LOGINMABILIS na lumipas ang mga sumunod na linggo. At sa isang kisapmata, sumapit ang araw ng unang buwan ni Mithi.Bilang nag-iisang apo na babae ng kasalukuyang henerasyon ng pamilya Altaverde, natural lamang na pinaghandaan iyon nang mabuti ng buong pamilya. Isinagawa ang selebrasyon sa isa sa mga luxury hotel na pagmamay-ari ng Altaverde Group sa Makati.Mula sa mga kilalang negosyante, prominenteng pamilya, hanggang sa matataas na personalidad sa iba't ibang industriya, halos lahat ng inimbitahan ay may mahalagang katayuan sa lipunan. Maliban kay Marikit at sa pamilya Valejo na hindi man lang inimbitahan. Na para bang hindi nag-exist ang mga ito sa buhay ng Altavede.Bago pa man magsimula ang mismong salu-salo, isa-isang dumating sa Altaverde Villa ang mga kamag-anak upang personal na makita si Mithi at magbigay ng kani-kanilang regalo. Dahil dito, halos mapuno ng mga kahon, gift bags, at mamahaling present ang buong receiving area ng mansyon.Sa gitna ng masayang kaguluhan, unti-unti
NANG makitang nananatili pa ring nakaupo si Raiko sa lounge, bahagyang napalingon si Mikael bago nagsalita."Hindi ka pa ba bababa?"Marahan namang isinuksok ni Raiko ang cellphone sa bulsa at tumayo. Kasunod ni Mikael, naglakad siya palabas ng family lounge.Ilang minuto lang ang lumipas ay pareho na silang nasa grand dining hall. Mainit ang mga pagkaing nakahain sa mahabang mesa. Puno ng liwanag ang paligid at bakas ang masasayang ngiti sa mukha ng bawat miyembro ng pamilya.Sa kabilang dulo ng mesa, karga ni Don Emilio si Mithi. Ang lalaking kilalang istrikto at seryoso sa negosyo ay ngayon ay may malambot at masayang ngiti habang nakatingin sa sanggol.Sa tabi niya, aliw na aliw naman si Doña Esperanza habang pinaglalaruan ang apo gamit ang isang maliit na stuffed toy. Napahagikgik si Mithi. Kasabay niyon ay nagtawanan din ang lahat.Dahil espesyal na gabi iyon para sa pamilya, kapansin-pansing napakabait ni Mithi buong araw. Hindi ito umiyak o nag-inarte. Sa halip ay panay ngiti
PAPALAPIT na noon ang bisperas ng Bagong Taon. Abala ang buong Valejo Residence mula pa lamang sa umaga.Sa kusina, maagang naghahanda si Stella ng mga sangkap para sa nalalapit na salu-salo. Nakahilera sa countertop ang iba't ibang rekado, prutas, at mga pagkaing nakalaan para sa family dinner.Samantala, sina Roberto at Gabriel naman ay abala sa pag-aayos ng bahay. May mga bagong dekorasyong ikinakabit. May mga regalo ring maingat na inilalagay sa ilalim ng Christmas tree.Sa kabila ng malamig na hangin ng Disyembre, puno ng init at buhay ang buong tahanan. At nang araw ding iyon, ay may dumating na bisita. Si Raiko Altaverde.Pagkababa pa lamang nito ng sasakyan ay agad na sinalubong nina Roberto at Stella. May dala itong ilang paper bags, mga prutas, mga imported supplements, at ilang regalo mula sa mga kakilala nilang nagpapaabot ng pagbati para kay Marikit."Raiko, pasok ka," nakangiting sabi ni Stella."Salamat po." Pagkatapos ay bahagyang tumingin ang binata sa ikalawang palap
MATAPOS mamatay ang tawag, dahan-dahang ibinaba ang cellphone sa kanyang kandungan. Tahimik ang buong sala. Napakatahimik. Ngunit sa katahimikang iyon, lalo lamang lumalakas ang tunog ng sarili niyang paghikbi.Una ay pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi. Ngunit maya-maya lamang ay may panibagong luha na naman ang tumutulo sa kanyang pisngi.At isa pa.At isa pa.Hanggang sa tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha.Mahigpit niyang niyakap ang kanyang mga tuhod habang nakaupo sa sofa. Hindi na niya napigilan ang sarili at tahimik siyang umiyak. Ang bawat hikbi ay parang unti-unting pinupunit ang kanyang puso. Miss na miss na niya si Mithi, at sa bawat araw na hindi niya ito nakikita at nakakasama ay para siyang pinapatay.Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling ganoon. Hanggang sa kalaunan ay napagod na rin siya sa kakaiyak. Unti-unting kumalma ang kanyang paghinga. At dahil sa kahinaan ng katawan at emosyonal na pagod, nakatulog siya sa kanyang silid m
MAKALIPAS ang ilang sandali, tuluyan nang nilamon ng katahimikan ang paligid matapos umalis ang sasakyan ng driver ng mga Altaverde..Sa huli, si Roberto at Gabriel ang maingat na tumulong sa kanya papasok ng sasakyan. Dahil mahina pa rin ang kanyang katawan, bahagya siyang binuhat ni Gabriel upang hindi na siya mahirapang gumalaw."Dahan-dahan lang," mahinang sabi ni Stella habang inaayos ang kumot na nakabalot sa kanya.Tahimik na tumango naman si Marikit. Hindi nagtagal ay umandar na rin ang kanilang sasakyan patungo sa Valejo Residence.---SAMANTALA, sa kabilang banda, kasasakay pa lamang ng driver sa kanyang sasakyan nang agad niyang inilabas ang cellphone. Mabilis niyang tinawagan si Mikael, at hindi nagtagal ay sinagot din iyon ng lalaki."Sir."Tahimik na nakikinig si Mikael sa kabilang linya."Nasundo na po si Ma'am Marikit ng pamilya niya. Dinala na po nila siya sa Valejo Residence."Sa mga oras na iyon, nakaupo si Mikael sa loob ng nursery room sa Altaverde Villa. Sa harap
SA MISMONG sandaling iyon...Bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Marikit kaya napatigil si Stella. Akala niya noong una ay namalikmata lamang siya. Ngunit makalipas ang ilang segundo, muli niyang nakita ang bahagyang paggalaw ng kamay ng dalaga."Marikit?"Agad siyang tumayo mula sa kanyang inuupuan at lumapit sa anak.Marahan namang kumurap-kurap ang mga mata ni Marikit. Mabagal sa una at mabigat, na para bang hirap siyang bumalik mula sa napakahabang panaginip. Kasunod niyon at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata."Marikit!" bulalas ni Stella nang makitang nagkamalay na nga ang anak. Matapos niyon ay mabilis siyang lumabas ng silid at tinawag ang doktor."Doc, nagising na po ang anak ko!"Agad na naging abala ang buong hallway matapos niyon. Naglabas-masok ang mga doktor at nurse na sumuri kay Marikit ng mga sandaling iyon.---SAMANTALA, sa kabilang silid ay narinig din nila ang ingay. Napalingon si Doña Esperanza."Mukhang nagising na siya."Bahagyang tumingin naman si







