakap sakin.'' Paliwang nito. Seryoso ang mukha ng binata.

Namula naman ang mukha nya sa sinabi nito, nakakahiya! Umiwas sya ng tingin, wala syang masabi. Mukha tuloy syang guilty.

Hinawakan nito ang noo nya. ''Wala ka nang lagnat, that's good. Pinagalala mo'ko kagabi.'' He stretched and started walking towards the door. Suddenly, he spoked. ''You piched my nipple, it hurts!'' he complained then left. 

Mas lalo naman namula ang mukha nya! kinuha nya ang unan na nasa tabi nya sabay subsob ng mukha dun at sumigaw sa sobrang inis!

Pero ang bango nung unan, amoy Alexandros..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status