Share

CHAPTER 28: Victims of Love

JANINA MARIE

Ilang beses kong sinubukan na utuin si Tommy. Sinikap kong itrato siya bilang isang kaibigan at hindi kaaway. Maging ang mga kasama sa mansyon ay pinilit kong kunin ang loob. Kahit minsan ay hindi ako nagreklamo o nagbigay ng kahit na anong sakit ng ulo sa kanilang lahat. Sumusunod ako sa sinasabi nila nang walang reklamo.

Hindi ko alam kung ilang araw na ako sa mansion ng mga Bueno. Inilagay kasi ako ni Tommy sa isang lugar kung saan hindi ko nakikita ang liwanag. Walang bukas na bintana sa aking kinalalagyan kaya hindi ko alam kung gabi na ba o araw pa rin. Wala rin kalendaryo at orasan na pwede kong tingnan.

Nang malaglag ni Tommy ang aking cellphone ay agad ko iyong itinago. Nagpadala ako ng message kay Xavier kung nasaan ako. Nakuha ko kasi ang detalye ng lokasyon namin dahil sa isang katulong na naging ka-close ko na rin. Nagkunwari ako sa kan'yang nakikipagkwentuhan lang ngunit ang totoo ay pilit ko na siyang pinakakagat sa pain ko. Hanggang sa nasabi nga niya na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Ofelia A. Celis
Anu Kya Ang ngyari Kat Tommy
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Anong nangyari bakit namatay SI Tommy
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
siguro may nangyari Kay Tommy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status