Share

Chapter 5

''We're here.'' 

Napatingin sya sa gilid nya kung saan may nakatayong malaking Villa, may apat na palapag ito at kulay puti ang pintura. Maganda ang pagkaka desenyo ng Villa, may pagka touch na modern style. Nakaharap ito sa dagat at may malawak na garden na puno ng bulaklak. Wala itong gate katulad ng ibang Villa na napansin nya kanina.

''Ano ginagawa natin dito?'' tanong nya kay Alexandros.

Bumaba na ang binata at kinuha ang maleta nya at nagumpisa na maglakad.

''Hoy teka!'' sigaw nya dito at nagmamadaling sinundan ito.''Bakit ba kanina kapa tahimik? tsaka bitawan mo nga yang maleta ko!'' sinubukan nya kunin dito ang maleta nya pero iniiwas lang ng lalaki sa kanya.

Huminto ito sa harap ng malaking pintuan at humarap sa kanya.

''You're going to stay here.'' Ani nito at binuksan ang pintuan.

''WHAT!?''gulat nyang sigaw at nag echo pa sa buong bahay ang boses nya.

Napapikit naman ang binata at humarap ulit sa kanya. Hinawakan sya nito sa balikat at ngumiti.

Huh? May sayad ba ito? Kanina halos hindi na maipinta ang mga mukha at hindi nagsasalita tapos ngayon bigla ngingiti?

''I said you're going to stay here,'' ulit na sabi nito. ''with me..'' Dagdag pa nito na ikinalaki ng mga mata nya.

''Baliw ka!'' 

''I know.'' Sagot ni Alexandros at tumawa pa. Iniwan sya nito sa may pintuan habang hila hila padin ang maleta nya. Umupo ito sa mahabang sofa.

''Hindi ako dito magiistay! Trabaho ang pinunta ko dito Alexandros kaya tumigil kana sa pang ttrip mo sakin!'' gigil na sabi nya sabay lapit dito at kinuha ang maleta nya.

''I'm not stopping you to work, I just want you to stay here so you're comfortable.''

''Hindi ko kailangan ng matitigilan na komportable! at tsaka meron na naka assign samin na cabin habang dito kami nagttrabaho.'' paliwanag nya dito. ''Sige na at pupuntahan kona yung cabin namin.'' paalam nya dito.

''Okay.'' Nagkibit balikat pa ito.

Lumabas na sya at nagumpisa hanapin yung cabin nila pero dahil bago pa lamang sya ay nagkanda ligaw ligaw sya. Bwesit talaga Alexandros yun! Akala pa naman nya mabait ito, yun pala may sayad! Hindi man lang nag offer na ihatid sya pagka tapos sya dalhin nito sa may dulo ng isla.

Hindi nya napansin na may malaking bato sa harap nya kaya nadapa sya at sumubsob. 

''Aray..'' dahan dahan umupo sya at tumingin sa paligid kung may nakakita ba sa kanya. Napaka clumsy talaga nya! Ngumiwi pa sya ng makita nabutas ang pantalon nya sa parte tuhod at nakita may sugat ito. 

Kinuha nya ang panyo sa bulsa nya at dahan dahan pinunasan ang dugo lumalabas sa sugat nya. Mangiyak ngiyak sya sa sakit ng biglang may narinig syang tumatakbong kabayo. Napaangat ang mukha nya at tiningnan ang kabayo huminto sa harap nya. 

Bumaba ang isang lalaki dito at yumuko sa kanya. 

''Are you okay, Miss?'' tanong nito na may pag aalala sa mukha.

''Ha?'' wala sa sarili sagot nya dito. Gwapo ang lalaki at bagay ang suot dito na itim na coat at puting panloob, meron din na gold na butones sa suot nito pantaas, ang pang ibaba naman nito ay itim na pants na may desenyo na kulay gold din, nakasuot din ito ng itim na boots, uniform ata ito ng club kapag nangangabayo. Napansin kasi nya na may burdang MMC sa suot nitong coat sa kaliwang dibdib.

''Done checking me out, Miss?'' amuse na sabi nito at nakatitig pa sa kanya.

Bigla naman sya natauhan at nagmamadaling tumayo, nakalimutan nyang masakit nga pala ang tuhod nya at mukhang na sprained din ang kanyang kaliwang paa kaya bumagsak ulit sya. Buti na lang at medyo nasalo sya ng lalaki kaya hindi masyado malakas ang pagka bagsak nya.

''Stop touching her Keith if you don't want me to throw you out!'' sigaw ng bagong dating na nakasakay din sa kabayo.

Lumingon sya at nakita nya bumaba ng kabayo nito si Alexandros. Natampal nya ang noo, ito nanaman si Alexandros.

Itinaas naman ni Keith ang dalawang kamay na parang sinasabi nito hindi ito lalaban.

Lumapit naman sa kanya si Alexandros at tiningnan ang sugat nya. Chineck pa nito kung may iba pa sya galos at hindi lang sa tuhod at paa. Dun nya napansin meron din pala sya sugat sa siko.

Umiling si Alexandros.''You just left 15 minutes ago and you got yourself a wound and sprained ankle already? Ano ba gagawin ko sayo? Itali? Since i met you lagi ka na lang napapahamak. Talent mo?'' mahabang sabi nito sabay iling.

''Sorry ha! Ako na nga itong nasaktan ang dami mo pa sinasabi.'' 

''At talagang sumasagot kapa!?'' gigil na sabi sa kanya ni Alexandros at dinutdot pa nito ang noo nya. Magaan lang naman kaya hindi sya nasaktan.

''Aba malamang! May bibig ako ano gusto mo gawin ko? Itikom ito?'' 

Ngumiti ng nakakaloko si Alexandros.''I know another thing we can do with that mouth of yours.''

Nanlaki ang mata nya.''Pervert!'' sabay sampal nya sa pisngi nito.

Parang hindi naman ininda ni Alexandros ang sampal nya at binuhat pa sya nito at pinasan sa balikat. Nagpupumiglas sya pero hinigpitan lang ng lalaki ang kapit sa kanya.

''Put me down Alexandros!''

Amuse na pinagmamasdan sila ni Keith na nakatayo na sa tabi ng kabayo nito. Mukhang nag eenjoy pa ang lalaki sa sagutan nila ni Alexandros.

Humarap dito si Alexandros. ''Come with us and bring her suitcase in Ruffalo Villa.'' Utos nito kay Keith.

Tumango lang dito ang huli. Isinikay sya ni Alexandros sa itim nito kabayo at sumakay din sa likod nya. Napakapit sya sa braso nito, takot sya malaglag at panigurado mas masakit ang bagsak nya kapag nagkataon.

Mabagal lang ang patakbo dito ni Alexandros dahil ang isang kamay nito ay nakahawak sa bewang nya at ang isa naman ay sa tali ng kabayo. 

''Pwede ba paki tanggal ng braso mo na nakayakap sakin!'' utos nya dito.

Mas lalo lang hinigpitan ng lalaki ang hawak sa kanya na para bang takot itong malaglag sya. 

''Just.. shut up okay? I'm tired.'' Bulong nito sa may tenga nya.

Tumahimik na lang sya pilit umupo ng ayos para hindi dumikit ang likod nya sa dibdib ng lalaki. Nakita nya na pabalik na ulit sila sa villa na pinagdalhan nito sa kanya kanina.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Shelly Moirae
Thank you din po ...️ enjoy po sa pagbabasa.
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Ayy cute ng story, I like it. Thanks author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status